Life and Family / Personal Musings

Double Post

Noong Friday, November 28; nawala yung wallet ni Jho. Sa mga magrereklamo sa mga typo ng post niya, bawal kasi eedit pa daw niya yan. Lol.

Damage Details

Php 5,000 na sweldo ko sa isang buwan

Social Security Systems ID na ilang buwan bago makuha

Voter’s ID na hindi naman ata required sa pagboto

Intellicare HMO Card na buti na lang nagamit muna bago nawala

RCBC Credit Card ni Jho na hindi rin magagamit dahil nasa limit na

BPI ATM Card na pinaghuhulugan ng sweldo ko sa MISNet

BPI ATM Card na pinaopen sa amin ni Mama Alice para deposituhan monthly

Liz Claiborne Wallet na may hawak ng lahat ng nasa taas

Reflections

Hindi pa rin bumabalik yung wallet namin. Walang nagtangkang magsoli. Pinagdasal namin na kahit sana yung wallet at mga IDs ang bumalik pero wala. Kahit sa kanya na yung pera at magsinungaling na lang siya na nung makita niya yung wallet e wala ng pera. Sabi nila Jho, isipin na lang namin na mas nangangailangan yung nakakakuha nung wallet. Sabi ko naman, hindi rin. Kahit ano pa ang means ng isang tao para gumawa ng masama, masama pa din ang gumawa ng masama. Gets? Kahit mabuti ang intensyon ng pumatay kay Ram Revilla, masama pa din pumatay ng tao. Kung tatanungin ako about Death Penalty, 60% Pro ako. Contradicting diba?

Kaya dun sa nakakuha ng wallet namin, may karma po kuya.

Usapang Cheesy

Last Friday afternoon, nagpunta kami sa Trinoma para kuning ang replacement ATM cards ko sa BPI. Eto yung usapan na nabuo sa foot bridge sa pagitan ng SM North at Trinoma.

choco: Hon, gusto mo bilhan kita ng bagong wallet?

cheese: Huwag na, hindi ko naman kailangan. Maganda nga wallet mo, wala naman laman. Ok na yung wallet ko, kahit panget marami namang laman.

choco: Akala ko sasabihin mo, kahit panget at least hindi naman nawawala.

(Tawa)

choco: Parang gusto mo ng sabihin sa akin nun, sana ikaw na lang yung nawala kesa yung wallet.

cheese: Yung wallet ok lang kasi pwedeng palitan. Yung Jonalyn kapag nawala, hindi na ako makakahanap ng ibang Jonalyn.

(Tawa ulit)

Advertisements

11 thoughts on “Double Post

  1. nanakawan na rin ako. sa loob pa ng supermarket at talagang kinuha mula sa loob ng bag ko. at oo, liz claiborne din ang wallet ko. haha.

    nakakapanlambot din yun kasi tatlong credit cards at dalawang ATMs ang mabilisan kong itinawag sa mga telepono at kasama rin nawala ng wallet na yun ang SSS ID na di ko pa rin napapalitan hanggang ngayon, resibo ng drivers license at ang comelec ID ko. for a while tuliro at tulala talaga ako. pero hanggang may buhay ata sa mundo, hindi rin mawawalan ng mga salbaheng magnanakaw. at oo, hindi naman dahilan yung kawalan o kakulangan para mandugas sila ng wallet nang may wallet. haha. ayan napahimutok na naman ako.

    sana di na kayo ulit mawalan. sana mawala na ang mga mandurukot sa mundo at lamunin na sila nang tuluyan ng earth. hihi!

    at sana di mo na bigyan ng nakakatakot na mga episodes si chocolate cake. stay healthy, cheese!

    • pray na lang para dun sa nakakakuha ng wallet ko pasalamat na lang ako di yun wallet na bigay ni jc ang gamit ko that time.maganda siguro maglagay ng mouse trap sa loob ng bag or ahas ng madala ang malilikot na kamay hahaha.
      sana wag na talagang maulet halos lahat ng dasal na nagawa ko noon time na yun.

  2. waahh yan ang nakakainis pag nawawalan ng wallet o bag. ok lang kung pera kikitain naman.. pero yung mga IDs at cards, super hassle talaga.. even yung phone.. kasi andun ung contacts mo pati mga photos, mga text messages na vinavalue mo.. in short, yung attachments mo sa mga bagay na to na sa isang idlap lang kukunin sayo ng hindi ka handa… hay.. mga walang puso talaga.. ingat na lang tayo lagi..

    mag-SEIKO wallet na nga lang talaga.. hehe

    • korek hindi talaga handa kaya windang na windang ako kakahanap halos nagiging paranoid na ako lahat ng makasalubong ko pinaghihinalaan ko na baka sila ang nakakuha.ayaw ko na din maglagay ng malalaking halaga sa wallet or si jc na lang hahawak.may seiko wallet bang pambabae?

      ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s