News and Information / Travel and Events

Nang Mag-‘Go For a Walk’ Ako

Habang inaantay ko si Jonalyn Idulan, I guess this is a good time to blog. Ang dami ko pang backlogs na pwedeng ilagay dito kaso may mga panahon lang talaga na sobrang busy o kaya naman e tinatamad kasi yun naman yung time para mag-unwind ng sarili. Naka-higa pa ako kanina pero mas ok yata na gamitin ko tong office set-up dito sa room para mawala ang katamaran sa pag-poposte. Sabayan mo pa yan ng tugtog ng playlist ng isa sa mga paborito kong banda mula sa unang panahon: ang Carpenters.

Kahapon, pumunta ako sa post office dito (U.S. Postal Services) which is just a few blocks away from the hotel (in tagalog, ilang kanto lang lol). Tinatamad pa ako nung una kasi maulan noong hapon na iyon. Yun din yung dahilan kung bakit hindi ko na inaya si Ma’am Che ‘for a walk’ dahil baka tamarin din siya dahil sa panahon.

Light jacket pa ginamit ko tapos pagdating ko sa street level ng hotel, medyo malakas din pala kahit papaano ang bugso ng pagdantay ng mga patak ng tubig sa maaspaltong kalupaan mula sa kalangitan (lol). Kaya binaybay ko ang pagpunta sa USPS North Dearborn Branch ng magkahalong pagtakbo at mabilis na paglalakad dahil nga sa ulan habang dala-dala ang naka-doble pang plastic na ‘something’ na ipapa-ship ko sa Canada papunta sa nanay ni Jonalyn Idulan. Tangan ko rin sa utak ko ang impormasyon kung nasaan ang lugar na ito gamit ang Google Maps (i-click para makita). ‘Something’ kasi surprise nga e dahil 6-10 days pa darating sa kanya yun sabi sa karatula sa USPS.

Sa bukana pa lang ng post office (na nakalimutan ko kung ano ang tagalog), meron nang bumati sa akin na isang ‘homeless’. Lingid sa kaalaman naten, marami ang homeless dito sa America. Kumbaga sa Pilipinas, sila yung mga pulubi na nanghihingi ng pera. Minsan nga lang, mas malaki pa sa iyo ang nanghihingi ng pera. Usually mga adults sila, malamang bawal nasa kalsadahan ang mga bata dito di katulad sa atin dyan. Mas inuuna pa kasi ng DSWD manood ng TV kesa sagipin ang mga batang ito (kume-current news? lol). Ayun, maglakad lakad ka lang dito sa downtown marami kang makikitang homeless dito. Friendly advise naman ni Jayson na kaibigan kong dito nakatira, just be polite and just say no (money).

Malakas ang loob ko sa ganitong mga bagay. Yung pumunta sa isang lugar na wala kang alam o never mo pang napuntahan. Kaya siguro madami din akong na-meet dati sa kung anu-anong EB dahil dito. Ang kaibahan lang, perstaym ko magsesend ng something tapos ang mga tatanungan ko pa e mga forengers. Kaboom! Ang habang ng dalawang pila. Hindi ko alam kung saan ako pipila basta pumila lang ako.

May natanungan ako sa mas mahabang pila pero tae mali din yung instructions niya. Ayun dun ako pumila sa Automated Postal Machine. Umabot ako sa dulo ng pila sa Automated kung saan may naga-assist na babae. Sinabi ko perstaym ko magsesend ng package. Sumagot siya: “E bakit ka dyan nakapila? Dun ka sa gilid ayusin mo pagkage mo (habang tinuturo ang dala ko na nakapasok na sa isang medium flat rate box). Eto ang tape. Hindi mo maipapadala yan ng hindi nakasarado. Saka lagyan mo din nito (inaabot ang sulatan ng address, pero nakita ng isang hispanic na babae na nagpapadala ng mga mails na may address na sa box ko kaya sinagot na niya yung babae na hindi na kailangan kasi naisulat ko na yung address)”. Habang tine-tape-an ko yung box ko, timulungan ako nung hispanic na babae sa pagbabalot at sinabi ko sa kanya na “that’s so nice of you” at sinabi naman niya na “I am sending a lot of boxes for my company that’s why I know”.

Bumalik ulit ako sa parehas na pila but this time, pinabalik ako sa dulo. Ok lang kasi dun ko rin nalaman na hindi din pala ako pwedeng pumila dun kasi ang pwede lang dun e mga may Credit o Debit Card na malamang wala ako. Kaya lipat dun sa mas mahabang pila (dalawa lang actually ang pila, isang automated at isa parang pila ng magdedeposit sa bangko).

Mga pang-sampu ako sa pila. Kakaunti lang. Pero kung ang bawat isang customer e dalawampung minuto bago matapos… alam na. Dalawang teller lang kasi ang bukas out of six na counters na andun. Naalala ko tuloy yung enrolment sa Adamson nung college na tumatagal ng 9am to 8pm dahil sa pagpila tapos babalik ka pa kinabukasan kasi di pa tapos ang process (me grudge?).

Dahil sa tagal na rin namin dito (talagang tagal e noh?), mapapansin mo ang isa sa mga kaugalian na meron ang mga kano: ang small talks. Sa atin dyan, sa mga kakilala mo e hanggang tango lang ang bati na ginagawa naten (minsan nga iniiwasan mo pa). Dito kahit hindi mo kakilala at nakasabay mo somewhere kailangan mong batiin ng “good morning”, “how are you”, o “hi/hello”. Sa mga hindi mo pa kakilala yan ha. Ang pagsagot naman dito e, “I am good. How about you?”. “I am good too thanks for asking”. Bago kayo maghiwalay ng landas, “Have a good one”, “You too”. Yan ang normal na small talk sa mga di mo kakilala. Minsan may mapapansin sila tapos sasabihin, “That’s so beautiful where did you get that”. Marami pang iba. Kaya bawal ang snob, lol.

Sa pila ang nasa unahan ko e isang babae na naiinip na rin sa pila. Ang resulta? Small talk. Nakalimutan ko na kung ano sinabi niya pero tungkol ito sa kabagalan ng pila nung panahon na iyon. Sabi ko na lang baka dahil malapit na mag-close kaya hindi bukas yung ibang counter. Hindi naman dapat ganon sabi niya. Tumaas pa nga kilay niya ng makitang may mga sumisingit sa kabilang counter. Sa dulo naman ng pila e may nag-aaway na rin sa pwesto na isang babae at isang matabang lalake na mukang nerd. Hindi ko alam kung sino ang tama sa kanila pero me pagka-kupal din yung lalaki na sigawan yung babae. Meron din isa pang lalake na hindi ko alam kung anong problema kasi pinapaalis na siya ng mga teller pero ayaw pa niya umalis. Sinasabihan siya na bumalik na lang bukas para sa package niya. Lahat ng yan dahil sa bagal ng pila. Lol.

Bukod sa pagpapadala mo ng mail o package e pwede ka ring mag-avail ng kung anu-anong services na magdadagdag din ng presyo sa ipapadala mo. Katulad ng Signature Certificate (kailangan me pirma yung tatanggap), Tracking Certificates at Return Receipts (na hindi ko mga alam kung para saan). Ang hindi ko lang ma-gets e bakit meron pang Insurance na service. Para daw ito sa lost or damaged packages. So ibig sabihin pwedeng hindi makarating yung package mo?

Next na yung babaeng nasa unahan ko. Sinabihan ko pa siya ng “Finally” at sumagot siya ng “I hope so”. Dalawa ang teller nun, dalawang babae na ang isa e mga nasa 40+ at isang nasa 60+. Wala naman akong problema sa pagha-hire ng mga senior citizens hanggang sa ako na yung nasa harap ni Ma’am. Bawat letra ng isinulat ko kailangan niyang busisiin gamit ang kaniyang salamin na mataas ang grado. Bawat kilatis e ipapasok niya sa computer ang detalye ng padala ko gamit ang “One hand, One finger” technique sa pagta-type sa keyboard. 1.5 secs per letter. Sinabihan din niya ko na dahil international ang package ko, dapat me customs form na dali dali kong finill up dahil sa hanggang pintuan na ang pila ng mga naghihintay na customers. Bukod sa address mo at address kung saan pupunta ang box mo, isusulat mo din dun kung ano ang laman ng box mo at kung magkano ang halaga nun.

Dahil flat rate box ang gamit ko (medium), $27.95 ang bayad sa shipping.

Sana lang dumating ng on time at walang bawas ang pinadala kong token of gratitude kay Mama Alice sa Canada.

Walang pictures kasi di ako nagdala ng camera dahil maulan. Patapos na post ko di pa rin online si my loves.

——————————————————————————————————-

COMMERCIAL: After sa USPS dumaan ako sandali sa Jewel Osco para bumili ng mga ito.

Mineral Water. Pure and Safe. lol

Merienda: Cinnamon Butter loaves + Fruits galing sa breakfast dito sa hotel

Pang-inggit kay Jonalyn lol. Pinili ko to over just the chocolate chips one kasi mas mataas protein nito dahil sa peanuts.

Hindi pa din online si My Loves. Tama na ‘to. Tinatamad din ako mag-proofread lol. Publish na.

Advertisements

16 thoughts on “Nang Mag-‘Go For a Walk’ Ako

  1. Natuwa ako sa small talks diyan. Dito walang small talks, kasi iniiwasan sa mga katutubo, they might got it as a wrong signal – para sa mga lalake. Sa mga babae naman – Big NO na kausapin sila. Ang boring di ba. xD
    How nice! Hello there, you look Asian? hehehehe
    Dito din sir pila din ang mga padalahan kaya sanay na sa mahabang pila. Ano ba yung pinadala mo kay mother-in-law? Ahhh secret nga pa la.xD
    Parang ang mahal ng mineral water? Kasi Jewel. xD
    Ingat diyan sa tate!

  2. di ko man lang din nakwento karanasan ko dito bago ako umuwi. Sobrang agree ako sa lahat ng mga sinabi mo.. nasanay na din ako mag-small talk.. katulad kase ng pag-pila ko sa DMV, ayun nakakadaldalan ko mga nakapila din…

    tapos grabe naman pilahan ng post office jan..heheh dito sa min walang katao-tao kaya mga 5 minutes lang siguro kame pag nagpapadala. hehehehe

    • “di ko man lang din nakwento karanasan ko dito bago ako umuwi. ”

      bakit nasa pinas ka na ulit?

      re: POST OFFICE

      bago ako pumunta dun natakot nga ako kasi nabasa ko sa internet ang really bad reputation ng specific na post office na iyon ayon sa google maps hehehe.

  3. hehe. nasa chicago ka pala? i’ve been there once. i love the city.

    ganito talaga dito jamerica, small talks kung small talks. nasanay na ako pero i still hate it. haha. arte lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s