Food / News and Information / Travel and Events

Just Call Me The Noob Traveler

Ito ang first time ko mag-experience ang salitang Travel. Aaminin ko first time ko lang sumakay ng plane, yun papunta dito sa Chicago. Kahit papunta pa lang somewhere sa Visayas or Mindanao hindi ko pa talaga na-try (actually kahit passenger ship hindi pa din). Naalala ko tuloy nagfieldtrip kami noong elementary sa NAIA at sumakay kami sa isang domestic-size plane. For some reason hindi daw makakapag-fly yun plane that time though prior that event prinamis ng mga teacher namin nun na aandar yun plane. As we grew up, saka lang namin na-realize na baka talagang hindi intended paliparin yun. Kumbaga pinasakay (physically) at pinasakay (sa idea) lang kami.

I should have posted this earlier pero dahil sa ka-busy-han, ngayon lang nakanakaw ng oras para gawin ito. Here below are some random stuffs ever since this so called Travel.

Again, these are just random stuffs that hopefully you get something from.

1. Bago pa man ako naka-alis, meron mini-tragedy ang nangyari sa akin. I-click mo tong link papunta sa post ng kapatid ko. (May bayad ang promotion na to lol)

2. Basta may government agency, may fixer. Hindi exception ang U.S. Embassy dito. Bawal magdala ng liquids (bottled water, perfumes, etc) at electronics (cellphones, gadgets), pero huwag kalimutan magdala ng pen.

3. Ayon sa aking pag-aaral (na isinagawa ko sa U.S. Embassy ng isang araw), feeling ko 70% ng pupunta sa U.S. ay nadedeny. Pero kung isa ka sa nagbabalak, basta kumpleto ang dokumento mo, may matibay kang dahilan at may matibay na paninindigan e kaya mo naman sigurong pumasa. Ayon din kasi sa isang pang pag-aaral na isinagawa ni Ma’am Che, ang 80% ng mga consul (yung mga nagiinterview) daw ay graduate ng Psychology. Kaya kahit kumpleto documents mo pero hindi ka magaling sumagot, pwede ka pa ding ma-deny.

4. Delta ang sinakyan naming airline. Sabi ng mga kasama kong pinoy sa plane, Philippine Airline daw ang pinakamaganda (dahil service at direct flights, yun lang mas mahal) at ang pinakapanget ay ang American Airlines (luma ang plane at hindi libre ang pagkain).

5. Akala ko ticket ang ginagamit para makasakay sa eroplano. Hindi pala. Ang tawag dito ay boarding pass.

Ito ang ticket este boading pass.

6. Isang analogy: ULAN is to AMBON, while SNOW is to FLURRY. Natutunan ko kay Ma’am Che nun nadaan kami sa Narita Airport sa Japan. Wala pa ang malagim na lindol noon. Pag-pray na lang naten silang mga nasa Japan.

7. Kung akala mo tapos na ang kakabakabang pangyayari sa harap ng bintana ng mga U.S. Embassy consuls, may second level pa. Itago na lang naten sa pangalang Homeland Security. Sa pangalan pa lang, iisipin mong para kang terroristang papasabugin ang America. Mas mahirap ang mga tanong dito. Kung Psych grad yun nasa embassy, dito masteral ng Psych naman. Kung isa kang maswerteng contestant katulad ko, malalaman mo ang ibig sabihin ng salitang ‘Passport Control’.

8. Masarap ang snow kapag nag-snow pa lang. Pero pagkatapos nun, knowing nasa Chicago kami, super duper lamig dito (oo na mas malamig na sa Canada hehe). Ineexpect ko na malamig dito pero hindi ko ineexpect na mas malamig pa sa ineexpect ko ang ieexpect namin lamig dito (whattasentence). Yun araw na pagdating namin dito ang pinakamalamig ata naming naexperience na lamig dito sa Chicago. Yun paglabas pa lang namin ng O’Hare Airport, feeling mo yung hininga mo malalaglag na kasi yelo na agad. What’s the point? Hindi masaya ang super lamig. Masaya lang sa picture.

Huwag palampasin ang pagpapa-picture sa snow.

9. Gaano kalamig ang malamig: Kapag bumili ka ng mineral water sa isang nearby convenience store, pagbalik mo sa room e may ice water ka na. Kapag bumili ka ng pagkain, pag-uwi mo kailangan mo na itong i-microwave.

10. Dahil sa lamig, sinisipon ang mga tao. Dahil din sa lamig, ang sipon ay mabilis ding nagiging kulangot. Kaya hindi ko alam kung tama pang sabihing sinisipon ka kung ang totoo e kinukulangot ka. Dahil din pala sa lamig, yung sipon/kulangot mo ay may kasamang dugo (nosebleed). Yuck kadirs.

11. Hindi ako ma-lotion na tao. Pero napilitan ako kasi; dahil sa lamig ulit; magiging dry ang balat mo na parang nagiging kaliskis, sobrang kati at nagsusugat-sugat kapag kumakaskas sa damit. Para tuloy akong meron bulutong noon. Buti na lang nakilala ko si Jergens.

Meet Jergens. The only one who touches my skin here.

12. Kumbaga sa Pilipinas, parang Makati Business District lang ang Downtown Chicago dito sa America. So kamusta naman ang Tax at mataas na bilihin. Sabi nga ng mga kakilala namin dito (both Pinoy at Local), Chicago is the costliest place to live in the U.S. Ang upa ng kaopisina namin sa isang 1 bedroom apartment (na nasa labas pa ng downtown) ay $1,000. Nung nasa Michigan daw siya, $400 lang daw yun. Katulad din pala sa Makati, madami din nagdya-jogging dito (kahit umiisnow).

13. Dahil sa isang kwentuhan over sa lunch sa mga ka-team naming mga Indians, napag-alaman namin na wala silang APELYIDO. Ang ginagamit nilang last name ay ang pangalan ng tatay nila. For example, nagkaanak si JKul at pinangalanan niya itong Duking. Ang magiging pangalan ni Duking ay Duking JKul. Kung gusto naman niya na parang junior, JKul JKul ang magiging pangalan neto. Sa babae naman, kunyari nagpakasal si JKul at Salbe. Aalisin na ni Salbe ang surname niya (na pangalan ng tatay niya) at magiging Salbe JKul. Meron din daw mga lugar sa India na hindi lang pangalan ng tatay mo ang nasa pangalan mo kundi pati pangalan ng lolo mo at minsan tribo mo (pangalan ng tribo na kadalasan e pangalan din ng ninuno ng mga tao sa lugar na iyon, kadalasang ipinapangalan naten sa mga compound compound), so ang resulta: Duking Jkul Pong Quezon City. Now you know too!

14. Dito sa Chicago, pag sinabing uulan bukas, 99% uulan bukas. Sa atin dyan, baha na, hindi pa suspended ang klase.

15. Sa Pilipinas, kapag nabili ka ng burger na worth P50, magbabayad ka ng P50 din sa cashier. Dito, kapag bumili ka ng $2 na burger at nagbayad ka ng $2, sasabihin sa iyo kulang pa ang bayad mo. Sa atin inclusive ang tax, dito exclusive sa lahat ng bagay.

16. Chicago is a very diverse city in terms of the people living in it. As in halo halo. Feeling ko nga 60% lang yun native Americans dito e. Scarce din ang Pinoy dito.

17. Dito ko lang nalaman na ang buto-buto pala ay Leeg ng Baboy. Kasi nakasulat sa label nung binili namin e “Pork Neck”. 99c pala yun per pound. Nung nag-ulam kami nun sa office bilang baon (sinigang na buto-buto), sabi siguro ng ibang tao dun ang gross namin lol.

18. You pay around 200+ bucks for violating traffic. Pati ang pag-park sa mga parking for disabled people (yung mas malapit sa entrance nung establishment) is worth $250.

19. Pedestrians are priority dito sa U.S. Pero kapag nasa downtown ka, ingat sa pagtawid kasi kapag tumawid ka ng wala sa lugar at nabangga ka, wala responsibility yung driver. Ok ba yun Ma’am Che? lol.

20. Nagcelebrate sila dito ng St. Patrick’s day dito last thursday. Ikaw na lang mag-research kung anu yun kasi tinatamad ako. Basta ang alam ko lahat sila naka-green na suot or green na accessories especially the four-leaf clover thing. Pati yung river nila nilagyan nila ng green something (pollute-in daw). Habang ginagawa nila ito, magpupuntahan sila sa mga bar para uminom ng beer. Kung may na-miss ako, ask Wikipedia.

The fountain’s water is green.

21. Pumunta kami sa Millenium Park na walking distance lang sa hotel namin, kung saan naroon din ang ‘The Bean’, dito sa Chicago. Dahil tinatamad akong mag-explain, click mo na lang to.

Ang famous ‘Bean’ ng Chicago dito sa Millenium Park.

22. Kung kakain ka sa isang formal na kainan dito sa U.S., I advise (dahil naexperience ko na) na huwag maging patay gutom. Bakit? Kasi may appetizer – main course – dessert thing dito. Kung nagpatay gutom ka, appetizer pa lang busog ka na. Malamang take-out este TO GO na yung main course mo.

23. Ang picture na nasa ibaba ay isang example ng dinner dito sa hotel. Nachos with Cheese, Salsa and Jalapenos +
Green Salad with Tomatos and Cordon Bleu Dressing + Lemon Squares. Naadik ata ako sa lemon square ngayon. Try nyo din pala, mag-ulam ng Piattos o kaya Tostillas para sa dinner lol.

Nakaka-adik ang lemon squares.

24. Si Merril na kaofficemate ko, e nagpabili dito sa kakilala niya ng jersey. Ayun nalaman ko ang presyo neto. $45 each para sa jersey ni Boozer at Noah. $55 dollars naman yung kay Rose kasi star player siya. Kung hindi ninyo sila kilala, mga current players sila ng Chicago Bulls. Gusto ko sana kaso mahal kaya di ako bibili. Kaya huwag din kayo magpapabili hahaha. Order pwede pa.

“Hindi porket ginagawa ng karamihan, ibig sabihin na nun e tama yun.”
~sabi ng Prof namin sa Theology nung college tungkol sa pagmumura lol.

Tama na ang haba na neto. Bahala na kung may part 2 pa ito. For now, you can just call me a noob traveler.

Advertisements

28 thoughts on “Just Call Me The Noob Traveler

  1. At talagang tinapos ko yong kuwento mo. Lekat na, sira ang site ko. Huhuhuhuhu. Nagsumbong.

    Sabi nga laging may first time, at the best ‘yon, sino ba naman ako na sa kalabaw lang sumasakay sa probinsya tapos makakasakay din pala ako ng eroplano pagdating ng araw.
    Ganito ‘yan, ang lecheng seatbelt, hindi ko maikabit, ‘yon pala baligtad, ang katangahan, nasa business class pa mandin ako dahil work related ang sadya ko. Pero nong nasanay na ako dumaan sa tubo bago makarating sa bunganga ng eroplano, feeling ko mahusay na ako. Palakpakan.

    Gross talaga kapag kumain ng buto-buto? Eh pano pala kapag soup number 5 na ang tinitira diyan? May bagoong din?

    Siguro sa lamig, di ko kaya, sipunin ako eh.

    Oo nga, magaspang ang mga balat nila diyan kahit mapuputi sila.

    • hindi ka ata nagbayad ng hosting kaya sira e

      buti naman hindi ko naexperience sa eroplano yan saka nakatulong na me mga pinoy (na seaman) akong nakasabay sa eroplano na nagga-guide sa akin. naalala ko rin nakasakay ako ng kalabaw sa probinsya.

      ikaw na ang business class. manager ka ata ng kumpanya niyo. economy lang yung sakay namin.

      bagoong? pucha baka makulong ako nun. hahahaha.

    • Manager? Hindi ah, galante pa dati yong company namin that time, ngayon sa economy na lang. tama lang, panahon ng paghihigpit ng sinturon ika nga.

      Ahahaha, basta natatawa ako sa katangahan ko diyan sa airport, minsan naman sobrang aga ko, mga two-three hours pa akong naghihintay ng flight, para akong tanga sa waiting area, o kaya pumunta sa glass wall at bilangin kung ilang eroplano na ang lumalapag.

      Sabihin mo, pabango kamo ‘yong bagoong. Ahahahaha. Lekat na.

    • ang totoo ginusto ko rin magpicture picture ng mga eroplanong lumalapag sa airport. ang inisip ko lang, baka isipin ng mga tao taga bundok ako.

      perstaym?

  2. Mas okey pa pala sa atin, may libreng pens (na may tali na parang tel. wire) na magagamit. Pero pede rin bang manghiram sa kung sino ang meron kung saka sakali?

    Hang ganda ng “Bean”…

    Maganda ang lugar. Magandang opportunity din. πŸ™‚

    • sorry pala, nung sinabi kong us embassy, yan yung sa pinas (well it should be) πŸ˜€

      wala libreng pen. sa labas P10 each. pwede ka makahiram pero mahirap i-risk kasi baka madamot yun makatabi mo lol.

      astig yun bean. nahiga pa nga yung mga tao sa ilalim para mag picture.

  3. dami kong relate dito pwera lang sa US Embassy. medjo nadalian ako dun..pwera lang sa paghihintay.

    Lahat ng lakad at paglipad ginawa ko mag-isa kaya nagtataka ako bakit wala man lang akong kinuwento sa diary ko tungkol dito..naiinggit ako bigla.. sayo. Siguro kaya wala din ako nasulat sa journal ko kase sobrang nahuggard ako mag-asikaso.

    Petitioned ako kaya medjo madali lahat ng interview.

    natuwa ako kase naka-relate ako. Nung una kala ko makakaranas ako ng snow pero buti na lang hindi kase sobrang malamigin akong tao.

    At ang mura naman sa Michigan.. $400.. waaaah! dun na lang ako..pero san ba yun..? Hahahha.. at dito ang violation sa vehicle halos 400 ang bayad.. 430 yata. Marunong na ko magdrive dito pero pero huhuhuhu di ako pumapasa sa test.. naka dalawang beses na ko.

    Madami akong comparison sa America at Pilipinas na mahirap tanggapin.. nakakalungkot.

    • masakit man isipin pero pagdating talaga sa ibang bansa, walang kwenta ang Pilipinas. Kapag may nagreklamo, papabaril ko sa luneta. Yun nga lang wala naman talagang perpektong nasyon. palaging merong negatibong aspeto.

      Pilipinas? madaming negatibo.

  4. Naaliw ako sa kwento mo Sir Cheese!
    Hahahaha lang dun sa names ng mga kababayan nating Indians at ang mga sample hanep lang. xD
    pwede bang bumagsak yung magic bean este platinum ba yun na bean? xD
    At ang dami mong dalang pera? Buti na lang di nakuha, malamang tama yung kapatid mo baka magsuicide ka lols!
    ako naman nakasakay na ng barko yehey!
    Yehey dahil nadanasan mo din ang maging lotion man dahil sa lamig! dito naman sayang ang lamig kasi walang snow xD
    Gusto ko din ng jersey sir cheese, ibili mo kaming mga blogger friends mo please!!!!!!
    ang sarap pa la ng buhay mo diyan for 3 months!
    Ikaw na the best ka!

    • maidagdag ko lang tama yung Prof mo, ang ayoko lang sa mga napapanood kong American movies ay yung palasak nilang ginagamit ang Jesus Christ, na animo’y kasingkahulugan ay mura na!

    • tungkol sa bean, hindi ko alam e. di ko pa nababasa si wikipedia hahaha.

      dun naman sa insidente, masakit sa puso yun if ever. papadala na lang ako, may utang pa ako imbes na makaipon.

      jersey sige bilhan kita pero 100% down payment

      sarap ng buhay? kung ano napi-feel mo dyan sa sitwasyon mo. ganun din ako. πŸ˜€

  5. Honga JC makati masyado pag malamig tapos yackky ang mga naiiwang skin sa pantalon at damit bwahahaha ang arte! Naaliw ako sa mga pagkain, paborito ko rin ang nachos, ala lang nabanggit lang, masama ba?

  6. tinapos kong basahin kahit mahaba. andami kong natutunan. tungkol sa etymology ng indian names at kung gano ba talaga kalamig pag may snow. pati kung ano ‘yang ‘bean’ na ‘yan.

    p.s.

    mabuti na lang at hindi nakuha ung $2900 mo. san mo ba siya nilagay? ang gara pa ng bag. pa-arbor na lang. lol!

    • me bulsa kasi yung bag sa top area. ang malas nga ilang araw ko pa lang binili ayun nalaslas. yung bag ko na luma kahit isang beses di nalaslas. masama pala bumili ng bagong bag hahaha.

      arbor? bili ka na lang ng sau lol.

  7. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

  8. Pingback: It Happened Again | Say Cheese!

  9. Pingback: Throwback Thursday | Say Cheese!

  10. Pingback: Alone Problems | Say Cheese!

  11. Pingback: Lucky Me Pancit Canton | Say Cheese!

  12. Pingback: Lemon Square | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s