Humor / Life and Family

Buntis Ako

Nasa hospital ako kasama ang asawa kong si Jonalyn. Magkakaroon na kami ng pangatlong anak. Hindi planado ang pagbubuntis na ito. Pero parang may mali. Pinahiga ako ng mga nurse at nung babaeng doctor sa kama na may bakal na pang-suporta sa hita. Nagulat na lang ako na may kalakihan ang tiyan ko.

Ako pala yung buntis!

Nagkakagulo na sa delivery room dahil sa pagkalito ko. Ganun na lang ang biglang pagturok sa likod ko ng anesthesia. Tinurukan din ang iba pang parte ng katawan ko pati na rin sa bandang tiyan.

Nawalan na ako ng malay.

Naramdaman ko na lang na parang binibiyak na yung tiyan ko. Yun lang hindi sa gitna kundi sa magkabilang gilid tapos pinagdugtong ng isang horizontal na hiwa parang letter C ng calculator pero patuwad. Mga flashes lang ang nakikita ko. Nakita ko na lang na tinatanggalan ng fats ang loob na pinaghiwaan na tiyan ni doktora. Parang ito yung usapan namin noong isang araw over lunch (12mn) sa opisina tungkol sa pagpapapayat at liposuction. Bigla niya itong hinila pero walang sakit siguro dahil sa anesthesia. Hindi lang fats pero may kasama atang muscles kasi kulay steak yung lumabas. Nakatulog ako ulit.

Nagising na lang ako ng makita si Jho na nakaupo sa labas ng delivery room. May sakit pang nararamdaman dahil na rin sa may kalakihang sugat na nagdudugo pa ng kaunti. Hawak ko ang suot na srub para hindi sumayad sa naturang sugat. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Agad kong tinanong ito: “Ano yung anak naten? Lalake o babae?”. “Lalake”, sabi niya sabay pakita sa akin ng isang sanggol na kalung-kalong niya sa kanyang mga bisig.

Nagising ako ulit. Ito pala ang epekto ng walong oras na straight na pagtulog.

Advertisements

10 thoughts on “Buntis Ako

  1. mabuti at malinaw mong naaalala ang panaginip mo, ser. ako kasi, alam kong nanaginip ako pero di pukang amang detalye, hindi ko maalala. huwag ugaliing hindi matulog. it’s not good for the health. XD

    • ang tip daw sa hindi nakakaalala ng mga panaginip e, maglagay ng papel at bolpen sa tabi ng higaan. ganun din ako madalas short term nakakalimutan agad yung panaginip. ewan ko bakit ganito this time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s