Health and Fitness / Status Updates

Seizure and Me

DISCLAIMER: I am sharing these information below to make an awareness about the sickness I am going through. For we don’t know though we hope not, it might happen to you or a person close to you. It is better to have the necessary idea of what is this illness. Information is power.

The first part would be general information about seizure. The next would be about my personal take on the illness. The last part would be seizure’s first aid.

GIF Image from Google

General Information

Kung tutuusin pwede naman ako mag-copy-paste ng definition ng seizures sa internet para ilagay dito. Pero mas maganda siguro in my own words ko na lang sasabihin para mas maintindihan ninyo. Pardon na lang kung magkakaron man ng inconsistencies or error sa pagkakadescribe ko. Masasabing parehas lang halos ang Epilepsy at seizure. Ito yung involuntary pagnginig ng isang tao. Kasabay nito ang pagtirik ng mata at pagbula ng bibig. Kung nakakita ka na ng sinasaniban ng espirito, parang ganun. Pwedeng mangyari kahit nasaan ka pa, yung iba tutumba na lang at biglang parang naku-kuryente. Ang pagkakaiba lang ng Epilepsy at seizure, e yung Epilepsy ay isang sakit na nagko-cause ng seizure. Pero pwede magkaroon ng seizure ang isang taong wala namang Epilepsy. Madalas daw lumabas ito sa mga taong edad 20 pababa at 80 pataas.

Maraming pwedeng dahilan ng seizure. Katulad ng nabanggit sa taas, Epilepsy, abnormalities during birth, head injuries or trauma, at iba pa. Meron din tayong tinatawag na triggers. Ito naman yung ‘on switch’ ng seizure mo. Kaya maaari e iwasan ang mga ito kahit pa umiinom ka na ng gamot. Ito yung puyat, stress, lipas gutom, pag-inom at iba pa. Meron din daw nagkakaroon ng seizure kung nagbabasa, nireregla, or nakakaamoy ng something. Case to case din kumbaga.

Hindi rin lahat ng nagngingisay e may seizure. Meron din daw kasing mga kaso na yung pasyente e napagod or something kaya nagkakaganun. Baka sinapian lang o kaya katatapos lang manood ng porn. Joke. Kaya kung ang atake e lalampas ng limang minuto, dalhin na siya sa ospital para malaman ang dahilan.

Para sa dagdag na kaalaman, puntahan lang ang last part ng post na ito.

Restraining a patient who is having a seizure might cause more problems.

My Seizure

On the wee hours of Wednesday, October 26, 2011; this is how Jho accounts what happened to me.

Natutulog tayo tapos nakayakap ka sa akin. Tapos bigla kang nanginig. 3:30 ng madaling araw yun. Akala ko nilalamig ka lang sa aircon. Naka-idlip pa nga ako ulit. Pero hindi tumitigil at lumakas pa yung pagse-shake ng katawan mo. Habang nanginginig ka, umuungol ka. Nakatirik din yung mga mata mo. Nagising na din yung mga bata, natatakot. Sinubukan kong pigilan yung pagnginig mo. Pinatihaya kita sa higaan. Naderecho yung mga kamay mo pero nanginginig pa din. Tapos noon bumubula na yung bibig mo. Pinatagilid kita kaya tumapon yung laway sa bibig mo hanggang sa leeg. Pinunasan kita at hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko si Jig para papuntahin sila Nanay sa aten kasi hindi naman kita kaya. Natakot na lang ako at naiyak. May dugo pa sa unan. Yun pala galing sa hikaw mo sa tenga kaya dumugo noong nag-shake ka. 3:45 na noong tumigil yung pag-shake mo tumahimik ka tapos bigla ka na humilik. 4:00 am ng sinubukan kong gisingin ka tapos sumagot ka lang na “nag-seizure ako” tapos bumalik ka ulit sa pagtulog. 4:30 am ng talagang itinulak na kita para gumising. Sinabi mo lang na, “Bakit ka ba umiiyak? Ano bang nangyari?”

Other succeeding events are written here.

The Checkup

Saturday; November 5, 2011 ang naging trip ko for check-up kay Dra. Grace Ang – de Guzman, ang aking neurologist.

Note: My symptoms and triggers my not be the same as another patient. So treatments and methods may not be true for others.

Ano po yung resulta ng MRI ko?

May nakitang “dent” sa isang part ng utak mo. Yung ang nagko-cause ng seizures mo. Hindi lang naten ma-pinpoint kung saan nanggaling yung dent. Posibleng noong bata ka, nadisgrasya ka or something kaya nagkaganun.

Hanggang kailan po yung pag-inom ng gamot ko?

Gawin na nating twice a day ang pag-inom mo ng Trileptal. After two years na as in kahit isang attack e hindi nangyari ang seizure, pwede nating ibalik ulit sa once a day yung gamot mo. Normally dapat five years. Then after more years gradually pwede natin bawasan yung dose. Pero for life mo na siya ite-take.

Safe naman yan sa kidney at sa lahat ng gamot yan yung pinakakakaunti ang side effects.

Note: Ito yung sabi ng Wikipedia na side effects nung gamot. Ang usual lang na napi-feel kong side effects e diarrhea at constipation. Minsan din pero di prominent e headaches na mild lang.

Posible po ba magka-seizure ako na awake ako?

Usually para sa mga patients na nagsi-seizure ng awake, awake lang talaga inaatake. Kapag asleep, asleep lang. Pero may few cases na both pwede.

Fatal po ba ang seizures?

Ang totoo mas fatal pa siya sa mga nakakakita ng mga nagsi-seizure. Pwedeng magpanic at ma-high blood o ma-heart attack yung tao kapag hindi alam ang gagawin. Hindi naman life-threatening ang seizures basta alam ninyo yung gagawin.

Kung hindi po fatal ang seizures, bakit kailangan i-rush sa hospital kapag more than five minutes ang attack?

During the seizures kasi, tumitigil ang paghinga nung pasyente. So kailangan ng emergency attention kapag nagkaganun.

Gaano po ba ang ratio ng nagkakaroon ng ganitong sakit?

Diba I.T. ka naman? Tignan mo na lang sa internet.

Pwede po ba akong mag-nightshift?

Ok lang naman. Ang dapat mong iwasan e yung magpuyat. Kahit pang-gabi ka, at least six hours dapat yung tulog mo.

Sa nature po kasi ng work ko, may times na nadedeploy ako sa ibang bansa. Pwede po ba akong mag-travel?

Pwede naman basta magstock up ka ng gamot. Kumuha ka rin ng travel permit sa akin para dito. Dapat i-inform mo din yung kasama mo about sa sakit mo.

Pwede po ba akong uminom?

Hindi. Specially wines at hard drinks. Kung may okasyon at kailangan makisama, pwede na isang bote ng beer. Punuin mo na lang ng yelo para tumagal. At least masasasabi mo na nakisama ka.

Note: Ito yung part ng usapan namin ni doktora na gusto ko nang umiyak.

Pwede po ba mag-workout?

Sa bahay oo. Simple exercises or routines lang. Pero sa gym kahit next year na lang. Kapag nagbubuhat kasi ng mabigat pwedeng bumaba yung sugar mo at pwede yung maging trigger ng seizures.

PS: Nakalimutan kong itanong kay Dok kung pwede ba akong uminom ng vitamins at yung tungkol sa epekto ng Oxcarbapezine sa fertility. Balak pa naman naming magkaroon ng isa pang minion next year. Sa next check-up ko na lang tatanungin tutal every three months naman ang check-up. Though pwedeng walang check-up kapag wala namang attacks.

Seizure First Aid

1. Huwag mag-panic.
2. Para sa mga patients na matagal nang mayroon nito, usually alam nila kung kelan aatake ang seizure nila. They will feel it.
3. Ilayo ang mga bagay na pwedeng makadisgrasya sa biktima o sa mga tao sa paligid niya. Ito ay yung mga matutulis na bagay, mga bagay na pwedeng tumumba at iba pa.
4. Alisin ang mga bagay katulad ng neck tie, neck laces, hikaw(lol) at iba pa na maaaring makasama sa biktima. Maaari kasing masakal dahil dito.
5. Itagilid ang biktima kung bumubula ang bibig nito. Pwede kasing mabulunan ang pasyente habang nagsi-seizure.
6. Hindi totoo na ang paglalagay ng kutsara o kung ano man ay makakapigil sa seizure. Maaari pa itong malunok o makagat at makabasag ng ipin ng biktima.
7. Huwag pipigilan ang pagnginig ng nagsi-seizure. Mas magko-cause lang ito ng injury dun sa tao.
8. Kapag tumagal ang seizure ng higit sa limang minuto, dahlin na agad sa ospital ang pasyente.
9. Dapat alam ng mga tao sa paligid mo ang mga bagay na ito.

More Information

I have gathered some pieces from the internet for those who wants further reading

Epileptic Seizure

Epilepsy

First Unprovoked Seizure by Beverly Wical, M.D. online PDF file.

Advertisements

55 thoughts on “Seizure and Me

  1. ah yon pala yon nakakatakot naman ilang minuto naman ang inaabot paginaatake?

    nakakagat mo ba ngipin mo pag inaatake ka tapos lalagyan ng kutsara para di mo makagat ipin mo?

    salamat sa info Chizkeyk 🙂

    • 15 minutes daw sab ni jho. Pero sabi naman ng doctor malamang mga nasa 5 minutes lang yun kasi may post seizure na symptoms pa. kumbaga tapos na yung actual na seizure pero may shaking pa din.

      isipin mo na lang nagfrostbite ka tapos lalagyan mo ng kutsara, malamang baka mabasag yung ipin mo dahil dun kasi di naman napipigilan yung pagnginig ng bibig mo.

      😀

  2. Ang dami kong nalaman sa post mo na ito kasi kung ako siguro ang makakawitness ng isang tao na nangingisay baka magising na lang siyang wala akong malay at siya pa ang mag takbo sa akin sa hospital kainaman. Sows kaya mong iwasan yang mga bagay na bawal, at least pwede kang uminom ng isang boteng beer, keri na yun, masama ang dupang sa alak boss :)))

    • hahaha lels ka talaga Roland ikaw pa talaga ang unang hihimatayin, pero ako malamang vivideohan ko sya para pagka bumalik na sya sa ulirat mapasmile ka kagad sya makita nya sarili nya habang inaatake sya.

      @ Chiz, sabi mo papainumin mo kami paguwi namin hahaha

  3. Really informative first person POV re: seizures, naalala ko nung HS may classmate kami na may seizure and the boys always make fun of him kasi sa CR ata siya madalas atakihin.

    • sinasabi ko sa mga kids ko, kapag makakakita kayo ng may mga kapansanan, huwag nilang tawanan o kutyain. isipin nila na hindi namam ginusto ng mga taong iyon ang mga sinapit nila.

      😀

    • totoo hindi naman ginusto ng tao na mag karoon sya neto kung ikaw ay inasar sabihin mo na lang kung mag palit kaya tayo ng posisyon ikaw yung may sakit at ako yung mang aasar ano mararamdaman mo

  4. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

    • tama ka. medieval talaga ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Nung napunta ako sa US, ang daming commercial (medicine endorsements) about depression, mental disorders, allergies at kung anu ano pang sakit na feeling mo hindi nag-e-exist sa Pilipinas. Para kasing nakakadiri o hindi ka na tao kapag meron na ng mga ito. ang siste, wala tayong alam (as in mangmang) sa mga sakit na ito.

  5. Yout doctor was right. I think I’d get a seizure too if I saw a loved one having a seizure and at the end of the day, I’d be the one confined in the hospital.
    Thanks for sharing this.

    • Yes, information is power. 😉

      PS: I am sorry I don’t know how your comments ended up in spam. I went there to clear it and saw what is in there wasn’t. lol. I have been seeing you around the blogworld and thanks for dropping by.

  6. whoa… salamat sa info na ito…

    kahapon lang, may nag seizure sa sinakyan kong jeep…nakatingin lang lahat ng pasahero kc wala naman may alam kung anong gagawin…tapos yung driver nag panic na nang bonggang bongga… buti dumating yung mga tanod to the rescue!

  7. Sobra kong naappreciate ang paglantad at pagbahagi mo ng kwento at kondisyon mo.
    Sa Pinas kasi napakaclueless or ignorant ng mga tao kaya sinasabing lahat ng may neurological issues may ‘topak’ agad/lang.
    This is very helpful kasi kahit ako di ko alam ang gagawin dito, di naman sa wala akong pakialam pero di pa ako nakaexperience firsthand ng may ganitong kondisyon. At least ngayon alam ko na ang gagawin, to the rescue na ako pag may inatake ng seizure kahit di ko kilala, hahawiin ko lahat ng usisero’t usisera (‘paper works’/mapapel lang 🙂 )

    Thanks sa info. I hope for your constant wellness and less or no more seizure. Take care!

    • yun din ang reason ko bakit ko pinost ito. kasi kahit kami ignorante until ma-experience ko ito first hand.

      ang kailangan lang siguro tumatak sa atin e: it happens.

  8. Pingback: Day Two: Nine Things About Myself | Say Cheese!

  9. thanks sa info.. Marami dito samen sinasanibAn talagang sanib lang nanginginig ang katawan na tUmitirik ang mata pero hindi bumubula ang bibiG..

  10. Pingback: It Happened Again | Say Cheese!

  11. helo po,tnx s pagpost mo buot seizure, atleast ngayon my idea nku panu erescue asawa ko..nagkaron cya ng seizure last aug.14 lng as in totally ngpanic ako kc akala ko inatake cya ng high blood..pro pag dating namin ng hospital normal ang bp nya sabi ng doctor ngseizure cya…wla akong idea about seizure kc nung tym n un ko lng narinig…sabi dn kc ng doctor bka my brain tumor cya kya cya ngseizure.bukas aug.20 schedule nya ng ctscan..natatakot po ako bka sumpungin cya ulit,pra rin kc akong natruma 1st attact nya..dat tym sigaw ako ng sigaw humingi ng tulong,buti nlng maraming tumulong npuno yong kwarto nmin ng mga tao..kahit cnu rin s knla wlang alam s sakit n seizure

    • salamat naman po at nakatulong sa inyo itong post ko. sana naman walang tumor or something sa ulo ng asawa nyo. yung sa kin naman e caused daw ng head injury na maaaring nangyari nung bata ako.

      keep safe po and i’ll pray for you too.

  12. cheesecake from wer ka po ba? kasi may seizure din po ako isa ako sa nakakaranas ang ganyan at hanggang ngaun sa dami ng gamot na nainom ko hindi pa din nawawala. tnx for that info or sa post mo dito. ang nangyyari kc sa akin like ung sinabi mong may naaamoy na something na hindi ko maipaliwanag bago umatake ang seizure ko. kya minsan nakakapagsabi pa ko kung may katabi ako and ilan seconds ayun na d ko na alam ang mangyayari sa akin. ang gusto ko lang po sana may makausap na may alam sa ganyan like u cheesecake pwede po ba malaman number nyo and i call u pra humingi pa ng ibang advise about sa sakit ko na to pls. tnx ulit ng marami sa inyo dito. nabasa ko tong mga toh at ung iba kasi nga may pagkakahawig sa mga nangyayari daw sa akin about dat.

    • Taga-Quezon City po ako. Ikaw?

      Siguro mas ma-swerte lang yung case ko, kasi sa gabi nangyayari yung sa akin at since two years ago, twice pa lang nangyayari sa akin. Gaano ba kadalas yung nangyayari sa iyo? Hopefully you are ok despite what you are having right now. It really takes courage to come out and tell people about it.

      Let me know.

  13. hi po.may anak po ako 5yr old na po sya ngayon.nakaranas sya ng seizure 4yr old pa sya.at may iniinom syang gamot.sa loob ng 3yrs.mag one yr palang po syang umiinom.ang tanong ko.hindi nba eto babalik or mauulit?kapag nalagpasan nya yong 3yrs na yon?

  14. Pingback: Why I Didn’t Englishing | Say Cheese!

  15. Pingback: Pampagising | Say Cheese!

    • It is best for you to consult a doctor (Neurologist). Bukod sa mga information na nilagay ko po dito, it is more possible na iba yung case ng seizure ng step daughter ninyo. Although maybe the same yung manifestation, baka iba naman yung trigger or cause. Hope this helps.

  16. Pingback: RED ALERT: Heart Attack and Seizure Emergencies | Say Cheese!

  17. Pingback: Bakit Ayaw Na Naming Mag-Migrate Dito Sa Australia | Say Cheese!

  18. Pingback: Box | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s