Life and Family

For Those Who Care And For Those Who I Care For

May isang umaga,
na tayo’y magsasama
Haya at halina sa alapaap
O, anong sarap, haa

Malakas na tumugtog ang bagong headset na nakasukbit sa aking ulo kanina. Kakababa ko lang sa tren na araw araw kong sinasakyan sa istasyon na katulad ng tren e nakapa-pamilyar na: Buendia Station.

Hindi na rin ako nagmamadaling pumasok kahit late na ako. Tutal ‘memo’ na rin naman ako (7th late), kaya tinapos ko na rin sa bahay kanina ang paglalaba ng comforter (hindi ito yung ginagamit sa opisina, ie, laptops or desktops) dahil gagamitin namin ito bukas sa pag-oovernight sa bahay ng parents ko.

Usual traffic, slightly more people ang eksena sa sakayan ng Bus / FX sa Buendia. Iniisip ko naman normal naman din ata ito dahil tuwing Biyernes e uwian ng mga tao lalo na yung mga nagtatrabaho dito sa syudad na nakatira sa mga karatig na lalawigan.

Walang fx at wala pang bus na dumarating papuntang ‘Ayala LRT Leveriza’ kaya nag-abang pa ako ng kaunti. Hindi nagtagal e dumating na ang inaabangan, bus pa-Ayala…

…at pinara ito kasama ng ilang ding mga pasahero.

Kakaiba ang siksikan na naganap sa maliit na pintuan ng aircon bus na iyon. Isipin mo na lang kung gaano nahirapan ang Manila Police noon para pasukin si Mendoza sa kaparehang pasukan na iyon. Parang rush hour sa MRT ang nagaganap. Ilang segundo na ang lumilipas e parang wala pa ring nakaka-akyat sa naturang bus. Siksikan pa rin ang mga lalaking parang nata-trap sa Ozone Disco. Sumigaw ang isang lalaking nauuna sa akin. “Nahulog ang pera ko”, reklamo niya habang nakatayo sa pinakamataas na baitang ng hagdan paakyat ng bus na naging dahilan na rin upang lalong hindi makaakyat ang mga pasakay na mga ‘pasahero’. At sa kumpulang ito ng mga kakalakihan, ako ang nasa gitna.

Sa pangyayaring ito, kahit pa may mga ‘sumasakay na mga pasahero’ ang bus e pinilit pa rin nitong iandar dahan-dahan na unti-unting bumibilis. Siguro ay pamilyar na ang driver ng bus na ito sa ganitong eksena. Ang paglakad ng bus na iyon ay naging takbo. At naiwan bigla ang mga pasaherong ‘sumasakay’.

Buti na lang at naging ugali ko na ang paglalagay ng bag ko sa harap kesa sa likod. Pinatindi kasi ito ng dahil na may sira na ang zipper ng bag ko (yung kahit nakasarado e bumubuka yung parteng naka zip na, loose threaded kumbaga) kaya iniingatan ko na bumukas ng wala sa oras.

Kung ano ang pagsasabay ng pag-akyat ng mga ‘pasahero’ ng bus e ganun din ang pagsasabay ng mga ito sa pag-atras pagkatapos humarurot ng bus. Unti-unting nagdidisperse sa paligid ko ang mga lalaking nagkakagulo kanina pero meron isang hindi pa. Nakapatong ang kanyang bag sa bag ko na parang may pinipilit na itago sa ibang tao. Bigla kong inalis ang headset ko sa ulo sabay batak ng bag ko sa pagkaka-lock nito sa mamang iyon. Tinignan ko siya ng mata sa mata. Bukas na ang bag ko hanggang sa inner pocket nito.

Sa buong pangyayaring ito, unconciously e nakakapit ako sa bag ko ng mahigpit. Kaya rin siguro ganun ay dahil sa dami ng dala ko kaya may angkin itong bigat. Late ko na rin naramdaman ang tunay na nangyayari. Hindi kasi normal sa akin ang mga ganitong pagkakataon. Kumbaga perstaym. At noong saglit na iyon na nagising ako sa pagkagulat, pinadaanan ko ng tingin isa-isa sa mata ang bawat lalaking sumisiksik noon sa akin. Kung nagkataon na ang tingin na iyon ay may kasamang machine gun e patay na silang lahat.

Mga nasa pito hanggang walong kalalakihan pala ang pumalibot sa akin noon. Mga itsurang mga nagtatrabaho sa isang mahirap na trabaho na bilad sa araw dahil wala namang maputi sa kanila. Halos lahat e maitim. Ang karamihan ay katamtaman ang katawan pero may isang may kapayatan at isa namang hindi naman mataba pero may kalakihan ng katawan. Isa sa kanila ay mga nasa kuwarenta anyos samantalang ang iba naman ay nasa trenta mahigit. Ang obvious na mapapansin mo sa kanila e halos lahat e may bag, bukod dun sa sumigaw na nawawalan ng pera.

Pagkatapos ng deadly look ko sa kanila e lumakad ako ng mabilis palayo. May mga taong andun din sa sakayan na iyon sa Buendia, kaya hindi rin naman ako lumayo ng todo sa kanila, mga 10 feet away lang. Sinilip ko ang laman ng bag ko…

…Mission Failed sila. Thank God.

Habang iniinspect ko ang aking gamit, tumitingin pa rin ako sa kanila. Tumitingin pa rin sila sa akin. Nag-aabang siguro sa pagsigaw ko ng ‘Tang-ina ninyo mga magnanakaw!’. May dumating ulit na bus na aircon at pa-Alabang ata iyon. Pero dito wala silang siniksik, sumakay silang lahat ng direcho. Nagdasal na lang ako para sa mga sakay ng bus na ito. Gayun din naman ang paglapit sa akin ng mga concerned citizen. Nagtatanong kung ano yung nangyari sa akin at kung may nakuha ba sa akin dahil kitang kita rin nila ang pangyayari.

Sumakay na ako sa sumunod na bus pa-Ayala LRT.

Habang naglalakbay ang bus na ito, unti-unting nagsisink-in ang nangyari. I wanted to cry but held my composure. I felt how much fragile life is. Aaminin ko noon may mga pagkakataon na gusto mo na lang ma-erase sa ibabaw ng mundo dahil sa mga iba’t ibang pagsubok. Pero ngayon hindi na pwede. Kailangan kong mabuhay dahil may mga taong umaasa na sa akin. Naisip ko na pwedeng hindi maganda ang nangyari kanina. Buti na lang hindi ako ng panic. Marahil dahil di ko agad napansin. But they could have just shot me down to get the touchscreen phone with a broken touchscreen that we gruelingly paid for a year and a gadget that I used to kill time during travel hours with an unsaved Monster Hunter Unite quest. I guess it is not my time yet. Kailangan pa ako ng pamilya ko.

Final Thoughts

Marami sa atin sinisisi ang kahirapan para gumawa ng hindi kanais-nais na mga bagay. Pero naisip rin ba natin na ito rin ang dahilan kung bakit tayo naghihirap in the first place (ano ba ang tagalog ng ‘in the first place)?

Advertisements

24 thoughts on “For Those Who Care And For Those Who I Care For

  1. Ganyan din ang nangyari sa akin sa may Jollibee (Makro), kinuyog nila ako kasama ang pamangkin ko at talagang nakipaghilahan sila ng bag sa akin, sabi ng mga sisters ko next daw wag kong gagawin iyon. Sabi ko next time ibubulsa ko na ang passport ko. Nakakalungkot dahil ginagamit nilang excuse ang kahirapan kaya sila gumagawa na ganun.

    • paano kaya kung mas nangangailangan pa yung kinuhanan nila ng pera. yung tipong may matinding rason kesa sa kanila.

      isa pa kung anu man yung makukuha nila sa ibang tao e pinaghirapan din naman nila yun tapos ganun ganun na lang nila kukunin.

      tsk tsk tsk.

  2. “Mga nasa pito hanggang walong kalalakihan pala ang pumalibot sa akin noon.”

    Shet. Kung gwapo sana sila eh sana sakin mo nalang sila pinapalibot. Hahahaha.

    In all seriousness, mga bwakanangpotragis sila.

  3. naka red alert din sila katulad ng mga pulis lalo’t papalapit ang holiday season.

    ingat lang lagi and don’t do anything stupid not unless sa ngalan ng self defense.mga halang ang kaluluwa ng mga tukmol na mga mandurugas at magnanakaw na yan.

  4. aw! . late na, pero ok kana? ok ka lang po ? waa!
    >.< nun unang bahagi ng kwento natatawa pa ako, dahil nakarelate ako sa pagiging late mo
    nag gawa pa naman ako ng pagbabago, sabi ko sana sa buwan ng oktubre e wala akong late after 3 days ok. hehe kanina late na naman ako 😀
    inaantay ko nalang ang leave/suspension ko hehe

    tapos nun dulo natakot ako, iniisip ko na kasing magpunta ng manila, for a changem auko kasi mamatay ng d ko man lang sinubukan iconquer un fear ko, haixt. pero ganun pala talaga dyan. haha. ingat ka po palagi ha? bago umalis at kung san ka man magpunta always pray and ask God for your safety and protection. ingat po

  5. Pingback: Late Ako (A Public Service Announcement) « Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s