Life and Family / Personal Musings

Pag-ibig: Sa Pamilya, Sa Kaibigan, at Sa Sarili

Itinago ko ang mga pangalan ng mga tunay na tao sa likod ng kwentong ito, dahil gusto ko lang. Alam naman nila kung sino sila. Ito ay para sa pakontes ni Jay Cool (J. Kulisap na napunta sa Estados Unidos) na matatagpuan dito sa link na ito. Paunawa sa mga hurado, pag-usapan na lang naten ito, este aaminin ko na hindi ko naihatid ng maayos ang kwento. Katulad ng blotter ko sa baranggay Susong Dalaga, kulang ang 350 salita para sa kwentong ito. Sa madaling salita, tenbits (bitin) to. Kayo na ang bahala, arbor ko na lang yung relo. Patawa (joke). Aaminin ko, 380 salita ito. Di ko na kayang bawasan e (gusto ko pa ngang dagdagan).

– – – – – – – – –

Tatlo kaming magkakabarkada simula pa noong nasa elementarya kami. Magkakaiba man ng estado sa lipunan, pananaw sa relihiyon at sitwasyon ng kanya-kanyang pamilya, pero hanggang ngayon ay matatag pa rin ang pagkakaibigan. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ito ng isang matinding lamat.

Sina Happy at Funny ay galing sa isang hiwalay na pamilya. Ako naman ay buo ang pamilya ngunit hindi perpekto. Parehas silang lumaki sa ina pero kaibahan lang, si Happy ay may tumayong ama samantalang si Funny naman ay wala. Isa pang kaibahan, nagkaroon ng pagkakataon makilala ni Funny ang nagpunla sa kanya si Happy ay hindi. Noong mga bata pa kami hindi namin alintana ang mga problema sa buhay. Hanggang lumipas ang marami pang taon bilang magkakaibigan.

Si Funny ay masayahin, palabiro at kadalasang mapang-asar na tao, kaya hindi mo mahahalata sa kanya ang problema. Si Happy naman ay masayahin din at kadalasang batuhan ng asar ni Funny. Pagdating sa seryosohan e seryoso na din Happy. Si Funny ay ganun pa din sa dati. Ako naman ang pinakaseryoso daw sabi nila.

Dumating sa magkakaibigan ang panahon na kailagan mong suungin ang buhay na mag-isa. Kahit ganito, paminsan minsan ay nagkikita kita pa rin kami dahil hindi rin naman ganun kami kalayo sa isaโ€™t isa. Pero noong mga araw na hindi, solong binubuhat ni Happy ang kaniyang mga problema.

Ganun na lang iwaldas ng kapatid niya ang pera na padala ng kanilang ina na nasa ibang bansa. Lulong ito sa mga bisyo at pati pera na dapat pang matrikula nya noon ay napupunta lamang dito. Minsan pati pangkain nila sa araw araw napupunta lang sa barkada. Tiniis ito ni Happy. Walang katumbas ang pagmamahal niya sa pamilya. Sinabihan ko siya na ampunin ko na lang siya upang makapagsimula ulit tutal tapos naman na siya ng kolehiyo, ngunit nangibabaw pa rin ang pag-asa niyang magbabago pa ang lahat.

Sinakripisyo niya ang kanyang sarili dahil sa pagmamahal na ito.

Alam ko masaya na ngayon si Happy. Andito pa siya sa materyal na mundo pero hindi na siya ang kaibigan namin. Sinisisi ni Funny ang sarili kung bakit wala siya sa tabi ng kaibigan noong kailangan siya nito. Umiyak na lang ako. Hindi ko rin alam kung matutupad pa ni Happy ang pangarap niyang makikila ang tunay niya ama.

– – – – – – – – –

Karagdagang Disclaimer:

Pasensya na sa mga ‘barkada’ ko na alam ko namang hindi lang tatlo. Kailangan ko lang banggitin yung originals dahil katulad ng dahilan sa taas, 350 words lang pwede. Kung isasama ko lahat, 1500 words na to.

Sa mga tauhan na nabanggit, hindi ko hiningi ang permission nyo. Alam ko kapag nabasa ng antagonist ng storyang ito ang pitak na ito, malamang madadagdagan na naman ang mga taong galit sa akin dahil sa paggamit ko ng WordPress Blog sa pagpapahayag nga mga TOTOONG mga BAGAY na may PINAGBASEHAN. Kaya kung may kokontra, WAKOKERS (parang bading lang amf, nakakahawa ang ibang bloggers lol).

Sa mga makakabasa, pagdasal na lang naten si Happy. Sana makabalik siya sa mundong ibabaw.

EDIT: Feeling ko maraming nabitin na storya na eto, kasi hindi ko alam kung nagets ninyo ang ending ng story. Pinadala na po si Happy sa isang malayong probinsya dun sa mga kamag-anakan nila para alagaan. Hindi ko alam kung kilala pa niya kami. Wala na po kasi siya sa normal niyang pag-iisip. Hindi na po niya nakayanan ang problema sa pamilya. Bumigay na siya. Hindi ko alam kung ano na mga naiisip niya ngayon. Pero ang mahalaga e malaya na siya sa problemang pinapasan niya.

Advertisements

59 thoughts on “Pag-ibig: Sa Pamilya, Sa Kaibigan, at Sa Sarili

  1. Ramdam ko anak!

    May isang kaibigan akong kahalintulad ng pinagdaraanan ng iyong kaibigan pero umaasa akong nagsusumikap siyang baguhin ang pag-ibig niyang bawal dahil wala naman talagang tagumpay na nararanasan.

    Pag-ibig sa panumandaliang ligaya na idinudulot ng pagwaksi sa mga alaalang mapait, palaban at mapanuksong…limutin sandali dahil sa bawal.

    Ang pagmamahal mo bilang kaibigan ay nagpapatunay na nasa puso mo lamang ang iyong kaibigan, mas may saysay kung hahakbang siyang..nandun ang kamay mo sa kaniyang balikat…siguro naman.

  2. ako ay lubos na nagpapaumanhin sa isang malaking pagkakamali (grave mistake) sa post na ito. binago ko ang isang pangungusap na laman ng storya.

    Ganun na lang iwaldas ng kapatid niya ang pera na padala ng kanilang ina na nasa ibang bansa.

    pinasok ko lang ang nakabold letters.

    muli, paumanhin lalo na sa mga nakaugnay na mga tauhan sa storya.

    • ok, so that explains it… naguluhan ako kahapon. di lang ako nakapagcomment agad pero nagbalik ako ngayon para basahin uli. ๐Ÿ™‚

      sana ok lang si Happy kung nasan man siya. at sana magawan pa ng paraan ang nangyari sa kanya…

  3. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

    • desisyon na ng pamilya niya yun. isa pa mga kaibigan LANG naman kami.

      ang totoo, kami pa yung sinisisi ng ‘nila’ bakit siya nagkaganun – pag-ibig sa sarili.

  4. Medyo tragic ang buhay Pag Ibig na lahok ni Cheese pero maraming aral akong napulot. Kung merong Happy, Funny na character sa kwento mo? sino ka? si Grumpy? [hula lang].

  5. medyo nalungkot ako para kay Happy pero mabuti na rin yon may sarili syang mundo na kung saan HAPPY talaga sya!

    ๐Ÿ™‚

  6. eto naman frnship ang tema! nice one! bukod sa dyos at magulang. ang kaibigan ay pag ibig! mkkya natin lht ng pagsubok bsta my kramay na tunay n kaibigan..

  7. ibig sabihin sobrang tindi ang problemang dinanas nya.. may awa ang Diyos.. di s’ya pababayan ni Lord.. ๐Ÿ˜‰

    bitin nga ang kwento.. hehehehehe pwedeng paki-tuloy na lang?

    • actually ipoposte ko talaga ng kwento na ito. kaso dumating yung pakontes ni jkul at wala naman akong maisip na ibang ilalahok kaya eto na lang. di bale para sa yo irepost ko ito pero wala ng restriction sa number of words para hindi bitin. ๐Ÿ˜€

  8. di ko naintindihan agad, buti n lang may pahabol sa dulo. ang saklap nman ng nangyari kay happy. kapalit ng pagmamahal nya sa pamilya, nawala sya sa sarili… malaya na nga siguro sya ngayon, sana lang may natutunan ung pamilyang pinahalagahan nya ng husto.

  9. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    padaan JC Cheese.

  10. cheese,parang gusto ko na lang maging daga kapag andito sa site mo.hahaha!

    kwento ng pag -ibig ng magkakaibigan.isa ring napakaganda at dalisay na pag-ibig ‘to.ang masasabi ko lang,teka…wala pala akong masasabi.

    masarap tumandang hindi nagbabago ang samahan.laging may babalikan.ang sarap ng ganung pakiramdam.

  11. Pingback: Untitled « Say Cheese!

  12. hay… kung saan man si Happy ngayun… tahimik na ang kanyang mundo… hindi na nya nararamdaman ang hirap at lungkot nung mga panahon na siya ay si Happy pa…\

    kakalungkot ngalang ang nangyari…

  13. Pingback: Payong Kaibigan (Happy and Funny Part 3) « Say Cheese!

  14. hello, cheese… parang binasa ko na ‘to dati? oo, nabasa ko na. maganda ang kwento, but pag may time ka, maiging i-edit pa, kapatid. marami pang pwedeng pagandahin para mai-serve menu ng mas kaibig-ibig ang plating, hehe.

    napadaan lang po. babatiin ko lang ang bagong interior design. maganda, malinaw at mukhang makeso, haha. ๐Ÿ˜‰ musta, pati si tsokoleyt at mga batits. ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s