Health and Fitness / Life and Family

Sick Leave

Normal na sa akin ang mag-gym tuwing umaga pagkatapos ng trabaho. Kahit madalas puyat dahil sa pang-gabing shift, nasanay na rin ako na magworkout ng ganun.Kasi kung hindi naman nasa gym e, kasama ko ang mga ka-office ko na mag-badminton after work.

Hinatid ko si Asher sa bahay nila nanay kasi andun malapit yung school, isang sakay ng jeep mula sa amin. Matapos yun ay tinext ang kaibigan kong si Kitz na sa ngayon ay tinuturuan ko ng mga routines sa gym. Dala-dala ang pamalit na damit at isang 1.5L na Fit n’ Right, nagsimula na akong mag-stationary bike habang hinihintay si Kitz. Shoulders, biceps at abs ang tinira namin noon. Nakakapagod pero at the same time relaxing mag-gym. Matapos ang tatlong oras, natapos na din ang pagbubuhat namin.

Kasagsagan naman ng ulan ng dumating mula sa eskwelahan ang asawa ni Kitz na si Maricar na sinundo ang panganay nila sa school na inaanak ko naman. Inaanak ko na mga walong taon ko nang hindi nakikita (so malaki na ang utang ko). Matapos yun, naagpaalam naman ako sa kanila para sunduin si Asher kila nanay na tapos na pumasok sa nursery.

Normal na routine, pero iba yata ngayon…

(Pasintabi sa mga kumakain… Huwag ituloy ang pagbabasa.)

Paalis pa lang kami kila nanay, iba na ang feeling ko. Agad akong uminom ng Tums na gamot sa hyperacidity na padala galing sa U.S. Sa byahe pa lang sa jeep pauwi sa bahay namin, feeling ko hindi na ako aabot. Pagkadating ko sa bahay, dahil na rin sa matinding antok, nakatulog din ako agad. Nagising ako mga 5:30pm para magprepare para pumasok. Mas maaga kesa sa usual kasi dapat aattend ako sa farewell party ni Vince na future ex-officemate ko na bound for Singapore. Nakabihis na ako ng sabihin ko kay Jho na, “Hon, hindi ko talaga kayang pumasok”. Masakit ang katawan (na expected na dahil sa paggi-gym), nilalamig ang buong katawang (maaring dahil sa naulanan) at kumakalam ang sikmura (dahil siguro sa Fit n’ Right).

Bumalik ulit ako sa kama at nasa sulok lang ng ilang sandali ay nakatulog ng muli. Dumating ang 9:30 ng gabi. Katabi ko sa higaan ang mag-iina na naggagawa ng assignment ni Joy. Si Asher naman nakaupo lang kasama nila.

Ang mga sumusunod ay hango sa kwento ni Jho:

“Bumangon ka hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo. Kinakabahan na ako. Akala ko magkaka-heart attack ka na. Sabi mo nahihirapan ka huminga tapos sinabi mo sumasakit yung dibdib mo. Tapos nun nakita ko parang masusuka ka na. Pinilit kitang bumangon para sa CR na ilabas pero ayaw mong tumayo. Sinabihan ko agad sila Asher at Joy na umalis na sa kama. E kaso ayaw pang gumalaw. Ayun ang lakas ng pagsuka mo, tinamaan sa ulo si Asher na tumulo na din sa katawan niya. Sinubukan mo tumayo pero sumuka ka ulit sa gilid ng kama. Sa huli tumayo ka na at sumuka na naman sa lababo. Si Asher naghi-hysterical na sa nangyayari. Parang nagka-phobia. Nang papaliguan na sa banyo ayun pati siya nasuka na din. Ikaw ba naman maligo sa suka. Yung kokonting kinain mong nilagang baka isinuka mo, naging corned beef. Saka lahat ng suka mo kulay pink (Fit n’ Right Watermelon).”

Pagod + Puyat + Ulan + Fit n’ Right (na baka expired) = Sick Leave.

Advertisements

9 thoughts on “Sick Leave

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s