Activities and Hobbies / Personal Musings

TT On

Noong mga panahon sa pagitan ng dekada ochenta at nobenta, ay mapanganib ang karamihan sa mga kalsada at mga kanto lalo na tuwing pagkagat ng dilim. Mapanganib dahil na rin sa mga kabi-kabilang mga tambay na miyembro ng iba’t ibang frat. Ang naaalala kong sikat noong time ko ay ang SRB: Samahan ng mga Rumorondang Bakla. Lol. Uso yung pangungursunada lalo na kung dayo ka at hindi kilala sa lugar na iyon. Madalas hindi pera ang habol sa iyo kundi yung pagpapakita ng mga miyembro nito ng tinatawag nilang ‘pride’ at ‘brotherhood’. Gulpi sigurado ang abot mo at minsan naman ay may kasamang gripo sa tagiliran. Hindi pa nakuntento, kaya minsan meron ding mga frat war na kung tawagin. Kung nabuhay ka sa panahong ito, malamang alam mo kung ano yung tinatawag na ‘pillbox’. Kinuwento pa nga sa akin ng isang kaibigan kung paano gumawa nun pero hindi ko naman inapply.

Imaheng napulot sa Google

Sa makabagong panahon naman, ang uso ngayon e yung mga computer games at ng internet. Gayun din ang pagtubo na parang kabute ng mga computer shops. Isa marahil sa mabuting naidulot nga mga ganitong establishments e yung pagkawala ng mga tambay sa labas: kasi nasa loob na sila ng mga computer shop. Imbes na gulo ang habulin nila e mas busy na sila ngayon mag-facebook o kaya mag-network games. Imbes na sa ibang tao mapunta ang atensyon nila, ang mga virtual na mga kaaway na lang ang pinagdidiskitahan nila. Isa itong magandang epekto, pero meron ding masamang epektong unti-unting nabubuo.

Minsan nagpupunta kami sa mga computer shop para makapag-print ng mga kung anu-anong papeles. Yun lang, may kakaibang-aura talaga ang mga computer shop ngayon. Kakaibang aura equals kakaibang ingay. Ako na sanay na sa ganitong environment e naiingayan na. Paano pa yung mga hindi.

Ngayon, ito ang tanong: narinig mo na ba ang salitang ‘Trashtalk’? Ang trashtalk o TT sa maikling baybay ay yung maangas na pagdikdik o pagdurog sa katauhan ng isang tao na kadalasan ay gumagamit ng mga salitang mura.

[All]boyYabang: Hahaha! Kahit sampu pa kayo hindi ninyo ako kaya! Hahaha!
[All]boyYabang: Mga BOBO
[Allies]boyTapang: Gago ka kasi e hindi mo ini-Stun kanina patay dapat yun e.
[Allies]boyKups: Kupal ka pala e nakita mo na ngang cooldown pa yung skills
[All]boyYabang: Mga ulol wag na kayong mag-DotA hindi rin kayo mananalo sa akin!
[All]boyTapang: Tangina mo pala e suntukan na lang tayo!

Ganito yung mga normal na mga trashtalk-an sa mga computer shops. Kahit ano pa mang game yan halos lahat may TT. Mas lumaganap lang kasabay ng popularidad ng larong DotA. Minsan hindi lang sa in-game chat kundi pati na rin sa pamamamagitan ng sigawan sa loob ng mga computer shop. At yun ang sinasabi kong ingay. Minsan hindi lang nagtatapos lang sa ingay. Nauuwi rin sa suntukan.

Ang nakakabahala lang na parte ng istorya na ito, bilang isa ring magulang, makikita mo na mga bata pa lang na natututong maglaro ng kung anu-anong games sa computer ay natututo na rin agad mang-TT. Nagmumurahan. Nag-gagaguhan.

Paalala na lang siguro sa mga mas nakakatandang players especially ng DotA, hindi naman nasusukat ng kagalingan sa laro ang galing sa pagta-trashtalk. More or less seven years na akong nagdo-DotA. Hindi ko masasabing magaling ako (dahil hindi naman talaga) pero nakalaro ko na halos lahat ng uri ng players ng larong ito. At sasabihin ko sa inyo na mas nakakatakot labanan yung mga humble players. Oo nga’t may magagagaling din naman na players na trashtalkers. Pero mas maraming magagagaling na hindi nagsasalita o nagsasabing magaling sila. Lastly, isipin ninyo na lang din na ginagaya kayo ng mga bata.

Advertisements

16 thoughts on “TT On

  1. “hindi naman nasusukat ng kagalingan sa laro ang galing sa pagta-trashtalk”

    great thoughts pards. nakarelate ako. iba na talaga panahon ngayon.

  2. Pingback: Frustrated « Say Cheese!

  3. Pingback: Ang Kayabangan | Say Cheese!

  4. Based from my experience with some of the MMO’s na PvE, pag may new player sa team, and I discovered na Pinoy sya (yea I know I am one), I really have an automatic thought process na magiging toxic na naman ang team. One thing’s for sure, pag hindi trashtalker, may 80% chance na magiging kaibigan mo sya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s