Life and Family / Status Updates

Dear Magnanakaw

I know you will ask something and the answer is last Tuesday morning, November 29, 2011.

Dear Kuya Magnanakaw,

Kamusta naman po kayo. Kamusta naman din po ang business ninyo. Balita ko, dahil na rin sa holdiay season e madalas ang pag-o-OT ninyo sa inyong trabaho. Dahil na rin siguro sa abala ang mga tao para humabol sa pang noche buena kaya kayo rin e todo kayod. Uso pa naman ngayon ang Christmas bonus at 13th month kaya alam kong ganado kayong humati sa swerte ng ibang tao.

Nitong nakararaan lang e nagkita na naman tayo. Yun nga lang hindi kaagad kita nakilala dahil na rin hindi ko agad nalaman ang pakay mo. Nakakailang beses na rin kasing ‘mission failed‘ kayo sa akin. Yun nga lang may casualty palagi: yung bag ko. This time, and for the first time, nagtagumpay na yung mission impossible ninyo sa akin. Siguro nakalaan talaga itong mangyari kasi sobrang ingat ko na dahil na rin sa ilang beses na ito. Ngayon ang casualty ay yung iTouch na binili ko sa Chicago. Hindi ko lang din alam kung ito ba ang ibig sabihin ni Lord ng ‘share your blessings’. Better call it ‘unwilling’ share your blessing.

Honestly, hindi naman ganoon nakakahinayang kuya. Hindi dahil marami akong pera (dahil wala talaga sa maniwala ka at sa hindi), kundi may topak na kasi yung gadget na iyon. Nagkaroon na iyon ng white na line at madalas na nagpi-flicker. Parang kidlat lang. Nabagsak kasi ni Jho ng malakas habang natataranta sa pagtitinda sa tindahan namin. Ang nakakahinayang lang e, malapit ko nang matapos yung Final Fantasy 3 dun sa iTouch na pinagta-tyagaan kong laruin kahit topak na. The app was bought $15.99, na if not the number 1 e nasa top ng most expensive app sa App Store. Baka magalit ka pa sa kin kuya kasi mahihirapan kang ibenta ang nakaw na at sira pang iTouch. Good luck.

Buti na lang e may pampalubag loob. Dahil na rin naman na hindi rin matutupad ang wish kong Playstation 3 dahil P200 lang ang budget ng kris kringle ni PM, kaya nagkaroon ako ng dahilan para bumili nito ng sarili. Nawalan kasi ako ng gagawin, sabi ko kay Jho. Pumayag naman ang supportive kong asawa. Sabi niya, regalo mo na lang sa sarili mo para sa isang taon mong pagtatrabaho.

Balik tayo sa inyo kuya. Wish ko lang e, sana humanap na kayo ng disente at matinong trabaho. Kahit ano pa kasing sabihin ninyo, pinaghirapan din naman namin ang mga nakukuha ninyo sa amin. Tapos kukunin ninyo ng ganun ganun na lang. Get a life. Hindi kahirapan ang tawag diyan kundi katamaran. Kung hindi naman ninyo talaga maiwasan ang pagka-kups ninyo e sana huwag na kayong manakit ng mga customer ninyo. Foul na yun. Hindi kailan man magiging kapalit ng buhay ang isang mamahalin cellphone o perang katumbas ng pawis ng isang buwan. Kaya kung magkaroon ng pagkakataon, malamang hindi ako manghihinayang na mag-first blood sa inyo. Kahit pa nawalan ako ng ganang maging isang serial killer sa pagkasuya ko sa pagbisita sa Ogrish at sa pagkakapanood ng dokumentaryo sa VHS na may titulong ‘Different Ways of Death’ (hindi ko na maalala eksaktong pamagat). Tutal wala din namang awa yung iba sa inyo, dapat lang na hindi kayo kaawaan ng mga biktima ninyo.

Hanggang dito na lang po ang maikling sulat ko sa inyo. Merry Christmas na lang po at Happy New Year.

PS: Regards na lang po sa leader ng association ninyo. Yung may sakit ngayon at sa pagkakaalam ko naka-house arrest. Gusto ko din sana itanong sa kanya na bakit kapag mas malaki ang ninakaw, maganda ang kulungan.

Nagmamahal,
cheesecake

Advertisements

6 thoughts on “Dear Magnanakaw

  1. Pingback: First Post 2012 « S A Y C H E E S E !

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s