Health and Fitness

Cheesy Tips on Working Out

For this Friday the 13th, ito ang 13 workout tips para sa mga gustong magworkout, sa mga nagwoworkout, at sa mga tinatamad magworkout.

1. Push-up is the best workout for the upper body. Ang madalas na ginagawa naten kapag hindi tayo makapag-gym e yung mag-push-up na lang sa bahay. Kumbaga e parang excuse option for not working out. Ayon sa nabasa ko sa internet, instead na option lang ang push-up, dapat ito nga yung primary excercise naten. Ang target ng workout na ito ay ang Pectorals (chest) at Triceps, pati na rin ang Deltoids (na hindi ko maisip kung ano ang tagalog). Isa sa mga maraming minor target din nito e yung Abs (see next tip). Kaya imbes na tignan lang naten ang lakas ng isang tao sa bigat ng kanyang binubuhat na weight sa Chest Press, pwede rin naten tignan sa angulo ng dami ng bilang ng nagagawa niyang Pushups.

Wala rin pwedeng excuse para hindi magpush-up. Walang equipment na kailangan except sa isang flat na floor. Lol.

2. Plank is the ‘best workout’ for the abdominals. Binigyan ko ng stress yung best workout kasi natry ko siya pero hindi ako sure sa effect. Nonetheless, it is a pretty hard workout for the Abs and anybody can try to do it or add it to their workout cycles.

Ok, ano nga ba ang plank. Pumusisyon lang na parang nagpupush-up (extend mode, naka-straight yung mga braso). Tapos yung lang. Hold for 5 hours. Lol.

3. Free Lifting vs Machine Lifting. Ang analogy na nabasa ko dito e, ano ba mas malinis ang hand wash o machine wash? Free lifting is basically naglilift ka ng weights without support while machine lifting is with support via machines.

In a way, better yung free lifts kasi halos lahat ng parte ng katawan mo e gamit mo. Kunyari nagso-shoulder press ka, hindi lang triceps at shoulders na-eexcercise mo kundi pati back (para hindi malaglag yung barbel). Kapag nasa machine ka kasi ng shoulder press, hindi ka worried na malaglag yun weights kasi nga may support saka in case na nahihirapan ka, hindi mago-off balance yung binubuhat mo kasi steady yun.

Ang pinakagamit naman ng machine weights e kung may target kang muscles na iwo-workout, definitely you can do this. Kunyari gusto mo lumaki ang triceps mo pero ayaw mo lumaki chest mo (not a very good example pero parang ganito hehe).

In a nutshell, Machine lifting is for a specific muscle part (or few) while Free lifting is for a muscle group.

4. Kelan ba dapat mag-excercise? Simple lang ang sagot, kung kelan ka hindi tinatamad. Hindi rin kasi magiging effective yung workout mo kung inaantok o tinatamad ka di ba? Baka kalahati pa lang ng routine mo, stop ka na. Personally, nagwoworkout ako ng starting 10pm or 11pm dito sa Chicago. May times kasi na nakakatulog ako sa gabi or hapon tapos 10pm nagising lol. See the next tip.

5. Do not skip your workout routine. Kung gusto mo talagang makakita ng result, do not skip your workout (guilty din ako dito haha). Hindi yung workout ka this week tapos next whole week hindi. Actually mapapansin mo na kapag walang palya ang workout mo, dun mo makikita talaga ang improvement kesa yung kahit super workout ka pero on and off naman. Lahat tayo busy and kahit siguro 30 minutes of workout kaya natin i-squeeze sa ating tight schedule. Actually ang minimum e one hour a day. πŸ˜€

6. Gaano ba dapat kadalas ang pag-excercise? Kung bago ka lang as in never did it before, madalas sina-suggest three or four times a week ang pagwoworkout. Sa mga panahon kasing ito, tine-train mo yung mga muscles mo na magcope sa regeneration process. Regeneration kasi ang totoo, kapag nage-excercise ka, hindi ka nagpapalaki ng muscles kundi sinisira mo ito. During rest, doon lumalaki yung katawan mo kasi doon napapalitan (regenerate) yung mga nasirang muscle tissues. So as you workout, it is a cycle of destroying and regeneration (parang magic cards lang) para sa ating muscles. Dito rin pumapasok ang big role ng protein (natural o supplement). Katulad ng napag-aralan naten noong elementary, protein helps build strong muscles. Btw, hindi lumalaki ang muscles mag-isa. Kailangan itong i-excercise.

Sa umpisa mabagal tong cycle na ito. After a good round of excercise, likely sasakit yung katawan mo for two to three days (or more). As your body cope, mas bumibilis ang process na ito. So mapapansin ninyo yung mga ‘PRO lifters’ e parang ginagawang pagkain yung paggi-gym, breakfast-lunch-dinner lol.

7. Gumamit ng weights (especially mga babae). One of the reason bakit ayaw mag-weights ng mga babae e kasi feeling nila titigas (at lalaki) ang mga muscle nila. Not true, somehow. Una, magkaiba ang anatomy ng mga lalake at babae. We have more lean muscles than you do. Unless bumuhat ka na parang pang competition at uminom ng sobrang daming supplements, then magmumukha ka talagang katawang lalake.

The more lean muscles you have, the more calories you burn. Same reason kung bakit mas mabilis magburn ang mga guys. For you gals, if you do weights too, you can make more lean muscles and it will mean more calories burned too.

If you diet but not excercise (or lift), you are losing both fat and muscles. But if you diet AND excercise, you are losing just the fat and even gain more muscles.

8. Ano ba ang dapat na bigat ng dumbells ng gagamitin? Una, kaya mong buhatin with ease, pero kapag ginagamit mo na siya e parang hindi mo na mai-angat sa more than ten repetitions. Ayun. Now do three sets times ten repetitions. Sa mga baguhan usually, 12-10-8 reps (bilang ng pag-uulit ulit ng excercise). Kapag sanay na e 12-12-12 reps. Ako minsan kapag sinisipag e six sets so 12×6 reps. Kapag magaan na para sa iyo ang weights na gamit mo, then it’s time to move up. Remember the bottomline, the less difficulty ang nakukuha mo sa workout mo then it simply means that you are not getting the most out of it. Kapag sanay ka na sa gym, usually hinahanap hanap mo na yang sakit ng katawan. Kasi yang sakit ng katawan is a clear indication na effective yung ginawa mong workout.

9. Endurance or resistance Training? Endurance training (cardio) burns more calories than resistance (weight) training that is DURING the workout. But, when you do weight training, usually sumasakit yung mga muscles for days. This means, even after working out, your body is still burning more calories. So in terms of calories burned, mas marami kapag sa weight training.

I am not saying that resistance training will rule out endurance training. Actually it all depends sa goal mo. Kung plano mo na maging isang marathoner, track and fielder or swimmer; obviously you will do more endurance workouts. Otherwise, kung plano mo lumaban sa MMA, MMA or fitness competitions; then you will need to do more liftings. I stress out the words “more over the other” kasi hindi naman pwede puro endurance or resistance lang ang gagawin mo.

For runners, they still need to do lower body resistance training because it will make the legs and feet muscles and joints stronger thus making them less likely to be injured. The same way, kailangan din ng mga nagba-bulk up na mag-cardio kasi papalakasin nito yung endurance mo (making the heart and lungs stronger). By experience, even if I have been working out alot with weights, I may say mahina pa rin ang endurance ko kasi hindi ako masyadong nagka-cardio. Konting takbo lang hinihingal na ako o sumasakit na yung puso ko parang magkaka-heart attack lol. Kaya right now I am starting to boost up my mileage paunti-unti hehe.

10. Paano magkaroon ng magandang abs? Madaling sabihin, mahirap gawin: diet and excercise. Kung excercise lang gagawin mo like crunches, titigas nga ang muscles mo sa abdominals pero hindi rin makikita dahil natatabunan ng fats (at beer). Kung gusto mo talagang lumitaw yan kailangan mong mag-diet. Cardio/Running alot will help too para makabawas ng calories sa buong katawan.

Sabi sa isang show ni Oprah, huwag daw kumain ng anything white. Huwag din daw kumain ng fast food. Huwag din daw kumain na kahit anong pinirito. Lol.

11. Ano ba ang magandang supplements? Kung may iniidolo kayong body figure, kesa tanungin siya kung anong droga ang iniinom niya, mas ok na tanungin kung anong workout ang ginagawa niya. Alalahanin na hindi naman ito usapang supplements kundi sa workout talaga. Kahit inumin mo yung isang buong timba ng supplements e wala ring mangyayari kung hindi naman todo ka magworkout. Isa pa, may mga side effects din ang supplements kapag hindi ka nagwowoworkout as you need to katulad ng pagtaba (as opposed to what you wanted), pagkakaroon ng taghiyawat (dahil sa excess proteins) at unconscious body movements parang drug addict (sabi ng kaofficemate kong si Mok, nangyari daw sa isa niyang kaibigan nasobrahan ng gamot na pangpa-cuts).

Hindi ko tine-turn down ang paggamit ng supplements. Actually, balak ko din bumili soon kaso wala pa akong pera now. Medyo may kamahalan din kasi. P1,000 worth of creatin madalas pang isang buwan lang or less. Kung makakabasa naman kayo ng mga articles sa magazine, sasabihin nila na kailangan mo ng so so amount of protein a day. Tapos paglipat mo ng pahina e may isang full blown ad ng isang supplement na nagbibigay ng so so amount of protein a day. Advertising. In the end, OK LANG UMINOM NG SUPPLEMENTS. Bago lang magtry, do your homework first.

12. Watch what you eat. Aaminin ko wala pa ako sa ganitong level ng pagda-diet. Malakas pa din akong kumain at kahit ano kinakain ko. Kaya ayun, hindi naiilit ang tiyan ko. Ang pinaka-tip lang na gusto kong sabihin, na nabasa ko rin sa internet, huwag gawing excuse ang pag-eexcercise para kumain ng hindi tama. Halimbawa, “Ang sarap naman ng crispy pata kakain ako ng marami nito mag 99999 push up naman ako mamaya e.”

13. Workout your lower body. Nabanggit ko na kanina na kapag mas maraming lean muscles mas maraming calories ang nabuburn. Pero saan ba may pinakamalaking lean muscle na meron ang katawan naten? Tama! Sa legs. Muy bien, gracias. Soy Dora. Kaya huwag kalimutan i-excercise din ang legs para mag-lose ng calories.

CLOSING THOUGHTS:

The above tips are mostly what I have read somewhere, unless I stated coming from me. Isa lang akong average gym person for about nine months na. I am simply sharing what I learned through this course that I am going in to and maybe somehow inspire you. I ask you to do this only if you are comfortable and happy doing it. Aanhin pa na gawin ang isang bagay na napipilitan lang tayo diba. Kaya nga ang laki pa din ng chan ko e. Ang sarap kasing kumain and I am comfortable and happy eating a lot. Hahaha.

Sa huli, kanya kanyang trip lang yan hehehe.

Para sa iba pang kaalaman i click lang ito.

Advertisements

19 thoughts on “Cheesy Tips on Working Out

  1. 99999 push ups para sa Crispy Pata?

    Kung ganyan karaming push ups ang gagawin ko malamang diyan ako atakihin at hindi sa Crispy Pata na nilapa ko Lolz!

    Para sa akin SEX is still the best exercise ahihi

  2. ayon o! pa tip tip nalang hehe mukhang improving ang muscle mo dyan sa chicago ah!! ^ ^ gym instructor kana din ha! =)

    ganda ng mga tips, kapaki pakinabang! minsan napakahirap labanan ang katamaran. pero worth it naman pag nakadating kana sa gym ibig sabihin nalagpasan mo yung moment na tamad ka.. ^ ^

    thanks again!!

  3. Sinadya mo bang eto ang latest entry mo nung nagcomment ka sakin? LOL
    Sumakit ang puso ko sa entry na ito. Guilty. How can you say no to a double cheese burger and fries? Wahaha

  4. Naku, bigla akong na-guilty sa sarili ko nung mabasa ko itong post mo. Kasi naman pakiramdam ko hindi ko naaalagaan ang sarili ko. Ngayon kasi kulang na ako sa exercise. Hindi na kasi nakakapaglaro ng badminton eh, saka minsan na lang makapag-jog.

  5. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

  6. Pingback: Ang Mga Kaalaman Tungkol sa Pagbubuhat sa Gym | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s