Life and Family / Personal Musings

Laruan ng Puso

Laruang sa aki’y ipinahiram
Ng Dios na tanging nakakaalam
Daan ay mapanganib at madilim
Akala mo’y mag-isang tatahakin

Isang sandali ako’y nag-iisa
Laruang magara’y aking nakita
Dagliang pinulot upang angkinin
Upang itago ang pangungulila

Lumang larua’y nagdulot ng sakit
Ang paglimot na hindi sumasapit
Larua’y tanging naging kaibigan
Sa’n man maparoon ay laging tangan

Poot na nananahan sa katawan
Iwinaksi ng mumunting laruan
Hinaplos ang mga matang namumugto
Inakay ang napapagal na puso

Luha ay unti-unting natutuyo
Sa bawat sandali ika’y kalaro
Gabing masalimuot at malamig
Naging impyerno sa hatid mong init

Laruang nariyan kung kailangan
Handang makiramay sa mga parusang
Walang humpay sa ating may mga buhay
Sinusuong hawak’y pag-asang munti

Laruan na nakita ang halaga
Pangangalagaan at mamahalin
Sapagkat ito lamang’y nag-iisa
Hindi ipapaagaw sino man s’ya

Ngunit ang larua’y di na iisa
Dahil sa init na hindi mapawi
Dating laruan ngayon ay tatlo na
Pag-ibig ay lalong bumusilak pa

Laruang sa aki’y ipinahiram
Ng Dios na tanging nakakaalam
Habangbuhay na pangagalagaan
Ang puso’y masisilbing tahanan

==========================================================

Ang tulang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 3

Advertisements

5 thoughts on “Laruan ng Puso

  1. Pingback: Why I Didn’t Englishing | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s