News and Information

Nang Mamasyal sa SM si Ate

Nagbabagang Balita

May isang misis na kamakailan ay pinatay ang kanyang mister matapos itong sumama sa isang babae. Ang krimen ay naganap mismo sa loob ng SM North Edsa. Bukod sa mister ng babae, may nadamay pang isang gwardiya matapos pigilan nito ang pagpapakamatay ng babae matapos maisagawa ang paghihiganti sa asawa. Ang mister at ang nasabing guwardiya ay parehas deads. Si babae ayun bagsak sa kulungan dahil sa bigong pagtakas sa kabilang buhay.

Si Ate at si Kuya

Kung hindi mo pa alam ang balitang ito, pumunta ka dito.

Ang Moral ng Story

1. Huwag magmahal ng sobra. Minsan hindi mo alam kung anong magagawa mo dahil sa sobrang pagmamahal. Yung iba nagpapakamatay. Yung iba naman pumapatay. This time, double kill.

2. Huwag mambabae kung alam ni misis o gelpren kung saan ka nagtatrabaho. Joke. Basta huwag mambabae. Pwede kung hindi mahuhuli. Joke ulit.

3. Kung hindi talaga maiwasan ang pagkakaroon ng babae, huwag itigil ang sustento para sa (mga) anak. Ito daw ang dahilan kung bakit nag-SM si ate.

4. Tumingin muna sa salamin. May itsura naman si ate. Kung tinignan muna niya ang kanyang sarili bago siya nag-SM, maiiisip niya na maganda naman siya at hindi pa ito ang katapusan ng kanyang love life.

5. Makipagkaibigan both sa Facebook at sa totoong buhay. Ayon sa survey, mas friendly daw ang mga taong may Facebook account. Sa katotohanang iyan, marahil nailabas muna ni ate ang kanyang mga sama ng loob sa ibang tao at napayuhan ng maayos upang hindi na humantong sa pamamasyal niya sa SM North.

6. Wala naman problema magpakapkap sa mga guwardiya at pasilip ng laman ng bag. Ang problema, hindi naman nila alam kung ano ang mga hinahanap nilang bawal makapasok sa isang mataong lugar. Para sa akin, kahit isang oras pa bawat isang taong pumapasok sa mga ganitong lugar ang itatagal ng inspeksyon basta nagagawa ito ng tama at consistent.

7. Dahil sa pangyayaring ito, malamang yung number 4 e effective immediately. After a few months, balik yan sa dating gawi. Sigurado ding sibak yung mga guwardiyang nagpapasok kay ate sa mall. Pero dapat hindi, management ang dapat sisihin diyan.

8. Malamang hihirap na naman mag-MRT ngayon. Dahil damay sigurado ang MRT sa paghihigpit sa seguridad na tatagal lang ng ilang buwan.

9. Nasa work daw si kuya nung dalawin ni ate sa kanyang pamamasyal sa SM. Isa siyang sales clerk dito. Dapat sa Trinoma na lang siya nagwork kasi may metal detector doon. Buhay pa sana siya ngayon.

10. Para dun kay manong guard, bilib ako sa tapang mo at kawawa naman ikaw at ang pamilya mo. May kasabihan tayo, “Huwag makialam sa away mag-asawa”. Siguro nga lang time mo na talaga so rest in peace.

11. Huwag bumili ng mumurahing gamit (lalo na kung ito ay baril). Nabili daw ng suspect sa Bulacan yung caliber .38 na baril na ginamit niya sa halagang P4,000. Kaya hindi nakakapagtatakang nakailang kalabit na siya, hindi pa rin siya nakakatawid sa kabilang buhay. Kaya sa huling kalabit, imbes na siya e si manong guard ang na-chorva.

12. Natawa ako sa comment ng isang user doon sa artikulo tungkol sa balitang ito. Sabeh: “Mga misis alam niyo na kung saan kayo bibili ng murang baril, sa Sta. Rita, Bulacan”.

Sa Ibang Balita

Isang 20 taong gulang na lalaki, tumalon sa Edsa-Ayala Overpass. Nakita sa kanyang bulsa: pocket book at marijuana. Ano kaya ang pocket book na ito: Drama?

Basahin dito.

Advertisements

19 thoughts on “Nang Mamasyal sa SM si Ate

  1. Doon pa naman ako dumadaan sa pinangyarihan ng nagbabagang balita mo. Buti na lang hindi ako umuwi sa Quezon City noong Miyerkules hehehhehe. Sa ibang balita, ang pamagat nung pocketbook ay How to Commit Suicide Successfully (And Be In The Headlines!) 😀

  2. At para po sa mga nagbabagang chismis, este balita, magbasa po sa site ni cheese.

    LOL.

    IKaw talaga. nalerkey naman ako sa balitang hinatid mo dito. at talagang nilagay mo ang picture nina ate at kuya dito. hehe.

    bakit naman kasi may asawa na, lingon pa nang lingon sa iba. ayan tuloy. 😦

    • kung may offense yun paglalagay ko ng pic, unang me kasalanan ang ABS-CBN hehe. may video pa nga dun e. lolx.

      isa lang itong patunay na ang ‘crime of passion’ can happen to anyone. mapamayaman o mapamahirap, basta sumobra sa pagmamahal… BANG!

  3. Isa na namang crime of passion. Tama ka wag magmahal ng sobra, dapat mas mataas ang antas na pagmamahal ang ibigay natin sa ating mga sarili. Ikaw ba JC reformed ka na ba? awww dyok lang po iyon hano ba!! LOL

  4. yung tumalon sa EDSA na lalaki, yun naman yung lalaking lihim na umiibig kay Ate. kung nasabi lang sana niya kay Ate ang nararamdaman niya. Huli na ang lahat dahil bartolina de munti na si Ate.

    At ako na ang gumawa ng chismis mula sa totoong balita hahaha!

  5. at binasa ko talaga ‘yung mga links sa abs-cbn website. lol! pag pumapasok ako ng mall, natatawa na lang ako sa ginagawang security check kuno ng mga gwardya sa peeps. ni hindi nga tinitingnan ‘yung loob ng bag eh; ginagawa lang pangkamot sa likod ‘yung hawak-hawak na magic harry potter wand. pero tama ka ser na pagkatapos nito, paniguradong maghihigpit ng ilang linggo ‘yung mga kupal na guard tapos babalik ule sa dating katamaran. parang ‘yung nangyaring nakawan lang sa rolex store ata ‘yun sa greenbelt.

  6. hmm magkasunod nga tong insidente sa SM.. nakakalungkot. pareho ding umikot sa P-A-G-I-B-I-G at pagseselos.

    ano ba masasabi ko? masakit naman talaga pagtaksilan. maisip ko nga lang sobrang galit na ako lalo’t naging mabuti kang asawa. pero siguro madami naman paraan para komprontahin ang problema. at hindi naman matatapos yun inalis mo na sa mundo ang may sanhi nito. nakakalungkot lang kasi parang kulang sa taong makakausap ung mga taong gumawa nito… may nagawa pa sanang paraan para hindi humantong sa ganito.. 😦

  7. Pingback: The Thing I Dislike The Most About The Philippines « Say Cheese!

  8. Pingback: Shoe Mart Strike Three | Say Cheese!

  9. Pingback: There is No Place Like Home | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s