Life and Family

Asher’s First Day at School

June 6, 2011 ang first day ng mga estudyante sa public school. Kabilang sa mga batang ito si Asher. Madalas kapag gumigising si Asher tuwing umaga e tahimik tapos biglang hihiga ulit sa sofa. Kung hindi naman e may paminsan minsang topak at hinahanap yung nanay niya bakit hindi daw na niya katabi. Noong umaga ng Lunes, iba ang gising ni Asher. Tuwang tuwa at kumakanta pa ng “Pasok na! Pasok na! Pasok na!”. Maaga din kasi natulog noong kinagabihan kaya din nasa mood.

Bagong Uniform. Bagong Medyas. Bagong Sapatos. Bagong Estudyante.

Unang almusal: Lugaw

Pinasok namin siya sa isang paaralan na malapit sa bahay namin. Ang Mababang Paaralan ng L.B. Santos ang papasukan niya na siya ring naging eskwelahan namin nung nasa elementarya kami. Gayun din, ang teacher niya ngayong nusery ay si Mrs. Cecilia T. Romero na siya ring teacher ko noong nursery ako. Huwag na naten tanungin ilang taon na si Ma’am Romero. Peace!

Gusto na rin pumasok nung isa pero sa 13 pa siya.

Ang maghahatid at ang ihahatid

Alma Mater: L.B. Santos Elementary School (parang walang signage)

Ang tuition niya for the whole year e P2,300 (para sa mga future parents). Na-late kasi sa pagpapa-enroll sa St. Catherine kaya sa public napunta. Para sa akin ok rin naman kay Mrs. Romero kasi alam ko na magaling siya na teacher kasi andito ako sa kung nasaan man ako ngayon. Saka para sa ibang bata naman na hindi maiwanan, mahirap naman magbayad ng P20,000 sa private tapos after 1 week ayaw na pumasok ng bata. Nakakatawa nga nung andun ako noong first day, parang may switch yung pintuan ng classroom, kasi noong sinarado, nag-iyakan yung mga bata na ayaw paiwan sa magulang.

Ang magkumpare na magkaklase (2nd cousins): Asher at Lawrence

Si Lawrence ang example ng mga batang ayaw paiwan. Actually nauna na siyang pumasok last year pero isang linggo lang ang itinagal sa klase. Ayaw ko naman ipasok noon si Asher kasi masyado pang maaga. Alam ko naman na hindi magbaback-out to kasi nabo-bore ito sa bahay kasi walang kalaro.

Lawrence (sa mama niya, ng makitang papasok na sa school si Asher): Iwan mo na ako, andito na si Asher.

Wacky

Inosenteng sinabi ni Asher sa mommy niya:
Mommy yung katabi ko sa school… classmate ko.

Advertisements

11 thoughts on “Asher’s First Day at School

  1. Nasa Pinas ka na pala ser. Tingnan mo nga naman nauna ka pa sa akin. xD
    Iba talaga ang hatid ng pasukan lalo na sa mga bagets.
    Sayang ngtuturo na sana ako ngayon ulit, di kasi nakaabot!

    Nawa’y maging fruitful ang AY na ito kina Asher at Joy!

    Be blessed sir!

  2. kakatuwa naman si asher. heksayted talaga pumasok!

    play school pa naman kaya ok lang yan. ilang taon na nga ba si asher?

    kumusta naman daw, anong ginawa nila sa school?

    si jeremy din namin pumasok na sa big school at nung una ayaw niyang paiwan. nung mahimasmasan, naglalaro na with his friends.

    pero panalo ang napakainosenteng sinabi ni asher. ikaw na ang may katabi sa classroom na classmate! o ha!

    • wala kasing kalaro sa bahay kaya gusto palagi nasa labas. ito na yung chance niya para makahanap ng mga bagong friends.

      kapag tinatanong namin e, wala daw siya natutunan sa school pero gusto niya pa ding pumasok. hehe.

      buti sa amin di namin naranasan yan kay Asher yan nagtatantrums sa school, kasi nga gustong gusto na nasa labas.

      😀

      umiiyak nga yan kanina kasi suspended yung klase dahil sa bagyo. oha!

  3. Wow di halatang eksayted si Asher sa unang araw niya sa school. Nakakatuwa si Ate dahil sobrang supportive siya sa kanyang little bro! Naiyak ka siguro JC ano? aminin mo ahahaha.

  4. I can’t wait for my turn to blog about my daughter’s first day! Good job kay Asher! Hindi nagpadala sa 1st day funk!

  5. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s