TV and Movies

Kwentong Ka-Horny-han

Isang eksena kaninang umaga…
Ako: Pasundo na lang si Joy sa school mamaya kasi aalis kami.
Bro: Bakit saan kayo pupunta?
Ako: Sa SM Fairview.
Bro: Bakit? Manonood kayo ng Harry Potter noh.
Ako: Oo bakit.
Bro: Napanood mo na ba yung Deathly Hallows part 1?
Ako: Hindi, yung part 4, 5, at 6 nga hindi ko rin napanood e.
Bro: E bakit manonood ka pa hindi mo rin maiintindihan?
Ako: Sasamahan ko lang si Jho.


Pumunta kami sa SM Fairview kanina. At siyempre dahil workdays, wala pa akong matinong tulog. Mas malayo ang SM Fairview kung tutuusin kesa sa SM North at SM Novaliches mula sa amin pero dito namin napilitan pumunta dahil na rin sa kailangan ko nang mapalitan ang depektibong installer ng Dragon Age 2 na ikatlong araw na ngayon (na sakop lang ng three days return policy). Kinita din namin yung best friend ni Jho na magbibigay sa kanya ng bayad sa mga pinabentang wallets, perfumes, lipsticks at kung anu-ano pa. Kung mag-i-inquire ka sa mga ito ngayon e out of stock na kaya next time na lang.

May isang oras pa bago magsimula ang 1:40 pm na screening ng Harry Potter sa Cinema 10 kaya ni-treat muna namin si Ritza na best ni Jho sa Starbucks. Dahil na rin sa napahabang kwentuhan tungkol sa eyebags at cheekbones e na-late kami ng limang minuto sa pelikula. Nanood na kami ng sine tapos si Ritza pumunta sa Department Store.

Pagpasok sa sinehan e akala ko commercial pa lang pero simula na pala. Hindi ko alam ang nangyayari sa palabas at alam mo na siguro kung bakit. Kaunting minuto pa lang, alam na. Nakatulog na ako.

Sulit naman ang 160 pieces na binayad sa sine dahil maayos naman ang tulog ko. Tae lang kasi nagigising ako sa ginaw ng aircon na nakatapat sa amin dahil sa gilid na kame nakapwesto. Isang beses din e tinuhod ni Jho ang tuhod ko dahil napapalakas na daw ang hilik ko at nagising ako dahil doon.

Ang napanood ko lang bale e yung umpisa (na late ng five minutes), konting gitna, at yung patapos na. Pero kahit ganoon e mayroon akong mga katanungan na nasa ibaba:

1. Bakit noong kinuha ni Harry ang luha noong lalaking hindi ko kilala e parang isang patak lang pero noong inilagay niya ito sa isang plangganang lumilipad e naging 10mL?

2. May tali ba ang salamin ni Harry kaya noong nalaglag sila mula sa puting malnoris na Dragon pabagsak ng dagat e hindi ito natanggal?

3. Kung nakakapagteleport naman pala sila e bakit hindi hila ito ginawa noong na-trap sila sa ilalim ng bankong may kweba na puno ng mga pandak na bank tellers?

4. Sa tingin mo, nakikita mo bang bukod sa artistang gumanap kay Hermoine, may future acting career pa kaya si Harry, yung sidekick niyang di ko alam ang pangalan at si Malfoy gayong nawala na yung ka-cute-an nila kumapara noong mas bata sila sa Horny Potter series?

5. Tulog kaya ako noong mga pnahong pinapakita ang mga eksena kaya hindi ko nakita ang paglaladlad ni Dumbledore?

6. Totoo bang mayroon train station 9 and 3/4?

7. Sa totoong buhay ba may magic talaga? Humawak ka na ba ng isang naputol na sanga ng puno at inisip na pwede moong pawalain ang isang bagay?

8. Sa tingin mo dapat ko nang tapusin ang kahibangan na ito?

ANS: Oo. Bye.

Advertisements

19 thoughts on “Kwentong Ka-Horny-han

  1. Haha… pareho tayo pare. I tried reading the book, first chapter pa lang ng first book hindi ko na ma-ituloy. A little too juvenile for me. Pati sa movie, wala akong nabuo kahit isa. Pag napilitan dahil may kasama akong bata, tulog din ako, 😀

  2. Palagay ko may career naman pa si Harry.

    Hindi pa rin ako nanunood. Ikaw na ang tulog. Ikaw lamang yata ang nagsabi niyan. Yong iba, mangiyak-ngiyak pa dahil tapos na ang makasaysayang Harry Potter.

  3. hahahaha nakakatuwa ang entry mo na ito ser. nasubaybayan ko ang movie series pero yung book wala pa akong nababasa. basta ako gusto ko yung 9 and 3/4 station, parang yun kasi ang harry potter insignia.

    sulit talaga ang 160 para sa panaka-nakang panonood at larga-largang pagtulog, ikaw na ser!

  4. tuesday pa lng ng tanghali nagpabook na ako dahil ang showing d2 ay thursday night @ 9:30pm nagmamadali akong umuwi at pagdating ko sa sinehan na limang tumbling mula sa bahay ko at ito ang sinabi sakin nong babae” naku mam friday pa ang booking nyo @ 1:20pm po” pagkatapos kong umbagin ang babae umuwi akong walang konsyensya 🙂

    book 7 ang nabasa ko 🙂 naiyak ako sa mga palitan ng salita at sa kabilang banda nalungkot ako dahil natapos ang movie series na ito na wala parin akong kasamang manood:-(

  5. Wahahahaha. Hello Cheese. Long time no see. Naguguluhan pa din ako kung sino ka at sino ang asawa mo dito sa blog na toh. Hahahaha. Pero anyway natawa naman ako sa post na toh kase nung napanuod ko naman yung PART 1 eh wala naman akong paki kahit di ko napanuod lahat. Pinanuod ko lang kase gusto kong kabonding talaga mga pinsan ko. NIyahahaha…

    medjo napaisip ako, pero baka kaya ganun mga eksena kase sabi nung libro, o pwede rin na sabi nung direktor… para daw may kwento… hahaha 🙂

  6. bwahahahaha! tawa ako ng tawa sa mga tanong niyo ser. bilang isang masugid na hp diehard, pipilitin kong sagutin ang mga katanungan:

    1. Bakit noong kinuha ni Harry ang luha noong lalaking hindi ko kilala e parang isang patak lang pero noong inilagay niya ito sa isang plangganang lumilipad e naging 10mL?
    – ‘yung luha na hinugot galing kay snape (oo, severus snape ang pangalan nung lalaking hindi mo kilala, ser. hehe!) eh memories na pwedeng makita sa pensieve (plangganang lumilipad.) muka lang 10mL kasi alanganing liquid-alanganing solid ‘yun kaya hindi alam kung asoge na ba ‘yun o hangin o tubig na hangin na ewan lang. lol!

    2. May tali ba ang salamin ni Harry kaya noong nalaglag sila mula sa puting malnoris na Dragon pabagsak ng dagat e hindi ito natanggal?
    – sabi ni direk, wag na lang daw tanggalin kasi dyahe naman daw kung masasayang pa ang isang minuto para ipakitang aayusin-ilalagay ule ni harry sa mata niya ‘yung salamin. para lang ‘yang chikababe dun sa transformers na nakailang tilapon-patihulog na sa kung saan-saang building eh wala pa ring galos at medyo maputi pa rin ang suot na puting damit. haha! ‘yung dragon naman kaya malnoris kasi ilang taon nang hindi nasisikatan ng araw sa bangko.

    3. Kung nakakapagteleport naman pala sila e bakit hindi hila ito ginawa noong na-trap sila sa ilalim ng bankong may kweba na puno ng mga pandak na bank tellers?
    – hindi pwede ang magic sa ilalim ng bankong may kweba na puno ng mga pandak na bank tellers kaya hindi sila pwedeng mag-teleport. XD

    4. Sa tingin mo, nakikita mo bang bukod sa artistang gumanap kay Hermoine, may future acting career pa kaya si Harry, yung sidekick niyang di ko alam ang pangalan at si Malfoy gayong nawala na yung ka-cute-an nila kumapara noong mas bata sila sa Horny Potter series?
    – tingin ko meron namang magtiya-tiyaga para kunin sila sa iba pang project sa hollywood. si tom cruise nga na walang facial expression andami-daming pelikula, sila pa kayang mukang spongebob squarepants. XD

    5. Tulog kaya ako noong mga pnahong pinapakita ang mga eksena kaya hindi ko nakita ang paglaladlad ni Dumbledore?
    – hindi kasama sa movie ang kwentong kabaklaan ni dumbledore. ang totoo niyan, kahit sa libro mismo, irrelevant ang pagkabakla ni dumbledore. nalaman lang ng lahat ang paglaladlad niya nung sinabi ni rowling na bakla nga siya sa mga book reading discussions na inattendan niyan.

    6. Totoo bang mayroon train station 9 and 3/4?
    – wala. fiction lang daw kasi ‘yun. hehe.

    7. Sa totoong buhay ba may magic talaga? Humawak ka na ba ng isang naputol na sanga ng puno at inisip na pwede moong pawalain ang isang bagay?
    – wala, pero masarap isiping kahit sa pagbabasa man lang ng libro eh maka-experience ka ng konting magic. geek kasi ako kaya etong pagbabasa ng mga ganitong libro, eto ang nagiging stress-reliever ko sa kung anu-anong shit ng buhay ko. hehe.

    8. Sa tingin mo dapat ko nang tapusin ang kahibangan na ito? hindi naman. kwela nga ‘tong post na ‘to eh. at talagang pinatulan ko ang kung anu-anong shit niyo, ser. lol! \m/

    • panalo sa comment hehe. talagang harry potter fan. hindi ako masyadong nagbabasa ng libro pero meron akong mga novels na fantasy.

      pero may follow-up question ako sa number 3:

      e bakit yung mga security guard na imbes shotgun ang hawak e magic stick din, tinitira ng ‘magic’ missiles sila harry trio. dahil ba ito nabasa sila noong magic waterfalls?

  7. Kailan ko yatang ulit-ulitin na walang pag asa na mapanood ko ang Harry Potter dito sa kinatitirikan ko, mayroon nagbigay ng copy pero sobrang dilim naman hahaha.

    Ala eh binasa ko lang ang koment ni Lio eh parang napanood ko na yung movie hahaha. Lio dyuk lang!! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s