Travel and Events

This is my Crib

I welcome you to my place here in Chicago. Madali lang naman puntahan. Dito lang sa Residence Inn Hotel (katabi/kakambal lang ng Springhill Suites), 410 North Dearborn st. Chicago, IL 60654 link here.

Pagpasok mo sa kwarto, ito ang agad na makikita mong aura.

Ito ang pinaka-centerpiece ng kwarto na ito. Dahil studio type itong kwarto ko, wala nang tinatawag na bedroom kasi andito na lahat (studio type nga e).

Dresser ata ang tawag ninyong mga babae dito. Lababo lang tawag ko dito e.

Madami ang towels na hindi ko naman nagagamit lahat. May daily supply din ng shampoo, conditioner, lotion, face soap at bath soap na ni-rerefill ng mga room service kapag nagpapalinis ka ng kwarto. Ako naman, hindi talaga ako nagpapalinis ng kwarto kapag andito lang ako. Hindi kasi ako sanay na may ibang naglilinis ng kalat ko. Madalas, yun basura lang ang pinapatapon ko at humihingi ng dishwashing soap para dun sa dishwasher.

Kapag nawiwiwi ka o natatae dito, hindi ka sa comfort room pumupunta kundi sa restroom.

Dito sa US kapag tumae ka, tissue lang ang katapat mo. E dahil sanay tayong mga Pilipino na maghugas, kahit nagpunas na ako ng tissue naghuhugas pa din ako. Iba tayong Pinoy, malinis sa katawan. Ngayon ko rin na-realize ang significance ng pagpunta sa mga hotel dati. Dahil ngayon alam ko kung paano magpalabas ng mainit at malamig na tubig sa gripo. Parang tanga lang. Yun nga lang ang tubig dito ang hirap timplahin, kung hindi parang ice water; mapapaso ka sa init.

Horror Story: Minsan galing ako sa gym sa 27th floor para magpalaki ng masels. Ayun pagbalik ko dito sa room, naisip ko na isa itong magandang pagkakataon upang mag-hot tub. Ayun, dahil baka tumalsik ang tubig papalabas ng tub, sinarado ko ang shower curtains. Ako lang na napapalibutan ng shower curtains. Habang napupuno ang malinaw at maligamgam na tubig ng bath tub, napatingin ako sa bandang paanan ko at naisip: ano kaya kung may lumitaw ditong mumu katulad nung nasa Dark Water. Lol. Iba pa lang mabuhok yung nakita ko.

Ito ang sala. Madalas na patungan ng gamit kasi mag-isa lang naman akong uupo diyan.

Sabi dun sa guest guide book ng hotel na ito, pwede daw gawing kama (sofa bed) ang sofa na yan. Di ko pa natry kasi aanhin ko naman yun. May masabi lang.

Kapag naiinitan ka, ibaba mo lang ang temperature. Kapag nilalamig ka, itaas mo lang.

Isa ang nasa itaas na pinakaimportanteng gamit dito sa kwarto na ito: ang heater. Dahil kung wala yan, magiging ice pop ka sa lamig. Yun nga lang may heater, pagkaligo mo para lang naligo ka nung mga panahong nag-aaral ka pa kung saan dahil maaga ang pasok mo sobra pang lamig at nangingisay-ngisay ka pa paglabas mo sa banyo.

Ang dining table na pang dalawang tao.

Ito ay para sa mga panahong work from home (kunyari).

Ang trabaho dito ay Monday to Thursday lang… sa office. Kapag Friday, sa bahay ka lang magwowork. Kaya nga T.G.I.T. dito e lol. Hulaan ninyo kung nagtatrabaho kami tuwing Friday. Siyempre, oo. Mas late nga lang gumising hehe. xD

Ang kalang flat at ang oven na pang-init.

Dati gusto ko ring bumili ng ganyang kalan. Hi-tech kasi e. Ngayong nakagamit na ako, nagdadalawang isip tuloy ako kung bibili ba ako nyan. Ang hirap kasing tanchahin yung init nung kalan kasi wala namang apoy. Yung sinaing ko tuloy palaging natututong unless bantayan ko maiigi.

Ang totoong lababo (with dishwasher).

Isang magaling at nakakatamad na appliance na meron ang mga tao dito sa US: ang dishwasher. Ilalagay mo lang pagtapos hugas na. Astig diba. May problema nga lang. 1. Medyo maingay parang washing machine. 2. Kailangan mo muna banlawan mabuti ang mga plato lalo na ang kaldero kasi di niya malilinis lalo na yung mga nakadikit sa mga kaldero na hindi ko maalala ang tawag. 3. Mga 45 minutes ata bago matapos (kaya kung kailangan mo, maghugas ka ng maaga).

Ang inaabangang schedule. Click to enlarge.

Breakfast lang talaga medyo ok dito. Ang dinner naman, dahil sanay tayo sa kanin at ulam, ay hindi nakakabusog. Salad at tinapay at beer/wine = dinner. Masaya lang pag-Thursday kasi may karne (na processed food at pinirito lang).

Maiwan na ang lahat huwag lang ito.

Ito ang susi dito. Susi sa kwarto. Susi sa laundry area. Susi sa gym. Susi sa swimming pool. Susi para magamit ang elevator. Kapag nawala mo, madali lang magpalit kasi hihingi ka lang sa front desk sa lobby. Yun lang paano ka bababa?

Bago ko pala makalimutan, ang total stay namin ata dito is around 91 days more or less. At dahil more than 30 days, 89.99 USD ang daily room rate namin ayon sa website. Astig? Oo kung ako nagbabayad pero hindi.

Babay na muna. 12:24am na dito dahil sa DST shit. Hulaan niyo sino nagpicture nito. Bwahahahaha.

ZZZzzzzZZZzzz

Advertisements

25 thoughts on “This is my Crib

  1. grabe 89.99 WAAAAHH!!! Ako din ayuko nung ganun kalan.. Nakakatakot kase nga walang apoy.. pano pag pinatay..wala apoy..pano pag di pala napatay..ang gulo ng sinabi ko.. pero ang dandaaaa!!!!!

  2. Akala ko dot com ang new crib. XD

    Ikaw na ang may magandang hotel!
    ikaw na din ang may Elite na all-in-one access!
    Ikaw na ang tinatakot ang sarili mo. TNT
    At ang nagpicture niyan yung mumu! lols!
    Syempre pa naka-timer yun! xD

    • wala pa akong oras mag edit ng css pongski. super mega over hectic pa sa work huhuhu.

      “At ang nagpicture niyan yung mumu! lols!
      Syempre pa naka-timer yun! xD”

      ~may kumukuha daw kasi ng picture ko bukod sa sarili ko e. me kasama daw akong babae dito hahaha. lol.

  3. @ jig… e di sya nagbabayad ng kuryente kya nakabukas lahat ng ilaw o kaya naman natatakot na sya sa ginawa nyang mumu… @ kuya jc… nananahimik mga mumu ginigising mo… ingat u parati…

  4. Wwooooowwww!!!! Ganda-ganda naman.. Kakainggit! I like the bedrrom/bed.. Parang anglambot. Ang sarap siguro ng tulog mo every night ano? Oh, and love the bathroom! πŸ™‚ Hongyomon!!!!

  5. Nyah anjan k n pla, cheese. Akala ko paalis k plang. Ang ganda nman ng bhay mo for the next 3 months. Parang ang sarap tumira jan. Hehe. Sayang nman ung binabayad na 90USD per day kc most of the time nsa office kayo. Kung kumuha n lng ng flat tapos bigay sa inyo ung excess hehe. Enjoy enjoy!! πŸ™‚

    • pwede sana ganun kaso yung company na kumuha sa amin dito ang nagbabayad e. kung nasa amin yung pera mas makakatipid kung makahanap kami ng apartment. ayos na rin kasi dito sa hotel me tagalinis hehe. di mo iisipin ang kalat mo (though di naman ako makalat :D)

  6. wow! ang sosyal! ganun pala yung dishwaher hahaha. ang sosyal lahat ng kagamitan pati yung kalan na walang apoy!!!!! pangmayaman lahat ng gamit mo sir! πŸ˜€

    • dishwasher – kailangan mo muna banlawan yun plato lalo na kaldero kasi di masyadong malilinis ng dishwasher

      kalan na walang apoy – ang hirap tanchahin hehe lalo na kapag nagsasaing lol

  7. Pingback: Darling I’m Glad | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s