Health and Fitness / Humor

Ang Mga Kaalaman Tungkol sa Pagbubuhat sa Gym

Table of Contents
Part 1: Mga Dagdag Kaalaman na Maaaring Hindi mo pa Alam
Part 2: Mga Benepisyo Ng Pag-Gym
Part 3: Mga Bagay-Bagay Bago Magsimulang Mag-Gym

Related Post: Cheesy Tips on Working Out

Nagkaroon ako ng semi-hiatus mode the previous days dahil na rin sa mga tasks sa trabaho at dahil na rin sa tuwing uwian namin from our night work’s shift, e diretso na sa bagong tambayan: Ang Gym.

At least we are almost a month now na naggi-gym at mukhang desidido naman ang lahat para gawing habit ito. Next few days post ko yung kwento tungkol dun pati na rin mga pictures. Appetizer lang muna itong sa baba.

Mga Dagdag Kaalaman na Maaaring Hindi mo pa Alam

Kung ano lang ang maiisip ko ayun ang ilalagay ko dito kaya hindi sila in some sort of order. Naka -random to. lol.

1. Kapag nagsimula kang mag-gym, magiging parte na ng buhay mo ang sakit ng katawan. Huwag mo ng i-try inuman ng kahit anung pain killer (kahit Alaxan FR, kasi natry ko na 2x) kasi wala ring mangyayari. Ibuhat mo ulit para mawala. Note: Wala daw scientific basis yung last sentence pero for my case, it works e. Do at your own risk.

2. Ang unang araw matapos mag gym ang pinakamasarap. Dito feeling mo na-rape ka ng sampung beses. Hindi ka na makabangon at sobrang sakit ng katawan mo. Para kang si Sylvester Stallone o si Arnold Schwarzenegger (ginoogle ko pa spelling) na hinuli ng mastermind sa isang action movie tapos ginugulpi habang nakatali sa upuan at may nag-iisang incandesent na ilaw. Pero siyempre dahil ikaw ang bida, makakatakas ka din sa huli.

3. Magiging daig mo pa ang mga nag-aral ng nutrition dahil pang pinoy henyo ka na pagdating sa usapang vitamins at minerals. Alam mo kung ilan ang dapat na calories at protein intake mo. Alam mo rin ang benepisyo ng Vitamins A – Z para sa katawan mo. Umiinom ka rin ng gatas para sa calcium.

4. Kabisado mo na kung paano magconvert mentally ng Pounds to Kilograms, vice versa.

5. Daig mo pa ang chimpanzee sa intake ng prutas lalo na ng saging. Kaya hindi ka magkakataghiyawat. Lol. Kung hindi mo na-gets yung joke, humanap ka ng unggoy na may pimples.

6. Kahit ayaw mo sa gulay o hindi talaga kumakain nito, e matututo ka ng kumain nito. Dahil ito sa pagkakatuklas mo sa entry number 3.

7. Meron kang stock na oatmeal at mga whole wheat bread. Dahil ito sa napag-alaman mo na ang ‘fiber sweeps away bad cholesterol and harmful toxins in your body’ at ‘fiber is nature’s broom’.

Mga Benepisyo Ng Pag-Gym

1. Motivation. Alam naman naten kung gaano nakakatamad mag-pa-masels kung mag-isa ka lang. Hanggat maaari, kumuha ng partner or group na makakasama mo sa gym para hindi ka nag-iisa. Ganitong paraan, may mamimilit sa iyo kapag tinatamad ka at hindi magiging lonely yung pagbubuhat mo. Sa aming grupo, pag-umabsent, may penalty. Kaya marami na silang utang na saging.

2. Push. Kung ang set mo ay 10 Reps, dapat ito ay matapos mo. Bawal ang hindi matapos. Bawal umayaw. Kaya andyan ang mga kasama mo para i-spot ka. Ang spot(-ting) ay yung pag-alalay sa iyo para matapos mo yung exercise mo. Para din hindi bumagsak sa mukha mo yung iron plates.

3. Competition. Kapag may kasama ka siyempre hindi ka papahuli. Kung bumubuhat na sila ng mabigat, syempre hahabol ka sa workout nila. Friendly competition kumabaga. Pabilisan kumorte ng masels.

4. Well Being. Para saan pa ba ang paggi-gym kundi para sa general well being ng isang tao. Iwas sa heart disease at kung anu-ano pang mga sakit.

5. Looks and Self Esteem. Kailangan ko pa bang i-explain ito. Kapag nagwowork out ka e gumagandang lalake o babae ka. Pero kung inborn na ang itsura mong ewan, kahit anung workout mo, katawan lang gaganda sa iyo. At least, hindi na both panget, mukha na lang. Joke. Habulin mo na lang yung ibang benefits na nakalista dito. Pero sabi nga nila, wala sa itsura yan, nasa attitude yan. Kung mukha ka ng unggoy tapos ugali ka pang unggoy, umakyat ka na lang sa bundok. Di ba sabi ko di ako mageexplain?

6. Endurance. Titibay ang iyong katawan para sa iba’t ibang activities mo sa pang-araw araw. Sa pagliligpit at paglilinis ng bahay, paglalaba, at kung anu ano pang household chores. Nakakaya ko na akyatin ang hagdan ng MRT ng mabilisan na walang hingal sa tuktok. Isama mo na dito ang endurance sa sex.

7. Economy. Dahil pwede mo na ulit suotin ang mga damit mong dating hindi na kasya kaya economical siya. Hindi ka na rin bibili ng oversized na damit para sa iyo. Yung mga matitipid mo dito, e sa gym din mapupunta kaya quits lang hahaha.

8. Stress Buster. We know that exercise in general is one of the best way to beat out stress. Marami na ring tao ang nagsa-suffer ng stress at alam ko this is the time na kino-consider na ng marami na ang stress ay isang serious na disorder lalo na kung frequent. Severe stress can lead also to heart attack (manakot daw ba?). Lol.

9. Good Posture. Dati nangangawit ako kapag umuupo ako ng straight body. Ngayon dahil sa paggi-gym bumaligtad na iyon. Kapag hindi straight body, nakakangawit. Ikaw ba naman bumuhat ng 50lbs para sa back, ewan ko na lang kung hindi umistreyt yan. Isipin mo na lang na sinasakal/binubuhat mo ang isang kabayo sa leeg habang nakasakay ka sa kanya tapos 50lbs ang bigat ng ulo niya. Yun na.

10. Camaraderie. Sa una nag-iispatan (spot) lang kayo. Tapos nun stretchingan naman. Pag nagtagal pa, nagkukuskusan na kayo ng likod sa pagligo. Joke. Camaraderie is bonding.

Mga Bagay-Bagay Bago Magsimulang Mag-Gym

Dati, matagal ng panahon iyon, nagtatanong pa ako sa mga kaibigan ko na nagpupunta na sa gym kung ano ba ang dapat kong alamin bago ako magsimula mag-gym. Ngayong nasubukan ko na rin, I think I can share a bit of info too. Kasi madalas kapag bago ka, nahihiya kang pumasok o kahit man lang sumilip sa isang gym lalo’t mga Batista ang mga katawan ng mga taong nasa loob nito. It takes guts, ika nga. Sa umpisa lang yan. Kapag macho ka na rin, ayain mo silang mag-suntukan. Joke.

1. Humanap ng gym na malapit sa inyo. Aminin natin, nakakatamad ang minsan ang mag-gym. Pero kung pipili ka naman ng gym na isang oras bago mapuntahan, malamang dagdag katam din yan. As much as possible, mag-workout sa isang gym na mga less than 15 minutes away lang sa inyo o kaya sa workplace nyo. Nang sa gayun, hindi ka tatamaan ng katam.

2. Sumubok. Kung mayroon ka ng napiling gym, syempre subukan mo muna. Hindi mo naman kasi masasabing ayos yung place hangga’t hindi mo sinusubukan. Alam ko yung ibang gym may free tryouts pa. Pero siyempre yun yung mga commercial gyms na. Kung sa mga within vincinity kasi, P20 na lang ililibre mo pa ba? Dito mo rin kasi masusubukan kung anong oras ba madaming tao dito at baka hindi ka rin makagamit ng mga machines. Mag-scout ka na din kung maraming naggi-gym na magaganda at sexy. Lol.

3. Tignan ang mga kagamitan ng gym. Isa ito sa pinaka-importanteng bagay na dapat mong i-check. Kumpleto ba ang kagamitan nila? Kadalasan, ito lang naman ang kailangan:

– Dumbells (5 lbs to 50 lbs each)
– Plates (5 lbs to 75 lbs, ok na kung 50 lbs lang maximum unless gusto mong maging Ultimate Warrior)
– Long bars, Short bars at Curve bars (dito mo sinu-shoot ang mga plates)
– Bench na pang press (pasensya na sa terms kasi di ko alam ang eksaktong mga tawag, basta ito yung may lagayan ng long bar para kapag magbubuhat ka ng barbel na nakahiga. pero madalas naman meron ang mga gym nito)
– Pull up bar or Pull up equipment with weights (ito yung bar na kakapit ka tapos bubuhatin mo yung katawan mo. yung equipment naman nakaupo ka nga pero weights naman ang binubuhat mo. same lang din sila ng purpose. mas mahirap lang yung una lalo na kung marami kang calories na nakaimbak sa katawan at bilbil mo lol.)
– Bench for ab workout or similar equipment (weight ball is a plus)
– Cardio Equipment (treadmill or excercise bikes)
– Squats machine (ito yung magbubuhat ka ng barbel tapos titiklupin mo yung mga hita at tuhod mo na parang magtataho. though pwede naman mag-improvise, mas ok din kapag may machine para dito. ito yung uupo ka lang tapos yung paa mo magtutulak ng weights na 45 degrees pataas. medyo mahirap kasi ang workout na ito at pwede ka magcollapse. Isipin mo nagcollapse ka tapos nabagsakan ka ng binubuhat mo.)
– Water Dispenser xD

Yung ibang equipments naman din kasi are just variations of the basic excercises. Pero mas ok din naman kung maraming equipments. Ang totoong purpose lang naman ng mga equipment na ito bukod sa excercise e yung malabanan yung boredom. Isipin mo same excercise ka lang everyday, hindi ka ba mabobored nun sa workout?

4. Equipment Quality. Hindi naman kailangang bago ang mga gamit ng gym. Kailangan lang e well maintained. Mahirap naman na magbubuhat ka na lang, mate-tetano ka pa. O baka naman nagbubuhat ka ng mabigat tapos malalaglag yung weights kasi loose thread na yung mga locks.

5. Enroll for a Month. Now you already chose your gym, go and enroll for a month. Kasi kapag nagenroll ka for a month or more, bukod sa minor discount versus per session fees, e magiging committed ka mag-gym kasi masasayang yung pera mo kapag hindi ka pumupunta dito. Not to make your spirits down, kapag ako nag-eenroll noon ng one month, nagkakasakit naman ako ng mga 2 weeks na trangkaso. Lol.

6. Saan ba ako dapat magsimula? Kapag maliliit kasi na gym, madalas walang instructor o nag-aassist sa iyo. Pwede naman din magtanong syempre. So to give you a little idea, unahin mo mag-warmup at stretching. Stretching katulad nung tinuturo sa atin nung elementary na calisthenics. Alam mo na yun. Sa warmup naman, you can do bike, treadmill or abs agad. Then go to your routine.

7. What day? Kapag bago ka, you can do ‘light’ exercises on whole body. As in buong katawan. Yung magagaan lang muna like 5 to 10 lbs na weights each hand. After a month, pwede ka na mag-move on sa focused na work-out. Like on Monday, Chest and Bicep. Tapos Wednesday, Back and Tricep. Lastly, Friday para sa Shoulder at Legs. Take note, hindi nawawala sa mga araw na iyan yung Cardio at Abs. Habang tumatagal, bumibilis ang regeneration ng katawan at muscles mo, pwede nang hindi MWF kahit gusto mo araw araw na.

8. Supplements? I suggest Milo. Syempre joke lang. Ayoko mag-suggest ng supplements kasi I never tried myself. Dalawa lang naman usually yan. Whey at Amino. Whey e yung pampadagdag ng mass sa katawan mo. Kung iinom ka ng whey tapos hindi ka naman magbubuhat, labas mo bondat. Kapag nag-Whey ka daw, yung magagawa ng tatlong buwan mong gym, kaya na ng isang buwan basta umiinom ka nito. May narinig din naman ako na advise to stay away from Amino Acids. Though pwede mo naman gawin, may chance lang din kasi for negative effects. Ito yung gamot na pampa-cuts o pampa-rip ng muscle. To visualize a bit, meron kasing malaki ang katawan pero mukhang makinis pa din ang korte ng katawan tapos meron naman malaki ang katawan tapos parang sasabog naman ang mga muscles at madaming cuts. Yan yung ginagawa ng Amino. I am sorry if I put some negative thoughts on the thing but surely you can go check out references yourself.

Isa sa major major benefit ng pagwo-workout na hinahabol ko ay yung para makatulong sa akin upang kontrahin ang aking panic disorder. Though hindi talaga ito treatment, but workout and breathing exercises will help you cope with it. For sometime there has no ‘big attacks’ and I hope it will stay that way. Kaya daanin na lang muna sa Gym to. Feel free to share your gym adventures too!

Advertisements

261 thoughts on “Ang Mga Kaalaman Tungkol sa Pagbubuhat sa Gym

  1. Waah, may panibagong nakagat ng Gym Bug. Hehehe.

    Ako, inuunti-unti ko na lang pagbili ng mga gamit. Parte na rin ng rehabilitation ko yung pagbubuhat.

    Sa ngayon, Isang pares pa lang ng dumbells ang naipupundar ko. Tag hirap eh.
    Bale, 100 lbs. of plates tsaka dalawang short bar.

  2. Gusto ko mag gym. Pero tinatamad ako. Saka ayoko mapalibutan ng scary people. Haha.

    At dahil sa number 2 sa sinulat mo, mukhang hindi na nga ako mapapadpad sa gym. Haha. Shet sampung beses. Hahahaha.

    Shetness you. Baka maconvince mo ko. Gusto ko pa tumagal buhay ko. Haha. Pero I try to eat healthy. Pero pag weekend sige lafang kahit ano! Haha.

  3. gusto ko rin mag -gin.

    at marami rin itong benefits kagaya ng sakit sa ulo kina umagahan at hindi mo na matandaan kung kumpare mo o yung babaeng katabi mo ang iyong kahalikan.

    hahaha!!!!

  4. Pingback: The J-Team « Say Cheese!

  5. Hindi ako naggy-gym pre pero nakabili na rin ako ng dumbbell sa wakas…sana magkamasel na yung spaghetti arms ko pre…hehehe..lagi kong tatandaan itong post mo pag tinamaan ko ako ng katam. πŸ™‚

    • unfortunately, i am on hiatus on working out. but as i remember, the heaviest that we bench a long time ago was on 100lbs πŸ˜€

      i still hope i can get back on it. lol.

    • For fitness, yes definitely. Hindi naman para lang sa nagpapapayat ang pag-eexcercise. Anyways, may program din naman na ginagawa ng iba to gain weight through gym. Hindi lang ako masyadong knowledgeable about that.

  6. Nag se-search ako tungkol sa mga personal experience sa pag g-gym sa internet at napadpad ako dito. Well, buti nalang talaga kasi mas na encourage pa ko na simulan na ang pag g-gym. Sabi kasi ng prof ko habang bata pa daw kailangan matuto na mag exercise di yung pagdating ng 40 years old dun pa magsisimulang mag jogging. lol. anyways. sana magbigay ka ng tips dun sa mga mag sisimula palang mag gym.

    • salamat po sa ‘pagpadpad’.

      actually matagal ko na rin naman balak yung idea mo. yun nga lang masyado talagang busy sa buhay buhay kaya hindi ko nagagawa ulit mag gym ngayon (in other words ‘excuses’).

      in quick words, lift weights na kaya mong buhatin. mas effective kasi yung weight na kaya mo kesa dun sa sobrang bigat tapos hindi naman mabuhat. next, wag mong dayain yung excercise. what i mean is, kunyari sa biceps using dumbells, dapat ibaba mo ng todo. wag yung half lang. that is unless gusto mo kalahati lang yung muscle ang gusto mong ibuild lol.

  7. wala akong time mag gym dahil busy sa work. kung uuwe naman ako sarado na dahil salau ng bahay ko. dahil sa kagustuhan ko magpaganda ng katawan. bumili ako ng gym set.. pang 1 month ko na nagbubuhat .mabuti nalang hindi dumadalaw si katam.

  8. Sir tan0ng ko lang po kung pwede akong maggym kahit payat ako ?
    kasi sabe ng iba nakakataba daw ang paggigym . .. .
    at sir 17 years old palang ako , kapag nagbuhat ba ako hindi na ako tatangkad ?
    help naman po . .
    salamat πŸ™‚

  9. sir pude ko bng malaman ang equipment na gagamitin ko para nde lumaki mga muscles ko? panget kz sa babae my mga mucles… 1 week nko nag ggym lahat ng equipment ginagamit ko

    • via https://simplysaycheese.wordpress.com/2011/05/13/cheesy-tips-on-working-out/

      7. Gumamit ng weights (especially mga babae). One of the reason bakit ayaw mag-weights ng mga babae e kasi feeling nila titigas (at lalaki) ang mga muscle nila. Not true, somehow. Una, magkaiba ang anatomy ng mga lalake at babae. We have more lean muscles than you do. Unless bumuhat ka na parang pang competition at uminom ng sobrang daming supplements, then magmumukha ka talagang katawang lalake.

      The more lean muscles you have, the more calories you burn. Same reason kung bakit mas mabilis magburn ang mga guys. For you gals, if you do weights too, you can make more lean muscles and it will mean more calories burned too.

      If you diet but not excercise (or lift), you are losing both fat and muscles. But if you diet AND excercise, you are losing just the fat and even gain more muscles.

  10. Hello. I’m skinny girl po totoo po ba na pag naggym mas gaganda katawan kahit skinny girl? I was planning po kasi na pumunta ng gym kaso nagdadalawang isip ako baka pauwiin ako ng gym instructor. Hahaha xD

    • Actually hindi ka naman ganun ka skinny (facebook lol). Anyways, I must admit I am no expert to directly answer the question. Depende rin kasi yan sa goals mo. I believe, kung mag-gym ka, sasamahan pa yan ng diet (actually supplements) para magkalaman yung katawan mo. ‘Magkalaman’ doesn’t necessarily mean na yung matigas na muscles but simply added bulk or weight.

      But then for now, we can look at ‘exercise’ as something healthy to do, hindi lang para sa mataba or napapalaki ng katawan. Diba?

  11. Dati sinubukan kung mag-gym mga 1 month din un.. tapos nung natigil na ako kinatamaran ko na.. pero inisip ko ngayon kung tinuloy-tuloy ko pala baka ung gusto kung pangangatawan na-achieve ko na? gusto ko lang kasi mawala ung tiyan ko at magkaroon ng tamang pang romansang katawan hehehe.. sana m,a-=guide mo ako tol. salamat sa mga advise mo here. interesting and realistic

  12. Pingback: WordPress Dashboard: Search Terms | Say Cheese!

  13. Makakataba po ba talaga ang pagjigym? Payat po kasi ako at yun ang pinoproblema ko, kasi lahat sla lagi sinasabi di ba daw ako nakain -.- I’m 17 yrs old.

  14. Sir wanna know ano po ba magandang unahin pag magbubuhat? Plano ko kase magstart magbuhat next week pero di ko alam magandang ibuild up, napag iwanan na dn kase ako eh. Btw payat ako hahah pero kaya nman magbuhat ngmabigat.

    • sa unang weeks or month, a little bit of everything lang muna. for example: chest, bicep, tricep, shoulders, back at legs.

      after that period, focus na. like for Monday, chest bicep. Tuesday, shoulder tricep. Tapos Friday, back legs.

    • I believe everything you can use but on a much less weight versus men. Nung nag-gym kasi kami, may kasama kami sa group namin na girl, almost same exercise pero mas magaan lang yung sa kanya in terms of weight or resistance.

      If you are trying to lose weight though, mas marami lang cardio. πŸ˜€

    • on the first few weeks, maybe the first month, ok lang lahat. pero tamang buhat lang wag biglaan na mabigat agad. parang conditioning lang. after nun, yung tamang routine na.

  15. sir ask ko lang pede din ba mag-gym ang payat kahit mahina ang baga?…kasi naiisip ko lang,,,pero wala naman ako ashma or hika ba…
    pero nakaka-buhat naman din ako mabigat eh.. pero gusto ko mag gym at curious din ako mag-gym… atsaka nakaka-laki rin ba ng katawan ba kapag ng gym ka kahit payat ka at tataba ka?…

    • paano mo naman nasabing mahina ang baga mo? may sakit ka ba dati? nagyo yosi or what? kung wala naman feeling ko baka kung lang ka lang sa excercise. pagdating naman kasi dyan pwede ka muna pa jogging jogging lang para mabuild up yung endurance.

      sa pagpapalaki naman ng katawan, kung talagang payatin ka, hindi man siguro magiging mala-The Rock yung katawan mo e atlis magkaka-masel pa rin.

  16. Ahh ok sir..noong bata pa po kasi ako nagkasakit po ako sabi kasi ng doctor sa akin mahina daw po ang baga ko…
    May tanong pa po ako paano po ba magpalaki ng abs sa umpisa kasi na iingit ako sa iba eh..heheh..kahit payat ba kayang magpalaki ng abs at muscles din po ba?.

    • mas madali nga magpa abs yung payat e. e ako meron ding abs. natatakpan lang ng taba hehehe.

      ang alam ko oo naman. pwede ka rin magpalaki. lalakas ka lang din kumain once nagbubuhat ka na.

  17. Sir may tanong pa akong isa…tanong ko lang po wala bang pinipili ang edad ang mag-gym kasi po mag 25 yrs old na ako first time ko kasi kung magbabalak ako sa edad ko ganito…kahit ganitong edad na payat magkaka-muscles din o ma-achieve mo gusto mong maganda katawan din?..

  18. Sir normal lng puh bah sumakit ang likod mo sa pg gym,,lalo na subrang bigat ang tinitira mo? 45lbs to 45lbs sa chess?ty

    • first time mo ba? o first time mo umakyat ng bigat sa weights? depende kasi yung sakit e, pwede kasing sakit dahil nangangawit ka na sa pagod o kaya naman sakit na umpisa pa lang β€˜unbearable’ na. kapag yung pangalawa, baka naman may bali ka or injury sa back.

      kung ako sa iyo, huwag ka muna umakyat ng mataas na weights kung hindi mo pa agad kaya. 45 ba o dalawang 45 (90lbs) ba yung binubuhat mo? kasi kung 90lbs medyo mabigat na nga yun para sa baguhan.

  19. Ask ko lng pre,, normal lng bah sumakit ang likod mo pg nag gym ka,, lalo na 45lbs to 45lbs ang ginira mo sa chess? Or hnd bah mali ang pgbubuhat ki sa posisyon?

    • first time mo ba? o first time mo umakyat ng bigat sa weights? depende kasi yung sakit e, pwede kasing sakit dahil nangangawit ka na sa pagod o kaya naman sakit na umpisa pa lang ‘unbearable’ na. kapag yung pangalawa, baka naman may bali ka or injury sa back.

      kung ako sa iyo, huwag ka muna umakyat ng mataas na weights kung hindi mo pa agad kaya. 45 ba o dalawang 45 (90lbs) ba yung binubuhat mo? kasi kung 90lbs medyo mabigat na nga yun para sa baguhan.

  20. ask ko lang sir, bawal ba mag gym kapag mahina ang baga ? 21 yrs old na ako dati nung 18 ako mahina baga ko nag gamot ako 6months awa ng diyos magaling na.
    ang point ko lang is pwede ba ako mag gym ?

    • try mo muna cardio then move to weights. Dun mo naman ma-estimate kung kaya mo ba o hindi. mapapansin mo naman sa katawan mo yun. pero ang golden rule: “It is always better to ask your doctor.”

  21. sir ask ko pwd po ba ako mag gym kahit na payat ako at kailangan po ba tlaga na mag take ng ilan sa supplement para dito … Hindi po ba pwd mag buhat lang at hanggang saan po yung age limit ng pag gym …17 year old po

    • ang totoo nyan pwede naman hindi mag take. kung gusto mo lang mas mabilis na result, mag whey ka. pwede rin naman dagdag lang sa pagkain ganun din naman yun, pero siyempre dapat balanced diet. baka gawin mo puro kanin. dapat may meat at gulay pa rin.

  22. saan po ba nabibili yung mga yun kong tatatry ko po pumasok sa gym at hanggang saan po yung age limit sa pag gygym .. kahit alam ko po na payat ako wala po ba side effect yun sa akin

    • kung ako sa iyo pre, try mo muna mag gym bago ka mag take ng mga kung anu ano. baka mamaya tamarin ka bigla sayang lang yan binili mo. pero suggest ko talaga, stay away from amino acids. para kang nag droga pag ginamit mo yun. whey (or mass) lang pwede.

    • Sir. Cheese cake ndi po ba advisable yung amino acid? Sbe po kasi sken ng tropa ko nagtake sya nun then nag gym sya after week. Then 1 month lng lumapad na sya. Magkano po ba yung whey or mass may side effect din po ba yun? At san makakabili.thanks po

    • Sir pampa-cuts po yung Amino acids. Kung pagpapalaki yung habol mo then go for whey or mass (actually, whey din naman ang mass. mas marami lang whey contents).

      sa mall meron or kahit mismo sa mga kilalang gym. di ko sure pero yung nasa worth 800=1k pang 1 month na.

  23. .sir payat po aq .. 23 years old na ko ‘ . gusto ko pu magkalaman laman aq .. Yung palakihin ung muscle ko .. May dumble po sa bhay . Ayoko mgpunta ng gym . nahi2ya aq eh .. Ok lng b un ? Kung magdumbell at push up nlng sa bhay ?

    • may kulang ka pre. kung pwede avail ka din ng bench. para makapag bench press ka. actually kung may chance nga pati pull up bars.

      kung tutuusin yun lang naman talaga ang basic na kailangan mo. kung anu man yung nasa gym variations lang yun. equipments are there para maging hindi boring ang exercise. pero with dumbells, bench, pullup bar ok ka na. for cardio mag jogging ka na lang. πŸ˜€

    • .salamat po ‘ .. bka pumayat aq lalo f mag jogging pa aq ‘ . Amp .. ayoko na sa skinny kong ktawan ..
      nahi2ya tlga ko pumasok sa gym ‘ bka makuyog aq .. Kakatakot mga tao dun eh . . Gusto cu lumaki chest ko . Wala naman aqng barbel .. Dumbel lng meron aq .

    • push up lang parehasn lang yun. maglagay ka lang ng isang sakong bigas sa likod. πŸ˜€

      ok lang dumbell for now basta meron kang bench para maka pag press ka.

  24. Ask lng po sir.. pede ba akong mag GYM lng no jogging? Kasi feel ko pag sinasabay ko ung dalawa pumapayat ako.. ang gusto ko kasi medyo malaki na may abs.. ayaw ko ung PAYAT NA MAY ABS. INSHORT BUTOBAYO.. ASK LNG PO.

    • Madami na po akong kumain pero ganun pa din 5mants na po ako nag gygym
      may nag sabi po sa akin na ka gym na mag pa abs daw po ako para d na halata.

    • kung gusto mo kasi talaga ng mabilis na result, pwede ka naman mag-whey. hindi ko alam bakit ‘buto-buto’ ka pa din kahit na malakas na ng bumuhat. or baka naman talaga ganyan na yung built ng katawan mo (genes). meron kasi talang tao na kahit anung kain na gawin, hindi pa rin tumataba.

    • May muscle na po ako at lumaki na po alo kahit pano.
      1 week na po ako umiinom ng whey

      dati po amino

    • As far as I know, may masamang side effects ang amino. Saka bakit amino iniinom mo? Lalong hindi ka lalaki nyan. Pampa-cuts yun e. Whey ang inumin mo. Super Mass (whey din naman) ang hanapin mo.

    • Sabi po kasi ng nag tutiro sa akin sa gym
      ang side effect lang dqw ng amino yung.mag kakatagyawat
      ano po ba talaga ang side effect ng amino??

    • before the side effect, bakit ka ba nag-amino? alam mo ba kung para saan yan? usually kasi ginagamit ang amino acids pampa-cuts. so anu pa yung ika-cut mo yung payat kana?

      well, may kakilala lang ako parang hindi maganda naging effect. “drugs” kumbaga.

    • Hehehe.opo pang pa cuts daw po
      kaya pala puro cuts lang katawan ko cge po mag whewhey nalang ako.salamat po.

  25. Tol, pano ko b ma identify kung para saan ginagamit gym equipments, firstym ko at medyo tamad instructor ng gym di pinapaliwanag sakin basta pabuhat lang. From arms,chest abs to binti. Thank you!

  26. Dati na ako naggygym, kaso simula ng mag aral ako hininto ko..almost 1 year den ako huminto…but last april lng nasimula ako ulet kasi ang taba taba ko na Malaki bilbil ko pati tiyan..kaya nagsimula ako sa health diet..walang kanin kanin kahit iaang butil ipibalit ko ang kamote at itlog then sa gabi oat meals lang..i drink milk den for calcium pero hindi araw araw lowfat or non fat ang pibipili ko…at para mas mabilis ako pumayat umuinom ako ng biguerlai tea at may girder den ako to supporting my tummy…after 1 a half months lng bumalik na yung figure ko…..dati nagbubuhat ako ng 200lbs….bumaba ng 100lbs…kasi ayoko ng mashadong malaki katawan masagwa na kaya i take 100 lbs for maintaining balance lng…

    • Good job sir! pero may nabasa ako na hindi naman talaga ok ang non-fat milk. taking the fats out also take out other things as well. ok lang na may fats ang milk mo, sa iba mo na lang bawiin.

  27. sir, mga 2 wiks n aq nag ggym kya lng lagi sumasagi sa isip ko parang useless ung gngwa ko dhil mlkas ako kumain pero ansipag ko mag gym..1hr per day..kung kmaen ako eh 2cups twing kmkaen! ano po ba ang dapat kong gawin? thanks

    • Alam mo po sir pede naman kumain ng kumain basta nasa tamang oras at hindi ito nakakataba halimbawa: breakfast mo kamote tapos isang saging…pede n yun!! Sa tanghali kahit 1 raw of rice lang wag bandehado kahit anpng ulam basta low in fat “ALAMIN MO YUNG MGA PAGKAING HINDI SOBRA SA CARB OR FATS”
      .sa gabi naman kahit oat meals lng!!! Sabayan mo ng apple….tandaan mo daig mo pa ang nutritionist kapag nagdadiet ka!!! At iba ang LAMON sa KAIN!!!..HEHE…keep your tummies good well kaya ingat sa kinakain!!!

    • Kung gusto mo lumobo o tumaba agad at kumorte ang katawan…i suggest “MEGA MASS”
      .
      Kung gusto mo naman ng “CUTS” lang gumamit ka ng “AMINO ACID 2222”
      .
      Kung gusto mo ng athletic body gumamit ka ng “Xtend”

  28. Paano po ba ang tamang pag gamit o pag inom ng MEGA MASS o AMINO ACID 2222?…

    Baka kasi magkatigyawat naman po ako kapag mali ang pag gamit ko ng mga ito?

    gusto ko lng malaman yung tamang pag gamit ?

    • Pwd mo po elavorate ng mabuti para mas maintndhan ko at maintndhan dn ng iba kung ano po EPEKTO NG AMINO at MEGA MASS kpag ginamit mo ito? at

      Ano ang Epekto kpag gumamit ng AMINO AT MEGA tpos hindi ka nmn nkakapag buhat? pasensya na po ha, gusto q lng tlga mlaman

    • Usually naman, may direction of use ang mga ganitong supplements. Isipin mo na lang na parang direction para sa pagtitimpla ng MILO. Honestly, hindi pa ako umabot sa punto na gumamit nito dahil tumigil din ako sa paggi-gym for a long time.

      In most cases, iniinom ang whey (standard whey / mega mass / serious mass) after ng workout. Kailangan kasi ng mga muscles na ‘nasira’ sa pagwo-workout ng proteins para mag-regenerate kaya ka umiinom ng supplements katulad ng whey.

      As for amino acids, all i know about it is you use it to have ‘cuts’. Tinutunaw kasi ng amino acids ang mga fats sa mga muscles kaya mas lumilitaw yung mga muscles.

      Dun naman sa pagkakaroon ng taghiyawat, well oo kapag hindi mo bini-burn yung whey na iniinom mo. Proteins yan e parang proteins sa mani. Kailangan mo magworkout talaga kung hindi, e extra protein at weight kapag hindi mo nabuburn yan.

  29. Ah gnun ba..s tingin ko, Amino ang i-ttry kong inumin, Office work kasi ako kaya tumaba ako ng konti, Puro fats ahahahah..Gusto ko kasi magkalaman laman yung muscles ko at lumiit ang tiyan…hnd yung nagkalaman na puro Fats..hehehehe

    Last Question.
    Madami kasing klase ng AMIN, sa katulad kong baguhan sa ganitong gawain. Anong klase Amino ang dapat kong gamitin?

  30. ano po epekto ng pag yoyosi pag nag bubuhat ka.. kasi ako nag bubuhat mag 2 weeks na. pero nag ssmoke pa din ako.. pero hindi naman pag katapos na pag katapos mag gym ay yosi. haha mga 1 hour na pahinga bali kna ulit sa yosi.. nakaka 10 pcs stick ako per day.

    • I must admit na wala akong credentials to answer your question. Though alam naman natin yung tamang sagot dyan obviously.


      Gouthro: β€œ Yes, fortunately many of the effects of smoking on performance can be reversed for adult and younger smokers. I’ve seen people, who smoked, collapsing and almost passing out after 10 minutes of jogging on the track compared to now, as a smoke free person, they’re going beyond their comfort zone for 10 km at a pace of 12 kilometres an hour!”

      So there you have it. Smoking is a bad habit but luckily smokers can reverse the negative effects they are punishing their bodies with and reach their fully ripped and muscular potential. Time to stop smoking and start hitting the gym!

      Read more at http://www.business2community.com/health-wellness/smoking-affect-performance-gym-0633453#AB1ePah60TWMqsem.99

      Well, maybe hitting the gym will help you quit smoking. πŸ˜€

    • hindi siguro pero i am not sure. pero alam naman naten na during workout, oxygen is important.

      base sa mga nabasa ko, it can be a way to quit it all along.

  31. Hi Cheesecake;

    i want to know if anu yung the best time para mag work out pang umaga o pang gabi? kasi. tsaka may tiyan kasi ako mukha akong mataba tingnan dahil may tiyan so ang focus ko lumiit ang tiyan ko at kung kaya magka abs mas maganda.. tapos magkaroon ng magandang muscles.. ung tipong tama lang di pang body builder.. hehehe salamat

    • Good question sir. Actually wala yan sa kung umaga o sa gabi. Depende yan kung saan buhay ang dugo mo. For example, kung antukin ka sa umaga, kahit mag excercise ka pa, hindi rin ganun ka effective dahil nga tinatamad ka. So in short, mag-workout ka kung kelan ka talagang ready mag-workout. Basta tandaan mo lang na ang katawan natin needs to cooldown bago matulog. So kung magwoworkout ka bago matulog baka hindi ka agad makatulog dahil active pa rin yung mga muscles mo.

      Dun naman sa mukha mo, I am sure iimpis yan once na nagstart ka mag shape up.

      Good luck sir.

  32. Atlast! Nakakita rin ako ng blog that would at least relieve this confusion kung babalik pa ako sa gym. First time ko mg.gym and i just had a 2-day workout pa lang. Payat naman talaga ako pero not really payat. Maliit lng talaga body frame ko at may mga parts lng talaga na kylngan iworkout. So i had this workout for my chest, abs, lower back, thigh and butt haha. after that i had these muscle pains. Nakaktayo pa naman ako at nsasabon ko paying katawan ko pero siguro OA lang talaga ako kasi first time ko and hindi naman kasi ako sporty so wala talaga akong workout activity.
    So much for that, thanks! Kasi gusto ko na ulit bumalik sa gym and not be confused kung tama bato ginagawa ko. May instructor naman na umaassist sakin. πŸ™‚
    Pero wait, diba considering na im still having this muscle pain, pano na yan? Pano ko mapeperform yung workout ko eh masakit. Please advise. πŸ™‚

    • actually it is up to you kung wowork out mo agad. they say kasi na nawawala daw yung pains once nagworkout ka ulit. of which na try ko naman personally and confirmed that it works. yung tipong masakit siya tapos pagkabuhat mo ng weights at uminit yung muscle e nawawala yung sakit.

      kung bago ka lang ulit sa gym, maybe you could wait a couple of days bago mag workout ulit. i am not sure kung nabanggit ko sa post na ito pero as you go working out, mas kokonti na lang yung ‘recuperation’ ng katawan mo sa mga ganitong pains. meaning the more you work out, mas mabilis na mawala yung pain from working out.

      but as the saying goes, “no pain, no gain”. good luck!

    • Well to tell you honestly, hindi ako active right now sa pag-gym. Pero to answer your question, mas better po na magka-partner yung chest at biceps. Kasi kapag nag-chest excercise ka, kasama na rin na excercise yung triceps mo. Ganun din kapag back-biceps. In my personal point of view (personal kasi hindi rin naman inexplain sa amin yun nung nagsimula kami), parang overkill yung chest triceps kasi baka pagod na yung triceps mo kaka-chest then saka ka magsisismula ng triceps.

      Magulo ata pero yun na yun. πŸ˜€

    • Depende yan sa metabolism mo ser. Mas madalas yung mga tumitigil sa pag-gym e lumolobo ulit especially dun sa mga malalaki na ang mga muscles or nag-supplements. Kung payatin ka, likely babalik ka sa ganun.

      Saka sir nakakapagod talaga ang gym pero yung after nun yung masarap. Kasi feeling mo magaan ang katawan mo at panlaban din ng stress.

  33. gusto ko na masimulan mag gym , thanks sa tips, ask ko lang bakit pag after ko nag sit ups nag ba burp ako. thanks sa response

    • I think it is more of what you eat. Baka naman busog ka nung nagsit up ka. Nothing to worry I guess. O baka kumain ka ba ng kamote? Joke. πŸ˜€

  34. kasi may bilbil ako pero d naman ako mataba talaga ng sobra, I never drink alcoholic drink nman since then, d ko alam bakit nagkabilbil ako. sabi nila hangin daw kaya nag ba burp ako. pero mas ia believe and trust your answer. and dagdag na question po hihihi, pag sit ups ba ng sit ups nkakawala b ng bilbil.and plan ko mag gym for first time, suggest mo po ilang hours per day dapat ako mag gym and ilang times per week. pasensya na sinulit ko na yung tanong. thanks pala sa pag response sa unang question ko.keep safe

    • Parang hindi ko yata matatanggap na sa akin ka mas naniniwala hehe. Hindi naman ako pro. And honestly nasa hiatus mode ako ngayon sa pag-gym dahil super busy talaga sa work. Actually wala pa nga ako sa ‘pinas right now (see new posts :D). Tama rin naman yung sagot nila na dahil sa hangin sa tiyan mo yan. I also have gas disorders sometimes and I read na it is because of the food you eat and how you eat. So kung mabilis ka kumain, yung lafang kung lafang, nasasama sa pagkain mo yung hangin papunta sa tiyan mo. Kaya nagkakaroon ng gases sa tiyan mo.

      Dun naman sa tanong na pagkakaroon ng mala-Derek Ramsey na abs, hindi lang sa sit-ups yan ser. Kung talagang gusto mo yan ma-achieve, bawas din sa kain especially carbs or noteably, kanin. Kasi kung walang diet, magkakaroon ka lang ng isang matigas na tiyan. Walang pandesal.

      It is really up to you naman kung kailan mo gusto gawin yung gym mo. Hindi ko lang maalala kung nabanggit ko sa post na ito na mag-gym kung kelan ka active at hindi tinatamad. For starters, you can do twice or thrice a week for 2 to 3 hours at a time. Habang nako-condition ka, pwede mong dalasan pero usually ok na yung max 3 hours.

  35. meron po kasi kami ditto na pang exercise yung bang bike na d lumalakad naka steady lang,(hahahha senya na d ko alam po kasi tawag run hehe,basta yun na yun) ano ba naiimprove nun pag gumagamit nung equipment po na yun, hehehhe thanks in advance sa pagsagot.

  36. hi cheesecake,

    tanong ko lang po, ano pwdeng gawing exercise para sa butt at thighs (payat po kasi hita ko.) salamat..

    • waaa. actually nahirapan ako sa tanong mo hehe. hindi naman kasi ako expert. regular gym ‘boy’ lang dati na on hiatus now. though there are alot of references naman din sa internet. hindi ako makapag advise kasi hindi naman ako talaga nakapag try.

      squats would definitely help para sa thighs. ito yung pinapagawa sa atin ng teacher kapag pinaparusahan ka.

      for other excercises: http://www.health.com/health/gallery/0,,20725746,00.html

  37. hello cheesecake,

    ask ko lang po maganda rin po ba exercise ung stationary bike, nakakapag papayat din po ba yun?thanks

  38. .si Cheese cake ndi po ba advisable yung amino acid? Kung payat ako pero gusto ko lumapad at magkaroon ng korte yung katawan? Sbe po kasi sken ng tropa ko nagtake sya nun then nag gym sya after week. Then 1 month lng lumapad na sya. Magkano po ba yung whey or mega mass may side effect din po ba yun? At san makakabili.thanks po

  39. Sir ask ko lang kung anu magiging side effects kung , bago mag workout gagamit ako ng Pre Workout Supplements then after workout iinum ng Mega Mass.?

    • Sir I can’t really say as much about supplements as I am not using them myself. I was about to actually dati. Honestly first time ko marinig na may pre-workout supplements pa.

      If I were you, focus first on the workout itself. Then if the need arise, like kung gusto mo talagang lumaki, then go for the supplements.

  40. Hello mga sir at maam.newbie po ako at plano ko mag start ng gym this october.
    Ano pong ok na pre at post work out meal? Thanks po..

    • Eat as normal as you do. Pero a balanced diet is better. For sure naman kasi kapag nagsimula ka mag gym, lalakas ang appetite mo. The rule is, don’t skip breakfast and the main meals.

      Protein foods would be great to help your muscles regenerate.

    • According to elite powerlifter and International Sports Sciences Association founder Fred Hatfield, Ph.D., there’s no amount of time of that can be prescribed for everyone.β€œEverybody responds differently to exercise and the lack of exercise,” says Hatfield. β€œIt all depends on how hard you train, and the volume and intensity of the eccentric training-that’s where the real damage is done. Elite-level powerlifters and bodybuilders could take a week, 10 days, or even longer to fully recover.”

  41. sir… nakaka pasma ba un mild exercise after work un push up… set up lang gabi gabi then pahinga ng isang oras then take a bath bago matulog…

  42. hello. napadaan ako sa blog mo paps. and i have tons of question pero dahil sa madami sya. wag nalang. hahaha. here is my question. my bench press barbell is 120 lbs. 100 lbs in dumbbell bench press. pero magkahiwalay na araw ko ginagawa yun, what i mean monday = chest(all barbell),biceps obliques. and thursday=chest(all dumbbells,biceps,obliques. is that okay? pag pinagsabay ko kasi un. for example nagbench press barbell ako (kasama inclined at declined) nde ko na kaya mag dumbbell press.

    • bench press (barbell), is more of balance sa strength ng arms and chest mo. minsan kasi hindi naman talaga magkasinglakas yung magkabilang sides mo. so pagdating sa barbell, sinasalo ng malakas mong arm yung kabila.

      dumbbell press, tinatarget mo na sila individually. so kung gusto mo humabol yung isa, dun mo titirahin ng dumbbells press siguro mas maraming reps ng konti.

      pwede mo siguro pagsabayin yung barbell at dumbbell press pero sundot na lang yung dumbbells. meaning kahit kalahati lang ng weight parang pang tone lang.

    • kung teenager ka pa (17 year old or less), best siguro na huwag kang magbuhat ng sobrang bigat. and the rule is, take balanced diet (gulay!). nagbubuhat ka man o hindi kung hindi ka naman kumakain ng tama, kulang sa nutrition means stunted growth.

      more: https://au.answers.yahoo.com/question/index?qid=20130409074227AA0MGp6

      (copy paste)

      pero hindi ba sobrang bata ka pa into weight lifting. if i were you pwede naman yung tama lang pero don’t push yourself towards sa pag gym. this is not even about the height anymore. goals lang ser. ano ba yung goals mo.

  43. pwede po ba akong mag gym kahit na may nagkapilay po ako nuon sa kaliwang siko ko? pero ok napo ang kaso lang tumutunog po ito na parang nagkakrak.

  44. Sir, Ask ko lang po ano dapat mauna “Kumain Muna bago mag gym exercise o exercise muna bago kain?

    kasi ang time ko lang mag Gym 6pm ng gabi 2 – 4hrs gym po!

    Work pag ka umaga.

    Goal ko kasi Lumaki ang katawan ko like ni THOR o like warrior… hahah

    Dati na ako nag exercise sports lover kasi ako pero sa gym 3 in 5weeks lang ako mag gym. karamihan exercise lang sa bahay.

    23 yrs. old na ako my muscle na tamang fitness…

    Ano po dapat ang Proper na pagkain at pag gym sa tanong ko po?

    Plss help.

    • Sir tanong ko lg po. Ang (pagbabati ba o pagsalsal) ok lang ba yan kung ikaw ay nag gy gym ? Sana masagutan nyu po Salamat !

  45. hi cheesecake;
    tanung ko lng po ano po ba ang pagkakaiba ng whey mass. amino acid 2222, and muscle juice… tsaka ano po ang side effect ng bawat isa…..
    sana po matulungan nio ako….

    • hi supladoz

      pwede naman po. i think i have mentioned na maganda mag-gym kung kelan ka active. yung hindi ka tinatamad. kung ok naman sa iyo yung after work, syempre ok lang yun.

      dun sa pagkain, kahit super light meal. dagdagan mo yung skyflakes ng saging. ang tendency kasi kapag gutom or kulang sa kain, e yung baka mahilo ka or magkulang sa energy.

  46. Hi sir cheesecake, kakaumpisa q lang po mag gym mga 3 days palang .. balak q po bumili ng whey protein saan po ba mura bumili nun? Sa mall po kac ung 5lbs On Whey Gold Standard 3,700 eh.. Kung 145 lbs po ang timbang q , ilang grams ng Protein at Carbs po dapat ang itake q daily? Maraming salamat po

  47. chessecake salamat tanong ulit..pag tapos mo mg gym..ilan minuto bago ka pd matulog…kasi ng strt nako ok nmn nkkadik pla tlga..kaso kailangn ko mrmi mlmn…tnx

    • depende rin sa iyo yan sir. ang totoo nyan, hindi ka nga agad makakatulog dahil active pa yung mga muscles mo. relax relax lang muna before going to bed.

  48. hi cheesecake tanong ko lang po 3days nako ng ggym at ngbbwas ng tmbang(diet) im 75kgs 5’4 ang taas ano ba pd ko kainin sa isang buong arw at before & after maggym?tska pd ba ko mkhngi ng program at routine sau kasi sa gym mai byd instrctor mejo mahal…kaya sau nlng ako hhngi ng advce…kasi sa gym pag mrmi costumer d nako nkkpgtnong sa instrctor bc na kasi salamat:)

    • Ang totoo nyan sir, hiatus mode ako sa pag gym right now. Medyo matagal na din kasi nagkasakit ako (may post ako about seizures). Although by February, sana, makabalik na ako ulit. So medyo hindi ako ganun ka tamang person para sagutin yung mas technical na questions.

      As per your question, supposedly, dapat right mo as a gym goer to get a routine from the gym. Hindi naman sa kailangan mo magbayad ng personal trainer. Kasama yun sa binayad mo ser. Hingi ka lang ng list of To Do sa kanila.

      Dati ito yung sa amin:
      Monday: Chest Bicep
      Wednesday: Shoulder Triceps
      Friday: Back Legs
      All other days: Cardio except Sunday for rest.

      12×3 reps sa mga excercise. Kung hindi kaya 12-10-8. At least 3 different excercises for each body part pwede.

  49. may alam k b na pwede i partner sa nitrotech.. 1 month nko gumgagmit at its effective.. gusto ko lng ng mag form ng cuts anu b pwede isabay sa nitro tech.. pls reply TIA

  50. may alam k b na pwede i partner sa nitrotech.. 1 month nko gumgagmit at its effective.. gusto ko lng ng mag form ng cuts anu b pwede isabay sa nitro tech.. pls reply TIA

  51. may alam k b na pwede i partner sa nitrotech.. 1 month nko gumgagmit at its effective.. gusto ko lng ng mag form ng cuts anu b pwede isabay sa nitro tech.. pls reply TIA , πŸ™‚

  52. Sir ok lang po ba ikaw ay nag mamasturbate na ikaw nag gygym? Wala po bang masama dun ? Sana masagutan niu po .Salamat !!!

  53. Sir ok lang po ba ikaw ay nag mamasturbate na ikaw nag gygym? Wala po bang masama dun ? Sana masagutan niu po .Salamat po !!!

    • Sabi po daw nila kasi sir nag papayat po daw ang palaging nagmamasturbate? Totoo po ba yon ?

    • 5 months na po ako nag gygym pero kaunti pa lang yong improvement. 4-5 times ako kumakain umiinom din po ako ng mass gainer at gatas po.. Ok lang po ba na araw araw ka mag work.out ?Sana matulungan nyu po ako. Thankyou very much !

    • If regular ka naman nag-gym for the past 5, usually ok lang dapat na araw-araw. pero take note, dapat iba ibang part ng katawan or muscle group per week. hindi pwede araw araw biceps for example.

      tandaan mo, ang totoo nyan kapag nagwowork out ka, sinisira mo ang mga muscle fibers mo. yung pumapalit ng muscles yun na yung nagpapalaki. kaya nga need ng protein para mabalik or maregenerate yung mga ‘nasirang’ muscle.

      ayun. πŸ™‚

    • Marami po sana akong itatanong sa inyo sir .Sana maunawaan nyu po ako at matulungan . salamat Godbless po !

    • Honestly sir I don’t know for sure of the answer. First siguro hindi naman ako doctor. Ako kasi nung college ako payat din naman ako kahit malakas ako kumain. Now on my 30s e lumaki din ako. Meron naman ding tao na all their life ganun talaga.

      If you wanted fast results, you can have supplements para magkalaman ka.

    • hindi naman. kaso wag ka lang magbubuhat ng lasing kasi baka mabagsakan ka haha.

      pero seriously, kung tipong pang fit yung gusto mo, alam naman natin malakas makalaki ng chan yung alak or beer. gets?

  54. Sir ano po b pinag kaiba ng 6000 amino sa 2222 amino gusto ko po ksi mag mag palaki ng katawan parang kailangan ko uminom ng mass para ma dagdagan katawan ko skinny po katawan ko since birth lahi kse namin mga sexy maliliit ang hita v type ung katawan parang Johnny bravo na pumayat ask ko lng po sana matulungan

  55. Hi Sir, ask lang medyo malaman ako pero d naman mataba and hindi rin naman ganon kapayat. Medyo malaman lang talaga ung tyan ko. Heheh naggigym ako now pero gusto ko sana mas mapabilis ung pagpapayat ko. Pwede ba ko magtake ng whey milk replacement sa heavy meals ko? May maisasuggest ka ba na work out or other supplements na pwede ko itake para makatulong sa weight loss ko and unwanted fats. Thank you πŸ™‚

    • I must admit I am no expert on this. Pero I don’t think whey would help you lose weight. Ang totoo nyan, pampadagdag nga yun e. Also, if you are replacing your meals with only whey, remember na halos puro protein lang yung makukuha mo dun. So paano na yung ibang nutrients. I would suggest that you still go with your usual meals pero bawas lang sa dami. And watch out your calories especially cholesterol. πŸ™‚

  56. Continuation lang ng tanong ko Sir, totoo bang nakakatulong ang whey milk sa pagpapaweght loss. And pano ito itake? Sabi kasi nung iba pag nagweight milk ka mas mabilis ka magpawis at makakapagburd ng fats.

  57. Taking L-Carnitine with Amino Energy pre workout?
    Is it okay to take them both at the same time? Since their recommended dosage is 30 mins before workout. I am using PVL L-Carnitine and ON Amino energy.

  58. This is the kind of blogpost na hinahanap ng lahat. Something informative, inspiring instructional at nakakataas ng esteem kasi humorous.

    I am 23 already. Nagpapaikot-ikot lang sa isipan ko ang pagtapak sa gym. Tama yung dun sa first few lines. AKO YUN E. Yung inferior mag-inquire man lang kasi ang mga tao e batista ang katawan.

    This should be read by anyone who are abt to start with their gym life. I should apply this soon too. Lols. More power. πŸ™‚

  59. ….may tanong lang ako…nakakaapekto ba sa muscle ang pagsesex?nggym rin ako 2x a week….1 ounce 1 week man lng ako ngsesex…thx

  60. sir paano kung wala kang pang dagdag ng bigat ng binubuhat dahil mahal o wala pang budget, kasi sa bahay lang ako nagbubuhat may 70lbs na akong barbell(35-35) at 30lbs na dumbell(15-15) at isang pull bar at bench

    Salamat sa pag sagot

  61. Hello po sir. Beginner palang po ako pero umiinom na po ako ng mass gusto Ku po kasi lumaki agad katawan ko. OK lang puba ito? Tsaka OK lang dn puba pagsabayin ang mass at amino acid 2300? Thanks po πŸ™‚

  62. Mag back read nalang po muna ako kaka njoy mag basa sa taas e …ayy sge ask nalang po nag pupush up napo ako araw araw tapos 4 egg white kada araw midjo lumalaki napo katawan ko yun lang po kinakain ko pag nag push up ako ok na po siguro mag gym ako di na siguro ako parang na rerape pag katapos…or pag ka kinabukasan?salamat po

  63. sir ask ko lang, d ako nag gygym i’m doing push up or home exercises, pero ang katawan ko may form na kaso lang hindi xa masculado parang walang laman, ampao kung tawagin, anu kaya ang paraan upang maging firm talaga sir? thank you sa sagot

  64. Ser, maliban sa stretching workout ano pb ang mga ibang workout sa increase height sa gym??
    Sinasabi Kasi ng mga dalubhasa na nasa genes na talaga ang pagiging matangkad ng tao dahil sa family genetics na talaga niya nakuha ang kanyang laki..
    Base naman sa workout malaki parin ba posibilidad na madagdagan pa ang height ng isang tao kahit tapos na siya sa kanyang puberty stage??

  65. Pingback: Fitness Friday #1 | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s