Life and Family

Our Little Cakes

Joy’s Profile

Name: Mitchellin Audrey Joy Llanes Idulan

Alias: Mitchellin (sa school), Joy (dito sa bahay), Audrey Joy (kapag galit si Mommy), Kulet (noong bata pa siya), Engot or Telebong (sa biruan)

Birth Date: October 19, 2003

Birthplace: Bernardino General Hospital 1, Novaliches, Q.C.

Birth Time: Hindi na maalala ng Mommy niya, basta madaling araw daw

Signs: Libra, Water Goat

Motto: “Ayoko na sa inyo!”

Her Name Meaning:
Mitchellin – Given by her father with accordance to his name
Audrey – Her mom loves the name Aubrey/Audrey but felt Aubrey was common hence the name
Joy – In other words, happiness

Her Favorites

Hobbies: Mag-isip ng crush, mag-drawing, mag-kulay, gumawa ng love letter, gumawa ng hate letter

Color: Pink and Yellow

Food: Sinigang na baboy, Sinigang na Bangus (pang-asar kay Joy)

TV Show: Grazilda

Cartoon Character: Sponge Bob

Movie: You To Me Are Everything

Actors / Actress: Dingdong and Marian

Song: Sabay Sabay Tayo

Artist: U-Kiss, 2NE1

Random Facts

  • Joy suffers common allergy. Sinabi ko lang na common, though it is not the real term, kasi ito yung mga usual na bawal when you say a person has one. Bawal ang majority ng seafoods, eggs, balat ng chicken at kahit anong malansa.There was one time, actually the first time it happened to us, na grabe yung allergic reaction niya that we had her rushed to the hospital and was confined for almost two days. We had sinigang na bangus that time and itlog na nilaga sa ibabaw ng kanin. That is the only time I knew that allergy is fatal. Swelling (white lump patches) will occur in the body inside out, in which the worst part to have this is the lungs. With such, you can’t breath and all the time Joy was confined she is in oxygen therapy.Ever since it happened, it became a gesture of mine to ALWAYS ask restaurant what they put in their food. I also remember one time, may nagtaray na waiter when I did this then I replied, “Paano kung sabihin ko sa iyo na pwedeng maospital ang anak ko sa ipapakain ninyo sa amin?”.
  • Since nung bata pa siya, sweet na si Joy. Ang problema habang lumalaki, nagiging pasaway lalo.
  • Kapag pauwi kami galing sa SM Fairview dati (walang ibang mapuntahan kapag nakatira ka sa bundok ng Bulacan, our old place) at tulog si Joy, masama itong gisingin kapag bababa na ng Jeep. Sisigaw yan na, “Natutulog pa nga ako e!”, at gagawa ng eksena sa Jeep na ayaw bumaba.After isandamakmak na drama, saka lang bababa yung bata.
  • One of the recurring arguments she has with her mom is these: ang pagkawala ng mga gamit sa school pati mga libro (bumili ako nun ng bible story book, isang beses lang dinala di na nakauwi), at hindi pag-ubos ng baon at tubig niya. Kapag nagka-anak kayo, 95% chance na maeencounter ninyo ito.
  • As inherited from her mom, mas nauna pang matuto magdrawing si Joy ng mga tao kesa magsulat. She is very creative and artistic.

Joy’s Baby Talk

  • Manops – isang uri ng ibon na pinaka popular sa ating hapag kainan
  • Siton – isang uri ng instant noodles na walang sabaw
  • Pilipinins – ang bansa naten sa Ingles
  • Hudas – ang ginagawa mo sa maruming kamay
  • Ayayu – ang sinasabi mo sa taong mahal mo

Asher’s Profile

Name: Jan Asher Jeremiah Idulan Elorde

Alias: Asher (normal mode), Asiong/Siong (slang mode), Aser (tawag ni Nanay ko), Ey-sher (tawag ni Mama ni Jho), Acker (tawag ng Lolo ko), Tungaw or Kalbotong (sa Biruan), PSP Boy

Birth Date: March 5, 2007

Birthplace: Bernardino General Hospital 2, Holy Cross, Q.C.

Birth Time: Around 8 o’clock to 9 o’clock in the morning

Signs: Pisces, Fire Pig

Motto: “Bahala kayo sa buhay niyo!”

His Name Meaning:
Jan – Her mother loves his father so much she wanted him to follow his father’s name but his father doesn’t want the original name
Asher – From the Bible, one of the seven tribes of Israel
Jeremiah – From the Bible also, Prophet Jeremiah

His Favorites

Hobbies: Mag-PSP, Mag-PC, Mag-Wii

Color: Kulay Ube

Food: Taba ng baboy, Balat ng manok, at basta Ube flavor

TV Show: Lahat ng cartoons sa Umaga, Ilumina (kahit tapos na)

Cartoon Character: Batman, Superman, Spiderman, Ben 10 (Ben Tennyson)

Movie: Despicable Me (ang tanging movie na pinanood namin sa sine na hindi niya tinulugan), Panday (Agimat), Enteng Kabisote

Actor / Actress: Yun din, si Dingdon at Marian at sina Vic Sotto at Bong Revilla

Song: Gloc 9’s Upuan (Wag kang masyadong malata), Kamikaze’s Narda

Artist: Hindi pa niya to alam

Random Facts

  • Noong baby pa si Asher hindi siya mahulugan ng pinggan. Sobrang bihira niya umiyak noon.Ngayon, sobrang iyakin. Sobra din magtantrums. Kapag may gustong makuha iiyakan. Kaya ayun tadtad ng palo.
  • Pag-gising sa umaga PSP. Kapag hindi nagpi-PSP humihirit sa PC o kaya naman nanonood ng cartoons. Bago matulog PSP.Hindi ko siya masisisi nagmana lang siya.
  • Sa higaan ang itsura ng mommy niya kapag natutulog e ganito: may nakapatong na paa sa kaliwa (paa ni Asher) at meron din sa kanan (paa ni Daddy)
  • Usapang PSP:Monster Hunter – able to hunt on his own, kill small monsters, gather/carve materials and even do gestures. I guess he is too young to even think of tactics to kill a large monster.Patapon – able to do perfect beats (normal difficulty) and keep fever. He can also do the minigames.GTA: Liberty Stories – remembers places where a weapon or car can be found. Kapag nilalaro niya to, sasabihin sa iyo bigla, “Daddy binugbog ko yung pulis.” (in proud voice).
  • Daddy pakamot.
    Saan?
    Sa nangangati.
    Saan nga? Dito?
    Sa baba na taas.
    Dito?
    Hindi. Liko. Liko.
    Dito?
    Tapos na.
  • Hindi siya masyadong umiinom ng softdrinks, ice tea o juice…Ang gusto niya, malamig na tubig.

Asher’s Baby Talk

  • Yo Debo Debo – palabas sa TV5 tuwing umaga kung saan may mga mascot na lumalabas sa isang boombox
  • Super Evo – sa tagalog super masama, ito rin ang title ng isang cartoon sa TV5
  • Sankatos – ang matabang matanda na nakasuot ng pula at nagaakyat bahay gamit ang tsimeneya na di uso sa Pilipinas
  • Change ‘S’ to ‘HSFH’ – bigkasin ang salitang labas bilang labahsfh, ang butas bilang butahsfh, ang hugas bilang hugahsfh, at iba pang kahalintulad.
  • Pidespi – ang portable na laruan na gawa ng Sony

More Pictures

Please wait while WordPress loads the slideshow. Don’t worry inoptimize ko na yan hehe.

This slideshow requires JavaScript.

PS: Pasensya na sa magulong sulat. Hindi ko maintindihan kung gusto ko bang mag-english o mag-tagalog eh. Sorry naman.

Advertisements

38 thoughts on “Our Little Cakes

  1. cute naman nito kuya πŸ™‚
    balang araw gagawa din ako ng blogpost para sa future children ko.

    aliw na aliw ako kay Joy lalo na sa hobbies nya … parang ako lang eh .. “mag-isip ng crush, mag-drawing, mag-kulay, gumawa ng love letter, gumawa ng hate letter”. pambata pala talaga ang hobbies ko x| at saka, pareho laming nauna pang matutong gumuhit kesa magsulat πŸ™‚

    At syempre, ang cool mo kuya. ikaw ang gusto kong daddy para kay Joy πŸ™‚ ayayu daw po sabi Joy ^^

    at para naman kay Asiong na pang-bigtime ang hobbies… ang masasabi ko lang eh WAW. haha! pareho naman kami na mahilig sa UBE πŸ™‚

    yun lang. aliw na aliw ako sa mga bata eh ^^ HSFHige! bye~

    • may nakalimutan akong rule, yung S na nagiging HSFH e dapat nasa dulo hahaha.

      blogpost para sa future children? sa totoo lang kahit ano pa yang maging anak mo bilang parent you will always be proud of them.

      think you.

      PS: friend ba kita sa FB kea mo nakita agad to?

    • hindi po. wala na ‘kong fb eh. nagkataon lang ata na napadpad ako agad dito.
      at ni-add na kita sa blogroll ko.

      at dahil mali ang HSFHige ko. babawi ako.
      goodbyeHSFH. andaming goodbye. wala akong maisip eh :))

  2. Ang cuuute-cuuute naman nila! πŸ™‚ At dun sila parehong ipinanganak malapit sa inuuwian ko noong araw hihihi. At ang sushal nila ha, naka-ipod at naka-PSP na πŸ™‚

    Thank you for sharing these facts about your children. Magandang araw!

  3. Wow! hang ganda pala ng real name ni Joy na Mitchellin, unique! At swerte ni Joy huh dahil naging sobrang mapagmahal na daddy ka sa kanya. Ang sagot ba niya sa tanong mo kung sino ang gusto niyang daddy ay ikaw? yun kasi ang hula ko eh ahihihi.

    At si Asher na bibong bibo, nakikita ko ang sarili ko sa kanya, gustong gusto ko rin kasi ang nagpapakamot ahihihi. Likes niya ang PC, PSP, at Wii. Huwaw, ulit siya na ang uber susyal.

    Pakagat naman sa mga cakes mo JC ahihi.

    • kaso sumobra sa pagkabibo.

      may time (meaning palagi) na sobra sa tantrums. sweet at makulit kapag walang tantrums. kapag meron gusto na naming ihagis sa third floor.

  4. napansin ko lang. bakit si asher may elorde ‘yung apelyido, si joy wala? at bakit may pakending na wonder woman pose si asher? hindi kaya mabakla ‘yan paglaki dahil sa pinapagawa niyong posing sa kaniya? haha!

    kapag malalaki na sila, ipabasa mo sa kanila ‘to ser. teka, marunong na palang magbasa si joy. ba’t di mo kaya ipabasa sa kaniya ‘to? isa kang usa, daddy, isa kang usa! wapak!

    • aamin na ‘ko. hanggang profiles at favorites lang binasa ko. pero dahil na-curious na ‘ko. binasa ko na nang buo. nang buung-buo. hahaha!

      eh ano namang sinabi niya nung tinanong mo ‘yun ser? binibisita pa ba siya ng biological daddy niya? pano pag nagkikita pala kayo ng biological daddy niya?

      handami ko nang tanong. pakisagot lahat. lol!

    • ayun naman pala e. hehe.

      sige isa-isahin naten ang mga tanung mo, dagdagan ko na rin ng mga maaaring follow-up question mo:

      1. “Joy ok lang ba ako ang daddy mo? Yung isa mong daddy maraming pera yun, kahit ano ipabili mo maibibili ka nun. Sa akin, hindi lahat mabibigay ko sa iyo.”

      Sagot ni Joy (kanina lang to): Ok lang, hindi ko naman kailangan ng mga ganun. Ikaw lang ang daddy ko.

      2. Binibisita pa ba siya ng biological father niya?

      Bago pa lang ipanganak si Joy nasa US na yung tatay niya. Through pictures lang niya nakita ang paglaki ng bata, hanggang 2 years old.

      3. Pano pag nagkikita pala kayo ng biological daddy niya?

      It is not for me to answer actually. Wala naman akong pakialam sa problema ng wife ko versus the guy. It is what happened between them at wala naman ako sa story nung time na iyon kaya wala akong ‘say’ dun. If he shows up like a man then I will show up as a man too. If he shows up like an asshole, I will make his face like one.

      4. Will I ever let Joy see his father?

      If she asks for it, why not. Bibigay ko yung favor para sa bata, not the other way around. Kumbaga, walang ibang reason for me to let that happen unless Joy says she wanted to. Actually tinatanong namin siya kung gusto niya makita totoong daddy niya sabi niya ayaw niya “kasi iniwan naman kami nun e”.

      But I always know somewhere in her heart andun pa din yung need niya na makilala ang tunay niyang pagkatao. When it comes, I won’t hinder it (see above paragraph).

      5. Hindi si Asher yung wonderwoman, si Joy yun na gupit lalake hehehe.

  5. Pingback: Conjugal Asset « Say Cheese!

  6. waaaah!!! nakakatuwa! parang gusto kong mangurot! joke lang po hehe

    kamukha nyo po si asher! haha. ang kyut. hangkukulit ng mga bagets!

    at parehong DongYan fans ang mga chikiting! hihi. πŸ˜‰

  7. Pingback: Walang Kinalaman Sa Narnia 3 « Choco and Cheese Cakeshop

  8. Pingback: An Open Letter To Mama Alice « Say Cheese!

  9. Pingback: Happy 4th Bithday Jan Asher Jeremiah Idulan Elorde « Say Cheese!

  10. Pingback: Bakit Dapat Magtrabaho na si Jonalyn « Say Cheese!

  11. Napaka-genuine ng post na ito!

    Ang ko-cute ng mga chikitings! πŸ™‚
    At ser, ibang lebel ka!. πŸ™‚
    God bless you and your family always. πŸ™‚

  12. Pingback: Year End Selfies | Say Cheese!

  13. Pingback: Putik Na Yan! | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s