Health and Fitness / Life and Family / Personal Musings

Spookiness Night Ever

Di pa man sumasapit ang Halloween naranasan ko ng matakot di dahil sa mga multo o anu man kababalaghan,dinaig pa ang mga movies na horror.

Thursday, 10-27-2011

Kumpleto tayo nasa bahay normal na normal ang lahat,ginagawa natin ang mga bagay na nakasanayan natin.Ilan beses ka pang tinanong ng mga bata kung papasok ka,at nagdecide kang wag pumasok para makaalis tayo ng maaga kinabukasan.Maayos ang takbo ng lahat naalimpungatan pa nga ako ng madaling araw naglalaptop ka pa rin then siguro ilan oras pa lumipas tumabi ka na sa amin ng mga bata.Ilan minuto pa lang ang nakakalipas naramdaman kong nanginginig ka sabi ko pa “hon,bakit?” di ka sumagot bagkus isang ungol galing sayo lang ang narinig (di ko alam kung tama yun term ko pero yun ang narinig ko kanya).Tumitindi ang kabang nararamdaman ko dali-dali akong bumangon para buksan ang ilaw,pag balik ko nawala sa huwisyo o katinuan ang isip ko,dahil ang tumabad sa aking mga mata ang katawan mong naninigas at ang mata mo natingin lang sa taas halos puti na lang.Bumangon ang mga bata at panay tanong “mommy,anong nangyayari kay daddy?” sinabihan ko silang lumabas muna at umupo,Agad-agad akong nag-message kay jig na tumawag dahil emergency.Tinatawag kita sa pangalan mo nagbabakasakaling maging ok ka pero parang walang epekto,ang kalmang nararamdaman ko unti-unting napalitan ng sobrang takot,umiiyak na ko di alam ang gagawin dahil first time lang mangyari sayo ito.Napadasal na lang ako ng taimtim na huwag kang pabayaan na kahit ano gagawin ko gumaling ka lang umayos lang ulet ang pakiramdam mo lahat isusuko sa inyo lord.After 20 mins. unti-unti kang kumalma pero di ka gumigising kahit anong yugyog ko sayo walang effect tinignan ko kung humihinga ka pa,para kang tulog.Time check 4:30am di na ko nakatiis tinulak kita ng malakas dun ka lang nagising at ang bungad mo skin “bakit?bat ka umiiyak?”.“Alam mo ba mamamatay na ko sa takot halos lumabas na ang puso ko sa kaba di ko alam kung anong nangyayari sayo”.Nagpasalamat ako dumating ang parents mo para tulungan ako..

Tinanong kita kung anong nararamdaman m0? anong masaket sayo? ok ka na ba? dalhin na kita sa hospital para macheck ka kung bat ka nagkaganon.Ang sabi mo lang para kang nanghihina,medyo nahihilo.Exactly 6am on the way tayo sa Bernardino hospital dumertcho tayo sa er dahil for sure wala pang ibang doctor na pwedeng tumingin sayo.At ang sabi ni doc  possible na yun nangyari sa husband mo ay”convulsive seizures“……. and  i suggest na maadmit sya para maobserbahan sya at mag under go sa  mga test.Pinalabas tayo ng doctor para mapag-usapn ang mga bagay-bagay nag-aalangan ka pa nun mga oras na yun pero ako mas gusto na kitang manatili na lang ilang araw sa ospital.Pinapunta ako ni doc sa admitting office pero iilang minuto pa lang ako nag-aantay sinabi na nila agad na walang available na kwarto,Kabilin-bilinana ni Doc na wag uuwi ng bahay humanap na lang muna tayo ng ibang ospital dahila wala tayong idea san accredited ang card mo napauwi tayo para icheck saan may malapit na hospital and para makakuha na din ng mga damit.Nagdecide tayo na sa FEU na lang para malapit natawa ako dahil nagtanong tayo sa information at ang sabi sa akin na ang available room lang yun suite na worth P4,200 aday.Then nun sinabi kong may card kami pinapunta ako sa hmo para maswipe daw at malaman kung anong covered na room ang pwede sa atin ang lumabas sa kakarampot na papel  ay isang “semi-private room”nakakaloka instant nagkaroon ng available room hay..negosyo nga naman.Habang si Jc nasa er kasabay ang ibang pasyente tulad ng isang na-gunshot at ang katabi nya na mareklamo nakakairita umusog lang konti si jc eh panay ang sabing “ma,pakiurong nga yun kama ko kasi nagagalaw ako” Ayos ikaw na,ikaw na ikaw na ang maarte samantalang napaka-ingay at ang dami mong reklamo.Before tayo nakapunta ng room mo ang daming test na ang ginawa sayo x-ray,di ko na maalala yun iba,exactly 10am saka pa lang tayo hinatid sa magiging kwarto mo gutom na gutom na tayo pareho at puyat pa.Pero ok lang sa akin basta matignan ka ng doctor after ilang hours may pumasok na 2 Doctor parehong babae mukhang eto yun neurologist mo.Maraming tinanong yun ibang history regarding nun pagkabata mo kung naumpog etc. medyo di ko alam.Bigla tuloy ako nagworry kay joy dahila ilan beses naumpog and hinampas pa ng libro sa ulo ng classmate hay,lord wag naman po sana Yun daw kasi ang nagiging dahilan ng seizure.After ng ilang minutong pagkuha ng mga information tungkol sa nangyari sayo  (pangalan ng doctor nya di ko maalala dahil sa gutom at pagod hahaha.) ibinilin ni dra. na di ka pwedeng kumain or uminom ng tubig dahil magpapa-M.R.I ka.Dahil dun  natulog na lang tayo pagdating ng lunch yun na lang nilantakan ko dahil ayaw kitang iwan.

Friday, 10-28-2011

Nagdecide tayo  na umuwi muna ako kapalitan ko si nanay,ang bilin mo panga sa akin dahila ang itouch at laptop mo lagyan ko ng naruto para di tayo naboboring.Pagkauwi ko nagpahinga lang at nagpaload sa kapitbahay nag-Fb saglet tapos prepare mode na.Dahil windang at ngarag ako at kulang sa tulog di man lang naisip na ilagay na lang sa loob ng laptop bag yun wallet kesa sa gilid lang.Kinausap pa ko ng kapit bahay ko na ilabas n lang yun basura namin at sya na lang ang magtatapon kinabukasan.After nun umalis na ko ng bahay habang naglalakad at sa dami ng dala ko di ko na pansin na de-zipper pala yun pinaglagyan ng wallet ko,Potah!nasa jeep ako para kong binuhusan ng malamig na tubig at napababa ako ng jeep at sumakay ulet pabalik.Di ko na alintana ang init ng araw at nagdadasal na sana wala pang nakakapulot ng wallet ko.Diyos ko bat yun pa ang nahulog di na lang yun cp,sobrang naiyak na ko lahat ng makasalubong ko tinanong ko kung may wallet silang nakita.Sa kasawiang-palad 2 oras akong nagpabalik-balik sa dinaanan ko baka may mabait na taong magbabalik pa,wala negative laman ng wallet id’s ni jc atm card at credit card plus P5000.Depressed mode na naman ako pati si kapit bahay kinatok ko baka nahulog sa pinto nila pero wala daw,umiiyak na ko pilit nya kong inaalo.Iniisip ko na lang na sana yun nakapulot nun wallet ko ay malaki ang naitulong nun sa kanila,marami nagsasabi na malabo ng maibalik yun wallet dahil sa hirap daw ng buhay ngayon iilan na lang ang honest sa mundo at pagkakaabalahan pa ba nila hanapin yun may-ari.At sabi nga ni jc kung katulad nya ang nakapulot ibabalik pa rin nya yun wallet walang labis walang kulang o kaya sabi ng kapatid nya baka sa loob ng bahay nahulog (magdilang anghel ka sana).

Saturday,10-19-11

EEG (electroencephalogram)–  is a test to detect problems in the electrical activity of the brain.Iyan ang test na gagawin sayo ngayong umaga ilan beses tayong pinaalalahan ng mga nurse na kailangan ishampoo ang ulo mo para dumikit daw yun whatever (nakalimutan ko na yun term).10 am ka naisalang natuwa ako kasi yun nag aasist dun ay isa ko palang kamag-aral nun elementarya pa ang natatandaan ko lang ang pangalan nya “maritess” pero yun apelyido di ko na maalala.Pinapasok nila ko para makita yung procedure nun test pero bawal daw ang maingay.Dumating din yun Doctor ni jc  pero di din kami masyado nakapag-usap dahil may mga tinitignan,sana after nito makalabas ka na.Ilan minuto din tinagal mo sa loob lumabas ako para bayaran yun EEG,tinanong ko din yun nurse kung madidischarge na tayo pero sabi nya intayin natin yun order ni Dra.Ilan oras pa tayo nag-antay before tayo makalabas atat ka na din umuwi dahil nabobored ka na at magpapalevel ka ulet ng Dragon Nest.Ilan beses ako nagpabalik-balik sa Billing kung mag-babayad na ba ang sabi sa akin iniintay na lang yun Philhealth mo,sabi ko naman “paano yun miss,wala yun doctor na magfifill-up nito?”.Billing “Punta ka sa kabilang window ask mo kung sino pwede magfill-up nyan”.Pumunta ako sa kabilang nagtanong-tanong makailan beses sumakay ng elevator,tapos baba ulet.Dahil nahihilo na ko sa kaka-elevator naghagdanan na lang ako (ilan calories kaya naburn ko).At long last natapos din bayaran mode na yehey! makakauwi na tayo.May niresetang gamot for two months next check Nov.5,2011.

Advertisements

4 thoughts on “Spookiness Night Ever

  1. Pingback: Double Post « Say Cheese!

  2. Pingback: Seizure and Me « S A Y C H E E S E !

  3. Pingback: It Happened Again | Say Cheese!

  4. Pingback: di lahat ng kinikilig, inlove. minsan, nag seseizure lang. | steadythursday

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s