Life and Family / Personal Musings

Secrets of a Happy Marriage

Six years and three months na pala kaming magkasama ni Jho. Nagsimula sa gaguhan na naging seryosohan. Parang kailan lang pero ang pinaka-realization na matagal na kame e yung paglaki nung dalawang bata. Kapag nakakalimutan namin kung kelan kami naging, madalas ang computation ay parang Algebra. Algebra where X is Asher’s birthday.

Sa tagal na iyon, karamihan alam ko na kung ano ang gusto at ayaw niya. Kabisado ko na ang mga kurbada at highway ng katawan niya. Alam ko na rin ang amoy ng hininga niya habang natutulog pati na rin yung hininga na lumalabas sa ilong. Alam na alam ko na rin yung amoy ng kili-kili niya may deodorant man o wala.

So ano ang point? Basahin lang yung title tapos basahin yung nasa baba.

1. Love each other. Naniniwala ako na isa sa dahilan ng pagkasira ng isang magandang relasyon ay yung mismong dahilan ng relasyon. Magulo ba? Kunyari, pinakasalan mo yung tao dahil mayaman, o kaya naman maganda at sexy, pinambayad ng utang, nabuntis ng hindi inaasahan, shotgun wedding, gusto mo ng foreign citizenship at marami pang ibang dahilan. Alam naten meron din naman nagwo-work na relasyon sa mga ganitong eksena pero mas madalas yung hindi. Siguraduhing mahal mo ang taong pakakasalan mo. Ito rin kasi ang magbibigay ng dahilan para isakatuparan mo ang pagiging happy ng marriage ninyo.

2. Meron daw bagay na mas importante kesa sa Love. Ito ay tinatawag na Time. Useless ang pagsasama kung hindi naman kayo nagsasama. It is not bounded by physically being together. Kailangan lang bigyan ninyo ng oras ang isa’t isa. Hindi porket mag-asawa na e, hindi na entitled sa dating. Watch a movie (at tulugan).  Dine out. Mag-videoke. Mag-badminton. Mag-DotA. Mag-Skydiving o scuba diving.Mag-so clean, so good.

3. Talk. Kapag sinabi kasing communication, madalas ang conception e pag-uusapan yung mga issue o kaya kapag may problema. Hindi naman dapat ganun lang kaya pinili ko ang salitang ‘talk’. Try to talk just about everything. Parang status updates lang. Parang ganito sa baba:

4. Speaking of communication, huwag maniwala sa kasabihang “dapat i-resolve ang problema bago matulog sa gabi”. Lahat ng tao ay iba-iba. Unique kumbaga. Ganun din kayong mag-asawa. Kunyari bibili kayo ng kotse. Ang gusto mo Pink. Ang gusto naman niya Fuschia. Walang nagpapatalo dahil buong buhay ninyo yoon na ang favorite colors ninyo. Kahit ano pang gawin natin, may mga bagay na magkaiba ang magka-partner. At buong buhay na hindi ma-reresolve yun kahit ilang tulog pa. So anong dapat gawin? Compromise. Kosteng kalahati Pink tapos kahalati Fuschia.

5. It is not always about you two. Payagan mag-spend ang isa’t isa sa kani-kaniyang mga kaibigan. Magsawa naman kayo sa isa’t isa. This rule applies to mag-jowa din. Pwede rin makipag-bonding ka sa mga friends niya, vice versa. The world is not an island, it is a world.

6. You are not just husbands and wife, you are also lovers and you are also (best)friends. And Jho is also my game playmate. Lol. It is a good thing kung ang naging foundation ng inyong relationship e yung pagiging magkaibigan ninyo sa simula pa lang. Kung hindi naman (kunyari one night stand lang kayo nagsimula), try to find a friend in each other. Alam mo naman siguro kung ano yung kaibigan unless lumaki kang walang best friend. May kilala akong ganun hehe. Kung hindi mo pa na-gets, untog mo ulo mo sa semento.

7. Have sex. It is your privilege. Yan yung ultimatum nung wedding ceremonies. Sulitin ang ginastos sa kasal. At dahil nagmamadali ako kanina sa pagpasok kaya ngayon ko lang madadagdagan ang post na ito. Bilang utos sa atin ni Lord, “humayo kayo at magpakadami”. Ayun at meron na tuloy tayong problema sa populasyon. Pero ibang usapan yun. Ito lang naman yung bagay na ‘could’ at ‘should’ na activity ng mag-asawa so take advantage.

8. Seek guidance. Pwede rin namang ito yung mga marriage counselor o kaya naman guidance counselor. Pero may malakas at mabisang guidance pa kesa sa kanila at eto yung galing kay Lord. Kapag dumadaan sa bridge over troubled waters e tumawag lang sa hotline ni Lord. Gawing pundasyon ng pagsasama bukod sa pag-ibig ang pananampalataya sa Dios. Kapag meron kayo nito, wala kayong talo.

BONUS STAGE: What is the best thing to wear on a safe sex?

Answer: Wedding 'Rings'. Hindi lang yung isa yung meron. Pambababae yun.

Kayo anong sikreto ninyo?

Advertisements

13 thoughts on “Secrets of a Happy Marriage

  1. Me and the significant female in my life just celebrated our 5 years together a few weeks back. Wala pa kaming progeny (by choice). I’m gonna marry her, next year. Wish me luck. 🙂

    • actually hindi pa rin naman talaga kami married. dami pa kasing complications. what is important i guess right now is yung relationship namin (at ninyo) sa isa’t isa.

  2. Natuwa talaga ako dito sa post mong to, cheese, and doubly so because this came from the point-of-view of a man. Bravo and cheers to your more than six years of togetherness!

    lahat ng sinabi mo sa taas, agree ako 🙂 tama rin lalo yung wag maniwala sa kasabihang you have to resolve everything before you sleep kasi may ibang mga bagay na kelangan pagdaanan kahit a few days. it’s also so both of you will be able to process things individually, and then together, after, para din yung reconciliation ay alam mong tamang tama at hindi pinilt lang.

    and it’s really important for you to be friends so you can both be honest with each other.

    natawa ako sa so clean, so good na yan. ahahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s