Life and Family

A Good News (Hopefully)

Alam ko kilala ako sa office na chumi-cheezwiz sa buhay ng may buhay. Kaya nga nabuo ang mga labtim nila Mel-Zai at Tristan-Jho within the confines of the office. Naisip ko tuloy kelan kaya mareresolve ang love triangle nila JC – AD – RM at kelan aamin si RM at AS. Lol as if kilala ninyo kung sino sila. Dahil alam ko na hindi naman siguro ikakahiya nung dalawang naunang magjowa ang mga lovelife nila, eto ang pictures sa baba:

Front: Zaida and Mel. Back: Jho and Tristan.

Serious mode on. This time mangchi-cheezwiz ako ng tungkol sa isang pares ng kaibigan ko. Hindi para sa dahilang i-cheezwiz lang sila kung hindi dahil natutuwa ako sa nangyari sa kanila (good news). Yung nga lang, sana hindi ito parte ng April Fool’s day (kaya may hopefully). Itago na lang natin sila sa pangalang Techy Boy (ang tanungan ko sa mga PC issues, porn provider lol) at Model Girl (di kami talaga masyadong close pero sabi ni Techy Boy modelling daw trabaho ni girl).

Dahil madami pa akong gagawin matapos ito, iiksian ko na lang ang story. Isang typical na love story ang naganap kina Techy Boy at Model Girl. Typical kasi wala naman talaga akong alam. Hehehe. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala at kung paano sila nagpalitan ng dalawang donut. Perstaym ko lang nakita yung dalawa noong bininyagan si Asher kasi kinuha kong ninong si Techy Boy na classmate ko nung high school. Magjowa pa lang sila noon.

Matapos ang ilang mga panahon, kinontak ako ni Techy Boy. Invited daw ako sa kasal niya. Ayun, pumunta naman kaming pamilya. Doon pa lang me napansin na si Jho, bilang babae, na kakaiba kay Model Girl. Buntis na din pala si Model Girl nun. Perstaym namin bumisita sa kanila after that e yung singilan ng mga inaanak sa mga ninong, Christmas season. Dun tinanong sa akin ng ngayo’y mag-asawa na, “Kayo ba yung nagregalo ng kutsilyo nung kasal namen?”. “Oo para kapag nag-away kayo meron kayong gagamitin”. “Nagpapasalamat nga kami nagbigay kayo nun kasi yung ang wala kami dito”.

Dahil na rin sa malayo ang tinitirahan namin sa isa’t isa, nagsubaybayan lang kami ng mga buhay buhay sa pamamagitan ni Facebook. May masamang balita. Nagkahiwalay na daw si Techy Boy at ni Model Girl. Umusad ng marahan ang maraming panahon. Kamakailan, nagkausap kami ni Techy Boy sa isang inuman at nagkwento. Maikli ang kwento niya pero sapat na para maintindihan kung ano talaga ang reason… sa side niya. So hindi ko babanggitin kasi magiging bias dahil hindi ko naman narinig ang side ni Model Girl saka alam ko rin naman may pagka-aning din si Techy Boy hehehe.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas, pinadalahan ni Mama Alice si Jho ng laptop. Ok na sana pero me kulang, wala kaming router. Ok na sana kung andun ako para ayusin yun kaso wala ako dun. Kaya humingi ako ng tulong kanino pa ba:

Hopefully, no April Fools shit. Saka pwede magreply kung pupunta o hindi para hindi mag-antay si Jho. Lol.

Ok (sabay buntong hininga). Kung joke man to Techy Boy, gago ka. Hindi ko alam kung ano talaga ang problema ninyong dalawa ni Model Girl pero magkainan na kayo ng Pride chicken. Kung kaya pang ayusin, ayusin ninyo para sa isang batang ipinangalan sa isang dating White Knight na sumapi sa dark forces at naging Black Knight pero Legendary Creature (sa mga di makarelate, Magic the Gathering Trading Cards po lol). Kapag nagkaanak ako babae papangalan ko rin sa Magic, kay Kaysa.

Copyright Wizards of the Coast. From Google.

Mahaba na to. Basta magtext ka o magreply ka sa Facebook kung pupunta kayo ng mag-ina mo.

hmmkeitnxbye (joyo mode)

Advertisements

3 thoughts on “A Good News (Hopefully)

  1. hahaha magic cards… ay sana naman magkaayos na sila… sayang naman ang relationship nila.. eh sabi mo nung magklasmeyt pa kayo sila. na… πŸ™‚

    • “Magjowa pa lang sila noon.”

      …noong binyag ni Asher. hehehe. Bago lang po sila magboypren nun nagpunta sila sa amin. Si Techy Boy ang matagal ko na kakilala kasi HS pa lang. Si Model Girl bago ko lang na meet noon. Sorry naguluhan ka. πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s