Humor / Life and Family

Bakit Hindi Mangyayari Ang Iniisip Ni Michael Chu

Dahil almost wala talaga akong oras mag-blog at lahat ng mga dapat kong ipost e karamihan nasa utak ko pa, eto na lang muna ang po-post ko. Sa tingin ko mga wala pang 30mins tapos ko na ito ok lang kahit marami pa akong dapat gawing mga work related stuffs kahit weekends. Isa pa, 10 years na ata since nung last post ko.

I must admit na nung una hindi talaga ako sanay magtype dito sa laptop. Pero ngayon medyo ok na since wala akong choice kung hindi gamayin ang paggamit nito since ito lang naman ang magagamit ko for work. Yun nga lang kailangan ko pa ring i-off ang touchpad dahil tumatama palagi yung palm ko dito at kung saan saan nagki-click yung cursor. The end na muna sa intro.

Si Mike Chu ay isa kong ka-officemate sa MISNet na since alam namin dun na aalis kami palabas ng bansa ni Richelle (Ma’am Che xD), e biglang bumanat ng ganito:

Mike: Jc malamig dun sa Chicago. Mag-ingat ka dun.
Jc: Bakit naman.
Mike: Sa lamig dun baka magkaroon kayo ng scandal dun. (Sabay malakas na tawa).
Richelle: Gago ka talaga Mike.
Jc: (Tumawa din). Kaya pala hindi ikaw pinadala Mike e. Ganyan nasa isip mo. (Tawa ulit).

So just in my end, ito ang mga dahilan bakit hindi ito mangyayari. (With Bee Gees, the Greatest Hits running in background hehe).

Respeto
Respeto: Kung gaano kahirap makuha ay siya namang ganun kadaling mawala (sa tiwala ata to hehe). Kung mangyayari man yung iniisip ni Mike, ano na lang yung magiging tingin ng ibang tao sa akin at lalo naman kay Ma’am Che. Sa mundo ng mga lalake may tinatawag kaming ‘ego’ pero wala akong pakialam dun, if you get what I mean. At dahil sa ilan kong mga ideologies, aaminin ko na hindi ako gentleman na tao. Pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang respeto ko sa mga babae (parang walang kunek).

Problem
Kahit naman sa ibang pagkakataon o babae, isa lang ang nasa isip ko: Isang gabi na sarap, habang buhay na hirap. Tuwing nag-uusap kami ni Jho sa Skype, tinatanong niya ako, “Wala bang nagkakagusto sa iyo diyan?”. Ang sagot ko, “Wala. Kahit naman matipuhan nila ako, hindi ko rin papansinin. Dahil kung nagkataon na nag-give in ako, baka hanggang Pilipinas habulin ako nun. Problema pa yun.”

Pamilya
Kung anuman ang maging kahihinatnan ng pagloloko ng isang lalaki, isa lang naman ang palaging biktima. Yung mga bata. Mahal na mahal ko yung mga anak ko na ayokong lumaki sila sa isang broken family. Kuntento naman na ako sa aspeto ng buhay ko na pamilyadong tao (kahit hindi pa kasal). Hindi ko na kailangan pang umattend ng ibang party, yung third party.

Pagmamahal
Tignan ninyo na lang ang wall ko sa Facebook tapos kayo na humusga kung anong level na yung relationship namin ni Jho. Kailangan pa bang i-memorize yan? Bisyo na to! Mwah mwah mwah. Tsup tsup tsup.

Attraction
Ito na ang number one reason: ‘Attraction’. Hindi naman panget May itsura naman Maganda naman si Ma’am Che pero iba yung fetish ko sa mga babae. Alam ko rin naman na hindi rin magkakagusto si Ma’am Che sa akin kaya mas ok. Hehe. Siguro, sa haba haba man ng inexplain ko, ay may maliit pa ring chance na makalimutan ko ang mga nasusulat sa taas kung nagkataon na type na type ko yung babae. I stress, maliit na chance. Mga 0.0000001% chance lol.

Ano Mike ok na ba? Hehehe.

PS: Isa siguro sa mga bagay na naging importance ng trip na ito ay na-realize ko kung gaano ka-importante sa akin ni Jho, Joy at Asher. Nagpag-usapan nga naming mag-asawa na pagbalik ko, we will spend mo time with each other and with the kids. Alisin o bawasan yung mga bagay o gawain na hindi masyadong importante (Facebook?). Fly somewhere south for vacation.

PS ng PS: Parang tinatamad pa rin yung post ko hehe. Hit na nga yung publish button para matapos na yung hiatus lol.

Advertisements

21 thoughts on “Bakit Hindi Mangyayari Ang Iniisip Ni Michael Chu

  1. hindi ko naman nahalata na tinatamad ka mag-post.. pero saludo ako sa mga sinabi mo. Feeling ko ang totoong lalake eh yung mga lalake na tapat sa asawa nila… hehehehe 🙂

  2. saludo ako sa honesty 🙂
    sana lahat ng lalaking may pamilya na may ganitong prinsipyo.
    looking for more post about you and your family :), goodluck sa ilang months sa Chicago

    • araw araw ata nagbibilang ako ng araw kung kelan ako uuwi bwahahaha

      kulang na lang magsulat ako ng lines sa pader katulad nun napapanood sa mga pelikula sa loob ng kulungan xD

  3. Alam mo bang masakit sa mata ang color red na background? Hahaha! Ako na mareklamo. =)

    Balewala ang pag-ibig kung walang tiwala sa isa’t-isa.
    Trust AND love.
    Hindi trust or love.
    Hindi trust then love.
    Hindi love then trust.
    Trust AND love.
    Oh well, sa akin lang naman yan. =)

  4. ayos,buti di ka pinukpok ng kaldero ni mam che :))

    tama nga si salbehe masaket sa mata yun background maski ako naduduling habang nagbabasa ako

    and wow na lang nasasabi ko thank you sa pagiging honest.i love u alam mo naman kung gaano kita ka-love.ingat ka lagi diyan

  5. anyare sa background ser? nawala ang cosmic kalawakan? lol!

    tatay na tatay talaga ang dating mo sa blog post na ‘to. ser. tama, hindi dapat mga anak ang maputukan sa hindi pagkakaunawaan ng mga magulang. kaya ako, pinangako ko talaga sa sarili kong hindi ako gagawa ng katarantaduhan sa magiging asawa ko para hindi mag-suffer ang mga magiging anak ko.

    mabuhay ka ser cheese! \m/

  6. beri beri nays ka sir cheese.
    hmmmm nice background or layout ba tawag diyan.

    isa din yan sa mga tinatandaan ko sir kapag nagkapamilya na, kasi ayokong madanasan ng magiging pamilya ko ang nadanasan namin kay tatay. although, it is well now.

    ingats diyan sa mga chickas! hahaha

  7. Pingback: It Happened Again | Say Cheese!

  8. Ang ganda nun tungkol sa Pamiliya! Gusto ko i-share sa kabarkada ko na lalaki. hahaha.!

    PS din. May Michael din akong kilala.. isang importanteng MIchael. ahahhaa 😀 Ingat sa Chicago!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s