Health and Fitness

Johnnie Walker: Keep Walking

Kamakailan lang, humigit kumulang mga dalawang daan at limampung milyong taon na nakakaraan, ang ating mundo ay walking distance lang. Kumabaga ang America, Europa, o Africa ay abot paa lamang ng sangkatauhan noong mga panahong iyon. Ang tinutukoy ko dito ay ang super-kontinenteng tinatawag na “Pangaea” na napagaralan mo na rin noong elementarya.

Samantala, isa sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan, bukod sa walang kamatayang katanungan na kung “ano ang nauna, itlog o manok?”, ay ang isa pang katanungan na kung “ano ang nauna, tao o dinosaur?” Isipin mo kung kasama ng mga ninuno nateng mga cro-magnon at java man ang mga dinosaur e, lalabas na araw-araw parang jurassic park ang buhay nila. Nakikipaghabulan sa mga Velociraptors at mga Tyranosaurus Rex para makahuli ng mga Elephant birds para sa hapunan. Pwede rin siguro na kinaibigan nila ang mga dinosaur para sakyan katulad ng ginawa ng mga characters sa cartoons na pinamagatang Dino-Riders.

Konting fast-forward sa future kung saan magkakahiwalay na ng kaunti ang mga ang mga kontinente e ginamit naman ng ating mga ninuno ang mga ice bridges para makatawid mula dulo ng Russia papuntang Alaska. Kaso matagal ng natunaw ang ice bridges na ito dahil na rin sa global warming kaya tuloy hindi na pwedeng lakarin ang magkabilang lupalop na ito dahil dagat na ang pagitan nila.

Sa huli, walang kinalaman ang mga nasa itaas ang post na ito…

Introduction

Bago pa lang ako makarating sa Chicago, na-eye-an ko na agad itong isang footwear sa internet. Yun nga lang e sa ibang bansa lang meron nito kaya hindi ako makabili kahit pa may pera ako (na sa totoong buhay ay wala). Kaya ayun, nakarating ako sa Chicago at ang kaibigan ko rin palang si Jayson e gusto rin bumili nun. Kaya noong isang beses pumunta kami sa isang specialty shop ng mga camping and outdoor stuffs (REI, as in kailangang dayuhin), sabay na kaming bumili ng sapatos na yun.

Vibram Fivefingers

So ang Vibram ay inimbento ng isang italyanong si Vitale Bramani. Ayon din sa Wikipedia, si Bramani rin ang sinasabing unang gumamit ng rubber soles para sa mga sapatos at una niya rin itong ikinabit sa mga sapatos na pambundok. So ang pinaka-latest ngayon na creation ng kumpanyang ito ay ang Fivefingers.

Frequently Asked Questions

Binayaran ka ba ng Vibram para i-post ang tungkol dito?

Ang blog na ito ay ad-free pero pwede ang sponsorship. Unfortunately, wala pang gumagawa noon. I am simply sharing passion lol.

Bakit ka bumili ng Fivefingers?

Naniniwala kasi ako sa quote na “I am not different, you are just all the same”. Lol. Wala lang. Gusto ko lang ng kakaiba. But don’t get me wrong. Hindi ko binili ito out of impulse. Nag-research din naman muna ako (like I always do).

Kumportable ba siyang suotin?

Sa madaling sagot: HINDI. Almost wala kasing cushion (foam sa talampakan) ang sapatos na ito kaya feel na feel mo ang lupa na tinatapakan mo. Isa pa, noong una pinagsisisihan ko ang pagbili nito kasi sumakit yung paa ko sa sandaling paggamit. Pero matapos mabasa ang ilan pang impormasyon tungkol dito, dapat pala e palitan ang paraan ng paglakad o pagtakbo mo. Ang tawag dito ay Barefoot Running.

Sa unang paggamit, kapag nakaramdam ng sakit sa paglalakad, agarang tigilan ang paggamit nito. Kumbaga, paunti-unti ang paga-adjust sa paggamit nito sa paglalakad. Kunyari una, 1 kilometer then 2 and so on hanggang  masanay ka.

Ano ba ang Barefoot Running?

Sa normal na sapatos, ang unang tumatama sa ground ay ang ating heels. Sa barefoot running, ang unang tumatama ay ang forefoot naten. See picture below.

Left: Normal Shoe Heel Striking. Right: Forefoot Striking.

Ayon din sa mga eksperto, mas less ang energy(effort) na ginagamit naten pagdating sa barefoot running kumpara sa normal na lakad na ginagawa natin. Sa pamamagitan ng barefoot running, ginagamit mo ang tamang muscle group para sa paglakad o pagtakbo kaya less strain sa ating legs.

 

Ano ba ang pino-promote ng sapatos na ito?

Simple lang ang gustong nilang mangyari: “Use the running technology you are born with”. Sabi nila, noong una pang panahon na hindi pa uso ang sapatos o kaya naman e balat lang ng kung anong hayop o dinosaur ang gamit ng tao na pansapin sa paa, e malayo na ang nararating ng sangkatauhan. Ibig sabihin, kahit wala tayong sapatos, pinanganak tayo na equipped ng natural biomechanics para maisagawa ito.

Magkano ang isang pair nito?

Around USD$110. Sabi ng kapatid ko, meron na daw dito sa ‘Pinas, Php 5,900.

Fact Sheet

Ang Maraming CONS ng Vibram Fivefingers

– Kailangan baguhin ang paraan ng paglakad na hindi kaagad-agad magagawa sa simula

– Hindi advisable sa mga concious sa paa, sapagkat magkakaroon ng mga kalyo dahil nga sa almost walang cushion. Well unless sa indoors mo siya gagamitin na flat o may carpet ang floors

– Dahil na nga rin sa para ka talagang walang sapatos, kailangan umiwas sa batong matalim at mga pakong nakausli kung saan. Kung manipis na bubog baka kaya pa, good luck na lang sa pako.

– Kapag mainit ang panahon at mainit ang aspalto na nilalakaran mo, parang iniihaw ang paa mo. Hehe.

– Kapag malamig naman, lalamigin din yung paa mo. Pero malabo na rin siguro yun dito kasi wala namang winter sa ‘Pinas.

– Hindi ‘daw’ pwede sa overweight (pressure on foot) at sa mga may problema sa paa (bones/muscles/arthritis).

Ang mga PROS na dahilan bakit ako bumili nito

+ Kakaiba. Kapag nagpupunta ako sa labas, nakatingin ang mga tao sa suot kong sapatos.

+ Masarap maglakad ng nakapaa. Kakaiba (lol).

+ Nakakatulong daw ito sa pagpapalakas ng leg muscles dahil ginagamit mo ng natural ang mga paa mo.

+ Light at madaling matuyo kapag nilabahan.

+ Breathable.

+ Reflectors for low lights

Ending Comments

No comment.

Advertisements

11 thoughts on “Johnnie Walker: Keep Walking

  1. + Kakaiba. Kapag nagpupunta ako sa labas, nakatingin ang mga tao sa suot kong sapatos.

    panalong reason mo ahhahah, oh di ba kakaiba =))

  2. akala ko dot com na kasi bago na naman ang layout o huli lang ako sa pagdalaw.
    maganda ang shoes maging ang purpose at feel na feel mo pang earth sa bawat apak mo xD
    maganda naman din kasi ang presyo.

    buti ka pa andyan na sa Pinas.

    JC Walker. xD

  3. “grabe naman yang sapatos na yan ang nipis naman tpos ang mahal” maggugupit na lng ako ng gulong ng sasakyan ahahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s