Humor / Life and Family

It’s Fried Day

Ngayong araw na ito e hindi munggo ang ulam namin kung hindi pritong baboy kasi nga it’s Fried Day lol. Dahil na rin sa dinner na ito e nakalimutan ko ata na tuwing Friday e super trapik kesa sa ibang araw ng linggo. Ang isa pa rin dahilan e ang pagse-Sale (na mahal pa din) ngayon ng SM North na dinadaanan ng FX papuntang MRT papasok ng opisina. Ang bottomline lang e, LATE na naman ako kanina.

Pero hindi ako nag-iisa sapagkat yung mga lagi kong nakakasabay sa biyahe na hindi ko naman kakilala pero namumukaan ko dahil nga lagi kong silang nakakasabay tuwing nakakasabay ko sila. Kung late ako, malamang late din sila. Yung dalawa pang nakasabay ko sa fx na nagku-kwentuhan sa pagka-late nila e sinisisi pa ang 3-Day Sale sa SM kung bakit sila na-late.

Pero ang post na ito ay hindi talaga tungkol sa pagka-late ko at pagka-late din ng mga nakakasabay ko…

Ito ay tungkol sa isang lalake at isang babae na nakasabay ko kanina sa MRT na itatago na lang naten sa pangalang Mr. GSM at Ms. SSC.

Hindi ito ang unang pagkakataon kong makasabay si Mr. GSM. Actually, palagi. Kaya kung sa mukha lang din, kilalang kilala ko na siya. Ang totoo, mas madalas ko siyang nakakasabay kapag late ako. So kapag nakakasabay ko si kuya, malamang late ako. Isang beses kasi, sa FX na mula Buendia papuntang Ayala avenue, nakatapat ko siya sa upuan sa bandang likuran ng sasakyan. Bawat tigil ng Fx dahil sa mga sasakyan sa harap nito o kaya naman pag-pula ng mga stoplight sa daanan e parang waterfalls na ang bibig ni kuya at bumubuhos ng mura patama sa nangyayari sa buhay niya sa pagkakataon na iyon.

“Putang ina naman, ang bobo ng driver!”
“Gago naabutan pa ng traffic light!”
“Tang ina late na naman ako neto e!”

Galit sa mundo si kuya ‘GSM’. Kulang na lang e magwala siya sa loob ng FX. Kapag ako nale-late, easy lang ako. Wala akong sinisising ibang tao o pangyayari kasi ang puno’t dulo pa rin naman ng pagka-late ng isang tao e ang kanyang sarili. Hindi ko alam kung anong problema niya sa buhay. Uulitin ko, ang post na ito ay hindi tungkol sa pagka-late.

Kanina sa MRT, pabukas pa lang ng mga pintuan ng tren na ito, siksikan na ang mga tao. Ganito talaga kapag may mga nauunang tren na hindi nagsasakay. Kumbaga kapag maluwag pa ang dami ng mga tao, meron pa silang disiplina. Pero bawat tren na lalagpas at hindi magsasakay, nababawasan ng ilang porsyento (mga 30%) ang disiplina ng mga taong nag-aabang sa tren. Isipin mo na lang kung tatlong tren ang lumagpas ang hindi nagsakay, 10% na lang ang disiplina ng mga nagsisiksikan na pasahero. Yun yung kaso kanina.

Buti na lang nasa medyo bandang harapan ako ng pabukas na pinto kaya kahit papaano e hindi ako masyadong na boxed out. Hindi naman ako nag-aalala sa sarili ko (bukod sa mandurukot), kundi sa mga babaeng o matatandang maaaring maipit sa ganitong sitwasyon. Nilalagay ko rin ang mga kamay ko sa harap at nakalapat sa dibdib, baka kasi makapagkamalan akong mandurukot o kaya manananching.

Natapos ang labanan ng siksikan at doon ako pumuwesto sa parte ng MRT kung saan nagdudugtong ang dalawang car ng tren. Ito yung parteng maiinit dahil walang aircon at dahil pumapasok ang steam mula sa kung saan makinarya mayroon ang tren. Hinugot ko ang PSP mula sa bag at naglaro ng Valkyria Chronicles 2.

Makailang istasyon e, napansin kong may pumuwesto sa harap ko na patalikod sa akin. Isang babae. Siya si Ms. SSC. Kahit nakatalikod e masisilayan mo na may kagandahan si ate tuwing suma-side view siya. Napasipat tuloy ako sa kabuuan ng pagkatao niya ng tignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi lang siya maganda, may kaseksihan din siya. Kung bibigyan ko siya ng grade, mga 8.59671 over 10 ang iskor niya. May plus iskor pa sana kaso hindi ko nakita kung may kinabukasan siya dahil nga nakatalikod siya. Kung ganun man, pwede na siyang lumabas sa FHM Girls Next Door. Super Sexy Chick.

Hindi ko masyadong pinansin si Ms.SSC. Ang problema, nakatalikod siya pero atras naman siya ng atras pa punta sa harap ko. Habang hawak ko tuloy ang PSP, napupunta naman ang kanyang silky straight hair na naka-pony tail sa kamay ko. Hmmmm.

Maya-maya napansin kong andun din pala na katabi niyang nakatayo si Mr. GSM na nananatiling nakahawak sa mga safety hand rails. Hindi ko nai-kwento na may itsura rin si kuya. Bandang Ortigas station, may bumabang pasahero na kamakailan lang e nakaupo. Ito na ang climax ng story.

Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng pagkakataon si Mr. GSM. Inaya niya si Ms. SSC na umupo sa nabakanteng upuan. Tumanggi naman si ate dahil malapit na rin naman din daw siyang bumaba. Sa maliit na usapan na ito napansin ni kuya ang kagandahan ni ate. Napatitig siya dito ng mga mahigit limang segundo. Kung ang isang segundo ay ‘sulyap’ at ang tatlo naman e ‘paghanga’, malamang ang mahigit limang segundo ay maaaring kamanyakan.

Ito na ang conclusion…

Humirit na si kuya ng isang matinding banat na pick-up line.
GSM: Miss, saan ka nagta-trabaho?
SSC: BAKIT?

(nalaglag ang panga ko sa dating ng pagsagot ni ate. buti na lang napigilan kong tumawa)

GSM: Gusto ko lang malaman. I just wanted to ask (bumanat ng kolzenner accent)
SSC: (Bumilang ng ilang segundo pa at sinagot din niya) Mandaluyong.
GSM: Sykes?
SSC: Hindi.

Pagdating ng Boni avenue station, bumaba na si ate.

Ang moral ng story: Hindi lahat ng bagay nadadaan sa kagwapuhan. Gumawa kaya ako ng post tungkol sa pagdiskarte. lol.

Advertisements

17 thoughts on “It’s Fried Day

  1. Kanina ko pa iniisip ang GSM, malayo naman sa Juan Carlos Lacbay Elorde. xD
    Mas matuturn off si Ms kay Mr GSM kung kasabay niya sa FX na nagmumura.

  2. Pingback: Perfume Orgynization « The Cats are falling! :3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s