Personal Musings

A Quickie New Year Post

Noong mga bata pa kami, makikita ang saya sa mga dumarating na New Year dahil sa dami ng perang nasusunog paputok na pinapasabog. Yan yung tipong 5pm pa lang ng hapon ayaw mo ng lumabas dahil baka masabugan ka. Hindi pa ata naiimbento noon ang torotot. Wala pa rin atang batas noon na bawal ang super lolo at whistle bomb dahil ang dami pang nagpapaputok nun noon. A-trenta pa lang e box office na ang mga ospital sa dami ng napuputulan ng kamay. Ayaw mo rin maglalabas sa umaga ng a-uno dahil sa ang aspalto na daan ay hindi kulay black kundi kulayΒ  brown dahil sa mga papel ng mga rebentador at tira-tira ng super lolo sa naunang gabi. Nakakatakot din at uso ang mga nagpapaputok ng mga baril kaya mahirap matulog noon kasi baka wala ka nang gising. Talo pa ng kapitbahay naming mayaman ang mga paputok sa MoA sa dami ng kanilang fireworks. Kami naman, kasama pa namin ang tatay namin na magpaputok ng kung anu-anong klase ng paputok although syempre hindi yun malalalakas. Dahil diyan kumpleto pa ang mga kamay namen.

Trivia: Naputukan na pala ako ng kwitis. Hindi bagong taon nun. May isang handaan na kung saan nagsindi ng kwitis. E ayun yung kwitis palyado at hindi lumipad. Imbes na pataas, nag-volley ito pa punta sa likod ko habang kumakain noon. BOOM! Sugat lang naman sa likod ang inabot ko.

Ngayon, bawal na daw magpaputok ang mga bata sabi sa commercial. Bawal na rin ang malalakas na paputok pero narinig ko merong bago: Goodbye Philippines (see pic below). Kapag nasabugan ka neto, goodbye philippines ka na pero mas ok ata ang goodbye earth. Dahil na rin siguro sa hirap ng buhay kaya mas konti na lang ang nagpapaputok ngayon. Ayos na din kasi mas kokonti ang nadidisgrasya. Pero meron at meron talagang matitigas ang ulo. Marami din ang mga batang nabiktima ni Piccolo, yung kalaban ni Son Goku. Hindi ko alam kung bakit piccolo pero yun ang pangalan e. Kaya nasa sa inyo na iyan kung paano kayo magse-celebarate. Good luck mamaya.

 

Mapapa-goodbye ka talaga!

Nung isang araw sa balita, may nadeads na bata dahil sa nakakain ng pop pops (isang harmless na paputok na hindi sinisindihan at hinahagis lang, nagdudulot ng isang maliit na ‘pop’ pagsumayad sa semento pagbagsak. Harmless basta huwag mong kakainin). Naglalaro neto ang dalawa kong anak the past few days pero hindi kami nagkukulang na bantayan sila at paalalahanan na maghugas ng kamay pagtapos gumamit. E nagkataon na napanood ito ng lolo nila at eto ang resulta:

Delikado pala yang pop pops, simula ngayon huwag niyo nang bibigyan sila Joy at Asher ng paputok! (E bakit kami noon?)

Ilang oras na lang Happy New Year na. Happy New Year sa lahat! Sa loob na lang kayo magpaputok para walang mapuputulan ng kamay. xD

Advertisements

13 thoughts on “A Quickie New Year Post

  1. ninerbyos ako dahil sinturon ni hudas ang binanatan ng mga kapatid ko!

    aray ang supot naman nung kwitis!

    anyway, Happy 2011 po Ginoo at Ginang Cheese/Chocolate Cake πŸ˜€

  2. oo nga, ganyan na ganyan din ang scenario nung mga naunang bagong taon ko.

    kung nakita mo yung goodbye universe, mamamangha ka at iisipin mo na nasa arms deal ka lang ng isang black market ng tira tirang nuclear material stockfile ni bin laden. iniisip ko nga na kapag yun ang pinaputok ng sabay sabay, wala nang kalawang ang matitira sa bubong ng bahay namin at pwede na akong magpintura kinabukasan ng hindi gagamit ng primer.

    happy new year tol!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s