Life and Family / Personal Musings

Tips Para Yumaman

Dahil sa pagbabasa ko paminsan minsan sa Yahoo! News (yung mga kung anu-anong bagay dun sa yahoo! homepage) at dahil recession pa rin ata, e nauuso ang mga information tungkol sa mga sikreto ng mga bilyonaryo o mga tips para yumaman. Kadalasan ay iisa lang naman sila ng sinasabi: ang magtipid. So eto na yung listahan na hinango ko sa internet kasama na rin ang mga naiisip ko din (disclaimer: hindi mayaman ang nagpopost nito kaya nasa sa inyo kung maniniwala kayo o hindi).

1. Huwag gumastos. Isa lang naman ang pinaka-kalaban ng pagtitipid, at iyon ay ang paggasta. Kung gusto mo talagang yumaman, e magsimula ka ng magtipid. At para makatipid ka naman, huwag kang gumastos. Kung seseryosohin mo ito at baka patay ka na. Ang ibig lang sabihin nito ay isipin muna ang paggagastusan. Piliin kung ano yung needs at wants. Tapos dun naman sa needs i-set kung ano yung priority.

2. Huwag mag-window shopping. Huwag itong gagawin kung mahina ang inyong resistensya na sa pagbili. Katulad na nasa taas, kung ayaw mong mapagastos, ‘wag mag-window shopping. Dahil ang window di naman binibili, ipinapagawa to (corny!). Sundin ang yung rule (na hindi ko maalala kung ano ang tawag) na kung may bibilihin lalo na kung may kamahalan, huwag mong bilihin sa unang pagkakataon. Magpalipas ng ilang araw para pag-isipan kung talaga ngang gusto mo (at kailangan mo) ng bagay na ito. Kung yes pa rin ang sagot mo. Balikan ang naturang bagay sa pagbibilihan mo nito. Kapag andyan pa edi bilihin mo. Kapag out of stock na e, it’s a sign na hindi ito para sa iyo. Eto yung ginagawa ko pagbibili ako ng Gundam kits, kaya ayun mahigit isang taon na akong hindi nakakabili 😦 lol.

3. Gumawa ng grocery list. (Palengke list pwede rin). Bilihin lamang kung ano yung nasa listahan walang exception. Huwag dadaan sa mga shelf na wala namang bibilihin.

4. Swiper, no swiping! Huwag na magdahilan na kailangan naten ng credit card sa buhay. Ang zero percent interest ay hindi naman talaga zero percent dahil nasa presyo na kaagad ng produkto ang extra charges. At ano nga ba ang binibigay sa atin ng credit cards? Purchasing power. Kahit ‘wala’ tayong pera basta may plastic money ay pwede tayong bumili ng gusto naten dahil sa purchasing power. At dahil meron tayong purchasing power ay pwede na tayong gumastos na against sa tip#1. Kung sasabihin nating for emergency use ang credit card, e di mag open ka na lang ng savings account. Di ba?

5. Cut the monthly bills. Ang monthly bills ay para ring deduction sa iyong sweldo parang withholding tax o sss. Kung gusto mo makuha ang iyong net salary ng malaki, bawasan ang iyong mga monthly bills na hindi mo naman kailangan. Kung kaya mo ang walang ilaw o tubig e bahala ka na, pero lung meron man na bukod doon e pag-isipan mo na ngayon palang kung talagang kailangan mo ba talaga. Kung hindi mo kayang alisin e at least pwede ka naman magtipid sa paggamit. Eto mga iilan: credit card, internet, post paid mobile, phone bills, cable tv, kung ano anong membership fees, insurance plans, educational plans. Note: Hindi ko sinasabing hindi mo kailangan ang mga nabanggit, ang sinasabi ko lang e ‘think wisely on how you spend on things’. Sa huli, ikaw pa rin ang makakapagdesisyon kung ano ang kailangan mo o kung ano ang importante para sa iyo.

6. Mag-ehersisyo. Mukhang wala itong kinalaman sa pagyaman pero kung tutuusin e meron. Hindi naten napapansin pero ang isa sa pinakamalaki nateng pinagkakakagastusan ay ang medical bills. Kung magsisipag lamang tayo para mag-ehersisyo ay maiiwasan natin na magkasakit. Kapag nagkasakit ka, hindi ka rin makakapasok sa trabaho. Buti na lang sana kung gamot lang. Pero paano pa kung hospital bills na ang pag-uusapan? Kaya panatilihing malusog ang ating katawan. Aanhin pa ang pagiging milyonaryo kung nasa hospital ka naman at di na makatayo?

7. Mag-diet. Kung binasa mo na ang number 6, alam mo na kung para saan to. Pero hindi ibig sabihin nito ang pagbili ng mga diet supplements o kaya naman ay special diets katulad ng south beach. Go for natural, no extra costs.

8. Kumain ng tama. Kung binasa mo ang number 7, wala lang. Dahil wala naman itong kinalaman doon. Ang gusto ko lang sabihin dito e, kumain lamang tayo ng sakto sa kaya nating ikonsumo. Katulad ng laging sinasabi ng ating mga magulang noong mga bata pa tayo, “Huwag mong sayanging ang pagkain, maraming bata ang nagugutom.” Yan ang logic noong mga bata pa tayo. Pero ngayon tayo na ang bumibili ng pagkain, ang nasayang na pagkain ay nasayang ding pera. Ganun lang.

9. Mag-recycle. Yung mga bagay na pwede naman i-reuse ay pakinabangan pa ulit kesa naman bibili ka ng panibago. Kamakailan lang kesa bumili ng alkansya e gumawa na lang ako gamit ang isang bote ng 1.5L na softdrinks at Gundam modeling knife.

10. Dahil sa tinatamad na akong ayusin ang numbering base sa priority, dito ko na lang idadagdag sa huli ang mga naiisip ko pang isama. Gumawa ng Savings Account. Ayan. Tulad ng nabaggit ni J. Kulisap, gumawa tayo ng savings account para na rin sa pag-iipon. Kung hindi mo mapigilan ang sarili mo sa paggastos, pwede mong gawin na naka-passbook ang account na ito at walang atm. Ibig sabihin, kailangan mo pang pumunta ng bangko para kumuha ng pera mula dito. Kung meron ka namang asawa, pwede mo din gawin na ‘Joint account na AND‘ (hindi OR) ito para hindi makakapagwidraw ang isa sa inyo kung walang pirma yung isa. Sa ganitong paraan e hindi basta basta magagastos ang inyong savings account. Sabi ng asawa ko available din dito sa Pilipinas ang automatic na deduction (hindi ko maalala ang tawag) sa bangko. Kung wala kang disiplina sa pagtitipid, e eto ang bagay sa iyo. Ang sistema ay simple lang, kunyari ay may savings account ka sa isang bangko kung saan andun din ang iyong payroll account, sasabihin mo lang sa bangko na kakaltasan nag iyong payroll account at ilagagay sa iyong savings account kada buwan. Ganun lang. Para ka lang kinakaltasan ng tax sa sweldo buwan buwan. Siguro yung terms bahala na kayo sa makipag-usap sa bangko. Yun lang e, may bayad ang ganitong serbisyo. Wala lang ako ideya kung magkano kayo na lang mag-inquire. Ganun pa man, kung may disiplina kayo edi kayo na lang magdeposit para wala na kayong service charge na babayaran.

11. Gumawa ng weekly recipe. Kapag may plano ang inyong kakainin sa isang linggo, ibig sabihin e nakabudget na din ang mga rekado o kung anuman ang gagamitin ninyo sa pagluluto. Parang grocery list lang din. Walang sosobra, wala ring unwanted na gastos pagdating sa budget sa pagkain. Kung gusto mo monthly, pero napanood namin sa news na may gumawa na ng yearly recipe. Astig dahil pati portions na gagamitin nya e nakaayos na sa loob ng ref nila. 1/4 na baboy, 1 taling kangkong, 1 sibuyas, 1 kamatis, 1 sampalok mix. Joke lang to, dahil amerikano yun nasa balita na yun. Kaya di marunong magsinigang yun. Lol.

Eto muna sa ngayon… try ko iupdate pag may pumasok ulit sa kokote ko. Suggest lang kayo. Happy saving.

Advertisements

44 thoughts on “Tips Para Yumaman

  1. Magaling ito pre.

    Ishare ko lamang ha. Dati wala akong ka-savings savings. Inom, sine, gala, tira ng budget para sa kinsenas.
    Tapos, naiinggit ako don sa mga katrabaho ko, lagi silang nagpupunta sa bangko para magdeposito ng kanilang naimpok, sa kabutihang palad, inalalayan ako ng aking katrabaho. Pina-enroll niya ako sa BDO, para maimpok ko daw ang ika-sampung bahagi ng aking sahod, hinikayat din niya akong mag-impok sa isang kooperatiba na myembro ang aming kumpanya, kumuha na rin ako ng insurance na pwedeng kumita kapag sinuwerte (risky) pero nakipagsapalaran pa rin.

    Maliit/barya pa lamang ang aking naipon, wala rin akong masyadong nakikitang materyal na bunga ng aking pag-iimpok pero hindi naman ako nangangapa kung saan kapag kailangan kong umutang. Inuutangan ko ang aking sarili.

    Disiplina lamang talaga. Hindi sa lahat ng oras, malakas tayo para kumayod pero huwag namang maging madamot. Kailangan ng katawang lupa ang magliwaliw paminsan minsan.

    • hehe salamat sa suggestion

      sa totoo lang nakalimutan ko lang idagdag nung first draft tinatamad pa lang akong iupdate tong post na ito

      may savings din kami sa BDO. yun yung binaggit ko na P5000 sa isang page ko. Di pa nadadagdagan as of now. yun pa lang yung opening balance hehehe.

      hindi naman absolute ang pagtitipid na kailangan mag dyeta sa mga ‘happenings’. para sa sarili rin naman naten kaya tayo nagiipon. kaya kung gusto naten gastusin wala problema.

  2. Nakapanliit naman ang mga sinasabi ninyo tungkol sa pagtitipid, pakiramdam ko sinagasaan ako sa gitnang-gitna tapos inatrasan pa with matching barurot para magmarka sa mukha ko yung kulubot ng gulong ouch! Nakakainggit talaga yung mga taong may kontrol sa sarili at disiplina sa pag gastos. Pag iisipan ko ito talaga bago pa maging huli ang lahat 😦

  3. hmn… wala kelan kaya ako yayaman. six years na ako dito sa kuwait pero wala pa akong ipon kahit singkong duling. seryoso. hindi pa huli. may isang taon pa ako bago umuwi ng pinas. hehehe….

    • mas madali mag-ipon pag single ka pa kasi wala kang ibang iniisip katulad ng pang-gatas, pang-diaper, pang-tuition at kung anu ano pa.

      good luck at tc dyan πŸ˜€

  4. absolutely true,kasi kelangan pag planuhan ang kinabukasan,.habang bata pa,dahil hindi ang kinabukasan ang magpaplano para satin.dapat malaman natin kung ano ang needs sa wants,.kapag needs bilhin,.kapag wants,.isipin muna natin,.luho lang kasi yun,.

  5. CHEESE!

    ito raw talaga ang pumukaw ng atensyon ko sa header mo. hahaha!

    tama yung gumawa ka ng savings account. depende sa tao pero kung talagang mayroon ka ng something na magmo-motivate sa iyo mas nakakaipon ka. saka iba yung alam mong lalabas ka pa para makakuha ng pera so iyon yung ipon versus alkansya.

    yung diet and bawal magkasakit. true din yun. sa sakit kasi hindi mo na alam kung hanggang magkano ibabayad mo at hanggang kailan. saka pag may sakit ka, wala na patay na negosyo o kita. hehehe

    mabuhay!

    • hello Hoshi!

      sa panahon talaga ngayon ang hirap yumaman makaipon. yung savings namin naclose kasi nagamit e. hopefully this year makapag open kame ulit. hindi mo kasi alam kung kailan mo kakailanganin ng pera. mabuti na yung may paghuhugutan. πŸ˜€

  6. tama ang mga tips kasi yan rin ang pumukaw sa akin para makapag ipon kaso minsan hindi mo talaga maiiwasan ang mag withdraw lalo na’t kailangan ng pera… pero ok lang atleast sarili mo naman ang inuutangan mo at hindi yung mga ibang tao,, kailangan lang talaga mag tipid.. sa pagkain naman kumain lang tama at wag sobra2x kung sapat naman para sa iyo.. huwag rin masyadong materyalestik kung nag uumpisa ka palang ngayon pag isipang mabuti kung kailangan ba talaga..

    • isa sa mga suggestion na nababasa ko e, magtabi ka na agad ng pera na hindi mo gagalawin o kumbaga e savings. tapos dun sa matitira ka kukuha ng panggastos. maubos mo man ito, sure ka na may palagi na natitira para sa pamilya mo.

      cheers!

  7. Ako naghihiwalay ako ng at least 20% ng peypey ko tas deretso yun kay mudak para maideposito nya sa benk account ko. πŸ™‚

  8. Kaso LNG wala akong bank account. Kung Hawakan ko LNG maubos din ,ano ba dapat Kung Gawin …I need ur advice thank you and God bless …

    • Ang alam ko, nasa 5k yata yung pang open ng account sa mga bangko ngayon. Ipon ka lang muna mula sa extrang pera. Huwag mong i-overdo yung pagse-save kasi kung sosobra naman yung itatabi mo, malamang magagalaw mo din yan. Itago mo lang yung talagang kahit parang ‘nawala’ yung pera e ok lang.

      I suggest for now, itago mo na lang sa isang lugar at huwag mong isipin na mayroon kang pera. Kapag naiisip kasi natin na may pera tayo, naiisip naten na may panggastos tayo. Kung iti-treat mo kasi na parang wala ka talagang pera, hindi mo maiisip na gumastos.

      God bless din po!

  9. lahat ata ay kaya kong gawin dito, malaiban sa huling bilang. hindi kasi ako maruinong magluto so walang recipe. hehehe

    tama na ang pagtitipid ay isang solid key for your financial freedom in the future. sabi nga sa isang seminar na pinuntahan ko. wala sa laki ng kita, malaking bahay at magarang kotse ang pagyaman nasa money management. Kung ang lagayan mo ng tubig ay may butas kahit anong igib mo, mahirap itong mapuno o di na mapuno.

    Mabuhay ka Cheese!

  10. Grabeh ako din at may card pa si bili at swipe. Di ko na bibilhin ung cp. Ahuhu. Isipin ko n lng binili ko tapos ung monthly ilagay ko sa account ko agad.

    Sana. Ahahaha. Di pa huli ang lahat para magipon. No need naman yumaman basta basic needs eh natutugunan.

  11. Pingback: Personal Finance Success | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s