Health and Fitness / Life and Family / News and Information

The Long Short Weekend

INTRODUCTION

Inopen ko ang PC para gawin ang post na ito pero tae walang internet. Kaya tina-type ko ito using MS Word.

Last weekend, kahit alam kong normal lang naman na dalawang araw ang weekend na ito, e parang long weekend na rin sa dami ng activities na ginawa namen. Although not really much pero lutang na lutang ako dahil halos wala akong tulog the two weekend days that have past.


Let see what we did.

AUDREY JOY’S PLAY

La la la la pa ring internet.

Nag-usap na kami na mag-asawa na magkikita na lang sa SM North after ko manggaling sa work dahil total ihahatid naman niya si Joy sa SM para sa Play for her school. Hindi naman siya part ng play, they just have to watch it as a school activity parang field trip. Ayon kay Joy e “John Tamad” daw ang title ng play at hanggang ngayon e hindi ko pa din naiintindihan ang kwento niya tungkol dito. Para kasi itong modernized na Juan Tamad story pero hindi pa rin niya masagot ang tanong ko na, “Paano siya naging masipag? Ano ang moral lesson ng story?”.

That was around 7:30am at si Asher naman e ihinatid muna ni Jho bago sila magpunta ni Joy sa SM. The funny part e nung malayo layo pa ako sa SM galing Makati, tinext ko na si Jho na kung saan kami magkikita. Sa may BDO daw. Although naisip ko na, na BDO sa may The Block ang tinutukoy niya, tinext ko siya ulit para i-confirm kung BDO Annex ba o BDO The Block. Nagreply siya na BDO Annex daw.

The exchange of Texts and Calls:

Andito na ako sa BDO, asan ka ba?

Dito nga sa may BDO? Sa may tapat ng National Bookstore.

Wala namang National dito. Asan ka ba talaga?

…marami pang text…

Baka naman sa The Block yan?

Dito sa pinag-antayan naten ng taxi dati nung kasama sila nanay.

Ah sige gets ko na.

…at nagkita kame sa may tapat ng BDO The Block.

Oo nga no The Block to. Sabi kasi nung kasabayan kong nanay na tinanong ko kung Annex ba to o The Block ang sabi Annex daw to.

Ang tanga naman nung nanay na yun.

Bago umuwi e bumili muna kami ng Shawarma rice ng Khaleb dahil parehas kaming hindi pa nagbe-breakfast. Uuwi kami para lang maligo at aalis ulit on our next destination.

Nasilip ni Jho ang draft na ito at sinabi sa akin, “Siraulo ka!”.

THE REALITY OF MIGRATING TO CANADA

Wala pa ring internet. Hays.

Mabilisan lang na kain at ligo ang ginawa namin. Ang next destination kasi e sa may Megamall for a seminar na kino-conduct ng Mercan Philippines. Mercan is a immigration agency na nagpapadala ng mga immigrants (or other purposes) to Canada. Yes, we wanted to go to Canada para magmigrate dun at ma-reunite sa mother ni Jho na andun.

We arrived late as expected dahil matrapik na pala sa EDSA nung mga oras na iyon. Pero we are still ahead as I may say kasi antagal bago magsimula nung seminar. Wala kaming ballpen nun at bumili pa si Jho na 20mins na yata bago nakabalik (dahil parehas namin hindi kabisado ang Mega) pero noon pa lamang kakasimula ng speaker. Ang nag-intro e isang pinay at ang nagbigay naman ng information regarding sa migration e isang Canadian na matagal na nagtrabaho sa Canadian Embassy dito sa Pilipinas.

In tabular form here’s what I got:

Canada is a huge country with 12 provinces in which one of its provinces could fit Philippines two times but mostly the people are in the southern part because the northern part is just too cold to live in.

Per square kilometers, Canada have 2 person while we here in our country have 300.

They have around 10% unemployed while we have 20%.

The health services and education is almost free. You pay it through your taxes. Even if you go to private school, you are only paying about a third of the actual cost.

And due to population issues, they even give money to those who are having kids. Still, they have an average of 2.2 kids per family.

To solve the above issue, they are accepting 250,000 immigrants a year.

In 2008, Philippines is the third country as the source of immigrants to Canada behind China and India. Last year, we are just behind China. Just think who will be the top this year. And I know you know the reason for this.

They are looking for permanent residents to solve manpower and population issues. This is the same reason why it is very hard to go there as just a temporary worker.

You need around half a million pesos fund per person as a proof you can support yourself when you got there.

They are only accepting people whose careers belong to 29 jobs posted in the Canadian Immigration website.

Pagkatapos ng seminar, pinapila isa isa para sa isang one on one assessment para matukoy agad ang eligibility mo. Sa haba haba ng seminar, denied kami dun sa assessment dahil hindi pasok ang career ko sa hinahanap ng Canada. Para tuloy gusto kong mag-aral mag-electrician o magtubero o kaya naman magtanim parang sa Farmville. Hindi bale, may chance pa naman. Kailangan lang magamit ni Jho ang kurso niya sa Business Administration para siya ang mag-aapply para sa amin.

Umalis kami ni Jho sa seminar para maglibot sana sa Mega at para na rin bilihan ko siya ng Christmas gift na that time hindi niya pa alam kung ano ang bibilhin namin. Basta ang clue e magagamit niya ito at sure na matutuwa siya dito. Sa huli at dahil nabanggit ko na hindi kami sanay sa Mega, sabi ko sa kanya e sa Trinoma na lang kami pumunta.

THE CHRISTMAS GIFT

Alam mo na. Wala pa ring internet. Nagbayad naman kame.

I have given my wife a dare to lose weight at may kapalit bawat milestone na magagawa niya. Right now she is around the same weight as I do.

And the dare is:

At 140lbs, I will give her P5,000 to buy anything she wants.

At 120lbs (her weight before giving her first birth), I will giver her P10,000.

Dun sa Megamall pa lang, sinabi ko na sa kanya yung bibilhin namin pero dahil hindi pasok sa credit card namen (tae yung ‘namin’ nagiging naming dito sa word kaya namen na lang. Yung ‘dito’ ayan ditto ulit hahaha) ang promo na 12 months 0% interest. Naisip na lang namen na sa Trinoma na lang bilhin yun something na iyon.

Hindi rin namen ganun ka-kabisado ang Trinoma (SM North at SM Fairview kasi kame madalas). Nag-ikot ikot kami para makita ang same store na pinagtanungan namen sa Mega, ang Toby’s. Ayun sale din sa kanila at same promo din. Doon namen kikitain ang nanay at kapatid ko kasama ng dalawang bata (sila sumundo kay Joy after ng play).

At heto ang binili namen:

Prince of Badminton

Specifications: Weight – 86g, Flex – High, Balance – 280 (the other racket is 285), Pattern 22×23, Tension 24g

Hindi ko alam kung para saan ang mga special features na ito nung inoffer sa amin. Pero ngayon alam ko na.

Noob ang naglagay ng grip sa rackets namen. Nung ginamit namin nung Sunday, naalis yung grip (di ko alam kung ano tawag dyan).

Walang halong yabang e may kamahalan ang nabili naming racket. Nakinig kasi kame dun sa sales talk nung babae sa Toby’s sa Mega na, kesa bumili kayo ng mura at magpapalit lang din ng mas mahal, bumili na lang kayo ng mahal para hindi na doble ang gastos. We thought na she has a point so we did buy an above average pair of rackets for both of us. Ang sabi ko kay Jho, ayan down payment na yan sa P5,000 (na dare) mo sa akin. P2,500 na lang magiging utang ko sa iyo (ayan na yung hint lol).

With the help of our text support Leslie (Jho’s friend), who is at the same time a badminton champion (may bayad na promotion fee to). We found those rackets to buy. Pa-practice muna kame tapos laban tayo. Lol, asa kame kay Les. Madami pang kakaining shuttlecock bigas.

Para rin ito sa balak nila John (na member ng J-Team na hindi na ngayon naggi-gym) and the group na magheld ng every Wednesday na badminton session after office work starting next year.

By the way, two hours kaming nakakulong sa loob ng Toby’s. Hindi pa kasi nababayaran yung mga rackets dahil inaantay pa naming ang kapatid ko na bumibili ng damit para sa kanilang Christmas party. Yung credit card kasi nila ang pwede sa 0% interest na promo.

TIMEZONE

Connecting… Your browser is in offline mode. Tae.

Nagulat na lang si Asher ng magising na iba na ang may karga sa kanya. Andun kames a may carousel at agad na gustong sumakay dun. Si Joy e school attire dahil nga dun sa earlier event.

Tuwang tuwa na yang itsura na yan. Lol.

Blurred mga kuha sa trinoma kasi cam phone lang hehe.

Ano pa bang gagawin sa Timezone e ano pa kung din mag-arcade. Tuwang tuwa yung mga bata habang pinapanood kami sa mga Virtual Reality rides na sinakyan namen ng kapatid ko. Pinapanood lang nila kasi di sila pwede. P120 ang isang ride pero dalawang tao na pwede. Tapos me nakita kami dun sa loob ng worth P55 lang two person din. Mas maganda lang yung itsura physically nung P120 na ride pero mas maganda yung P55. Gusto ko sanang umulit kaso ayaw ni nanay at Jho dahil nahihilo daw siya. Nakailang rides at arcade din ang mga bata dito. Palipas oras na din kasi 5:00pm pa naming babalikan yun racket sa Toby’s na dalawang oras inistringan.

Kuha sa labas ng Timezone.

Anong tawag sa pose na ito?

E itong pose na ito?

Dumaan na din kami sa KFC para bumili ng dinner. Super haggard na kung magluluto pa kami ng dinner. At this moment, 24 hours na akong gising at tulala na sa isang tabi at di mapakali.

Ang haba ng pila sa taksihan sa Landmark, pero kumpara sa SM mas mabilis ang pila dito. Along the road nagka-eksena pa. Me and my brother versus the taxi driver, na ikukwento ko na lang sa ibang post.

SLEEPING

Sa wakas, nagkita rin kami ng kama at around 8:00pm. Hindi pa bumababa masyado ang chicken sa tiyan ko e antok na antok na ako. Nakatulog akong slightly naka-slouch sa kama. Ilang sandal pa tumabi na rin ang mag-iina at natulog din.

JOGGING DAY

Wala pa ring internet. Kailangan pang gumawa ng call para maopen ang linya ng fiber-optics para magopen din ang internet. Kapag hinang mo ang phone, napuputol din ang internet.

It was a fine Sunday morning. 6:00am ang alarm and this time nagising kami sa oras. Sa wakas ay nakapag-jogging din ang pamilya matapos ang matagal na pagbabalak. Sa Quezon City Circle kame nag-jogging. Kahit papaano e na-appreciate ko kung saan napupunta ang tax na binabayad ko sa gobyerno.

Picture agad pagpasok sa Circle.

Mag-utol.

Asher: Mommy nababasa ako!

Holdap pose daw

Wala kang masyadong gagastusin kung tutuusin dito. Lalo na kung may dala kayong sariling pagkain. Kami e wala kaya doon na lang kami ang breakfast sa isang kainan dun. Mura siya kung tutuusin. Tight competition din kasi ang mga kainan dun. Ang tanging binili lang namen bago pumunta doon e dalawang 1.5L na mineral water kasi medyo me kamahalan ang tubig at drinks dun. Bukod sa mga iyon e, pamasahe lang papunta at pauwi ang gastos mo.

Parang umiihi lang si Joy.

Umorder ng hotdog pero hindi inubos.

Hindi rin naubos ni Joy kaya kaming magulang ang taga-ubos.

Nag-iisip ng next post niya.

Kung minamalas ka naman at sumakit ang tiyan o pantog mo, ayos lang kasi maayos naman kahit papaano ang mga comfort room dun. Yun lang may bayad pero ok lang. Jingle P3, Poops P10 at Goli P15 (as if maliligo ka dun).

Mas nagjogging pa yung dalawa kesa sa amin. Click the image for bigger view.

Napagod yung isa. Click the image for bigger view.

Ang daming activity ang pwedeng gawin dun. Jogging, workouts, wrestling, badminton, volleyball, sepak takraw, basketball, soccer, playgrounds, healing masses at madami pang iba. Isa lang ang next time na naming ita-try ang pagba-bike. Sarado sa umaga ang Circle of Fun kaya wala rin akong idea dito. Impernes, makikita niyo naman sa mga pictures na hindi mukhang cheap ang mga playgrounds na sinet-up dito. May grass like floors pa kaso di ko nakuhanan.

Quezon City Circle Monument

Hindi mukhang cheap ang playground.

The little cakes.

Kung naghahanap kayo ng cheap na pwedeng puntahan punta na kayo dito. At para katulad ko, ma-feel nyo ang taxes ninyo. Hahaha.

Halos tapos ko na ang post na ito. Tae. Wala pa ring internet.

Pasensya kung may errors dito sa first draft. Mamaya ko na i-edit. Me sisingit lang diyan sa baba…

Ang bathrobe ni Asher na shark na sinuot ko.

Advertisements

17 thoughts on “The Long Short Weekend

  1. walastik! talagang siksik-liglig ‘tong post mo na ‘to, ser! siniksik ang pwedeng isiksik. hahaha!

    target ko rin ang canada pagkatapos makakuha ng experience dito ng dalawa-tatlong taon. pasok ba sa mga posted jobs ang CPA? sabi ng mga pinsan ko, maganda raw talagang mag-migrate sa canada kasi konti pa lang ang tao. tas yung gobyerno raw talagang para sa mga tao. lintek lang, nakakainggit.

    at hanep, talagang diyes mil ang walang kaabug-abog mong pakawalan maging sexy lang ule si mrs. chocolatecake? kung ako si mrs. chocolatecake, uumpisahan ko nang mag-treadmill ngayon na ngayon din. lol!

    ngayon ko lang napansin. kamuka mo pala si asher at si joy naman eh kamuka ni mrs. chocolatecake. talagang split ang hatian. 😄

    sa notepad ka na lang kasi magsulat ng draft, ser. o kung tinatamad ka naman, wala nang draft-draft. sa wordpress na mismo. lol!

    p.s.

    mas maaliwalas ang theme ng crib mo ngayon ser. i like! \m/

    • uu lio pasok ang mga accountants sa canada. isa lang siguro ang kailangan mo marinig sa canada na talagang maikukumpara mo versus sa pinas: ang pinas, nasa least 10 at ang canada naman nasa top 2 ng LEAST CORRUPT COUNTRY. lol. pero tama na ang promotion. lahat naman ng situation me pros and cons. being a born pinoy mahal pa rin naten ang bansa naten.

      yung tungkol sa dare siya na makakasagot nyan ehehehe.

      imposible naman maging kamukha ko rin si joy, you know 😀

      ang problema nun walang net hehe. sa wp na talaga ako nagawa ng draft habang nagnenet ng kung ano ano.

      nakita ko lang tong background kung saan at ginawang tiles. baka din next year sana lumevelup na din itong blog na to. 😀

    • hahaha wish ko lang lio magawa kong sumeksi tulad dati,pagkakatanda ko pumayat lang ako ng todo nun gumamit ako ng bangkok pills 🙂 pero ngayon kelangan natural daw and wish ko lang ganon kadaling pumayat 🙂

      ako lang nag-iisang kamukha ni joy,ok ng ako lang para walang kahati kahit maging kamukha pa nya tatay niya di rin naman sya tanggap 🙂

  2. Iba talaga pag nakikita mong nag eenjoy ang mga bata, nakakaalis talaga ng pagod. 10K para pumayat? sana may mag dare din sa akin ng ganyan, siguro iyon lang ang kailangan ko para pumayat, 10K is 10K ahihihi.

  3. Pingback: An Open Letter To Mama Alice « Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s