Food / Health and Fitness

Nang sumakit ang tiyan ni Chocolatecake

Di ko pa mapost yun una kong ginawa kaya eto na lang muna pagtiyagaan nyo basahin.Ilan beses na kong nalilipasan ng gutom siguro dahil ang daming dapat ayusin,pero sanay na akong ganon lalo na kalilipat lang kasi namin.Maraming dapat ayusin kumbaga masaket sa mata pag di pa nakalagay yun mga gamit sa dapat nila kalagyan.Nun isang araw katatapos ko lang  maglinis bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan kong bumili ng merienda kasama ko si Asher lumabas sa may kanto.Dahil wala na akong maisip na kainin naisipan ko na lang bumili ng  6pcs fried siomai at P20 na french fries para sa dalawang bata.Maraming bumibili sa tagal naiinip na yun kasama ko,at kinulet na bilhan ko sya ng gulaman.Nag-antay pa kami ng mga 15 minutes bago nailuto yun order ko.Sa daan pa lang nilantakan ko na agad yun nabili namin habang si asher busy sa pag-inum ng gulaman.Pag dating namin sa bahay sandali akong nagrelax at nanood ng t.v sa tindahan nila nanay,habang si Joysinimulan ng kainin yun french fries at nagsabi pang tirhan ko raw sya ng 2 pcs. na siomai.

Fried Siomai

P20 pesos na French Fries

Gatorade

Ok pa ako nun mga oras na iyun hanggang sa maghapunan na kami kaunti lang kinain ko halos ilan subo nga lang,dahil na rin sa  kapaguran nahiga na ko  sa kwarto medyo nasusuka ako kaya inutusan ko si Joy na bumili ng Yema.Ganon kasi ako kapag nasusuka kendi o kahit na anong matamis lang nawawala na.Pero habang tumatagal umiiba ang pakiramdam ko may kasama ng pananakit ng tiyan pakiramdam ko anytime tatakbo ako para gumamit ng banyo.Bago umalis si Jc binilin nya ko uminom n ng gamot pero dahil matigas ang ulo ko pinatagal ko pa bago ko sundin.Kung bibilangin nakailang balik ako sa cr nasa 7x,sobrang nanghihina na ko tapos nahihilo pagnakahiga nagchichill kahit di naman malamig.Gusto ko ng magpadala sa ospital , kaya nagsend ako ng chat kay Jc bakasakaling makauwi sya dahil pakiramdam ko magcocolapse na ko.Pati rin si Mama na nasa malayong lugar naistorbo ko sa sobrang kaba ko sa nangyayari sa akin.Nagdasal na lang ako na wag akong pabayaaan,di rin nakauwi si Jc kaya no choice kung di mag-antay na lang at uminom ng napakaraming tubig na may halong asin.Dun ko narealize ang kahalagahan ng Apple,Gatorade or ore-sol pati Imodium kaya sa susunod mag iistock na ako incase of emergency.Pag-uwi ni Jc may dala syang malaking Gatorade uminom agad ako na halos maubos ko na kumain konti,kalahating araw akong natulog at nakahiga lang akala ko ok na ako.Isang Araw lang ang dumaan eto na naman ang pag aalbuto ng tiyan ko parang bulkan lang na gusto ng sumabog.Mukhang ayaw talaga ako pakainin ng tiyan ko at di ko makasundo 6x ulet akong nag-cr dahil na rin sa takot na maulet yun nangyari nun isang araw sumabay ako kay Jc palabas ng bahay para bumili ng gamot,Gatorade at Fita para kahit paano magkalaman yun tiyan ko.Pinipilit ako ni mama na magpacheck na baka raw nafood poison ako para lang mawala ang pag-woworry nya.Binilin na uminom ng gamot at ore-sol para di ako madehydrate.Sa ngayon ok na naman ang tiyan ko pero di pa ako kumakain maliban sa Fita,bago umuwi si Jc tumawag dito tinatanong kung anong gusto ko sabi ko naman bilhan nya ko ng saging,wala akong balak kumain ng marami kailangan kong gumaling dahil may lakad ako sa saturday.Lesson learned wag magpapalipas ng gutom.

Advertisements

2 thoughts on “Nang sumakit ang tiyan ni Chocolatecake

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s