Health and Fitness

The J-Team

So as to the previous post that I have, I had shared some insights of what to expect from a gym. Sorry if this took a lot of time until finally posted. I know I have promised this way earlier. Ganito lang yan: Kapag sinisipag ako magpost, ang dami ko naman ginagawang iba. Kapag wala naman akong ginagawang iba, tinatamad naman ako magpost. Lol.

So without further ado, I would like to introduce to you the J-Team.
Kung bakit J-Team, malalaman niyo rin agad kung bakit. Scary diba? Hahaha!

Virgilio “John” Velasquez
Leader

Height: 5’6
Weight: at least 130lbs
Soap: Wala. Sa bahay na lang ulit ako naliligo.

Background:
Si John ang nagpasimula ng adhikain upang mag-gym. Kasi nauna na siyang mag-gym dun sa pinaggi-gym-an namin ngayon. Ang difference lang e under new management na siya ngayon.

Technically hindi siya “J”, pero since birth ata John na ang nickname niya kaya ok na din.

Kasama niya dati ang isang kaopisina din dun. Nung mga panahon na nakakailang buwan pa lang sila e papasok naman yung christmas season. That was last year. Kaya after ng long vacation e tinamad na ata silang bumalik. After ng almost one year na pag-aayaan, nakabalik na ulit siya sa gym, along with a new crew.

After one week pa lang ng pagbubuhat, e umabsent ito ng ilang araw. Akala namin e nag-resign na siya sa opisina dahil umiiwas sa pagbabayad ng ‘saging’ (penalty kapag nag-skip ng gym session, na hindi naman naiimplement). Yun pala e nagkasakit pero eto nakabalik na ulit after two weeks.

Reason Working Out:
For health and fitness. Need to work on fitness level.

Goals:
Increase strength and improve the aesthetics of the body.
sabi ko kay John i-expound tong mga sagot niya

Habang iniintay matapos maligo si Jeff…

JC: Puro sakit lang ng katawan ang inaabot naten dito sa Gym.
John: Oo tapos nagbabayad pa tayo.
JC: Cge pagulpi na lang tayo wala pang bayad.

Juan Carlos “Cheese” Elorde
Organizer

Height: 5’8
Weight: 172lbs kapag gutom, 174lbs kapag busog
Soap: Kapag hindi ko nakalimutan magdala nanghihiram lang, otherwise Irish Spring.

Background:
Tutal ako na rin naman ang author ng blog na ito e hindi na ako masyadong magkukwento tungkol sa akin.

Syempre hindi mauumpisahan ito kung walang nagorganize. Kahit kasi gustong mag-aya ni John e ayaw nang sumama nung iba kasi nagdududa kung matutuloy ba talaga o hindi (dahil almost one year na silang nag-aayaan). Kaya nagpost ako sa Facebook ng isang event inviting them to come with us sa gym. Since ako nag-aya no questions asked kung tuloy ba o hindi.

Hindi ko na maalala kung pano naopen up ang pagsisimula sa gym pero ang mahalaga e andito na kami. Ang mahalaga nakalampas na kami sa isang buwan. Nung una ayaw pa namin magpa-member dahil baka daw sa umpisa lang to. Ngayon wala na bawian kasi member na kami. Yun lang may mga panaka-naka pa ring mga umaabsent dahil hindi nae-enforce ang ‘saging rule’.

Reason Working Out:
First, noong bata ako hindi ako physically active. In short, lampa. One of the feats back then was the Monkey Bars that I can’t make. Second, I know that with keeping yourself fit and strong, you can physically protect the people you love. I know it happens and I wouldn’t want to wait. Lastly, it’s the health reasons which includes countering my ‘attacks’.

Goals:
Sayang lang yung paggi-gym ko kung hindi makikita kaya I am aiming for a big buff body. Kahit di masyadong cut kasi magmumukha kang toot lalo na kung naglalabasan ang ugat mo.

Habang nagpapahinga in preparation for the next workout…

John: Si Tristan malakas yung abs e.
Tristan: Si Jeff naman malakas ang biceps.
John: Ikaw JC ano malakas sa iyo.
JC: Appeal.

Josephine “Baby Jho” Cabrera
Muse

Height: 5’2
Weight: 134lbs++
Soap: Safeguard

Background:
Siya ang only girl (?) in the group kaya palaging nagiging taga-salo ng mga pang-aasar lalo na nung galing kay Mok.

May mga bali-balita na kaya daw naggi-gym itong si Jho ay dahil sa isang kagimbal-gimbal na pangyayari. Kung ano iyon e tanungin niyo na lang siya. *ehem* Lablayp *ehem*. Pero ayon sa kanya, para daw ito sa self-esteem daw ang dahilan ng paggi-gym niya. Yun ang sabi niya.

Siya rin ang pinakadesidido mag-gym sa grupo dahil kahit mag-isa lang siya e papasok pa rin yan sa gym. Huwag lang siya magkakasakit kasi ang katumbas nun e 1 week na absent sa gym. Dati dalawa kaming perfect attendance, ngayon ako na lang ang pinakamadaming present.

Masarap din siyang patawanin lalo na kung kakatapos lang niya mag-abs workout.

Madami na rin siyang utang sa isang ‘free’ instructor dun sa gym, na naglilista pala ng hidden charges. Basahin na lang sa baba ang true to life skit.

Reason Working Out:
Ang pagsali ko sa gym ay bahagi sa aking plano na ibalik ang nawalang kumpiyansa ko sa sarili.

Goals:
Nung nag-gym ako wala pa akong target na ma-achieve. Hanggang sa nakapanuod ako ng pelikula ng Tekken, at nakita ko ang babaeng gumanap na Christie. So far, siya pa lang yung nakikita kong sakto lang yung katawan. May masel pero hindi maskulada. Gusto ko tone ng muscles niya mula braso, likod, abs at binti ^^

Pauwi galing gym at pasakay ng jeep pa ayala…

Jeff: Hala ka marami ka ng babayadan kay Ross.
John: Alam ko mahal ang bayad dun sa mga personal trainer.
Jho: Siya naman yung lumalapit hindi naman ako nagpapatulong.
Jeff: Ganun talaga iyon Jho.
JC: Sa sobrang mahal iba na ang ipapabayad sa iyo – RELATIONSHIP.

Jeff Marvin “Mok” Cortez
Chickboy

Height: 5’8
Weight: 135lbs
Soap: Belo Essentials

Background:
Isa sa mga sabik din si Jeff sa paggi-gym dahil yung mga ka-housemate niya dito sa Quezon City e mga nagbubuhat din. Isa pa, siya pa lang din ang umiinom ngayon ng supplement pangpa-masels.

Siya ay tinatawag na chickboy kapag light lang. Kapag harsh kuneho. May isa kasing insidente noong summer outing na nalasing siya at sinabi niyang nakaka-anim daw siya sa isang oras. Kung ano man yun, alam mo na yun. Kung hindi pa rin, think green.

Batikan din kasi si Jeff pagdating sa mga babae. Pero sabi niya e good boy na daw siya at one woman man na. Mukha naman ng ganun kasi nung usapang pagpapatattoo e di pumayag yung girlfriend niya at ayun sumusunod naman siya.

Reason Working Out:
Para gumanda ang katawan at hndi maging payat. At the same time para maging physically fit at healthy.

Goals:
Magkaron ng mala-model na katawan with 6 pack abs. ^_^

Matapos kumain ng boiled egg sa Jollijeep pauwi…

Jeff: Sa amin sa Laguna ang factory ng Yakult.
JC: Ano kaya kung may isang litro na Yakult?
Jho: (sumingit sa usapan) Magkano yung isang litro na Yakult?

Jan Tristan “Tristan” Cayanan
Loverboy

Height: 5’6
Weight: Nakalimutan mag-weigh last time
Soap: Silka Papaya

Background:
Pinag-uusapan namin ni John ang paguumpisa sa gym ng marinig ni Tristan habang kasabay namin pauwi isang umaga. Agad naman siyang nag-inquire sa amin at nagsabing sasama siya. Dati na pala siyang naggi-gym nung pang-umaga pa ang shift kasama ang isa ding ka-officemate. Hindi rin iyon tumagal dahil sa nagpang-gabi din siya.

Ang hirap pag-isipan ng mga names etong dalawa dahil parehas to mga matinik sa pambababae. At dahil nasa second floor yung gym, kapag may dumadaan na magandang babae e tumitigil sila kami sa pagbubuhat sabay sipat sa bintana (actually glass wall). Three times a week kami mag-gym pero si Tristan e kailangan mag-skip ng Wednesday session dahil malalagot siya sa boss niya sa kabila.

Katulad ni Jeff, in a relationship na daw siya sa isang may namesung na ‘I’.

Reason Working Out:
Lahat ng kakilala ko ay naggi-gym. Papahuli ba naman ako? Ayokong dumating ang araw na sasabihin nila na hanggang mukha ka lang. haha…

Goals:
8 packs syempre. haha…

Pauwi ulit…

Tristan: Ano ba yan hindi mainit.
Jho: Bakit naman.
Tristan: Hindi ko kasi maisusuot ang shades ko.
Jho: Edi isuot mo kahit maulan.

New Members

Joseph Micheal “JM” Mamaril
Daddy Cool

Height: To follow
Weight: Lighter than Jayson. 176 lbs.

Gwapo, macho at mayaman. Ano pa ba ang hahanapin mo? Yun lang katulad ko pamilyado na rin si JM kaya hindi na yan available haha.

Dati nagsosolo lang to si JM sa pagbubuhat kasi mga weak pa kami nun. Ngayon nagbababa naman siya ng weight limit para sumabay sa amin. Kung kami magdagdag 5lbs (each side) lang pero siya 10lbs. Sa yaman niya ayaw niya pa-member gusto niya mas mahal na bayad. Saka kami 1 Aktivade / Fit n’ Right per session siya 2 bote.

Jayson “Sonjayz” Leonor
Master Loverboy

Height: To follow
Weight: Heavier than JM. ? lbs.

Kapag may problema ka sa babae kay Sir Sonjayz ka dapat lumapit. Kung gaano katinik ito sa pagco-code e ganun din siya pagdating sa mga chikababes.

Kidding aside, akala namin hindi seryoso ito si Sir Jayson sa pagsama sa amin sa gym. Yung tipong joke lang. Pero the truth is mas nauna pa ata siya magpamember sa iba sa amin. Medyo dapat lang niya iwasan magpuyat bago mag-gym. You know.

Earl “JEarl” del Rosario
DIS-Boy

Height: Hindi ko siya makita kung nasaan
Weight: Hindi ko siya makita kung nasaan

Dahil siya lang ang hindi ‘J’ at kailangang sumunod sa theme, ayun naging JEarl na si Earl. Katulad ni John matapos lang ng unang gym e na-ER na rin ito si Earl. Pero hindi ito dahil sa gym. Buti na lang safe naman na siya. Siya tuloy ang lumalabas na pinaka-active sa amin, once a month na gym session.

Pagdating sa babae alam ko graduate na to pero kung gusto niyo pwede niyo rin siya tanungin kapag wala si Sir Jayson.

Ang Gym

OC MODE: Sana nag-effort sa Logo. Kasi yan ang mukha ng business mo.


Great Muscles Gym
2nd Floor Antel Building, Valero St.
Salcedo Village, Makati City


Rates

130 – Non Member
100 – Member
500 – Membership Fee
10 – Saging
35 – Aktivade / Sola
25 – Fit N’ Right

Ken (Trainer), Melai (Cashier) at Ross (Trainer ni Jho)

Special Thanks

Salamat sa J-Team sa pakikipagcooperate para mabuo ang post na ito. Kung may changes man siguro minor na lang. Hehehe.

Yung mga pictures eto nasa Facebook.

Advertisements

30 thoughts on “The J-Team

    • As far as i know, wala nang single sa mga boys. Si Jho na lang ang kaka-single hehe. We will see dun sa mga ka-office ko na makakabasa neto. I-refer ko sila sa iyo. πŸ˜€

    • palakpak tenga 2x πŸ˜€

      ps: di nga pala ako makag-iwan ng bakas sa mga blogspoters. nakablocked dito ang pagcocomment sa inyo. pwede lang magbasa.

      wala pa bang bagong issue ng top 10 female bloggers hehe

  1. Sensiya na di ako maka relate, allergic kasi ako sa gym. Dito sa disyerto hindi sabon ang dinadala ng mga pinoy kung hindi peppermint oil, pang gising ulirat lalo pa’t nag umpisa ng pagpawisan ang katabi mong arabo sa threadmill ahahaha.

    • naalala ko tuloy ang isang beses na papasok ako sa office. kulang sa tulog kaya medyo nahihilo. tapos may biglang tumabi sa akin sa mrt na bumbay. muntik na akong magcollapse. hahaha.

  2. aheheh. πŸ™‚ talagang may interview portion ha. πŸ™‚
    gusto ko ring mag-gym pero tamad ako kaya wala na lang. πŸ™‚
    sana nga magka-masels kayo in due time. πŸ™‚ go j-team! πŸ™‚

    gandang araw cheese! πŸ™‚

  3. Pingback: Programmer Problems | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s