Status Updates / Travel and Events

Reality Check Syndrome

I have never felt so down since I went up here in Chicago. From the moment I walked out of the office until going to this almost familiar place, I think of myself as getting sick. (Tagalog mode) Ito ata yung perstaym na galing sa work e bumagsak na lang ako sa kama para matulog. Siguro tumayming din na nakapag-decide kami na hindi muna magluluto for dinner kaya hindi ako naghesitate na itulog na lang yung stress ko. Konting nood ang TV at ayun, BANG!

Tinawagan pa ako ni Ma’am Che kanina at tinanong ako kung sasama ba ako sa pagsisimba nila this Ash Wednesday kasama si Raine (di ko alam spelling), na bagong kakilalang Pilipina na dito rin tumutuloy sa hotel. Hindi pa man siya tumatawag alam ko na isasagot ko. Nagdasal na lang ako kay Lord na nagso-sorry kasi hindi ko talaga kayang magpunta sa simbahan ngayon.

Makalipas ang lagpas siguro sa trenta minutos o higit pa, nagising ako. Umaandar pa rin ang TV na nakatulugan ko kanina. Tinignan ko ang orasan at alas-siete na pala. Agad kong sinilip ang schedule ng dinner ngayon: Manager’s Toast 6:00pm – 7:30pm. Agad akong bumaba hoping na meron pang dinner. Malayo pa sa 7:30pm pero madalas kasi nauubos din yung ilang pagkain na sine-serve. Kumbaga sa breakfast, nauubusan ng wheat bread though meron pa naman ding ibang tinapay. Ang malas lang, ang Manager’s Toast pala e Green Salad (na ikaw bahala kung anu ilalagay mong ewan), biscuits at 4 na klase ng keso. Syempre, kumuha din ako. Pero pucha, para sa isang Pilipino dinner ba tawag sa salad at biscuit na may keso?

Naalala ko kanina na nagtatawanan kami ni Ma’am Che sa office. Yung tawanan na walang dahilan, parang nababaliw at tipong nauubusan ng hininga. Ang hindi lang maganda e, nasa loob kami ng isang conference room kasama ang iba naming ka-team na taga-amerika. Sa madaling salita, nakakahiya lalo’t hindi nila alam ang pinagtatawanan namin kasi nag-uusap kami sa Pilipino. Kesa tumawa ako ng tumawa doon e nagwalk out na lang ako papunta sa restroom. Doon ako parang baliw na tumatawa mag-isa. Nagdasal na lang ako kay Lord na pigilan ang pagtawa na ito kasi nakakahiya para sa sitwasyon. Nakaupo lang ako sa ibabaw ng bowl pero di natae. Tumawa pa din ako hanggang bigla na lang may sumilip na konting luha sa mata ko.

Wala naman akong sakit, sagot ko kay Jho na nagtatanong palagi kung ok lang ako dito. Stressed out lang siguro ako kasi nagkasabay sabay lang yung mga bagay bagay sa utak ko. Itatago ko na lang ito sa pangalang Reality Check Syndrome. Ngayon lang siguro talaga nag-sink in sa utak ko na ‘nag-iisa’ lang ako dito, malayo sa mga bagay bagay at maraming expectations na hinihingi sa akin. Nagkataon pa na super duper dami ng kailangan kong tapusin na test scripts na hindi ko naman usual na ginagawa. Siguro nagoover-exaggerate lang ako dahil sa nangyayari kahit alam ko naman kaya ko ito. Wala lang, iba talaga kapag nasa ibang lugar ka.

This post just came all of a sudden. Bumangon ako sa pagkakahiga ko kasi iniisip ko madami pa akong gagawin test scripts at maghuhugas pa ako ng baunan para bukas. I have to be strong.

…plugged in the headphones, opened media player, ran the hard rock music playlist and turned on the volume to 100%…

PS: To MISNet guys especially yung sa Vendavo, time for you guys to step up. Wala lang. I don’t know if you heard the news (I bet you do). We won’t know when opportunities like this comes to you so it’s better to be prepared than not.

Advertisements

12 thoughts on “Reality Check Syndrome

  1. yay..ang hirap talaga pag nasa ibang lugar.. 😦 pero kaya mo yan.. help ka ni Lord.. go go go.. be positive.. okay lang maging negative pala.. hehehe.. pero ayun..wala naman talaga natulong comment ko…

  2. alam mo na kaya mo at malamang lungkot lang umaabot seu.
    unti unti sanayin nyo sarili at ituon ang isip sa magandang resulta ng pagsasakripisyo mo ngaun.

    • yep, alam ko naman na maraming benefits ang pagpunta ko dito not just financially but also as a life experience. desktop background ko pa naman yung dalawang anak ko hehe.

      btw, thanks for dropping by but i can’t help but ask, who you? you know what i mean. xD

    • nyek, i was asking really about like katulad ni tubi. na hindi blogger pero nagbabasa basa ng blog. then later i knew kapatid pala siya ni jkul.

      i was asking something like that. wala kasi URL yung nasa name mo e :D.

  3. haha natawa naman ako… ^_^ Kuya keep on seeking the Lord He will give you the comfort and peace..^_^

    I’m encouraged sa blog na to…

    “We won’t know when opportunities like this comes to you so it’s better to be prepared than not. ”

    Tama po kayo^_^

    • kaya nga i’m bit more pessimistic. it’s not that i am hoping for something bad, it’s just expecting something bad makes you more prepared for it.

  4. Uhmmmmm, ‘nong na-assign ako sa Iloilo for almost a month, uwing-uwi na ako ng Manila, ‘yon pa kayang nasa ibang bansa.

    isipin mo na lang, matatapos din ‘yan.

    Uuwi ka rin.

    At humahakot ka ng kaalaman. Ganun lang.

    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s