Humor / Life and Family / Religion

Si Jesus, Ang Langit at Si Asher

Habang nasa draft state pa next post ni cheesecake, eto muna post ko:

Chocolatecake: Asher, ba’t pa kailangan lagi kang nakahawak sa damit ko o sa kamay pag naglalakad? Saan ka ba natatakot? Wala naman aso natatakot ka.

Asher: Mommy sa langit ako nanatakot eh (sabay turo sa taas).

Choco: Sus, ba’t ka ba natatakot sa langit ‘di sa susunod ‘wag ka ng lumabas, at tsaka ‘di ba si Jesus sa langit nakatira.

Asher: Hindi s’ya dun nakatira, sa simbahan kaya yun bahay niya.

Choco: Asher, ‘di sa simbahan nakatira si Jesus. Sa langit talaga s’ya nakatira.

Asher: Hindi nga eh, ‘di ba sya yun nakaganon (pumorma si Asher na parang nakapako sa krus).

Choco: Sa langit talaga s’ya nakatira kasi binabantayan nya tayo araw-araw alam nya lahat ng ginagawa natin, lalo na kung pasaway kayo ni ate o nag-aaway kayo.

Asher: Lahat nakikita n’ya? Kahit saan tayo magpunta kita pa rin n’ya tayo?

Choco: Oo, kaya dapat lagi kayong good boy at good girl ni ate para happy lage si Jesus.

Asher: E ‘di mommy kapag malungkot si Jesus umiiyak ang langit?

Choco: (Nanahimik at hindi nakasagot)

Ito ang latest na sinabi ni Asher sa Daddy niya kaninang umaga:

Asher / edited by cheese / taken Nov 27, 2010

Advertisements

26 thoughts on “Si Jesus, Ang Langit at Si Asher

  1. ang kulit lang ni asher XD
    Jesus loves the little children!
    Natutuwa ako kasi may (p)recognition na ang mga tsikiting mo about Jesus. And I do believe magagabayan niyo sila ng maayos.

    Trivia: The way little child speaks (lalo na kapag baby palang sila) is the child’s way of praising God. (hanapin ko yung exact verse at babalik ako sir)

    God bless you all the more, you and your family.
    =)

  2. Sabi ni nanay, kapag daw umiihi si Jesus, ayon umuulan, umiiyak naman pala, tapos kapag daw nagagalit sa mga batang makukulit, kinakalabog tayo ng kulog, eh pag kumikidlat kaya? Ano kaya ang ginagawa ni Papa Jesus?

    Meron na akong sinabi dati tungkol sa mga bata, how I described their innocence.

    “The children’s innocence cannot be tainted by dirt” Jkulisap

  3. ang kyuuuuuuuutttt… hay sana ang innocence (tama ba spell..ay) ng bata mag stay pa din kahit pag laki… kahit imposible.. yun ang gusto ni Jesus… hay… maging bata..maging simple…

  4. yung mga simpleng paliwanag at katwiran nila sa ngayon ay ang mga komplikadong bagay na pagtatalunan ninyo sa hinaharap. hahaha!

    hindi naman. may sarili rin silang paraan ng pagkakaunawa batay sa obserbasyon nila. nakakagulat nga minsan kung paano nila pilit pinapaintindi sa atin yun.

  5. Pingback: The Check-Up | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s