Personal Musings

Christmas SEX Wishlist

December 1, 2010

Dear Santa,

Kahit maaga pa lang sa aking pagkabata ay alam ko na na hindi ka totoo, eto at sa iyo pa rin naka-address ang Christmas Wishlist ko. Wala lang akong maisip na pwedeng pagsulatan kesa naman lumipad lang ito sa hangin. Pasensya na at medyo madami akong wish at ang mga ito ay hahatiin ko sa tatlong parte. Type S, type E, at Type X. Wala rin kasi sa rules nila Salbe kung ilan pwedeng i-wish e. Kahit alam kong madaming sumusulat sa iyo (yung mga nag-aakalang totoo ka katulad ng mga anak ko), sana ay magkaroon ka pa din ng oras para basahin ang sulat ko. Perfect timing pa naman ang pagpasok ng Disyembre 2010 sa sulat ko na ito.

Hindi ko na patatagalin pa. Eto na sila.

Type S: SARILI

Santa, aaminin ko sa iyo na kaya ko naman bilihin ang mga nakalista dito. Pero gustuhin ko man, malabong umabot ang pagbili ko ng mga ito this Christmas. At hindi ko rin alam kung kelan ko talaga sila mabibili. Yung thirteen month pay ko, sa utang lahat napunta. Dahil diyan alam mo na kung bakit ko sila wini-wish.

Perfect Grade Gundam 00 Raiser

Paunawa, hindi ito para sa anak ko. Para sa akin po ito. Wish ko na ito last Christmas pa. Pero katulad ng sabi ko sa inyo, kahit kaya kong bilihin, hindi ko talaga mabili. Priorities, priorities lol. P12,000+ ito sa Toy Kingdom. Pero may makukuhanan ako nito ng P9,000+ lang na isang kaibigang may magulang atang piloto o flight stewardess kaya walang shipping fee. Talk about kumikitang kabuhayan.

Box Package


Lumilipad Sa Kalawakan

Edit: Konting share pa sa hobby ko, hindi po yan nabibili na ng buo. Ito pala yung picture ng PG Gundam 00 kapag inilabas mo ang lahat ng laman na nasa loob ng box. This goes the same with the other kit.

Pa-click na lang po for larger view.

Images from Dalong.net

Perfect Grade Strike Rouge + Skygrasper

Katulad ng PG Gundam 00 Raiser, matagal ko na itong wish. Actually, more than 2 years na gusto kong bilhin ito pero walang chance. At dahil matagal na itong model kit na ito, wala na neto sa Toy Kingdom. Yun lang e kaparehas halos sila ng presyo nung nasa itaas.

Box Package

Halika dito, suntukan tayo

Images from Dalong.net

Scars of Mirrodin Booster Box

Kahit hindi mo tuparin ang wish ko na ito na nasa baba e ok lang. Hindi ko kasi sure kung gusto ko pang maglaro neto ulit for the Nth times. On and off kasi ang laro na ito. Marami players pero minsan active, minsan hindi.

Kung tutuparin nyo man ang pangarap kong ito, samahan nyo na rin ng mga kaibigang makakalaro ulit. Malungkot kasi maglaro neto mag-isa. Para kang nag-chess na mag-isa. Dali try mo.

Image from Wizards.com

Isang Cute na Aso: English Mastiff

Parehas namin gustong mag-pakner na mag-alaga ng aso. Gusto rin ng mga bata kahit lagi namin tinatanong na, “akala ko ba gusto niyo mag-alaga ng aso pero bakit takot kayo (sa ibang aso)?”. Pero isa rin itong endless debate kung anong breed ang bibilhin namin. Ang gusto ko Chowchow, ang gusto ni Jho at ni Joy Shitzu, at ang gusto ni Asher Chowchow na kinulayan na parang Panda. Sa huli nagkasundo kami ng gusto ng makita namin ang picture ng asong ito sa baba. Ang cute ng puppy diba?

Yun nga lang hindi yan ang tunay na catch ng puppy na yan. Ang nasa taas ay nasa less than 4 months old pa lang. Eto ang adult version sa baba.

Edit: Ang taning nakita ko sa ebay.ph na presyo ng tuta na to: P25,000 lol.

Kung may kagalit kang kapitbahay, isama mo siya.Standing dogstyle position.

Super High End Computer

Nakakafrustrate lang talaga na kung kelan ang tagal mong inintay na madownload ng gigs ng data galing sa torrent ng isang game na astig para sa PC e saka mo lang malalaman na hindi pala kaya ng hardware ng PC mo ang naturang laro. Mas masakit pa kung binili mo e DVD (uhmm, yung tig-100 ang isa), tapos pagsalpak sa pc e di din pala gagana.

Kaya ang hiling ko e isang Gaming Desktop PC na high end kung tawagin. Hindi ko alam kung anu description dahil sa totoo e hindi pa ako nakakapagkambas ng ganito. Tae lang kung magkakambas ako tapos after 10 years ko pa mabibili. Kaya nga ang lokohan namin ni Jho:

“Bubuo ako ng PC. Unahin ko yung case.”

“Sige ikaw bahala.”

“Pagkabili ng ibang pyesa, phase out ng yung mga nauna dahil sa tagal ng kasunod.”

Galing kay Google

Big Tank of Frontosa

Hindi ako mahilig sa pets. Kung hindi mo alam kung ano ang frontosa well eto siya sa baba.

Galing din kay Google

Matagal ng sumalangit ang alaga kong Red Tail Catfish (i-click para makita, yung catfish ko mas maliit lang ng konte dyan sa picture). College pa lang ako gusto ko nang mag-alaga ng mga frontosa. Kaso para sa isang estudyante ng umaasa lang sa baon na kulang pa sa pang laro sa computer shop, e mahal ang P650 na isda per piece. At yang presyo na yan e para lang sa 2.5 inches na junakis ng frontosa.

Ang maganda kasi sa kanila na bihira sa malalaking Cichlids (ang kanilang pamilya, kasama ng Tilapia na nabibili sa palengke at ang sikat na Flower Horn na kung hindi mo pa alam e sasabihin ko sa iyo na hindi sila God-made but Man-made fish katulad ng Goldfish. Kuya Kim?), e pwede mo silang pagsamasamahin sa isang tank (aquarium) ng hindi nagpapatayan. Yun lang e dapat 1 male : 3 females ang ratio. Kahit papaano kasi territorial pa rin sila at kaya ni Male Frontosa na majontis yung 3 Female Frontosa. Kaya dapat malaki ang tank mo dahil umaabot ng around 12 inches ang isang frontosa. Kaya gusto ko e 300 gals na tank, humigit kumulang sa 60 na balde ng tubig.

Stop na, Wishlist to hindi animal planet. Kung may follow-up questions sa baba na lang.

Type E: EWAN

Eto naman yung mga wish ko na hindi ko talaga alam kung matutupad ba o hindi sa lifetime ko. Mas pasok kumbaga sa depinisyon ng salitang WISH. Kaya eto ang mga EWAN wishes ko.

1. Isang bahay na worth 5M pataas. Kahit naka-locate hindi mismo sa kabihasnan e ok lang. Gusto ko yung may garden at ilang puno sa loob ng perimeter wall na feeling mo itinayo ang bahay mo sa gitna ng forest. Kahit di ganoon kalaki yung bahay. Kung napanood nyo yung ‘When Strangers Call’ parang ganun. Tipong resthouse ang araw araw mong inuuwian.

2. Nissan 350z (Fairlady Z, sa Japan) na may magandang body kit katulad ng gawa ng Veilside. Tignan mo na lang to.

Pero naisip ko rin, kung may pera ako papa-customize ako na parang pimp my ride ng isang Pinoy Jeep. Astig yun.

3. Ang umingkris ang sahod hahaha.

4. Ang makapag-migrate as a family sa Canada.

5. Ang manalo sa lotto. Kahit minsan lang tumaya. Pero ayokong manalo ng 700M. Sapat na ang 20M – 50M sa amin. Aanhin ko ang yaman kung buhay ko naman ang nakataya. Naaawa tuloy ako ke #lottowinner. Mo money mo problems.

Type X: Xtreme

Eto naman ang mga hiling ko na gustong gusto kong matupad pero close to impossible ang mga bagay na to. At least possible.

1. Ang magkabati ang mga koreanong taas at koreanong baba.

2. Ang matapos na ang gera sa middle east na kung saan pinag-aawayan ang lote na may address na ‘promised land’.

3. Ang pagtigil ng U.S. na makialam sa gulo ng iba dahil meron pala silang hidden agenda.

4. Ang pagtigil ng mga terrorista sa paggawa ng iba’t ibang aktibidad.

5. Ang pagsabak ni Mayweather sa ring laban kay Pacquiao.

6. Dumami ang pagkain para mawala ang mga taong nagugutom.

7. Maranasan ng mga kurakot sa gobyerno ang maging taong grasa.

8. Maging absolute ang katagang ‘Education for All’.

9. Masolve na ang lahat ng mga kaso dito sa Pilipinas lalo na yung mga criminal cases. Maguindanao Massacre, Vizconde Massacre, Hacienda Luisita Massacre, Saw V, at kung anu-ano pang massacre.

10. Managot ang mga promotor at mga galamay ng iba’t ibang scandal (graft and corruption cases) na nagpapahirap sa bansa naten. Putulan ng kamay, paa at ulo sa baba.

Malapit ng matapos ang December 1 kaya tatapusin ko na to Santa. Hmmkeitnxbye.

Ang hindi naniniwala,

cheese

PS: Ang mga sumusunod na wish ay hindi para sa iyo ito Santa. Ito ay para dun sa totoong Provider, si Lord. Para ito sa pamilya ko.

Sana ay makakain kami palagi sa buong buhay namin ng tatlong beses isang araw.

Sana ay malayo kami sa mga sakit.

Ok lang ang problema basta alalayan mo kami Lord.

The End.

Ok lang din hindi manalo sa pakontest na Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe pero masarap talaga yung 6 Cheese Pizza at gustong gusto namin lalo na ng mga bata. =))

Advertisements

31 thoughts on “Christmas SEX Wishlist

  1. nakikiisa ako sayo sa iyong mga Xtreme wishes. nahihinuha ko sa iyong mga hiling na makabayan kang tunay. pero at the same time ay concerned din sa daigdigang katahimikan.

    gusto ko din ng bahay na may garden! hihi.

    errr. mahilig ka po pala sa mga laruan hehe. hilig mo pala ang mga robot robotan kaso ang mamahal naman tsong! pinakamahal kong robot na binili ni mudra eh yung Power Rangers robot na pwede kalas kalasin.

    wow! bomb sniffing dog ba yun? ang laki!

    • pang family dog yan hehe. mabait yan pero kapag me nang threaten sa iyo o sa kapamilya mo, over protective daw yang aso na yan.

      panuorin mo yung When Strangers Call astig bahay dun.

  2. ang gagara ng type S wish mo ser. nalula ako! hahaha! pero astig nga ‘yang mga toys na ‘yan for the big boys! ako rin, gusto ko ‘yang mga ganiyang collectibles pero puta, ang mahal talaga. kaya wag na lang.

    ang gusto kong breed ng aso eh siberian husky pero sabi nila hindi raw kaya ng mga asong ‘yun ang mainit na klima rito pero gusto ko pa rin talaga. hahaha!

    • thanks for dropping by… btw, do you happen to be one of the members of the famous MTG Team Trio here in the Philippines, known as the Power Puff Girls?

    • i started Magic nung kakalabas lang ng Fifth Edition. That was when I was first year high school. Hindi ko na maalala kung paano ko nakilala ang magic that time. Until early college naglalaro pa din ko then I had to stop kasi, bukod sa bilis ng cycle (budget problems being just a student) e wala ng makalaro. After sometime you happen to know new people playing magic, ayun laro ulit.

      This time torn between playing again or not. May pambili nga kaso walang namang kalaro. Hehehe.

      The on and off outline:
      ON: Weatherlight to Urza’s Destiny
      OFF: Mercadian Masques to Prophecy
      ON: Invasion to Odyssey
      OFF:Torment to Savior of Kamigawa
      ON:Ravnica to Planar Chaos
      OFF: Future Sight to Present πŸ˜€

    • as i have researched on them as well as other BIG dogs, mas mabait sila kesa sa mga maliliit nilang kapatid. gentle giants kumbaga.

      dahil dota player kame (at kung makakabili kame neto), maybe TINY will be a fitting name.

  3. Wow! On and off nga. Haha. Marami naman pong mtg players and malaki at healthy community nya. Well, based siguro sa location. πŸ™‚

    And nope, I’m not one of them. HAHA.

    But, I WAS one of the power puff girls way back college days.

    • dahil kilala mo sila meaning naglalaro pa din sila? sila kasi yung nakalaban namin nung pre-release ng… wtf di ko na maalala hahaha. basta trio ang laban nun.

      as mentioned walang problema maglaro ulit. yung makakalaro ang problema ko.

      btw, san ba kayo naglalaro?

  4. Pingback: wish list raffle entry number two ;) « Secret Garden

  5. Pingback: May Pagtingin Ako sa mga Lalake | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s