Life and Family / Personal Musings

Dreams Are Made Winding Through My Head

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang post na ito. Hindi ko rin alam kung ano ang ita-title ko dito kaya etong lirikong tumutugtog na lang sa mga tenga ko ang ginawa kong title: Spiders ng System of a Down. Ngayon lang ako nagsimulang magsulat matapos ang mahabang pagdodokumento ng mga ilang teknikal na bagay na hindi ko naman madalas ginagawa sa trabaho ko sa Pilipinas. At dahil nga andito ko, kailangan naming maki-proseso sa mga kasama sa trabaho.

Ayun, tutal mahilig ka naman sa ‘Public Expression’ ng feelings mo, dito na lang din kita sasagutin sa post na ito. Minsan na natin pinag-awayan ang tungkol dito pero sa huli naintindihan din kita na wala kang ‘outlet’ ng iyong feelings kasi wala ka naman masyadong napagbubuhusan nitong tao na ‘physically’ kasama mo.

Maturity is not determined by age. Maturity is by choice.

Ayokong magfeeling magaling o tama. I know I have shortcomings in this issue too. Alam kong alam mo na ang isa sa bagay na pinaka-ayaw ko e yung inaakusahan ako ng isang bagay na hindi naman ako ang may kasalanan. Sinasagot ko sa iyo kapag ganito ang banat mo na, “totohanin ko na lang kaya para ok lang kahit pag-isipan mo ako ng masama kesa guilty ako sa isang bagay na wala akong alam.”. Now the facebook thing. I DIDN’T DELETE YOU FROM MY FRIENDS LIST. Parang last time lang inaakusahan mo akong ni-tweak ko yung privacy settings ko para hindi mo makita ang wall ko. Kung may reklamo ka sa facebook, ireklamo mo kay Mark Zuckerberg. Kahit ako, natataehan ako sa performance ng facebook. Kung ikaw nag-iisip na dinelete kita sa facebook, ano pa sa tingin mo ang iniisip ko? Sino ba sa aten na kapag may problema e nagtatanggal ng relationship status o nagtatanggal ng anniversary date for some reason? Maturity is a choice.

The one thing I am guilty of is yung sinabi ko sa iyo na matutulog na ako pero hindi ako natulog agad kasi hindi ako makatulog. Hindi ako nagme-message sa iyo kasi wala naman akong sasabihin. Isa pa, alam mo naman yung sitwasyon ko ngayon. Ikaw na ang malayo sa pamilya, somewhat nag-iisa sa buhay, tambak na trabaho sa opisina, mangilan-ngilang problema sa trabaho, hindi nakakatulog ng maayos at ang huli ay makakarinig ng “nararamdaman kong parang ayaw mo naman akong kausap halos wala kang sinasabi tapos bigla mong sasabihin na maaga akong matutulog (copy paste)”. I am not making excuses nor asking me to understand me. I just wanted you to put yourself in my situation.

So to put an end to this almost non-sense showbiz-like issue, isipin mo na lang yung palagi kong sinasabi sa iyo. Kahit pa mag-away tayo ng matindi, wala ka ng magagawa. Wala kang choice kasi ako na ang ‘asawa’ mo at magsi-secret marriage tayo pag-uwi ko galing dito sa Chicago. Siguro naman pag-uwi ko may pambili na ako ng wedding ring naten at panggastos sa paglalakad ng birth certificate mo. Hindi na kailangan siguro ng malaking pera sa secret reception ng secret wedding naten sa Jollibee. Wala tayong ibang choice kung hindi mahalin ang isa’t isa. Kahit madami ka pang chenes at eklaver sa katawan.

Kita mo naman na hindi ko sineseryoso ang bagay na to. Kasi kahit ganyan ka at ganito ako. Alam kong mahal na mahal mo ako.

Pakinggan mo na lang yung kanta na to na dine-dedicate ko sa iyo.

UPDATE:

Lion versus Tiger

Advertisements

16 thoughts on “Dreams Are Made Winding Through My Head

  1. inperness hangswit nyong dalawa, para lang kayong mga tinedyer na pasaway.

    ahmmm baka kulang pa bilang ng kukumbidahin sa sikrit sikrit na yan eh wag po kayo mahiyang sabihan ako.

    teka ..makahanap nga din ng aawayin.

  2. hindi ko na talaga alam sino ang nag-popost dito..naguguluhan ako. Pero.. hay tulad ng sabi ko dun sa isang post.. lahat naman nadadaan sa pag-uusap.

    Hindi pa po ako kasal, pero nasa isa akong magandang relasyon, at tingin ko.. lahat ng relasyon dumadaan sa heavy part. Kung di man kayo nagkakaintindihan ngayon, walang limit sa utak at puso natin para intindihin ang isa’t isa. Magkakalimit lang pag pinabayaan natin utak at puso natin na limitahan yun… Pero hindi ako expert.. baka naman mas maganda naman talaga relasyon niyo kaysa sa inaakala ko.

    At natuwa ako sa kanta.. feeling ko maiiyak ako. Hay. 🙂 Sana maayos niyo din problema niyo.. mukha naman na maayos niyo eh… weeeeehh!!! 🙂 I’m rooting sa inyo at sa pamilya niyo 🙂

  3. Sana sa Jollibee Al Batha gagawin yung reception sir para makadalo ako. XD
    On a serious note, di ko alam ang sasabihin ko kasi wala pa akong asawa. Pero natatakot ako sa isyung pampamilya kasi madami din akong kapatid sa labas. At nakita ko kung paano nadevastated at nagka nervous breakdown si nanay ko after naming malaman ang mga pamilya ni tatay pagkatapos niyang mamatay. Ok hindi ko blog ito! hahaha
    Basta ang gusto ko lang sabihin na isa kang family man at alam ko mahal mo ang pamilya niyo, at lalung lalo na kasama sa buhay mag-asawa o anumang relasyon ang hindi pagkakaunawaan pag minsan. Stay happy. Keep safe. God bless you and your family sir!

    • minsan talaga pong ganyan ang buhay. kanya kanya tayong pagsubok na binibigay ni Lord. kung anu man yan alam ko, at alam naman nating lahat (general truth), na kaya naman natin kahit anu pa yan.

      kawawa lang yung mga walang guidance na tao. kasi nagsusuicide.

  4. Nagulat ako na meh issue pala na ganire dito sa bakeshop este sa kuta ninyong dalawa. Bakit may secret wedding at secret reception? Baka naman pwedeng i-share kung saang outlet ng Jollibee para maka-attend ako. Ahh secret nga pala. Nagbabakasakali lang, malay mo umubra.

  5. Napansin ko lang na lagi mong sinasabi na hindi mo alam kung papaano mo sisimulan ang post mo. Siguro ganun ka talaga magsimula, sa hindi mo alam. =)

    Ang totoo, naiingit ako sa inyong dalawa. Gusto ko na din ng may kaaway, gusto ko ng gulo sa buhay pagibig ko. Mas okay yung may masasabihan ako ng “Sorry na, halika ka na, bati na tayo..”.

    KESA SA WALA.

    • secret pa din kasi di nyo alam kung saan at kelan hehehe

      saka na lang ako magiinvite sa church wedding. kapag mayaman na ako. after 20 years. lol.

  6. i initially planned to be a silent reader of your blog pero wagas ang pagkasulat mo nito, straight to the point at damang galing sa puso. cheers to you and your fiance! i’m now a fan! ❤

  7. Hindi ako mahilig magbasa ng mga blogs.. Pero na-intriga lang ako kasi chismoso ako.. hahaha
    Ang swit2 mo cheesecake.. at sama naman ako sa secret marriage na yan.. ako ng ku2ha ng mga stolen shots..hahaha
    At ang showbiz nyong dalwa ha.. hehehe.. pero sweet tlga.. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s