Food

Hyper (Random Thoughts)

Isang araw na pag-go-grocery sa SM Hypermarket malapit sa amin (Quirino Highway / Sangandaan Branch) may mga nabuo akong mga iba’t ibang kaisipan.

(at last week pa dapat ang post na ito)

  • Sa bawat P500 na mabibili mo sa grocery, meron kang libreng isang scoop na selecta gold. Ayun, masarap pala ang Selecta Gold Vanilla Almond. Dahil sa hindi nagkaintindihan ang asawa ko at ang ng scooper girl, instead na 2 cups (with 2 scoops) lang ang hinihingi namin e binigyan kami ng 4 cups (6 scoops total) ng Selecta Gold. Dahil dito binigay na lang namin ang isang cup sa mga batang nagtatakbuhan sa may loob ng Hypermarket. Yun lang, nanay nila yung kumain. lol.
  • Sa lahat ng stalls ng pagkain na andun sa Hyper, dun kami umorder sa Pancit Malabon Express (hindi ko sure kung tama yung pangalan na nilagay ko dito pero in case familiar kayo dun e nag-iisa lang naman yun) dahil sa feeling ko sulit dito. Para sa P99, meron ka ng Pancit Malabon, Rice, Kangkong with Bagoong and choice between Lechon Kawali, Porkchop, Chicken, Rellenong Bangus, or Tahong Nuggets. Sa gutom namin e hindi na namin napicturan ang pagkain. Tahong nuggets sa akin at sa asawa ko yung rellenong bangus. Overall, masarap naman siya, pero next time ayoko na sa tahong nuggets (ibang tahong na lang). Ok naman ang lasa pero isipin mo na lang na may meat ka ng tahong tapos nilagyan mo ng maraming breading at ipinirito. Yun na yun. Lol. Isa pang drawback, kapag nachambahan mo na naubusan ng pancit (at magluluto pa lang ulit) antay ka ng 30-45 minutes (at natry namin to that time hahaha).
  • Katabi ng Pancit Malabon Express, ang isang stall na hindi ko rin maalala ang pangalan. Ang binebenta nila ay mga Japanese snacks (gyoza, sushi, maki, at takoyaki). Parehas kami ng asawa ko na may masamang experience sa takoyaki (ng Samurai Balls (?)). Parehas namin naalala sa aming nakaraan kung gaano ito ka-tako-YAKEE. Pero dahil sa dare sa isa’t isa, umorder kami nito kasama ang pangako sa isa’t isa na tig-dalawa kami dito at kailangan namin ubusin kahit gaano pa ito ka-yakee. Impairness, masarap ang takoyaki nila. Yun lang may naunang umorder sa amin nito (dahil naghanap pa ako ng papapalit sa P1000 na wala silang barya) na nagrereklamo sa kanilang itinitinda. “Hindi nalutong mabuti! Sobrang lambot!”, asar na pagkasabi ng isang matandang napapanot na ang noo kasama ng kanyang aking inaakalang anak na mas matanda pa ata sa akin. “Ganyan po talaga yan.”, mahina kong bungad na hindi rin ata napansin ng matanda dahil sa hina ng aking pagkasabi o kaya’y dahil din sa pagkaasar niya. Umalis din sila. Sa totoo lang ang gusto kong sabihin nun at tumatakbo sa isip ko, “Ano ba sa tingin mo inoorder mo? Squidball? Kups!”.
  • Hindi nagpapapalit ang kahit sino doon sa SM Hypermarket. Bawal daw. Kaya kung malas ka at walang barya, sorry ka na lang. Yung P1000 namin napalitan lang nung napilitan akong bumili na lang ng Enervon C at Frenzy. Hehehe.
  • The End. Hindi ulit ito paid ads. Endorsement lang lol. Nagugutom tuloy ako.
Advertisements

18 thoughts on “Hyper (Random Thoughts)

  1. In line with that ice cream na kelangan ng Php500, kanikanina lang eh nakatitig ako sa promo ng Metrobank Credit card na kelangan mong gumastos ng Php10,000 para makakuha ng libreng Adidas jacket. 10k. Ampota. Mas mahal pa sa buhay ko.

    Tinitigan ko lang naman sya dahil ampuge nung model. Ayun lang naman. :p

    H3Ll0 PhOwZ! BaG0 P0Wz M3 d2! J3j3J3j3!

    • zHaLaMhaTz PfoUwH zA PhUGDhaLawz Tc j3J3j3

      ang difference lang nung ice cream at nung sa jacket, yung ice cream totally libre parang promotion na rin nung produkto. yung jacket, free sya pero may interest ka sa p10,000 at hidden charges haha

  2. @ Cheese..!
    una sa lahat..,
    peboritz ko…
    ang…
    keso..!
    hahahahahaha..!
    pangalawa sa lahat..,
    peboritz ko rin ang…
    ice cream..!
    at pangatlo sa lahat…
    kumakain ako ng takoyaki ngayon..!
    at peboritz ko rin siya..!
    hahahahahaha..!
    anyway..,
    ang ganda naman dito..!
    ang linis..!
    ang sarap tumambay..!
    parang…
    ang bango..!
    hmmm..! πŸ˜›

    • ang mabango..,
      e yung gravatar mo..
      kasi flower..!
      ginawa ko talaga..
      malinis tong theme..
      para maayos..!
      di ko pa nga natatapos..
      busy kasi sa work..
      kasi naman yung takoyaki sa samurai..
      nakakasuka hahaha..!
      ewan ko lang now baka itry namin ulit..
      siguro bata lang kami noon kaya..
      hindi namin naapreciate..
      salamat sa pagdalaw..
      happy blogging..!

  3. naku kuya cheese baka nagkasalubong na tayo jan sa sangandaan…
    ayos ung ice cream… sana cookies and cream na lang… ehehe πŸ˜€
    hugzzz kuya!

  4. ahahah. πŸ˜‰ promotion nga ito. hahah
    πŸ˜‰

    mahilig ako sa japanese food eh atsaka like ko yung takoyaki at maki. πŸ˜‰
    hehehe

    di ko naisip na pwede pala siyang maging tako-yakee! hahah. πŸ˜‰

    parang naguto ako,makabili nga ng ice cream. πŸ™‚

    • halos lahat gusto ko naman sa japanese food. ang ayaw ko lang e yung famous sa mga pagkain nila-

      sushi at miso soup

      sushi kasi hindi naman luto yun at sa miso soup may time na eww yung lasa hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s