Life and Family / Personal Musings

Oh Not Again!

Kaninang Umaga

Sumakay ako sa bus na byaheng Monumento pauwi mula sa trabaho. Pansamatalang tumila ang walang tigil na ulan kaninang umaga sa Ayala Avenue Corner Rufino Street (formerly Herrera). Pagkaupo pa lang sa bus, dinalaw na agad ako ng antok mula sa pang-gabing shift at nagbabantang trangkaso (na sana hindi) dahil sa pagkabasa sa malakas na ulan noong kinagabihang papasok ako. Gusto ko pa sana mag-PSP para maglaro ng Monster Hunter Freedom Unite kaso feeling ko mabibitawan ko lang, katulad ng hawak kong 50 pesos sa kamay ko. Ang tagal kasi ng konduktor mangolekta ng mga bayad sa mga pasahero sa unahang bahagi ng bus at ako naman parang naka-drugs at pinipigilang bumagsak ang mga mata sabay pagpinid ng mga kamay sa hawak na pera. Pagkadating ng kundoktor at pagkaabot ng bayad, Bang! Tulog na ako.

Noong kakagaling ko sa Chicago, sumakay ako sa bus pero nakalimutan ko kung saan nga ba ako bumababa. Ang tanging naaalala ko lang e magkatunog yung lugar na binababaan ng nakakasabay kong mga kaofficemate. Bumamaba sila sa Farmers (Cubao). Isip isip. Far… far… hindi naman farview… hmmm… alam ko na! PARAMOUNT (nasa gitna ng SM North at Trinoma). Inabot ata ako ng mga dalawang minuto bago ko nakuha yung sagot nung nasa bus ako.

Nagising ako bandang Boni Avenue. May katabi na pala ako na isang lalaki. Normal lang. Napalingon ako sa paligid ng bus para malaman na hindi ata ‘normal’ itong katabi ko. Natutulog din kasi itong si manong. Ang kaibahan lang, super lean sa akin si kuya (parang syota lang). At isa pa, marami na palang bakanteng upuan sa harapang bahagi ng bus. Ako kasi (at alam kong kayo rin), kapag maluwag na yung ibang upuan e lumilipat ako doon. Mas ok rin na walang katabi (unless chicks?!). Iba na pakiramdam ko.

Tinignan ko ang hilatsa ng mukha ni kuya manong. Mga nasa 35 taong gulang. Mas maitim pa ata ng kutis niya sa kutis ng isang construction worker na bilad sa araw. Napadilat si kuya manong at tumambad ng parang dark yellowish niyang eyeballs. Di ko alam kung may Hepa, naka-drugs o normal na ito sa taong ito. Balik pikit si kuya manong. Nagtutulog-tulugan.

Naupo ko ng maayos. Feeling ko siksikan ang bus pero sa totoo maraming bakanteng upuan. Nagkunwari akong natutulog at pumuwesto na nakaplasta sa upuan ng aircon na bus. Mas matangakad ako kay kuya kaya hindi niya napansin na posturang natutulog ako pero ang totoo nakadilat ng mata ko. Nahaharangan din kasi ng suot niyang baseball cap ang kanyang view patingin sa mukha ko. Ang sumbrero ring ito ang nagpadagdag ng pagdududa ko sa taong ito. Kaunti pa, sa pag-aakalang tulog ako, dumilat si kuya para sumilip sa tagiliran ko. Gilid ba ng bag ko o kaliwang bulsa ko ang tinitignan niya e hindi ko alam. Iba si kuya.

Tumingin ako sa paligid muli. Tinignan kung me kasama itong si kuya. Parang wala pero hindi ako sigurado. Hindi na ako nagkunwari nagtutulog pa. Hinanda ko na lang ang sarili kung anong next episode. Binukas ni kuya ng zipper ng suot niyang laspag na jacket at may dinukot na kung ano. Bigla ko naman tinaasan ng alertness at senses ko. Paglabas ng something e cellphone pala. Sign of relief pero hindi ko pa rin binaba ang guard ko. Lilipat na lang sana ako ng upuan ng magbabaan naman ang iba pang pasahero sa bandang iyon sa Robinson’s Galleria. Lumipat na lang si kuya manong ng upuan sa katapat na hilera. Mission failed ata.

Sa huli, hindi ko hinuhusgahan ang taong ito base sa itsura niya o ano. Pero masasabi ko na nasa 80% e masama ang balak nito. Kaya ingat po tayo.

Thou Shall Not Kill

Para sa akin mapapatawad ko pa rin siguro ang isang taong nagnakaw dahil sa kahirapan. Madalas kasi ito ang rason ng mga guamagawa ng mga kung anu anong petty crimes kung saan saan. Pero siyempre foul yun. Hindi naman naten pinulot lang kung saan ang mga bagay bagay at pera na makukuha nila sa aten. Pinaghirapan din naten ito para makuha lang ng ganun ganun ng mga gagong iyon.

Kahit papaano may pananampalataya pa rin ako sa Diyos. Pero kung dadating ang panahon na aabot ako sa isang sitwasyon na manganganib ang buhay ko sa ganitong pagkakataon, hindi ako magdadalawang isip na pumatay ng tao. Foul ang magnakaw o mangholdap ng isang bagay na pinaghirapan ng iba. Pero yung kukunin mo yung buhay nila para makuha ang kotse, cellphone o pera nila; iba na yun. Walang puso ang mga ganung tao. Tsk tsk tsk.

Stay safe people.

Bakit nga pala “Not Again”? Pindutin lang itong link na ito.

Advertisements

5 thoughts on “Oh Not Again!

  1. naku sa stay ko dito sa manila eh dalawang beses na kong muntik muntikanan nang madukutan..parehong paauwi galing sa work at jeep ang aking sinasakyan… HIndi ko alam kung weirdo ako pero sa dalawang sitwasyon na ito eh kalamadong kalmado ako, para bang magtatakot pa yung mandurukot..hahaha

  2. Nakatulog ako isang beses sa bus (byaheng cavite nung pansamantalang tumira ako dun). Leche, na-iskoba ako. Pera (bagong sahod pa naman), atm, IDs, LAHAT! Tinirhan naman ako ng pamasahe (may good manners pa, lol). Major hassle talaga. Umabot ako sa bahay ng piso na lang pera ko. Walang atm o id. My kuya had to drive all the way to my house in cavite to loan me some money to tide me over.

  3. Naniniwala naman akong hindi ka mapanghusga base sa itsura ng isang tao. Malakas ang pakiramdam ko na may masamang balak yung mama base sa description mo LOL!

    Tsk kailangan talaga ang masusing pag iingat sa panahon ngayon, hindi na safe kahit saan.

  4. baka naman muka lang talagang goon si kuya, ser. lol! pero tama ka nga ser, sa panahon ngayon, kelangang alerto 24 oras. ingats peeps!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s