Life and Family / Personal Musings

Payong Kaibigan (Happy and Funny Part 3)

Dun sa mga nakabasa ng istorya na nailathala dito maraming panahon na ang nakakalilipas, pasensiya at hindi na ako nakapag-update tungkol sa isa sa mga real life story na na-post sa blog na ito. Ito yung tungkol sa mga kaibigan ko.

Sa mga hindi nakasubaybay at gusto magkaroon ng background sa story na ito, i-click lamang ang mga link sa ibaba:

Part 1: Pag-ibig: Sa Pamilya, Sa Kaibigan, at Sa Sarili

Part 2: Untitled

Salamat sa mga prayers ninyo at magaling na si Happy. Maayos naman siya ngayon. Balik sa normal ang mga buhay buhay. Sana.

Nagka-kwentuhan kami ni Funny kagabi. Naikwento niya na dahil sa asaran sa facebook e naisipan niyang dalawin si Happy at Dwinny sa lugar nila. Medyo surprise visit ito kaya ito nakita niya ang mga dapat niyang makita.

Si Dwinny daw, six weeks na nakatira kila Happy. Pinalayas daw kasi ng mga magulang. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan pero malamang dahil ito sa kawalan niya ng trabaho ng matagal na panahon. Si Happy naman, wala na namang trabaho. Hindi daw kasi nakapasa sa training doon sa call center na pinasukan niya. Ayos na sana kahit makitira sa kanila si Dwinny e kaso wala rin trabaho si Happy para saluhin siya. Ibig sabihin, kailangan nila makisama sa kapatid niyang si Bumbay.

Dala na ng marahil ng swerte kung bakit ako nasa posisyon ko ngayon. Sa aming apat, ako yung pinaka-stable ayon kay Funny. Oo totoo pero hindi naman lahat ng nangyari sa akin e dahil sa ‘swerte’ lang. Pinaghirapan ko rin naman at marami akong pinagdaanan bago ito marating. Hindi ko masisisi si Dwinny sa hirap makakuha ng trabaho lalo’t hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Pero kay Happy, na feeling ko nade-depress dahil sa laging pagkaalis sa trabaho, isa lang ang masasabi ko.

“Alam ko na mahirap ng makahanap ng trabaho. Parang buhay lang din yan. May ups and down. Dun sa mga down times, ang kailangan lang e learn from those mistakes. Hindi ko alam kung ano yung partikular na dahilan bakit ka naaalis. Suspetsa ko, may kinalaman ito sa personal life mo.”

Mahigit sampung taon na ata ang larong Ragnarok. Ilang taon na rin itong LAOS. Paminsan-minsan, naglalaro pa rin ako nito pero pang-super casual lang. Pero kung ang paglalaro mo e ito ang epekto:

1. Maglaro halos bawat oras ng buhay mo. Kung hindi ka naman nakaharap sa computer, umaandar ang mga ragnarok bots mo.

2. Pabayaan at iwan ang pamilya (asawa at dalawang anak).

3. Mag-asawa (live-in) muli at gumawa ng anak. Pabayaan at iwan ulit sila.

4. Mag-asawa (live-in din malamang) sa ikatlong pagkakataon. Gumawa ulit ng anak. Ito ay kasalukuyan kaya hindi ko alam kung ano next event.

5. Huwag mag-trabaho. Umasa sa padala ng magulang galing sa ibang bansa.

6. Gastusin ang lahat ng pera pang laro ng Ragnarok. Ilibre ang buong guild sa renta sa shop. Gamitin ang pera na padala ng magulang.

7. Kapag naubos ang pera, gamitin ang pera ng kapatid na pang-tuition sa eskwela kasama ng baon niya.

8. Dahil walang pera, pakainin ang pamiya ng mga canned goods at instant noodles. Yung mga katulong, huwag nang pakainin.

9. Sa mga panahong tinatamad magpa-level, gumamit ng shabu. Idamay din yun kapatid dito na wala siyang pahintulot.

10. Dahil walang trabaho ang kapatid mo, gawin mo siyang katulong sa bahay. Lumalabas kasi na umaasa siya sa iyo. Pero diba para ata sa inyong dalawa ang pera na padala ng nanay ninyo.

~( o_O)~

Kupal ka Babsy. Lagpas trenta anyos kana pero wala pa ring pagbabago ang buhay mo. Oo hari ka sa larong kinaadikan mo ng maraming taon. Kaya bumagsak ang guild na pinangungunahan mo kasi yung taong nakaupo sa likod ng monitor e bulok sa totoong buhay. Nakapalakas mo sa Ragnarok. Ang problema, kabaligtaran ito sa taong kumokontrol nito. Wala kang kwentang tao. Tahasan kong sasabihin na wala rin kwenta ang mga taong nakadikit sa iyo. Umaasa sa libre at ni hindi ka man lang masabihan kahit alam nila ang totoong sitwasyon. Malamang hindi kaibigan ang tawag sa mga ganung tao. Leeches.

Happy, matagal na namin sinasabi sa iyo ni Funny. Umalis kana sa palubog na buhay ni Babsy. Alam namin na umaasa ka pang magbabago yan. Pero para sa amin, wala na pag-asa yan. Mauuna pa pumuti si Michael Jackson. Magbagong buhay ka na lang mag-isa. Saka lang matututo yan kapag wala ka na o kaya magkasakit siya sa kakapuyat o mawalan kayo ng kabuhayan. Handa akong tumulong sa makakaya ko sa inyo ni Dwinny.

Mamaya pupunta kami sa inyo para sa isa ulit na surprise visit. Huwag mo na kami i-entertain na pumasok sa inyo baka kung ano lang magawa ko kay Babsy. Isipin mo na lang dati hindi ako naggi-gym, ngayon naggi-gym na. Si Jonalyn, high blood din.

PS: Kung current o ex-player ng Ragnarok, maaaring kilala mo ang Majesty Guild. Alam na.

Advertisements

5 thoughts on “Payong Kaibigan (Happy and Funny Part 3)

  1. Naisip ko wala na ngang pera may katulong pa para hindi pakainin. Sa bandang huli, yung kapatid pala yung katulong. Tsk. Tsk.

    Walang patutunguhan yung mga ganyang nilalang. Kababasa ko lang sa Yahoo News yung namatay dahil sa kalalaro ng XBOX.

  2. hahahaha dati naglalaro din ako ng ragnarok. si boyfriend kasi adik. hindi pumapasok makalaro lang at nag all nighter pa. hahaha! pero ngayon hindi na kami naglalaro, kahit casual-casual wala na, pero tama ka, ibang klase talaga ang epekto nito!

  3. naiinis talaga ‘ko sa mga ganiyang klase ng tao. kelalaki ng katawan, ayaw magbanat ng buto. baka tinubuan na ng sangkatutak na libag ‘yang yagbols ni babsy sa katamaran.

  4. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

  5. Pingback: First Day: Ten Things You Wanted to Say to Ten Different People | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s