Gundam / TV and Movies

Weekend Movie Round-up

It has been quite some time since I last blog. Super hectic kasi ang work at after work activities. Medyo marami lang ang dapat aralin sa work daig pa ang estudyante tapos pagkatapos ng work either magworkout sa gym or mag-badminton with co-employees. Pag-uwi naman sa bahay e, fatherly stuffs naman ang gagawin lol.

I would just be posting something light this time (lagi namang walang heavy lol). I would be giving some inputs on some of the movies we saw in the past weeks. Honestly, I am not a movie buff but I do enjoy a good movie. The only series I guess that I could see in a movie marathon is Naruto, otherwise I would be sleeping in the middle of it. Apart from ‘Si Agimat at Si Enteng Kabisote’ which we saw in the silver screen in the last week of December, all other movies we saw at home thanks to the valuable sources I need not to mention.

As a friendly note, do not read the stuff below because THESE HAVE SPOILERS. Don’t say I didn’t warn you. Lol.

Si Agimat at Si Enteng Kabisote

I think on December 25, the opening day of the movie itself, nung napagdesisyunan namin panoorin ang movie na ito gamit ang mga SM Gift Certificates na bigay ng company namin for Christmas. Dahil na rin sa pagkahilig ni Asher sa mga ganitong klase ng palabas (katulad ng Ang Panday at Enteng Kabisote) e napagplanuhan namin panoorin ito November or October pa lang ata. The day was a FAIL. Ang mechanics daw para sa mga MMFF movies e yung katulad ng nakasanayan naten noong mga bata pa tayo. Ito ay kung saan pwede magstay ang isang manonood hangga’t gusto niya.

Standing na daw sabi ng nagkukuha ng ticket sa entrance. Pwede ko daw i-check kung ok lang sa amin at sinilip ko naman ang loob ng sinehan dun sa may SM The Block. Tae, pagkadungaw mo palang e hindi na keri ang dami ng tao. Paglabas ko, andun pa rin yung babae at ang kanyang pamilya na kasabayan namin sanang papasok sa movie. But this time, nagsisigaw na siya versus dun sa staff ng entrance ng sinehan.

She looks mayaman although medyo may katandaan na rin kasi meron na rin silang anak (na kasama) na dalaga na along with other little kids. Her actions ay wala nang poise, with regards to her position in life, but I definitely agree with her and understand her. Here is her ‘explosion’:

Nagbayad kami ng ticket tapos manonood kami ng nakatayo? Kaya ka nga manonood ng movie e para magrelax. Dapat sa pila pa lang ini-inform nyo na yun tao na puno na sa loob. Hindi yun nakabili na saka nyo sasabihan. Ang laking katangahan yan! Papasok lang kayo ng papasok. Dapat sa mga katulad ninyo i-ban. Anong klaseng policy yan sinasabi mo. Alam niyo naman ang mga Pilipino, walang disiplina. Paano kung nagka-stampede diyan sa loob? Paano yung mga anak namin? kaya nyo bang pigilan yun mga tao sa loob na wag magpanic.

Kaya siguro sa sistemang ito kaya naging madami ang ticket sales ng MMFF movies especially ang movie na ‘to. Hindi na rin kame nanood. Ewan ko lang dun sa isang pamilya, na mga nasa 8 or 9 sila including the kids.
The good thing lang siguro e na-encash ko yung GC dahil ni-refund ko yung ticket. Inofferan pa ako na manood ng ibang movie instead of refunding pero to my disgust hindi na lang.

Days after, pinanood pa rin namin ito sa bagong tayong SM City Novaliches. Nakakagulat lang na pagpasok namin dito, kami pa lang ata yung third group na manonood. As in super luwag. Ok na sana ang lahat ng may pumasok na pamilya na feeling ko e FIRST TIME lang ata nakanood ng pelikula sa SM. Pucha, mas malakas pa ang boses (both bata at matanda ng grupo) kesa dun sa palabas. Hindi makaramdam kahit sinisitsitan na sila ng mga tao sa ibang bahagi ng sinehan.

Here are my thoughts:
1. Two heroes and two different stories in one. End result? Masyadong compressed yung plot. Hindi ko ma-explain kung napanood niyo na e you know what I mean.

2. Sanay na tayong makita ang humor ng TVJ (punchlines at newspaper humor). I not saying it’s bad pero kung palagi mo ng napapanood ang ganitong style ng pagpapatawa e wala ng masyadong impact. Just as in seeing this movie.

3. Sa first part ng movie kung saan niligtas ni Agimat si Jillian, astig yung effect ng pagtalon ni Agimat. EPIC FAIL! lol. Siguro, I was just expecting na naglevelup na yung SFX ng Filipino movies, hindi pa pala. To be fair, okay naman yung ibang effects ng movie other than the one mentioned above.

4. Sabi sa isang parte sa Wikipedia ukol sa movie na ito, parang commercial opportunity lang ang movie na ito. Trulalu. Dahon o da one?

5. May hint ng part two ang movie na ito sa ending. Sana Metanoia na lang pinanood namin. As a gamer, kahit siguro walang plot ang Metanioa e mas matutuwa pa siguro ako na makita ang first attempt ng pinoy sa 3d Technology sa movies. Kung hindi nga lang para sa mga bata. Lol.

6 out of 10 Cheesecakes

My Amnesia Girl

Alam ko hindi nagustuhan masyado ni Lio (spoilers attached) ang pelikula na ito. Pero ako at si chocolatecake e nagustuhan naman yung movie katulad ni Jayvie (tag mode on). The plot is good enough for you to watch the movie and the humor relief is just a bonus. Sinasabi sa akin ni Jho na bakit hindi na lang si Sarah yung partner ni John ‘Mongo’ Lloyd. As we watch the movie, sinabi ko sa kanya na mas magandang si Toni ang gumanap sa role na yan and she agreed. May mga acting lang kasi na I’m sure na mas madedeliver ng maayos ni Toni. Tutal me spoiler na yung dalawang posts, di na ako magcocomment.

8 out of 10 Cheesecakes

127 Hours

This is a true to life movie about a struggle of a person being stuck in a rock for 127 hours. Akala ko dun sa mga theatrical posters e hanging by a moment yung 127 hours niya, hindi pala. Naipit lang naman yung kamay niya sa bato. Bago pa panoorin namin ito ni Jho sa bahay  e ni-preview ko na pero di ko pinanood yung climax para sabay kaming mapapanood ang ending. At simula pa lang ng trahedya ni Aron Ralston, naisip ko na kung ako yun e gagawin ko na yung kahindik-hindik na ginawa niya noong ending na ng movie. Nagkataon lang talaga ng umabot ng 5 days pa bago niya naramdamang hopeless na siya. Ang mahalaga buhay siya.

Habang nanonood kami ng movie na ito, sumabat si Joy:

Joy: Daddy ano yang iniinom niya?

Ako: Yung ihi niya, nauuhaw na kasi siya wala na siyang tubig.

Joy: E di kapag nagugutom si kakainin niya yung Ta…(paused) …kakainin niya yung poops niya?

Jho: Kadiri ka Joy!

Trivia: Sabi sa wikipedia, para magpublic speaking si Aron sa inyong event; $25,000. Lol.

8 out of 10 Cheesecakes

Shutter (Thai, 2004)

Share ko lang sa inyo kung gaano katibay ang nanay ko pagdating sa mga horror movies. Hindi ko alam kung mahilig siya sa mga ganitong klase ng mga palabas pero masasabi kong malakas ang resistensya niya sa salitang ‘takot’. Imagine pinanood niya ang ‘The Orphan’ ng mag-isa. Sa mga pagkakataon naman na ang isang normal na tao ay napapasigaw na sa gulat sa mga suspense scenes ng isang movie, yung nanay ko ay parang kinalabit lang at umangat yung parehas na balikat. Yun lang bow.

Pinanood kasi namin ang movie na ito sa bahay ng parents ko. Kasama namin manood ang nanay ko that time at talagang naglatag pa ng folding bed. For me, wala masyadong element of surprise dahil napanood ko na yung american version ng movie na ito sa isang bus na byaheng Tungko to Ayala (3hrs travel). Syempre almost the same plot kaya medyo alam ko na yung story. Hindi ko na masyadong ikukwento ang tungkol sa movie na ito para may surprise naman sa inyo kung hindi ninyo pa napapanood. Magaling yung pagkaka-cast dun sa babae kasi mukha siyang nakakatakot kahit human form, pero mukhang maganda pag tweetums mode siya.

This movie is a good one so I recommend it especially sa mga magjowa or dating couples haha.

7 out of 10 Cheesecakes

Tangled

Hindi ko alam bakit kailangan pang palitan ang title ng movie pwede naman ‘Rapunzel’ na lang as we knew it. Anyways yung ang gusto ng Disney kaya ok lang. This is a recommended especially kung may mga kids kayong kasamang manonood. Si Joy at Asher ay tawa ng tawa sa panonood nito lalo na dun sa kabayo (pati rin si Joyo natatawa din dun).

Though when it comes to Disney movies dalawang bagay lang ang naiisip ko: subliminal messages at hidden mickey. Lol.

8 out of 10 Cheesecakes

Gundam 00 Movie: Awakening of the Trailblazer

As a Gundam fan, we have long awaited to this movie. Being one of the latest series in the franchise, this is the first Gundam series I have watched since I started collecting Gundam kits. I can’t type in the words to describe the movie maybe because of the sheer frustration that one would feel after watching it. In short:

Pros:

Awesome action scenes

The new gundams definitely

Cons:

Plot-less movie

Raised too many questions – where the hell these aliens come from, why earth in the first place, how hard to destroy them but easily persuade them (almost like the endings of The Day the Earth Stood Still, War of the Worlds), how did Setsuna end up being something else, etc

The SPACE FLOWER is an EPIC FAIL!

I admit I haven’t watch other gundam series to compare, but this one is the shittiest ever. Still I recommend watching the Gundam 00 Series.

5 out of 10 Cheesecakes

Closing Comments

Madami pa ata akong pinanood na movie pero hindi ko na maalala. Kadalasan kasi puro ‘O’ at ‘A’ lang ang subtitle. Lol. Kung hindi mo na-gets, wag mo na gets-in. So relax and see a movie. Over and out!

Advertisements

11 thoughts on “Weekend Movie Round-up

  1. Aha! Malapit ka sa SM City Novaliches! Malapit din ako dun kaya malamang dun mo ako nakita? Imbitahan nyo naman akong manood kasama ni chocolatecake! =)

    Gusto ko din ang Amnesia Girl, ang dami kong tawa. Kasama ko manood nito si Kuhracha at Vajarl na ang daming mura. Ang corny daw kasi. Wafuckels.

    Gets na gets na gets ko ang “O” at “A” na subtitle. =)

    • kung imi-meet lang din namin ikaw (kayo) mas prefer namin sa bahay na lang. well hindi lang pwede ngayon sa june pa hehe.

      tigasan ka ba? hindi ko na maalala kung saan ako nagcomment about seeing you pero ang totoo sa buendia MRT yun mga around 9pm. papasok ako nun. di ako nagpakilala because of the ‘hu u?’ thing at isa pa din ako 100% sure na ikaw yun hehehe.

  2. sabi mo wag basahin kung ayuko ma-spoiled.. nyahaha.. di ko naman binasa.. waaah,….! ahahahah hindi kase hindi ko pa napapanood ang My Amnesia (at hindi ko na yata mapapanood kailan man) huhuhuhuhu…. gusto ko na umuwi at bumili sa quiapo kahit pirated lang mapanuod lang yan.. kaso,.. tagal pa ko uwi…

  3. waaaaaah! agree ako dun sa tungkol sa Agimat at Enteng. dahil highest grosser sina Bong at Bossing nung 2009 MMFF, sinamantala ng GMA-Films na pagsamahin sila sa 2010 MMFF para sure fire hit blockbuster box office pila balde ang pelikula. tsk

    ay My Amnesia Girl!!!!!! eeeeeeh. buti nagustuhan nyo din. and agree akong tama lang na si Toni G talaga ang gumanap na Irene. wapak na pak!

    eeeeeeeh kraz ko si James Franco!!!!!!!!

    Shutter!!!!!!!!! waaaaaaah. may naka-angkas pala sa kanya hahaha

    woot! Tangled! pinanuod ko yan sa dibidi kaso di ko natapos kasi tumalvogue talvogue!!! sayang! mahusay talaga ang Pixar, ever ever 😀

  4. Sorry po ah, pero mas gusto kong manuod ng mga lumang pelikula kesa sa ngayon.

    Kung hindi kinopya sa mga taga-ibang bansa, gasgas na gasgas na po.

    Hindi ko rin masisi, kasi wala basta…kanya kanyang ibig na lang.

    🙂

  5. my amnesia girl at tangled palang napanood ko
    maganda silang pareho at nagustuhan ko naman ng many times hahaha

    kung may pipiliin akong pelikula kung nasa Pinas ako sa mga panahon yun ay ang RPG Metanoia din papanoorin ko.

    tama si Wiki hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s