Life and Family

Accepting Defeat

Typhoon Ramon. Metro Manila: Signal No. 1.

Walang malakas na hangin katulad ng mga nakaraang bagyo. Wala lang tigil ang malakas na ulan simula pa kaninang hapon. Malamang ma-trapik niyan ngayon gabi. Basa na ang dulo ng pantalon ko na hindi ko maalala ang tawag pero alam ko merong tagalog na salitang na naitakda para rito. Hindi ko kasi naisipang itupi na parang magsasaka katulad ng mamang nakasalubong ko kanina. Hindi man ganon kalakas ang patak ng ulan e tumatagos ng kaunti sa payong kong automatic. Automatic dahil isang pindot bubukas at isang pindot sasara. Tumatagos dala ng bahagyang kalumaan.

Fast Forward.

Fifteen minutes to go. Kakababa ko lang ng MRT. Kaya pa ‘to. Dahil male-late na, cab na lang ang option. Sumakay agad ako sa elevator sa Buendia station ng MRT. Ito ang elevator na parang hindi umaandar kasi hindi mo mararamdaman kung umaakyat ba talaga sa bagal. Pero dito pa din ako kesa sa isang hagdan at isang escalator.

Thirteen minutes to go. Nag-aabang na ako ng cab. Kaya pa ‘to. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Sinilip ko ang daan kung saan paroroon sana ang taksing sasakyan ko. Ilang metro na lang kung saan ako nakatayo ay ang dulo na ng trapiko. Hindi na ako nag-taxi. Lumakad na lang papuntang EDSA para mag-bus o kaya mag-FX alin man ang mauna.

Eight minutes to go. Hindi na kaya ‘to. Gagamitin ko na lang ang ochenta pesos na ipangta-taksi sana na pambili ng gatas na ilalagay sa Kellogg’s Frosted Flakes na baon ko.

Time in: 21:22:22

Advertisements

4 thoughts on “Accepting Defeat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s