Food / Health and Fitness / Life and Family

11-4-2011

Some call it new year’s resolution but I will simply put as my goals for the year.

Let’s see my ‘promises’ for the year.

1. Just this new year, gumawa ulit ako ng ref cake that didn’t make it. Being born as a Libra, we are natural critics so ire-rate ko ang nagawa ko ng pasang-awa (75%). As always, ok lahat except one thing: texture. Meaning, hindi tumigas. So this year, sana ma-perfect ko na ang mukha namang madali lang na recipe.

2. Magpush-up araw-araw. Kaya naman ang 50 repetitions pero mas close sa reality ang 30 reps. FYI, hindi ko goal ang magpapayat. Actually, mas gusto ko ngang ‘lumaki’.

3. Mag-abs workout araw-araw. Kaya naman ang 300 reps pero mas doable ang 100 reps. FYI ulit, hindi ko habol ang six pack abs. Ang totoo hindi ko type ang super toned ang abs. Ang gusto ko lang e mawala tong malaking tiyan na wala naman ako dati (5 years ago).

4. Ang aralin ang mga dapat aralin para mailevel-up na ang blog na ito sa isang dot com na domain.

5. Matutunan ang iba’t ibang food spices at kung saan sila ginagamit. Spices play a good role in our meals kaya para mas maging ayos ang luto ko sa tingin ko kailangan ko itong matutunan. Ang alam ko pa lang gamitin e: salt, pepper, basil, saffron, cumin, cinnamon, onion, garlic, ginger, bay leaf, annato (atsuete) at knorr cubes at magic sarap.(Mas lalong nitong mahihirapan magpapayat yung isang kasama ko dito. lol.)

6. Ang maayos ang iba’t ibang importanteng papeles. Birth certificate ni Jho na kapag naayos ang identity niya e birth certificate ng mga bata. Pagkuha ng passports for future use at kung anu-ano pang identifications.

7. Kapag ayos na yung nasa taas, e anu pa kung hindi ang magpakasal this year. Para hindi na magbago ang isip ko, joke. Hindi ako mag-iimbita kasi gusto namin civil wedding lang. Secret marriage. Gusto kasi namin na wedding sa church, not now. Kumbaga planado na ang dream wedding.

8. Ang matapos ang pagpapagawa ng bahay namin. Ang tapusin ang pagta-transfer ng title (na inaasikaso ng Nanay ko). Then magprocess ng Pag-ibig loan para sa funding. Finally, ang construction ng house as soon as it gets approved.

9. Dapat February ko to gagawin pero due to reasons that I cannot disclose now, mamo-move on a later date ang pagpapalagay ko ng tinta sa malaking bahagi ng aking katawan. Kasama na diyan ang pagbubutas din ng ilang malalambot na bahagi ng ulo ko. No further details. Sir Fries to.

10. Dahil wala akong maisip na ilagay na dito, siguro ang pang number 10 ko e yung dapat kong gawin bago ang number 9 dito. Since yung nauna is all about pain, mas dapat ko yatang maacomplish muna ang entry na ito bago yun. Ang kinakatakutan ng karamihan kasama na ako: ang magpa-dentista. Wahaha.

11. Dahil hindi naman pagpapapayat ang goal ko sa buhay na pinakamahirap na tuparing resolution, ang pinakamahirap sa akin na gawin for this year ay ang MAGTIPID. Alam ko naman na mas gumagaling kami sa ganitong aspeto ng buhay pero sana lumevelup na ng todo this year para masaya.

Kayo anong trip niyo this year?

Advertisements

8 thoughts on “11-4-2011

  1. simple lang sa akin..

    ang mabigyan ko ang sarili ko ng isang buong 24 oras na pagtulog.. ive been depriving myself the chance to really rest kahit isang buong araw lang for the past couple of months.. i may not look super pagod pero ung kaluluwa ko super sa haggard na ha hahaha..

    maganda ang mga nasa list mo.. sana matupad mo sila.. lalo na ung magtipid ahihihihi di ko kaya un.. well in my case kaya ko pala.. wala namna mkase akong titipirin hahaha

    • nakakasakit ng ulo yang 24 hour na sleep. yung 12 hours nga masakit na e. payo ko sayo teh para makatulog ka ng madami, bawasan ang pag-facebook hahaha.

    • Wow good for you wala ka ng belly. correction, hindi po wedding of the year kundi secret wedding of the year hehe. yung planned church wedding namin mga 5-10 years from now pa yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s