Life and Family / Personal Musings

To Whom This Will Concern

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ~Salawikaing Pilipino

Nagmula ang aking mga magulang sa mga mahirap at payak na pamumuhay. Ang tatay ko ay nagmula sa probinsya sa isang pamilya na umaasa sa pagsasaka. Samantalang ang aking ina naman ay itinataguyod ng isang ama na nagtatrabaho bilang kundoktor sa bus at inang naglalako lang ng kung ano ano na pwedeng ibenta. Ang pagre-real life Farmville ng tatay ko at ang pagre-real life Cafe World ng nanay ko ay hindi matatawaran, kaya masasabi kong batak sila sa kahirapan. Na ang kanilang mga sariling karanasan sa kahirapan ay ayaw na nilang ipamalas sa kanilang mga susunod na henerasyon.

“Hindi kasalanan ng isang tao na ipinanganak siyang mahirap. Pero kasalanan na niya kung mabubuhay siyang mahirap.” ~cheesecake

Ayaw ko ng isulat pa dito ang kanilang love story na paulit ulit ko na ring narinig sa nanay ko. Dahil kapag sinulat ko pa iyon dito ay baka bukas pa ako matapos. So, dumating na yung panahon na buhay na kaming dalawa ng kapatid ko. Nagtatrabaho ang tatay ko nun sa kung saan saan at ang nanay ko naman ay may maliit na tindahan sa tapat ng isang paaralang elementarya malapit sa amin. Nung huli rin, hindi na rin nakapagtrabaho ang tatay ko kaya dalawa na lang silang nagtulungan sa pagtitinda ng school supplies pati ng isa ring tindahan sa isang bintana ng aming munting bahay. Mula sa sari-sari store, school supplies store, tindahan ng karne at gulay, tindahan ng meryenda sa hapon hanggang sa bumalik muli sa pagsasari-sari store ay ang naging ebolusyon ng ikinabubuhay namin noon.

“Don’t wait for extraordinary opportunities. Seize common occasions and make them great. Weak men wait for opportunities; strong men make them.” ~Orison Swett Marden

Nagkaroon din ng kani-kaniyang pagsisikap ang aming mga kapamilya sa buhay. Kanya kanyang diskarte para umahon sa kinagisnang kahirapan. Ang isa sa mga tita ko ay nakapagasawa ng isang Pilipinong American citizen. Ang oportunidad at ang pagsisikap nilang mag-asawa ay nagbigay daan upang matulungan nila ang kani-kanila ring mga kamag-anakan. Dumating din ang panahon na naipetisyon din ng tita ko ang lolo’t lola ko papunta dun sa U.S. Marami ang tulong na nagawa nito sa buong pamilya. (Papasok na yung HINT ng post na ito). At sa aming parte naman ng storya, naibili ang lupa na kinatitirikan ng bahay ‘daw’ namin mula sa pera na galing sa aking lolo’t lola.

“Education is not preparation for life; education is life itself.” ~John Dewey

Dumating ang punto ng aming buhay na kailangang pumasok sa kolehiyo. Para sa isang pamilya na hindi ganun kaluwag sa buhay ay hindi ganun kadali ang pagpasok sa isang unibersidad. Nakatulong din ang aking pagiging scholar sa DOST at kahit papaano ay nabawasan ang aking tuition sa eskwelahan. Gayun pa man ay malaking bahagi ang naitulong ng padala ng aking lolo’t lola at sa tulong na rin ng aking tita.

“Tayo rin mismo ang makakapagsabi kung ano ang kaya nating gawin. Kapag sinabi mo na hindi mo kaya, hindi mo talaga magagawa. Kung sinabi mong kaya mo, kahit pa imposible ay gagawa ka ng paraan para matupad anuman ang ninanais mo.” ~cheesecake

Kasabayan kong pinag-aral ang ilan sa aking mga pinsan. Computer Engineering ang kinuha ko, sila ay mga Technical Courses. Yung lang daw kasi ang kaya nila. (At isa pang HINT ng post na ito). Dahil sa probinsya sila nakatira at sa dito sila mag-aaral sa Maynila, ay pinarte ang aming bahay upang magkaroon sila ng kwarto upang magsilbing espasyo para tirahan habang nag-aaral dito. Ilan school years din ang lumipas, at hindi ko itinatago na nagloko ako nung college. Pinag-aaral ako noon pero hindi ako umaabot sa gate ng skwelahan. Hindi rin nakatapos ng kanilang pagaaral ang mga kasabayan kong nagsipagkolehiyo. Pero tanging mga kamalian ko lang sa pangyayaring ito ang kaya kong ibahagi. Kung ano man ang ginawa at mga nangyari sa kanila noon, sila lang ang makakapagbahagi noon. Kumabaga sa DOTA, walang trash talk.

“Take chances, make mistakes. That’s how you grow. Pain nourishes your courage. You have to fail in order to practice being brave.” ~Mary Tyler Moore

Marami ang nangyari. Ngunit dumating pa rin sa puntong nagising ako sa mga nangyari at humingi ng isa pang chance sa aking nanay. Wala na ang tulong mula sa U.S. sa pagkakataon ito. Nakita ng nanay ko ang sincerity ng aking pagbabago at pinabalik ako sa skwelahan ngayon bilang isang studyante ng Computer Science. Dito ko nakita na kahit gaano kasama ang mga pangyayari sa buhay mo, may plano pa rin sa’yo ang Diyos. Dahil sa pagkakataong ito, nakita ko na mas gusto ko mag-program kaysa maghinang ng mga resistor na hindi ko naman kabisado ang color coding.

BABALA: Ang storya sa itaas ay pawang panimula o ‘introduction’ lamang. Ikaw ay nalinlang.

Maraming taon ang lumipas. Ayon sa isang sikat na expression, ’10 years’. Sa pagkakataong ito, oo 10 years nga.

Programmer na ako. May asawa na (pero di pa kasal dahil nag-iipon pa) at dalawa ng anak.

Pero may hindi nagbago. Doon pa rin ‘sila’ nakatira. Hindi mo maiintindihan to kung hindi mo binasa yung intro sa taas.

“You don’t ask for respect. You need to gain it.” ~cheesecake

——————————————————————————————————————

(sambablog, pano ba gumawa ng linebreak? useless yung <more> na tag.)

——————————————————————————————————————

Nagsalita na yung kapatid ko. Eto naman yung sa akin:

1. “May pinag-aralan naman kayo kaya intindihin ninyo na lang sila.”

Dahil sa may pinag-aralan ako kaya hindi ko maintindihan bakit ganoon ang nangyayari.

2. “Sa inyo ang bahay na iyan. Walang makakakuha niyan sa inyo.”

Bakit kailangan ko pa umupa sa ibang lugar?

3. “Hindi ninyo mapakinabangan yung mga pinag-aral ninyo.”

Kung business ang pagpapaaral, babayaran ko na lang yung puhunan.

4. “Ako ay walang galang.”

Wala lang sa ugali ko ang pagiging ‘plastic’.

5. “Ako ay walang utang ng loob.”

Subukan ninyo magbigay sa isang tao ng isang tumpok na pera at utusan siyang pumunta sa isang skwelahan para kumuha ng diploma sa ilalim ng kanyang pangalan. Kahit milyon pa ang pera niyang dala, sa recto lang siya makakakuha ng diploma. Ang pag-aaral ay hindi lamang pera. Dapat ninyo rin maintindihan na, pinaghirapan din namin kung ano ang meron kami ngayon.

6. “Ako ay walang respeto.”

Wala akong masamang niloloob kahit kanino man. Hindi ko lang gusto ang mga paniniwala ninyo.

7. “Ang sikip naman ng bahay ninyo at mainit (dahil walang kisame).”

Sinasabi nyo na ipagawa namin ang bahay namin. Ngayon ipapagawa namin ay hindi naman namin magawa. Simula ng ginawa ang parte ng bahay na yan para sa kanila, hindi na namin alam ang ibig sabihin ng salitang ‘bedroom’. Sa sahig ng sala kami natutulog. Kumbaga, 2 in 1 ang aming Living Room. At ang tanging kwarto sa aming bahay na masasabi mong kwarto, ay isa lang atang tao ang pwede matulog.

8. “Hindi naman yata pwede yang gusto n’yong mag move out ang mga pinsan ny’o, that’s unfair!”

Kami yung anak ng mga magulang ko. Pamangkin lang sila. Sila yung mga ‘single’ at ako yung may pamilya. Sabi ninyo bahay namin yan. Ako yung nagbabayad ng monthly rent sa ibang lugar at sila yung libre sa bahay ‘namin’. Sige na nga, it’s unfair.

9. “Kaya nga napilitan binili yan para kung sino man ang gustong pupunta d’yan na galing sa probinsya ay may matitirhan or matutuluyan, di ba?”

HOTEL?

10. “Basta ipapagawa n’yo na ang gusto n’yong ipagawa,  basta rin mayrong isang kwarto na para sa kanila.”

Ang kwarto na natutukoy dito ay kalahati ng total lot area ng lupa. Baka kung dumating man sa punto na may pamilya na rin sila, e ganun pa din yung setup. Magkano ba magpatayo ng bahay para lang ibigay sa ibang tao.

11. “I hope you don’t get upset for what we’re saying.”

I’m cool as ever.

12. “Yan naman bahay diyan magiging inyo talaga, kasi may mga bahay na silang lahat sa probinsya.”

Exactly. Ano ba naman yun maliit na piraso ng lupa kumpara sa lupain sa probinsya na kahit isang butil ay hindi naman namin na pinagiinteresan pa.

Final Words

No comment.

Advertisements

19 thoughts on “To Whom This Will Concern

  1. Huwaw!!!! Ang saya-saya naman… masyado akong naka-relate from 1- 12. Hahaha… I share some of the views you have.

    Sa Baesa ka diba? Madalas akong nadaan diyan eh… Sa Gulod lang ako sa tabi ng Tullahan River.

  2. ang astig mo kuya! DOST scholar ka! wow! galing mo naman.. 😉

    computer science din yung gusto ko, kaso natakot ako kasi puro math subjects dun.. hehehehe

    yung mga ganyang klase ng tao, kung nandito yan sa amin, baka matagal ko ng pinalayas at napagsalitaan ko ng di maganda. sila na nga lang ang nakikitira, sila pa ang demanding.. tsk tsk

    • mas puro math subject ang engineering ate 😀

      kahit anu pang course yan kung gusto mo at pagsisikapan mo chicken joy lang yan.

      the problem here is di naman talaga sa amin yung bahay, well technically

  3. Usaping pampamilya, dugo sa dugo, kuto sa kuto hijo. Que punto de visto ala que tarantado hijo nge lolo kulisap que..que sera sera. Walangdyo, tabakong mapanghi nga diyan.

    Nadigs ko lahat ang blah blah blah..tulog na tayo..lika na dito, bukas naman tayo mag-usap.

    Ang gulo nitong si Kuli. May sasabihin ka ba?

    Kung nagtuturing ka ng kadugo, anong klaseng dugo ba ang iyong nasa puso?

    ‘Yon lungs. Huling salita..nGORK

    • hindi siguro palaging ‘blood is thicker than water’, depende na lang din siguro sa sitwasyon.

      ganyan din nangyari sa asawa ko sa side nya, wala syang namana nung namatay yun tatay nya. ayun kinuha ng mga kamag-anak nya.

      di bale meron pa rin namang tinatawag na ‘huling pagtutuos’ kung saan lahat ng ginawa mo sa mundo e lilitisin hehe.

    • May punto ka na naman.
      Ito ang nakakalungkot na bahagi ng mga magkakapamilya. Mainam sana kung lahat nagtutulungan pero hindi natin kayang itanggi na naiiba ang istory ng ilan, para bang pampa-anghang sa mapaklang lasa ng buhay at sa tinatakbo nito sa loob ng tahanan.

      Mulat ako sa kwento mo dahil ganyan din ang kwento ng pamilya ko, nagmula pa sa mga ninuno hanggang ngayon. Dahil umiral ang kabaitan/katangahan (paumanhin tatay) at pagsasawalang kibo ng aking ama at sa side ng aking ina, wala kaming pag-aari na sana ay mayroon.

      Lusob….tara na at makidigma.

      Tama ka, magsumikap na lamang tayo, hindi tayo talo don. Atin ang tagumpay.

      Isang tagay nga ng malapot na dugo mula sa kapimlya. Biglang naging drakulisap naman me eh.

    • hindi ka na kulisap nyan lolo

      isa ka nang ganap na…

      LAMOK!

      hehe

      magsumikap na lang tayo sa buhay. tayo lang din talaga ang makakapagdikta ng ating patutunguhan sa buhay. kung tutunganga lang tayo e mapapanis lang ang ating mga laway at babaho lamang ang ating mga kilikili. basta wala tayong sasagasaan ok lang maging masaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s