Life and Family / TV and Movies

Walang Kinalaman Sa Narnia 3

Ang Dahilan ng Lahat

Ilang Linggo na rin kaming nagbabalak na mag-jogging sa Quezon City Circle para sa family day. Pero hanggang kanina e hindi pa rin ito natuloy kaninang umaga. Nag-alarm kasi kami sa aking Nokia 5800 na phone na palagingtinotopakangtouchscreendahilsamadalasnapagkabagsak ng 5:30am tapos nagising naman ako para lang palitan ng alarm ng 6:00am. Hindi ko alam kung unconciously e ini-stop ko ang alarm nung 6am o talagang hindi siya nag-alarm. Huli na nang malaman ko na 8am na pala.

At nagising ang mga bata ng 9am.

Daddy magdya-jogging na ba tayo?
Hindi next week na lang, mukhang uulan e.
(buong araw kanina kahit ambon wala, palusot lang pala yung nasa taas)

Naalala ko ang binigay na Gift Certificate ng company namen. Tinanong ko ang sarili ko kung pwede ba gamitin ito sa sinehan ng SM. Agad kong hinanap ang sagot sa likod ng SM GC na nasa bag ko. Ayun. Pinahanap ko agad ang asawa ko sa website ng SM Cinema ng mga palabas ngayon. Isa doon sa mga palabas na hindi naman namin balak panoorin ang Coming Soon. Oo, Coming Soon ang title. Andun pa rin ang Megamind, na gustong gusto mapanood ni Asher at ang pinag-uusapang My Amnesia Girl. Wala sa nabanggit ang pinanood namin. Ang ipinunta namin sa SM para panoorin ay ang The Chronicles of Narnia: The Voyage of the Dawn Treader, na sa December 10 pa ang opening pero palabas na sa SM.


Di ako agad naniwala:

SM Cinema may I help you Sir?
Pwede bang magpareserve through phone?
Opo sir. Ano po bang papanoorin nila?
Totoo bang showing na tong Narnia?
Opo sir.
Ok sige. Apat na ticket. Yung pang 7:40pm.
Kahit di na nga kayo magpareserve sir ok lang madami namang bakante.
Mas maganda na to para sigurado me kasama pa naman kaming mga bata.
Heto po ang reservation number, 8494.
Thank you.

Picture bago umalis


Ang Ahas sa Ilog

Malapit lang kami sa kanto ng C5 (Mindanao Avenue). Kaya napakadali lang na pumara ng fx papuntang MRT/SM na kadalasan ko rin naman sinasakyan papuntang work sa Makati. Madalas topak to si Asher pero kapag hindi e napakadaldal. Yung ate nya namang si Joy e nahihilo sa fx at naghahanap ng titirahing Katinko. Kung di mo sila kilala backread ka dito.

Umiral ang kadaldalan ni Asher. Nang makakita ng mga umiilaw ilaw sa mga nadadaanang bahay o establishment, “Daddy oh kismas layt”. Nakita din niya ang mga malalaking bahay sa isang subdivision along Mindanao Avenue, “Daddy gusto ko din ng malaking bahay”. Pero eto ang malufet, ang impromptu na kwento ng isang 3 year old (3 and 3 fourths) tungkol sa ahas sa ilog.

Daddy may sinabi sa akin si Lawrence (second cousin, aka Pareng Rorence) nung Birthday ni Andrei. May tinuro siya sa akin na ilog.
Ano ba yung ilog? (tinetesting ko kung alam niya kung ano ang ilog)
Yung mabaho at may tubig.
Ah, ano meron sa ilog?
Ahas.
Ano ginagawa ng ahas?
Lumalangoy sa ilog.
Ano nangyari.
Nalunod yung ahas. Patay na yung ahas.
Anong nangyari nung namatay yung ahas?
Nabuhay ulit.
Nabuhay ulit?!
Nabuhay tapos nakakita siya ng isang animal na may paa at buntot. Tapos kinain niya yung animal.
Tapos? (Nagtitinginan na ang mga sakay ng fx sa gitna, nasa likod kame)
Ginamitan niya ng korerente yung dragon (yung animal na may paa at buntot)
Anung ginawa niya sa dragon?
Kinain na niya. Tapos lumaki na siya.
Pagkatapos niya lumaki?
Basta lumaki lang siya ng lumaki.
The End. SM na pala.

Ang SPOILER ng Narnia

Ang totoo walang spoiler. Dumating kami doon ng 7:40pm eksakto dahil tinapos pa namin ang labahin bago umalis. Kinailangan ko pang bumili ng Double Down ng KFC dahil hindi pa natitikman ni Jho (chocolatecake) ang luto na iyon ng KFC at dahil naiingit siya tuwing nagkukwento ako sa kanya na yun ang nila-lunch (12mn) ko sa office. Bawas na agad ng 15 mins ng spoiler kung meron man dahil natagalan pa ako sa haba ng pili sa KFC. Bumili pa ako ng popcorn at ni-redeem ang libreng mineral water.

Walang poster ang narnia kaya eto na lang. Si Yogi.



Bigla pa akong hinarang ng taga-check ng ticket sa cinema 7. Hindi ko na naintindihan yung sinabi niya. Buti na lang may subtitle, “Hoy late ka na, wala nang ulitan ang movie na to ha?”.

Sa kalagitnaan pa ng movie e si Asher nagrereklamo na napupoops. As usual, pag-upo ni Asher sa trono e ang sabi niya, “Daddy, wala”. Another delay ulit sa panonood ng Narnia. Huli ko rin pala nalaman na di pala makanood ng maayos si Joy dahil sa me gagong nagtutuktok ng upuan niya sa likod.

Ang epal nung sumisipa ng upuan ni Joy sa likod.
Bakit di mo agad sinabi sa akin? Sana pinagsabihan ko.
Kaya nga pinalipat ko na lang sa pwesto mo e. Di marunong makiramdam. Sumisigaw na nga ako ng, “Joy dun ka na nga lang sa tabi ng daddy mo. Ang ingay ng nasa likod mo e!”
Next time sabihin mo sa kin.

Garfield Shoes. Sale at P395. Umiilaw parang Christmas Light.



Ano kamo? Spoiler?

Ang Ending

Takeout talaga yung Double Down. May natira pa kasing Carbonara ala JC kaninang hapon na alam kong perfect match at eto sila.

Pantakam sa nagugutom na nagi-internet ngayon.



The end. Inaantok na ko. Bukas na lang pupunta pa kami sa Divisoria bukas ng umaga.

Advertisements

26 thoughts on “Walang Kinalaman Sa Narnia 3

  1. Wow! Mukhang naibigay na ang 13th month ah hehehe.

    Aha, malapit lang pala ang bahay mo sa HBC ha, medyo kabisado ko yang area na yan πŸ˜‰

    Kumusta ang movie? Okay ba? Sabik na akong mapanood yan. Kahit damatans na ako ay type ko pa rin ang Narnia hihihi

    • yun ilog yan yung makikita sa mga may major roads tapos me tulay. creek ata tawag dun tapos me mga skwater hehe.

      di ko alam kung ahas ba o pokemon lol.

  2. yehey lang masasabi ko dito kasi walang spoiler
    at ang kulit ng ahas sa ilog, kanal?

    hanggang ngayon ba bawal pa din magpasok ng ketchup sa mga SM Cinemas? wala lang naitanong lang po, walang koneksyon sa KFC na ni-take-out-para-sa-movie-pero-naging-take-home

    very significant yung Aslan sa Narnia, kasi nasa Bible din yun yehey!

    ang haba pala ng post mo sir hihihi
    kaya mahaba din ang comment

    Great Family bonding sir!

    • hindi ko alam na bawal ang ketchup sa loob ng sm. hehe. saka wala namang ketchup akong dala nun kaya hindi siguro ako nahuli.

      anung meron kay Aslan at ng Bible ser?

      πŸ˜€

    • ibig sabihin sa SM Clark at SM Pampanga lang bawal naman! Kasi dati nanood kami ng movie dahil peyborit ko sa jolibi dun kami nagtake out para kainin sa sinehan kaso pinaiwan ang mmga ketchup. Di ba masarap kumain ng burger, fries at chicken joy na walang ketchup at gravy, huhuhuhuhuhu

      yung Aslan kasi sa book of revelations it signifies our Savior.

      yehey!

    • wow kuya kim ikaw ba yan? nice trivia.

      baka nga sa inyo lang. never akong nakaencounter ng ganun sa buong buhay ko sa sine. bukod siguro sa videocam (yung di pa uso ang mga digicam), e wala na akong alam na iba pang bawal.

    • Gusto ko din ng double down, kawawa naman ako dahil di ko pa natitikman. hihi ^^

      Kaaliw naman po ang family bonding nyo πŸ™‚ Lalo na yung kwentong ahas sa ilog ni Asher. Ang tindi ng imahinasyon xD kyoooot.

      At inabangan ko ang pahapyaw na kwento sa Narnia kaso waley. haha! Pero feeling ko, di nyo din po masyado napanood kasi abala kayo sa pagiging ama. yiiih! πŸ™‚ iyun.

  3. muntik na kong di magbasa kuya.. kase naman andamenggggg puso.. may allergy ako sa pula at pusu-pusuan eh hahahaha..

    magkakasundo pala kami ng junakis mo.. tumitira din ako ng katinko eh hahahaha..

    hmmm napaisip tuloy ako kung nagkita pa ba kayo ni azlan sa NArnia? hehehehe

    kahapon errrr kagabi pala napanuod ko yan.. nilibre ako ni insan arvin hehehe.. matapos namin makipagkita kay Azlan sa Narnia, tumulak kami papuntang divisoria para makipagtulakan at makipagsiksikan sa mga maasim na tao dun.. at maglakad ng maglakad ng maglakad hanggang sa mapagod our feet ahihihihi wala lang.. nishare ko lang… may masabi lang..

  4. ser, alam kong maraming langgam sa blog na ‘to pero para pong masakit sa mata ang white na text sa pink na background. ‘yung comment section lang ang malinaw na malinaw. pwedeng itim na lang ‘yung text? XD

  5. Pingback: An Open Letter To Mama Alice « Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s