Travel and Events

Ang Pagbating May Effort

Ang post na ito ay para sa dalawa kong kaibigan na nag-isang tadyang dibdib kamakailan lang. I wish you guys both happiness and I know you will be. So enough of the usual greeting kasi alam ko naman na nasabi na din ng iba yung mga sasabihin ko. Dito tayo sa personalized greetings sa baba.

They tied the knot at Santuario de San Antonio, Makati

Reception at 1esplanade

 

Dear Randy,

Congrats sa bagong chapter ng buhay mo. Thank you nga pala sa pag-imbita sa akin sa kasal mo kahit alam kong napakabihira nating mag-usap (sa ym) lalo na ang magkita (dahil sa abroad ka nakatira). I actually opted not to come on your day because of commitments (pati yung pagpasok ko sa work after the reception/party), pero naramdaman ko sa offline reply mo sa ym e parang may kasama atang luha kaya tuloy na-touch ako na pumunta na lang din. Nasuklian ko naman din yung effort mo dahil kinailangan pa naming bumili ng mga outfit namin ng wife ko para sa event na ito. Ayun tuloy wala akong nairegalo sa inyo dahil sa damit napunta hehehe. Di bale, mayaman ka naman na kaya ok lang din yun. Sana lang kahit paano nakarating sa iyo yung envelop na iniwan namin doon kasama ng ibang gifts. Di ko kasi nalagyan ng name sa labas.

Konting flashback lang. Drama mode on na to. May nakapagsabi kasi sa akin dati kung gaano ako kabida sa college life mo noon. Hindi ko na sasabihin kung sino iyon kasi di ko rin naman maalala kung paano kami nagkakilala. You and I became close as we are both DOST Scholars that time in college and if Che would ask, tayo ang lagi magkasama noon sa computer shop lalo na yung gabi gabing magic cards kung saan gamit mo ang hiniram mong deck sa isang ka-boarding house. Although I am already into rock music, I had the chance to know more hardcore bands through you. Hindi rin nagtagal yung bonding noon dahil na rin nakick-out ako noon sa Engineering. Buti na lang at hindi ka na-BI (Bad Ixample) noon. Alam ko naman na good boy ka talaga kaya ‘kahit paano’ swerte sa iyo ang asawa mo. Yun lang napansin ko e hindi nawala sa iyo ang pagiging mahiyain. Pero astig ka pa rin dahil kahit mahiyain ka napasagot mo si Che. Lol. Kitang kita sa iyo ang pagiging happy noon kasal mo at naiyak ka sa laki ng gastos mo ng matinding tears of joy. Hehe joke lang yung sa gastos, as men, hindi matutumbasan ng pera yung happiness that you wanted to offer to your wife as wedding is an important part of a woman’s life (bumawi hehe).

Again, congrats pre. Utos pala ni Lord sa mga lalake, always respect your wife.

PS: Tae kayong dalawa ni Rodel wala kayong facebook. Naalala ko pala last year umuwi kayong dalawa noong December hindi niyo ako kinontak.

Dear Charisse,

Good luck nga pala sa tatahakin mong daan sa pagiging asawa ni Randy. Sana ay napag-isipan mo itong mabuti ng paulit-ulit. Hihinga lang ako ng malalim sabay sabi ng ‘Joke!’. Kidding aside, hindi naman siguro kayo tatagal o aabot sa puntong ito kung hindi ninyo mahal ang isa’t isa. I know that even though we became classmates (I know we did) once in our lives in college e we didn’t have the chance to be closer. Hindi pa kasi nagko-cross ang landas ninyo noon at saka nasa verge of doom na ako noong mga panahong iyon. Ang akala nga ng mga kaklase naten noon e parang miyembro ako ng mga delinquent students hindi nila alam na may naitatago pala akong talino di ko lang ginagamit hehe.

Bukod sa wedding rites itself, we (with my wife) are also congratulating you on the wedding event. I know you spent a lot for this one and every bit of penny is well spent. Everything from the entourage, the band, the locations and the food is all good. Thumbs up to you and your suppliers (advertisement?).

As a senior to both of you in this phase of life, lagi namang mayroon struggles and you just always have to remember why you guys are both on that place: LOVE.

Again, congrats po. Utos din ni Lord sa mga babae, palagi mong sundin ang iyong asawa (Randy kapag ayaw sumunod, tahimik ka lang para walang away hahaha).

Wishing you the best,

JC and Jho

Advertisements

16 thoughts on “Ang Pagbating May Effort

  1. Congrats kina sir Randy at Che
    at ikaw na ang nagdrama at may mga sulat ka pa sa kanila.

    masrap ba ang food sa kasal? inulit lang hahahaha

    lapit na din akong ikasal sir 3 more years kaya aasahan ko ang picgreet ulit nun hahahaha

    Congrats ulit. =)

    • sinong bride pong?

      sabi ni Lord masama magsinungaling kaya sasabihin ko masarap ang food sa kasal… pero hindi lahat. o di lang ako sanay sa sossy na food? lol.

  2. Nakakatuwa naman. Haha. Alam mo bang gusto ko ren matuto noon maglaro ng Magic Cards? Ewan ko ba pero hanggang Pokemon cards nalang nalaro ko. Siguro kase ang mahal. Hahaha.

    Congrats sa kanila! Pag ako kinasal gawan mo ren ako ng post. Nagmamaganda lang.

  3. ay ang ganda ni gown ni Charisse!

    parang nahinuha ko sa liham mo para kay Randy na UP students kayo noon, tama ba? o nagkakamali ako hehe.

    anyway, ang cute talaga ng gown nya. hihi 😀

  4. waaaah ang dami naman kinakasal.. congratz sa kanila..at napadaan lamang sa iyong bloggggg!!! Hmm.. ang non-sense ko ba dumaan..? kase medjo inaantook na ko sorrryyy!!! Hahahahah x)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s