Personal Musings

More Than Just Writer’s Block

Ilang araw na e wala pa rin akong bagong post dito sa wordpress. Ang tawag nila dito ay ang ‘writer’s block’. Yung tipong wala kang maisip na isulat. Pero hindi yun ang tawag ko sa nangyayari sa akin. Hindi lang ito writer’s block kasi ang totoo, marami akong gustong isulat. Hindi ko lang ginagawa. Ito ba yung… Life’s Block?

Marami kang gustong gawin, pero kahit isa wala kang masimulan. Eto at napagdesisyunan ko na ding palitan ang aking theme papuntang vigilance pero di ko pa nailalapat ang mga bagay bagay na gusto kong isaayos sa theme na ito. Lahat nasa utak lang, wala sa gawa. Nalalapit na ang katapusan ng buwan pero di ko pa rin nailalagay sa isang ‘soft copy’ ang entry ko kay otep para sa kanyang pakontes. Hindi ko pa din naisusulat ang entry ko sa isang pakontes sa aming kumpanya na may gantimpalang nakakayaman ng konti. Lahat nasa utak din. Gusto kong manood ng Naruto Shipudden. Gusto kong mag-DotA. Gusto kong magbasa ng Dragonlance. Gusto ko ayusin ang blog na ito. Gusto ko mag-PSP. Gusto kong bumili ng kung anu ano. Marami akong gusto.

Napakaraming gustong gawin pero walang panahon para gawin, walang katawan na gagawa, at sa ilang pagkakataon walang pera para isakatuparan ito.

Eto lang siguro yung mga naiisip kong dahilan sa Life’s Block na ito:

  • Umiiral ang aking katamaran. Noong bata ako laging isinisisi ng aking magulang sa kanilang mga sarili kung bakit nila ako bininyagan sa pangalang ‘Juan’. Dahil sa ito’y pangalan ng isang matinee idol nung mga panahong iyon kaya nagawad sa akin ito pero may mga panahon na imbes na JC Bonnin e Juan Tamad ang aking nagiging ugali. Kaya rin siguro noon din unang panahon e pinanood pa namin sa pinilakang tabing ang isang pelikulang tagalog na pinamagatang walang iba kundi ‘Juan Tamad’ na pinagbibidahan ni Eric Quizon noong lalaki pa siya o kaya’y noong tinatago pa lang niya ang kayang alter ego.
  • Lumalabas ang aking pagiging ‘Libra’. Isa sa mga katangian ng isang taong pinanganak sa ilalim ng mga bituing Libra ay ang pabago bago ng mood pagdating sa paggawa. Nabasa ko lang yan sa mga horoscope magazine (na naimprenta katulad ng mga song hits na uso noong araw) at sa mga kung anu anong bagay katulad ng mugs, mga bookmarks at mga gift items na nabibili sa National Bookstore na may imprentang horoscope signs. Hindi naman sa ganun tayo kabilis maniwala e pero kahit konti may katotohanan naman ang bagay na ito. May mga oras talaga na ‘hyper’ ako. Tipong kahit magtrabaho ako ng 16 oras o kaya naman ay i-general cleaning ang aming bahay na isang taong na hindi nalilinis ay ok lang. Pero dumarating din sa punto na ang mga Libra ay tinatamad na kung saan kahit simpleng bagay ay hindi na magawa pa. Ito ay kung saan kapag wala ka sa mood, e buong araw ayaw mo nang gumalaw pa.
  • Stress sa trabaho. I love what I do at work. Hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong sumipsip sa kumpanya namin dahil alam ko rin naman na bibihira lang din sa office ang nagbabasa ng mga posts ko. Dito naten masasabi ang age old na kasabihan na – ‘walang madaling trabaho’. Kahit gaano mo kagusto ang ginagawa mo, mayroon at mayroon pa rin naman mga challenges na kinahaharap ka sa iyong buhay career. Wala naman talaga akong issues pagdating sa work. Itong next sentence na lang siguro ang makakapagpaliwanag bakit stressful ang work ko – “Bilang isang programmer, nakakapagod talagang mag-isip.” Minsan na-realize ko yung parusa ni Lord sa mga lalake (kay Adam), na paghihirapan niya lahat ng ipapakain niya sa pamilya niya. Hindi ako nagrereklamo kasi para naman sa mga anak ko ang ginagawa ko. Naisip ko lang na wala tayong karapatan para tumigil sa pagtatrabaho para sa pamilya naten, sa ayaw man o sa gusto. Parang inborn truth na ito.
  • Feeling ko magkakasakit ako. Sa pabago bago ng panahon hindi malayo na trangkasuhin na ako. Worst lang na nangyari this week e sumakit ang buo kung right chest and back. Nalamigan o nangalay e hindi ko alam. Basta kapag humiga ako e hirap na akong bumangon o kaya e hindi ako makalingon on any direction, forward lang. Lol.
  • Stress sa health. Hindi lang halata (ng mga kakilala ko personally) pero I am suffering with a rare illness. Ayoko munang i-tackle dito ang bagay na iyon. (Nakareserve ng ang ilang page ng blog na ito para dun). Rest assured, hindi ito isang lethal illness. Pero para sa akin e mas masakit pa ito sa isang lethal illness. Clue: Isa itong psychological illness. Ang mensahe ng sakit na ito sa mga hindi nakakaalam na may ganito pala e – “We exist.”
  • Doubt sa buhay? Maraming tanong ang tao tungkol sa buhay. Marami dito e walang sagot. Kahit siguro nadeads ka na e hindi mo pa rin ito masasagot unless makausap mo ang Diyos para sagutin ang mga tanong na ito. Magugunaw na ba ang mundo? Totoo ba ang mga aliens? Mayroon bang impyerno? Paano namatay ang mga dinosaur? May white lady ba talaga? Mga ganoong tipo ng tanong. Di ko naman sinasabing hindi ako naniniwala sa Diyos. Alam kong nandyan lang siya at binabantayan tayo. Di lang naten maiwasan bilang tao na magtanong. Kaya mga meron mga science books na pinag-aaralan naten at mga nagiging scientist dahil dito.

Sana sipagin na ako ulit bukas. Matutulog muna ako sa ngayon. Hehehe.

Advertisements

6 thoughts on “More Than Just Writer’s Block

  1. THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

  2. Just noticed, you also changed theme na! Grats! πŸ™‚

    hehe as for your writer’s block, there’s some feat in WordPress to get rid of it. Seriously. πŸ™‚

  3. Ganyan lang siguro boss! marami talagang contributing factors sa pagbabago-bago ng mood ng tao, pero lilipas din iyan. May isang bagay lang akong na-miss sa site mo. Yung malaking keso sa kaliwa, pero ok lang maganda naman ang bago mong theme. Maaliwalas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s