Food / Life and Family / Personal Musings

Random Post

Dahil sa ang tagal na rin na wala pa rin akong post…

at sa dami rin ng gusto kong ipost na sa sobrang dami kong naiisip e hindi ko alam kung anong uunahin…

eto ang random post para lang may maipost ako.

1. Nagpunta kami sa Pag-Ibig fund sa Makati Atrium noong Tuesday, sabi ng cashier sa 1st floor, dun daw kami magbayad sa 2nd floor. Sabi naman ng guard sa 2nd floor, dun daw sa 3rd floor. At sabi nung guard sa 3rd floor, sa 1st floor daw. Ang ending, dun kami nagbayad sa 1st floor. Sinunod namin ang payo ng guard dun: ‘sa ibang cashier kayo magbayad hindi dun sa nagpaakyat sa inyo’.

2. Umatend kami ng seminar sa para sa mga gustong mag-Housing Loan sa Pag-ibig. Ito ang first step para makapag-loan sa naturang purpose. Kung may tanong ka umatend ka na lang din. Masyadong mahaba ang seminar para i-explain ko dito. 1pm – 3pm yung inatendan namin.

3. May promo ang Burger King na P99 na burger meal. Burger shots ata ang tawag dun. Yung nasa picture sa poster nung burger parang dalawang burger na magkatabi. Magkatabi nga siya sa actual at parang twins. Yun lang, kasing laki lang ng pan de limon ang bawat isa. Mas matutuwa pa sana kami kung Burger McDo o Regular Yum meal na lang ang binili namin times two. Binili namin yun para sa mga bata, pero nung tinikman namin, super anghang nung pizza flavor na ‘burger shots’. Loser talaga (para sa akin).

4. Ang lunch ko kanina e yung Chili Lime Chicken ng KFC. Lasang chicken na minarinate sa Lime at nilagyan ng chili powder. Kung tutuusin ok naman siya pero feeling ko maanghang siya para sa madlang people. Lasang lasa ang pagka-lime so i guess hindi lahat e maapreciate siya. Try nyo na lang at kayo na ang humusga. Same price siya ng normal na chicken dun sa KFC. Kumbaga iba lang ng flavor.

5. Ang nasakyan naming taxi, nagjoke si Manong driver: Nakaalis naba ang bagyo? Hindi pa kasi masama daw yung panahon.
Yun lang. xD

Advertisements

41 thoughts on “Random Post

  1. minsan kailangan talaga subukan ang iba para malaman kung anong kaibahan sa dati.
    baka 50/50 katas ng lime at zest gamit kasi kung purong katas at mejo minarinate titigas ung chicken.

    ung pan de limon po ba ay burger bun?

    yoko magtagal kaya di ko na po itatanong ung una.

    nakikikoment lang po.

    • pan de limon yung nabibili sa tindahan na naka 6pcs. may malaki na twice ang presyo. ang tinutukoy kong kasing laki nung burger sa burger king e yung pan de limon na maliit. dalawang kagat lang ang isa hahaha.

      salamat sa pagdaan. wala ka lang return address. xD

  2. May hinuhulugan ako bahay under sya sa pag-ibig. Matagal na yun 2003 pa ata. Dapat updated yung pag ibig contribution mo. 200 ata per month then kelangan nga yung seminar. Usually inaadvance ko na by year yung bayad sa pag ibig since di na ko employed sa pinas. Nakaattend ako seminae dati sa company pa namin. Tapos ayun issue ng post dated cheques. Dun nga daw sa me atrium sa makati yung office nun. Good luck sa application mo, cheese:)

  3. nakadaan din dito bossing
    next time dapat ang guard na ang maging cashier sa pag-ibig…
    dapat friendly sila kasi sa PAG-IBIG sila work unless papalitan na nila ang name like
    SIMANGOT Fund o TARAY Fund =)

  4. hello, ako din ang tagal kong walang post, ang daming nasa isip peru hindi alam kung anu ang uunahin at kung pano sisimulan. πŸ™‚

    musta na? ang daming food sa post.. hehehe

  5. mga opisyal talaga ng gobyerno o. sa govt agency kung saan nag-o-audit ako, ang kakapal ng muka ng mga empleyado. lampas alas-9 ang pasok sa umaga, before 12 ang lunch break, past 2 ang pagbalik sa trabaho, at quarter to 5 pa lang eh nakapila na sa bundy clock. nakakaasar lang kasi alam mong ang sahod nila eh galing sa perang ipinambabayad mo sa taxes ng gobyerno. tsk!

    • i remember a colleague na nagwork sa GSIS dati. yung server daw nila na nasa terabytes ang laki… 1+ terabytes daw ng porn ang nakalagay dun at naka-share sa mga employees.

  6. p.s. nakakaadik talaga ‘yang patapon 2. mas astig kesa sa patapon 1. pero may sense of fulfillment pag natapos mo. gusto mo sabihin ko kung ano ‘yung IT na hinahanap at gustong makita ng mga patapon?

    spoiler ako? sige, hindi ko na lang sasabihin. hihihi! pata-pata-patapon!

    • lol nasa last mission na ako actually. taena kahit puro level10 na mga patapon ko di ko pa din matalo si zuttakarmen(?). konting grind pa. sa patapon 1 kahit hindi ka magpalakas ng mga units mo kaya mo tapusin ang game.

      kailangan na matapos lalabas na ang patapon 3

    • whoah! di nga? may nilulutong patapon 3? kelan lalabas? tae lang, nakatengga lang ung psp sa apartment kasi walang matinong malaro ngayon eh. gusto ko sanang magka-god of war 2 pero wala ata talaga. hahahay…

  7. Funyeta tawa ko ng tawa sa mga instructions ng Pag Ibig! Hahaha. Ganyan ganyan kame dati nung enrollment sa UST! Magulo! :))

    MUNTIK KO NG DINNER KAGABE YANG CHILI LIME CHICKEN! Kaso ayoko na mag fastfood. Diet me. Hihi.

    Hindikonagetsangjokenimanong.

    • paglaki ng mga anak ko ayoko sila mag-aral sa adamson.

      ikaw na nakapila ng 9am in the morning tapos matatapos ka 7pm… sa pila lang na yun ha. tapos babalik ka pa kinabukasan para sa susunod na proseso ng enrollment. san ka pa.

  8. teka mejo nalito ko. ayaw mo ba sa maanghang o gusto kaso hindi swak sa panlasa mo ung pagka-anghang ng mga nakain mo sa BK at KFC?

    • ok naman ako sa maanghang kaya para sa akin ok yung chili lime ng KFC. nasabi ko lang na hindi lahat maaapreciate ang chicken na iyon kasi kakaiba. hehe.

      yung sa burger king intended na pasalubong sa mga bata yun kaya hindi ok na maanghang siya, tapos maliit pa. luging lugi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s