Life and Family

BANGBROS

Last month, binili iniutang namin ng TV si nanay sa Automatic Center. Sa lahat kasi ng natanungan namin ng TV (SM North and Trinoma) dun ang pinakamura. Tinapatan na yung installment price kasi yung cash price tapos Buy Now Pay Later pa so sa December pa kami magsisimula na magbayad ng installment. Sana madagdagan na yung pambayad ko that time. Lol.

Sony 2016 48′ Smart TV
Tag team bang bros

Kaming dalawa ng kapatid ko yung naginstall nung TV at wall mount sa pader (siyempre kaya nga wall mount, wall mount sold separately). Wala pa kaming nahiraman agad ng drill nun kaya itong manual drill yung sinubukan naming gamitin. Kaso nangangailangan ito ng isang daang porsyento ng lakas para bumaon.

Manual drill tapos sa semento mo gagamitin.

Buti na lang at nakahanap din yung nanay ko later on ng Electric Drill. Salamat dun sa kapitbahay namin si Mang Bigboy. Nagtatalo pa kami ng kapatid ko kung paano ang tamang paglalagay ng lead washers at screws sa likod ng TV at kung gaano kababa or kataas yung magiging position ng wall mount sa likod ng TV.

Dito kami nagtagal.
1 Kabit screws and washers
2 Lagay sa mount
3 Hindi sakto
4 Alis sa mount
5 Alis screws and washers
6 Repeat step 1 many times

After so many years, natapos din. Pansinin ninyo na lang yung wall clock sa picture kung gaano katagal naming natapos yung pagkakabit. Aayaw ayaw pa yung nanay ko na bilhan agad siya ng TV pero ngayon expert na siya sa Netflix. Sabi ko, advanced birthday gift na nya iyan sa amin ni Jonalyn. Huwag na niya ako hingan ng pang handa sa November.

Done! Yung channel 7 panalo walang sounds nung first try.

18 thoughts on “BANGBROS”

    1. Ay, joke. ‘Di ko pala alam kung meron nun sa Netflix. Wala akong Netfix kasi… Hahahaha

Share your thoughts below

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.