Life and Family

Untitled

Ayan tsokolate22, ang pinangako kong post ay ito na. Yung lang hindi ito yung long story version nung short story kundi isang sequel ng post na ito.

Paunawa: Katulad ng dati itinago naten ang mga tunay na pagkatao ng mga tauhan sa kwentong ito. May mga kaunting pagbabago rin sa mga pangyayari at mga pag-uusap ayon sa pagkakalahad ko, dahil sa isang simpleng dahilan, hindi ko maalala ang eksaktong detalye.


– – – – – – – – – – – – – –

Isang Linggo ng gabi nitong nakaraang ika-22 ng Agosto lamang ng taong kasalukuyan, sumugod ako sa bahay nila Funny kasabay ng matinding buhos ng ulan. Ang totoo ay nahuli ako ng ilang minuto at inakala niya na hindi na ako makararating pa sa isang planong nauna ng napag-usapan noong araw ding iyon.

Makailang araw kasi ay nalaman namin sa isang kaibigan na dumating na mula sa lalawigan si Happy. Ayon sa kanya ay tinawagan siya nito gamit ang kanilang telepono dito sa Maynila at nagbahagi ng ilang balita. Agad kong inalam mula kay Funny kung kamusta na si Happy. Ayon daw dun sa nagbalita kay Funny, mukhang maayos na daw ang aming kaibigan. Ngunit parehas kami ng iniisip. Hindi kami kampante sa ‘ayos na’ ng hindi namin mismo nakikita ang kaibigan. Makailang beses kasi noon na akala mo ay ‘ok’ na siya pero hindi pala kapag nakausap mo na siya ng matagal.

Tinanong ko si Funny kung alam ba ni Happy na pupuntahan namin siya nung gabing iyon. Tumugon siya ng pailing. Agad kong sinabi na tawagan na niya.

Funny: Good Evening pwede po kay Happy?

Happy: Si Happy ito.

Funny: O kamusta?

Happy: Ito ayos lang.

Funny: Kilala mo pa ba ako?

Happy: Hindi.

Ipinasa sa akin ni Funny ang telepono, sabay bahagi ng isang mukhang nagnagpapakita ng pagkalito o pagkalumo.

Funny: Hindi na daw tayo kilala eh.

Cheesy: Akin na. Ano Happy hindi mo na ba kami kilala?

Happy: Pwede ba namang hindi?

Cheesy: Sige nga anong pangalan ko?

Happy: Ikaw si Flash! (note: JC Elorde ang real name ko, sa mga di makaka-gets)

Cheesy: (bahagyang lumiwanag ang usapan) Pupunta kami ngayon diyan.

Happy: Kelan?

Cheesy: Ngayon na.

Happy: Malakas ang ulan ha.

Cheesy: Mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan kaysa sa masamang panahon.

Funny: Nagdramahan na naman kayo.

Ibinaba ko ang telepono at lumakad na kami.

Binagtas namin ang daan para sunduin ang isa pang bahagi ng pagkakaibigang ito. Siya si Dwinny. Naging kaklase namin siya ni Funny noong elementarya at noong high school naman sila ni Happy ang magkaklase. Matagal na naming kilala si Dwinny pero nito lang dahil kay Happy kaya ang simpleng pagkakakilanlan ay nauwi sa pagkakaibigan.

Katulad ng dati, nilalakad lang namin ang daang ito para puntahan ang kaibigan. Bagamat may pamasahe naman, mas mabuti na rin ang paglalakad dahil marami ring kwentuhan, kamustahan at asaran ang nabubuo sa munting paglalakbay na ito.

Tangan ko ang isang libro na naglagay ng pagtataka sa isip ng dalawang kasama. “Ano yang dala mo?”, tanong ni Funny. “Libro para maligtas.”, agad na sagot ko sa kaibigang tinitignan ang librong Purpose Driven Life na dala ko.

Matapos ng mahigit sa kalahating oras na paglalakad sa marungis at basang daanan, nakarating din kami sa bahay nila Happy. May halong kaba ang pagpindot ng doorbell ni Funny. Ilang sandali ay may lumabas na pamilyar na mukha, isang pinsan ni Happy.

“Oh kamusta Funny!”

“Ok lang, si Happy?”

“Lumabas e inaantay kayo sa kanto.”

“Sige puntahan na lang namin.”

Biglang may isang hindi inaasahang babae ang lumitaw mula sa pintuan ng bahay nila.

“Si Funny ba iyan? Hoy Funny! Funny! FUNNY!”

Naaninag pa lang ni Dwinny ang pigura ng babaeng ito ay agad na itong umatras, aktong tatakbo na animo’y nakakita ng multo. Si Funny naman ay unti unting naglalakad papalayo kahit bawat yapak niya papalayo ng bahay na iyon ay siya ring lakas ng pagtawag ng babaeng ito sa kanya. Sumabay lang ako sa mga kasama, pero magulo din ang isip ko.

Noon lamang naisip ni Funny ang isang bagay, habang mabilis na tumatakas:

“Hindi ko naisip ang logic na hindi uuwi yan si Happy ng wala yung nanay niya. Hindi rin naman pauuwiin yan ng kuya niya yan diyan.”

May matindi kasing kasalanan itong si Dwinny sa nanay ni Happy. Dinale ba naman kasi nito ang katulong nila Happy dun din sa mismong bahay na iyon. Aminado naman si Dwinny sa nangyari, at alam niyang kasalanan niya. Hindi rin sa sinasabi kong tama ang ginawa niya pero bilang kaibigan ay nandoon kami para sa kanya. Kami pa nga mismo ang nagsasabi sa kanya noon na tigilan na niya ang babaeng iyon. Pero nanaig ang ‘pag-ibig’ na sa ngayon ay nagsisilbi na lamang na mitsa ng pang-aasar kay Dwinny na mahilig sa mga katulong. Ang masama lang, may mga iba pang kasalanan na nabibintang kay Dwinny at Funny na alam naman namin na hindi totoo. Inubos daw nila yung mga stock na pagkain at ginawang hotel yung bahay.

Matindi rin ang galit na iyon dahil sa amin sinisisi kung bakit nagkaganoon ang anak niya. Aaminin ko na may kasalanan kami. Dahil wala kami sa tabi niya noong nangangailangan siya ng mga kaibigan na mapagsasabihan niya ng problema. Kung tutuusin, ang tunay na may sala ay andun lamang sa tabi nila.

Nakarating din kami sa kanto at agad nakita si Happy kasama ang isang katulong na pinapayungan siya. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman namin habang sila’y tumawid mula sa kabilang panig ng daanan. Basa siya sa ulan. “Kanina pa nga ito nandito sa kanto nag-aabang at nagpaulan.”

Happy: Kamusta? Bakit dyan kayo dumaan?

Funny: Hindi naman namin alam na nandyan yung nanay mo? Bakit kasi hindi mo sinabi?

Happy: Paano ko sasabihin e katabi ko kanina noong kausap ko kayo. Kaya nga hindi ko masabi yung pangalan ninyo e.

Cheesy: (Inabot ko ang librong hawak ko) Matagal ko na to dapat ibibigay e.

Happy: Ito pa lang yung sinasabi mo.

Hindi na nagkaroon pa ng mga susunod pang pag-uusap. Agad na nakasunod ang nanay ni Happy sa amin. Nanlilisik sa galit ang mga mata.

“Happy uwi. UWI! UWI NA!”

“Sige na Happy umuwi ka na. Ang mahalaga nakita ka na naming maayos.”

Umuwi na si Happy sa utos ng kanyang ina. Wala siyang magawa. Lalo naman kami.

Advertisements

15 thoughts on “Untitled

  1. kelangang special mention pa ako? hehehehe na-tats naman ako sa yo.

    grabe naman yung nanay ni happy. di man lang ba nya naisip na yung isang kapatid ni happy ang may kasalanan? tsk tsk tsk sa bagay, mas kayo ang pag-iisipan nya ng di maganda kasi di naman nila kayo ka-dugo..

    pero mabuti na ang kalagayan ni happy.. nagmemedication ba sya?

  2. @ Cheesecake..!
    kamusta na si…
    happy..?
    pero teka..,
    siyempre…
    yung…
    ” happy “…
    is just…
    a fictional name right..?
    would you believe..,
    may pinsan akong…
    HAPPY ang name..!
    hahahahahahahaha..! 😉

  3. mas maliwanag na ngayon ang part 2 sir cheese , how I pray na magkaroon ng liwanag ang kanyang pag-iisip sa pagbabasa nung PDl at gayundin si nanay niya.

    be blessed!

  4. Wait, hindi ko paren nagets maski ang JC Elorde mo. Paki explain at medyo slow ako sa mga ganyan. Haha.

    Bakit hindi ko mapigilang mapa smile sa mga pangalan nyo? Funny, Happy, Cheesy, Dwinny. Puro nag eend sa Y. Parang nangaasar lang. Haha.

    At bakit naman kase Purpose Driven Life ang dinala nyo. Kung saken mo binigay yan gagawin ko lang yan paperweight. Haha.

    • 1. nung tumawag kami sa kanya before kami pumunta, andun din pala yun nanay niya. he never had the chance to tell it. alam niya na wanted kami dun kaya he never tried to tell us our names para hindi marinig ng nanay niya. so nagbigay na lang siya ng code na “ikaw si flash”. He was referring to the great filipino boxer, flash elorde nung tinanong ko siya kung kilala pa ba niya ako. yun lang hindi kami nakaramdam kung bakit siya nagbibigay ng codes. ayun HULE.

      2. lol. yung dwinny wala akong maisip, pero yun talaga ang tawag namin sa kanya. hindi ko lang alam ang dapat na spelling hehe. funny kasi pang asar siya. happy kasi gusto ko happy siya. cheesy no need for explanation.

      3. matagal ko na naipromise na bibigyan ko siya niyan. way back years ako. hanggang dumating tong tragedy na to.

  5. Pingback: Payong Kaibigan (Happy and Funny Part 3) « Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s