Activities and Hobbies / Health and Fitness

What’s News

Dahil tinanong sa akin ni Wander Pets kung ano ang bago sa akin, napaisip tuloy ako kung ano nga ba ang bago sa akin. At dahil sa pagnilay nilay ko sa tanong na iyon, nabuo ko ang nakakaboring na post na ito. Kaya kung bored ka din basahin mo ang post na ito, dahil kung hindi, sa ayaw mo’t sa hindi e mabo-bore ka din katulad ko. Hehe.

Ako ay bagong galing. Bukod sa may mga panaka-naka pa ring plema sa lalamunan ko na nagdudulot ng paminsan minsang ubo, siguro masasasabi kong nakarecover na ako sa isang linggong truncation (influenza). Akala namin ng wife ko noon, na sinasabihan akong matigas ang ulo, e dengue na iyon. Kasi apat na araw na akong nilalagnat noon saka pa lang ako nagdecide na magpacheckup sa doctor na libre naman courtesy of Intellicare.

Pinag-iisipan ko pa kung babalik ako sa doctor for a follow-up checkup. Kinabahan lang kasi kami nung araw na nagpacheckup ako at pinagbloodtest ng doctor (na noong una e parang ayaw pa niya kasi feeling niya isa ako sa mga pasyente na lagnatin lang ng konti e akala dengue na).

Ayun pagkatapos ng isang oras lumabas ang resulta at itinawag naman sa doctor ng nurse na andun kasi umuwi na yung doctor. Pagkatapos i-enumerate ng nurse ang mga detalye ng CBC with Platelet count kay doc, kinausap naman ni doc ang asawa ko sa telepono. “May health card ba kayo?” sabi ng doctor. “Baka kasi ma-confine siya e. Paulit ulit ng blood test bukas.”

Kung hindi ko pa ininsist sa doctor na magpapablood test ako, hindi pa namin malalaman na low platelet pala ako. 168 ang nakalagay dun at yung range naman 150-450. Kaya pala during those days e sobrang nanghihina ako at gumigising lang ako noon para matulog ulit.

The next day bumalik kami sa ospital para malaman na static ang platelet ko. 168 pa din. Sabi na lang ng doctor nun e obserbahan na lang. Watch out for bleeding o rashes. So far wala namang ganun kaya I would assure na di ito dengue. Pero aaminin ko kinabahan ako dun kasi perstaym ko na mga truncation ng ganun. Tinatrangkaso naman ako dati pero di tulad neto na para kang baldado at super nanghihina.

At least ok fine na ako ngayon. Lol.

Hindi ko malaman kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Yang ang status ko sa facebook ngayon. Literally yan ang nararamdaman ko. Natapos ko na ang mga nilalaro ko sa PSP. Yung ibang games na natitira e simula pa lang tinatamad na akong laruin. Kung gaano ka kadalas magpalit ng music sa playlist mo, ganun siguro ako magpalit ng games sa psp ngayon. Hindi rin kasi eto maupgrade sa mas bagong firmware (geektalk: bagong firmware para makalaro ng bagong release ng games) dahil suki ang psp namin sa pagkahulog dahil sa dalawang makulit na bata. Sabi ng technician e sa kakahulog e baka me lumuwag na part dun sa motherboard ng psp na kailangan hinangin.

Kung may pera lang ako ngayon e bibili ako ng high end PC (desktop o laptop) para makapaglaro ng mga high end RPGs katulad ng dragon age. Ang kaso wala akong pera. Utang madami.

Sa sobrang kaboringan ko sa buhay e pinaghahanap ko ang mga luma kong “basurabols” na magic cards. Gumawa ako ng dalawang trash deck at tinuruan ko ang asawa ko ulit maglaro dahil nakalimutan na niya kung paano. Ang problema ko din ngayon e di ko pa din makita yung mga dati kong matinong deck na hindi ko alam kung saan naitago.

Matagal na akong on and off sa paglalaro ng magic cards, ngayon siguro e ON ang season ng magic sa buhay ko kaya nagtatanong tanong ako sa mga kakilala ko na naglalaro pa din ngayon. Ang irony kasi e, kung kelan may oras ka wala ka naman pambili ng mga gusto mong bagay at kung kelan may pera ka na, wala ka naman oras para dito.

Naalala ko kung high school nagpapaluwagan pa kami para makabili ng cards. Lugaw din ang araw araw naming pagkain noon para makatipid. Tuwang tuwa na kami noon kung makakabili ka ng isang pirasong card na worth P150 pesos. Kumbaga ang laki na ng hirap mo doon. Ngayon may work na ako, cheap na lang ang ganoong presyo. Yun lang wala naman na akong time na maglaro o kahit puntahan yung lugar kung saan may naglalaro. Wala na rin kasi akong close friends (yung malapit ang bahay) na alam kong naglalaro pa din ng magic cards.

Archangel: Isa sa mga favorite kong cards. Kadalasang kinakabit sa mga animator decks.

Sa kaboringan ko din e binuksan ko ulit ang mga Dragonlance novels na hindi ko pa natatapos. Pero dahil na rin sa katagalan, ang nadala ko na babasahin e yung maling libro. Third book ng trilogy na dapat ako, pero ang nailagay ko sa bag ko e yung first book. Yun kasi ang may book mark kaya akala ko e yun yung dapat kong babasahin. Last time ko kasing nagbasa noon e more than a year na ata. Isa pa kaya din siguro ako nalito e dahil magkakaparehas kasi ang title ng books ng trilogy na yun: Time of the Twins, War of the Twins at Test of the Twins.

Ninety five na ang blog posts ko. September pa lang binalak ko ng gawing 100 posts ang blog na ito. Pero November na ngayon. Dapat ata huwag ko na lang isipin ang numbers para makapagsulat ng makapagsulat pa ako dito.

Hindi ako makatulog sa gabi. Sa tagal kong absent sa work e parang hinanap hanap ata ng katawan ko ang pang-gabing shift. Kung gaano ako hindi makatulog sa gabi e ganun naman ako kalakas matulog sa umaga. Ang lonely kaya ng feeling na tulog ang mga tao sa tabi mo sa kama tapos ikaw lang ang gising. Pagulong gulong sa kama para kumuha ng pwesto pero hindi mahanap ang tamang posisyon. Alas-kwatro na ata ako nakakatulog minsan at alas-dose pa lang nakahiga na ako nun. Hay. Ang mahalaga pa din siguro ay may tulog ako… at syempre dapat may gising din.

– – – – –

Hindi ko alam kung saan magtatapos ang boring na post na ito. Hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong iparating. Pero siguro alam ninyo na kung gaano ako kaboring sa buhay ngayon dahil sa post na ito. Para tuloy gusto ko ng tumalon sa tulay sa guadalupe dun sa may ilog. Lol.

IKAW ANONG GINAGAWA MO KAPAG WALA KANG GINAGAWA?

Advertisements

11 thoughts on “What’s News

  1. Hindi boring ang post, nasa paglalapat yan ng salita para masayang basahin kahit tungkol sa ka-boringan ang subject.

    Minsan tinanong ako, “Anong meron sa iyo?”. Ang sagot ko, “Wala.”. Ang bwelta ng kausap ko, “Ah, yun ang meron sa iyo, wala.”

    🙂

    • naalala ko tuloy ang lobster ni bob ong. yung naluto sa ilalim ng araw dahil gumagawa ng wala.

      eniweys, yung ilaw namin sa bahay walang scotch tape pero mahirap din buksan ang switch kailangan pa ng teknik hehe.

  2. Gusto ko ring mag maglaro ng games pag bored ako kaso nahihilo ako pag tumatagal Tsk. Mabuti naman at nakarecover ka na JC sa truncation mo dahil hassle talaga ang sakit ng katawan na dulot nito. Naniniwala akong hindi ka makatulog minsan dahil may comment kang pumasok sa cell ko ng 10:00 p.m. KSA time :=)

    Ano ang ginagawa ko pag wala akong ginagawa? Kadalasan inuulit ulit ko ung mga walang ka kwenta kwentang teleserye sa TFC ahihihi.

    Wander Pets talaga ahahaha.

  3. naks, magic cards haha attack, manna….

    ako, nagluluto o di kaya tumatakbo pag nabobore o kung ano lang maisipan, madalas magyaya ng kaibigan uminom haha

    napadaan po…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s