Personal Musings / Religion

Ang Taimtim Na Dasal

Kahapon.

Linggo ng gabi.

Gusto kong pumatay.

Mali, manuntok lang pala dahil wala sa tamang lugar ang pumatay.

Nagsimba kami dyan sa isang maliit na parokya malapit sa amin. Hindi ako relihiyosong tao pero hangga’t maaari ay nagsisimba kami ng aking pamilya tuwing Linggo. At dahil sa medyo na-late kami ng dating sa simbahan ay nasa bandang huli na kami nakapwesto. Madaming tao pero hindi naman ganoong siksikan at mayroon pang mga pwesto para upuan. May mga mangilan-ngilang ingay bukod sa sermon ng pari, binabasang readings, kanta ng choir at mga tao, at pati na rin ang musika na sumasaliw sa relihiyosong tugtugin. Hindi ko ito alintana dahil sa totoo ay nakatayo ang simbahan katabi ng isang maliit na palengke.

Naghudyat na ang pagdadasal ng ‘Ama Namin’. Naghawak-hawak ng mga kamay ang mga tao bilang pagkakaisa. Sa kalagitnaan ng dasal/kanta ay may kakaibang ingay akong naulinigan…

…ingay mula sa tatlong lalaking nagtsitsismisan.

Daig pa ang mga babae at mga bading na naguusap tungkol sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila dahil wala akong pakialam. Nagpunta ako sa lugar na iyon para magsimba hindi makinig sa mga chismis. Sa totoo lang simula pa noong dumating kami doon ay nagchichismisan na sila. Nito lang nag-‘Ama Namin’ na at tahimik ang mga tao saka nangibabaw ang kanilang pagtatalakan.

Napatingin ako sa kanila sa kalagitnaan ng dasal dahil di ko na matiis. Kung hindi illegal pumatay…

BANG!

Paunawa: Pumunta sa simbahan (sa isang misa) para magsimba, hindi para sa kung anumang dahilan pa.

Advertisements

19 thoughts on “Ang Taimtim Na Dasal

  1. Sorry, wala ako masyado mahelp sa theme layout (re: summary posts). Kasi there are some layouts talaga yata na dun lang pupuwedeng magsummary. Yung iba like Vigilnace, no ata. :/

  2. hmmm… maiintindihan ko kung maliliit na bata ang nagiingay. bata yun eh… pero kung ganyang mga matatanda na, at nagchichismisan to the point na naririnig na sila ng ibang tao, malamang titingnan ko yan ng masama sabay palalabasin ko para dun sila sa labas magchismisan.

    di naman sa ipokrita ako, ok lang na may magbulungan habang nagmimisa pero sa kanila na lang ang kung anumang impormasyong pinagsasaluhan nila…kasi tama ka, nagpunta ka sa simbahan para magsimba. hindi para pagusapan ang buhay ng kung sino.

    hay… nakahalata ba?

  3. jan ako na22wa sa ibang religion cuz they manage to have their church service as solemn as possible. id rather not to name it.
    good day! 😉

    • being a catholic, yung pagsimba na lang almost yung hinihingi sa aten.

      i am not saying na ganun ako religious, we all have free will pero lagay lang sa lugar 😀

      add ko po kayo sa blogroll tom kasi medyo slomo net dito sa bahay (kahit sira yung link mo lol)

  4. tama! tama! sa totoo lang bigla akong nalungkot sa nabasa ko, hindi dahil sa mga taong nagtsitsismisan kundi dahil matagal na panahon na ng huli akong bumisita sa simbahan. 😦

    –ngayon lang ako nakapag-update ng blogroll. andun ka na sir. 🙂

  5. may TAMA ka dyan!!! 😉 Ang simbahan ay isang sagradong lugar. Di dapat ginagawang dating place o lugar para makipagkwentuhan. Marahil ang mga lalakeng yun ay di naturuan ng kanilang mga magulang o kahit mga guro tungkol sa pagkilos nang maayos sa loob ng simbahan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s