Activities and Hobbies / Food / Health and Fitness / Humor / Life and Family / Personal Musings

Namimiss ka na ni Chocolatecake…..

    Actually dapat isusulat ko ito sa isang magandang papel(stationary paper)pero gahol na sa oras alam kong nasa kalagitnaan ka ng biyahe mo ngayon.
    Pinagdasal ko na kung para sa atin talaga makakapasa ka,kung hindi magpasalamat pa rin tayo sa mga blessings na binibigay nya.Pero dahil malakas pa din tayo sa kanya kaya binigay nya sa atin itong “chance”.Noon time na sinabi mong “i did my best,but i guess my best wasn’t good enough” akala ko talaga di ka pumasa.Halos hati ang nararamdaman ko that time halong saya at lungkot dahil first time na mawawalay ka samin lalo na ang mga bata hahanapin ka sa akin ng madalas.Kahit mahirap kailangan maging matatag ako dahil walang ibang aasahan ang mga bata kung di ako.

    Halos 4 months kang malalayo  pero para sa akin yun 3 months parang 3 na taon.Kahit na naranasan ko na dati ang ganitong eksena ang mag-intay halos ng 2 taon pero di na bumalik.Malaki ang tiwala ko sayo,na di ka katulad nun taong tinutukoy ko (basta alam mo na kung sino yun).At pinatunayan mo naman yun  sa lahat ng bagay.

    Madalas may mga bagay tayong pinagtatalunan at pag alam mong galet ako di mo ko kinakausap hinahayaan mong mag-cool down ako.At bilib ako sa paglalambing mo todo effort para magka-ayos lang tayo,minsan may suhol pa (starbucks,di ko na maalala yun mga pang suhol mo) at dahil di ko ma-resist ang charms mo bumibigay agad ako( palakpak-tenga ka na naman).Isa sa mga sinabi mong sobrang natouch ako as in over touch at kilig  din yun ay ang “iniwan ka na nga ng lahat,ako na lang ang nag-iisang taong andito para sayo tapos iiwan pa kita sino pang matitira sayo”.

    Marami din akong mga bagay na natutunan sayo tulad ng hopia dice akala ko di masarap pero ikaw ang unang nagpatikim skin at infairness masarap sya.ano pa ba?hmmm meron pa yun penoy with suka and pipino the best.Pati ang takoyaki na minsan ko ng kinain matagal na panahon pero nag-dare tayo na kainin.Pati chicken oil sa mang inasal masarap pala ihalo sa kanin (wag na kayong magtaka bat ako lumusog  ng ganito).Natuto din ako wag uminom ng mga softdrinks (tumitikim pa rin pero konti lang) mas mabuti pang mag-juice na lang sabi mo nga.Talagang magkasundo tayo pagdating sa foodtrip.Pinaka memorable na tinuro mo sa akin ang maglaro ng DOTA kaya nagkaroon ng ” Chocolatecake” at naging adik din katulad mo.

    Madalas mo kong tanungin kung gaano kita kamahal?na madalas kong sagot eh di masyadong mahal na mahal (safe answer).Di ko alam bat madalas mong itanong sa akin yan,obvious naman na yun sagot kung di kita ganon kamahal wala sana ko sa tabi ngayon.Alam mo naman na di ko hangad ang yumaman sapat na sa akin kung ano mang meron ako ngayon basta masaya.Madalas mo din sabihin na “kung sya ang pinili mo nabibili mo lahat ng gusto mo,pero di ka nga lang masaya” (LOL).At isa pang mga malulupet mong banat ay yun pag may pinapa-abot ako sayo sa mga matataas na di ko kaya bigla-bigla  mong sasabihin “ang swerte mo talaga sa akin noh,kung sya yun kasama mo ngayon parehas pa kayong gagamit ng upuan,ako titingkayad lang abot na”.Yan ang gusto ko sayo di ka pumapalyang mapatawa ako ng todo-todo,kahit corny pag ikaw ang bumanat kakabagin ang tiyan sa kakatawa.(incase na may makabasa neto na ka-close nya eh pasensya na biruan lang namin yan walang personalan,pero kung pepersonalin nyo ko baka patulan ko kayo….joke).

    Ngayon palang sobrang namimiss  na kita,papayat talaga ako nito halos di ako kumakain dahil wala talaga akong gana.Namimiss kitang kasama at kasabay namimiss ko ang mga chamba-chamba mong luto na para sa akin  perfect ang pagkakaluto,namimiss ko ang lambing mo lahat nakakamiss sayo wala tuloy ako maaway dito(naiiyak tuloy ako)

    Salamat sa lahat, sa mahabang pasensya at pang-unawa at pagmamahal kahit maraming nagsasabing mga negative things pero imbes na magalet sa kanila pinatunayan mo na di ka ganon klaseng lalake.Na kahit namimis-interpret ka deadma ka lang dahil sabi mo nga sa akin “alam mong di ako ganon klaseng tao”.Masasabi kong ako na ang maswerteng girlash dahil sa milyong-milyong tao sa Pilipinas binigyan pa ko ni lord ng chance na makilala ka.Thank you dahil di mo kami iniiwan at patuloy sa pagtupad ng mga pangako mo.Wala kong hihingin kahit ano basta ang mahalaga lang sa akin ang maka-uwi ka ng ligtas sa amin ng pamilya mo.Tulad ng bilin mo ng ihatid ka namin sa airport nakalimutan ko defrost yun refrigerator bukas ko na lang dedefrost  yun ref.Lagi kang mag-iingat diyan,wag mong papabayaan ang sarili mo and wag kang matutulog ng busog.

     

    P.S

    I LOVE YOU ALWAYS^^

Advertisements

18 thoughts on “Namimiss ka na ni Chocolatecake…..

  1. awwwwwwwwwwts!
    super love niyo po ang isa’t isa
    saglit lang po ang three months, wait bakit naging 4 months po?
    eniwey, pagpalain po kayo ng Diyos lalo at buong family niyo po!

  2. di ko malaman kung naiinggit o naiiyak sa sinulat nyo ms. chocolatecake.

    kapag palagi po kayong abala di gasino mapapansin ang pagdaan ng mga araw, tsaka kasama nyo naman po sina Joy at Asher.

    hapibalentayns po.

  3. omg!!!!!!!!!!!!!!!! nakakaiyak ajujujujujuju

    lumisan na pala si Ginoong Cheesecake ajuju. Mrs. Chocolatecake, na-defrost mo na ba ang ref? siguro sa mga oras na to eh malamig na ulit ang freezer.

    aawwwwww. ang sweet super duper to the highest level!!!!! advantageous talaga pag may mas matangkad, mas madali palitan ang bumbilya pag pundido na 😀

    anyway, 3-4 months eh medyo matagal nga pero sa simula lang yun, magugulat ka na lang bukas makalawa, andyan na ulit si Ginoong Cheesecake!

    Ingat ka powz ajejeje 😀

    • oo nga iniisip ko na lang na kaya ko toh as in kelangan kayanin kahit minsan nakakangarag ng utak,at dahil kelangan magpaka busy mode mag eenrol ako sa badminton ^^

      salamat^^

  4. nakakaiyak naman to ser cheesecake 😦

    para ka na ring nagsulat sa stationery kase parang stationery tong theme mo. hahaha cool

    subukan mo kapag kakain ka sa mesa, maglagay ka ng picture nya sa harapan o sa gilid ng pinggan mo. hehe

  5. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s