Humor / Life and Family / Personal Musings / TV and Movies

Random Randoman at Status Statusan

Ang tagal naming walang post sa blog na ito. Alam mo naman kasi ang Christmas season e hectic ang mga tao. Shopping, day out, pag-aayos ng mga ido-donate na goods, practice sa Christmas presentation, at kung anu-ano pa. Light mode muna bago ako magpost ng something epic lol. Kaya random lang muna ang ipopost ko pati mga status sa online world na tumatak lang sa utak ko.

Pasensya na rin pala hindi ako masyadong nakakabloghop dahil sa busyness.

Random

1. Panalo ang billboard ni Angelica Panganiban para sa Bench sa may Guadalupe (or Boni kasi nasa kabilang side ng ilog). Ang imahe na ito ay makikita din sa mga stores ng Bench. Good job sa advertising at mga photoshoppers nila. Impernes kay Angelica kahit naman me baby fats pa siya sa belly, we can never doubt she is one beautiful lady. Kahit lumaki pa yung chan niya na parang buntis, crush ko pa din siya hahaha.

2. Great job din pala sa Makati government for putting up a very nice lights in the business district. Disabled ang right-click sa post na ito ni Noelizm pero as a programmer I managed to grab this picture without asking first. Anyways the credit is still his. Mas nakakaaliw to kung video or sa actual. Parang rainfall lang. Mukha lang basura sa umaga yung mga dangling stuff. Lol.

The last photo is at the corner of Ayala and Makati Avenues, this time with various Christmas lanterns. Peninsula Manila's waterfalls provide the background. Sorry for the blurred shot, as they are all taken with just a camera phone. ~Noelizm

3. Another thing in Makati is that the majority of the sidewalks of the business district are being repaired (changed / reconstructed). And then timely naman na nung Saturday nag-seminar kami ng wife ko sa Mercan (immigration agency to Canada, which I will tell more about on the next post after this one). Sinabi nung Canadian na speaker na ang Canada is a wealthy country and it is willing to share to others. Another idea na in-impart niya e, “The (whole) world is rich, it is just that it is not properly distributed. Some have much, some have none.” Nun pa lang nakita ko yung ginagawa sa Makati, naisip ko lang na, oo nga’t malaki ang kinikita ng siyudad na ito pagdating sa taxes pero hindi naman ganoon kasira ang mga sidewalks dun. Saka yung pera na ginamit dun, e malaki ang mararating sa mga maralitang mga probinsya sa bansa. Wala akong alam tungkol sa National Budget, pero naisip ko lang na hindi naman siguro masama na paunlarin muna yung mga mahihirap bago payamanin pa yung mga mayayaman. Bow.

4. Habang antok na antok akong sumakay sa bus sa isang umaga galing sa trabaho, ang maririnig mo naman sa radyo ay isang chismis radio show at ang sabe:

Isang sexy actress daw ang umalis sa limelight para ‘mag-aral’ pero ang totoo e reason lang daw niya ito para itago ang isang sikreto dahil sa sulsol na rin ng kanyang talent manager. Ang sikret? Nabuntis daw kasi si gerl. Naiispatan nga daw ito sa mall na metro ang layo sa ‘anak’ niya na kasama ng yaya. Sa ngayon hirap daw makakuha ng project ang sexy actress na ito. Ang clue: me kapangalan siyang royalty at me ka-apelyido siyang senator. Yun na!

5. Lagi akong tinatanong ni Asher…

Daddy papasok ka?
Opo.
Bakit ka papasok?
Kasi para may pambili tayong ng pagkain.
Ahh. Ok.

Ang pinakarecent…

Daddy papasok ka?
Opo.
Huwag ka na pumasok?
Bakit hindi ako papasok?
Kasi may pagkain naman tayo.

Status

Ang mga sumusunod ay rated PG13. Patnubay ng magulang ay kailangan.

1. Hindi lahat ng night shift ay AGENT.
~Jo Cabrera, YM Status

Isa ito sa mga struggle namin na kapag may nakakasalubong sa umaga e tatanungin ka, sa call center ka nagtatrabaho?

2. Madali lang pala magluto ng nilaga, ILALAGA mo lang.
~Gary Gautane, FB Status

Kapag fried chicken, iprito mo lang.

3. Miss, Ketchup ka ba? Hinahanap ka kasi ng Hotdog ko e.
~Mark Gatbonton, Hirit sa FB

No comment hahaha

4. Si boy at girl nag-uusap…
B: Pwede bang manligaw?
G: Ayoko nga!
B: Tang-ina mo!
~cheese, nakuha sa archive ng cellphone at inilagay sa FB

Bitter ka ba?

My next post in a short while…

Advertisements

16 thoughts on “Random Randoman at Status Statusan

  1. panalo si Asher, hahahaha
    dapat sir parating walang laman ang ref niyo para walang dahilam si Asher para di ka pumasok
    at ikaw na ang mapagmasid sa kapaligiran
    hahaha

    at namemorya mo ang usapan sa tsismis sa radyo
    lols

  2. si Diana Zubiri yung blind item no?? hehe

    Angelica Panganiban is soooooo beautiful. I saw her once, walang muk ap! at talagang pretty prettyhan ang lola! Kraz ko din sya hihi πŸ˜‰

  3. hay naunahan na pala ako ni Jayvie. nahulaan ko din kaya yung sagot dun. pero kung sinuman yung anak niya, kawawa naman siya at di siya maipagmalaki ng nanay niya. kabwisit ang mga ganun kasi ang mga anak, minamahal at pinagmamalaki hindi ikinahihiya.

    at marami din akong moments na tulad ng sa inyo ni Asher. every morning Jeremy and Cassie would tell us, “ayaw office” but then I will tell them na kelangan namin pumasok sa work ni daddy para makabili kami ng bagong toys. pag ganun ang tema, namimilog na ang mga mata at ok na kaming umalis. hahaha! ang halaga namin, pareho lang ng mga toys na binibili namin para sa kanila. hahahaah!

    but seriously, it breaks our heart to leave them every morning kasi masarap yung ikaw mismo ang kasama ng mga bata at naaalagaan mo sila talaga. but well. reality bites.

    hindi ko pa nakikita ang lights display sa may ayala av. ayoko na kasing magpunta ng makati. kakapagod ang traffic at lalo ang usok!

    i like angelica too. gandang ganda ako sa batang yan, parang anghel lang. hihihi

    at ang bitter ocampong manliligaw! kalorki!

    • san ba kau nagwo-work ni ser bong?

      we parents have no choice but to work for our family. kaya kapag may time talaga we should make the most out of it. anyways, two weeks din ako mag-stay sa bahay this Christmas break. wow.

      impernes kay Diana at sa mga katulad niya, hindi naman naten masisisi yung sacrifices niya para sa work niya. yun pa rin naman ang magpapakain sa kanila e. ewan, just my point.

    • I work in Alabang and Bong in Makati. sarap naman at makakabakasyon ka. si bong din pala, uubusin ang leave credits sa Christmas vacation. inggit much ako.

      tama ka rin about Diana. maybe that’s her way of putting food in her family’s mouths. I just hope the kid will grow up not resenting the fact that she can’t be acknowledged in public by her own mom. oh well. ayoko siya problemahin. malay ba natin kung trulili ang blind item. haha!

  4. 4. Si boy at girl nag-uusap…
    B: Pwede bang manligaw?
    G: Ayoko nga!
    B: Tang-ina mo!
    ~cheese, nakuha sa archive ng cellphone at inilagay sa FB

    nyahaha!!! laglag ako kakatawa. tae lang. sana nga may lalaking kaya tong gawin.

  5. Iyan ang nami-miss ko sa atin lalo na sa ganitong mga panahon, feel na feel mo ang pasko dahil maraming ilaw na kumukutikutitap sa daan. At may blind-time ka pa talaga ahihihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s